Chereads / Mr. Grade 10 / Chapter 18 - chapter 16

Chapter 18 - chapter 16

"Ang bilis mo maglakad." Hingal na sabi ni Monica habang hinahabol ako. Ang iksi kasi ng binti.

Nang marating ang sinasabing bubbletea store ay agad pumasok si Monica.

"Tito Ryan!"

At lumabas ang lalaking mga nasa trenta anyos na kung pagbabasehan sa mukha.

"Siya po yung sinasabi kong gustong mag apply." tinuro ako ni Monica.

Nagusap muna kami tungkol sa mga dapat gawin at hindi dapat gawin ng isang empleyado.

"Eto na yung uniform mo.Magistart ka na ngayon." Sabi ni sir Ryan at umalis na kasama ni Monica.

"Kaya mo yan krizelle.babalik ako mamaya, bye." At umalis na nga sila.

Bali tuwing hapon ng friday,at umaga hanggang hapon naman tuwing sabado.

"Krizelle ikaw na muna dito ah,magla-lunch lang ako saglit." Sabi ni Nikka na isa sa mga katrabaho ko.

Bali nasa tatlo kaming empleyado dito.Si Nikka na isang graduating student, ako at isa ding student worker na hindi ko pa nakikita.

Naghanda na ako kung sakali mang may bumili. I'm not scared but I can't deny the fact that medyo kinakabahan ako.I think it's natural? It's my first time working after all.

Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga customers, it's not that hard. Habang tumatagal at dumadami ang bumibili ay nasasanay at nasasanay ako lalo.

"Isa nga pong-" natigilan ito,ganun din ako.

It's Dulce. At kasama niya si Nathalie na as usual mukha nanamang clown sa kapal ng makeup niya.

"Hi frenny!" Dulce squirmed.

Nginitian ko nalang siya. Nang maibigay ko na ang kailangan nilang order, humanap sila agad ng mauupuan.

Little did she know, nakita ko siya nung umirap siya nung nakatalikod na siya. Thanks sa mga salamin na nandito sa shop.

"Why don't you join us?" She asked.

Oh what a person.

Umiling nalang ako. You're pathetic, dapat talaga hindi na kita nilapitan. Plastic ka pala.

I just shrugged it off. Walang mangyayari kung papatulan ko siya, I have friends na so hindi siya kawalan.

I was busy arangging cups and straws when suddenly I heard a loud noise. Nang magangat ako ng tingin may sinasabunutan na sina Dulce at Nathalie.

"You slut! I saw you staring at my baby Andrei!" Sigaw ni Nathalie sa babaeng sinasabunutan.

Kahit anong awat ko ay hindi sila tumitigil sa pagaaway.

"Dulce do something! Awatin mo yang kaibigan mo." Kalabit ko sakanya.

Napa-irap ako. She's peacefully sipping her bubbletea while her dearest friend and that innocent girl is fighting.

Buti nalang at may dumating na lalaki na umawat sa dalawa, hindi ko aninag ang mukha niya dahil naka-cap ito.

At dahil napaghiwalay na niya ang dalawa ay kita ko na ang mukha ng babae at ng lalaking naka-cap.

It's Margaux chu and the guy... it's my.

Why the hell is my ex doing here? For help you idiot, they're fighting right?

"You are flirting with my boyfie!" Sigaw ni Nathalie kay Margaux habang nakaduro pa ang hintuturo nito sakanya.

Sinong boyfie? Si Andrei? Really dude.

"Si Andrei ba ang tinutukoy mong boyfie mo?" Tanong ko sakanya.

"Sino ka ba! Isa kadin! Isa kading malandi."

Nagulat ako nang ako naman ang sabunutan neto.

My first day in work is ruined! Lagot ako kay boss.

"Magsitigil kayo." Sabi ng lalaking umawat kanina.

My gosh yung buhok ko!

"Aray!" Sigaw ko,pero hindi padin ako gumaganti. Nang sa wakas ay maawat na si Nathalie at hawak hawak na siya nung lalaking naka cap ay huminahon na ito.

"Huwag na kayong babalik dito. Nageeskandalo pa kayo dito." Sabi ng lalaki at sapilitang inilabas si Nathalie na agad ding sinundan ni Dulce.

Nang makabalik na ang lalaking iyon ay agad netong sinuri si Margaux. Lumapit din ako agad at tinignan kung may sugat siya.

"Sorry for the inconvenience. Kakilala mo ba yun miss?" Tanong neto kay Margaux.

Umiling lang ito. Huh? Hindi ba kaklase niya ito?

Umalis na din si Margaux matapos siyang gamutin ni James. Hindi man lang niya ako kinausap, dahil padin ba ito nung nangyari sa mall?

Speaking of mall naalala ko nanaman ang ginawang panggugulpi ni Ice bear kay Andrei. Hindi ko naman na nakausap dahil ayaw ko ng gulo, masyadong mainit ulo ni ice bear.

"Oh ikaw bakit nakatayo ka lang diyan?ayusin mo yung nagulong mesa at upuan." Sabi niya at dumeretso na siya sa staff room.

Bakit sa stock room ang punta niya?don't tell me!

At lumabas na nga ito sa stock room,ng nakadamit uniform katulad ko.

Anong! Argh.

"So ikaw ang bagong pasok na sinasabi ni Nikka,okay." Pumunta siya sa mesa at sinimulang punasan iyon.

I can't stand this.Working with my ex? For pete's sake.

"Kamusta ka na?"

"Focus on work Mr. Genesis James." Sabi ko habang dalawa kaming nagpupunas sa mga mesang pinagkainan ng mga customers.

This bubbletea store is amazing. You can also order foods from the menu, maganda na sana kaso may epal talaga.

"Ay ayaw mo akong kausap."

Sinimulan na din niyang punasan ang pinupunasan kong mesa. "Mind your own table, Doon ka sa kabila." Abat may tama din itong lalaking ito eh, ayaw paawat.

"Hmm, boyfriend? May boyfriend ka na? Pustahan wala pa." He chuckled.

That's it, naubos na ang pasensya ko. "Hindi ko pinagsisihan na naghiwalay tayo. Buti na nga lang eh, ngayon ko lang kasi narealize na...nakakasuka talaga."

Pumunta akong staff rooom at kumuha ng mop.

"Hindi mo ako sinagot."

Sinimulan ko nang mopin yung natapon na bubbleteas ng mga nagaway kanina.

"Wala." Nang tignan ko siya ay nakangiti ito. "Gusto mo bang masapak? Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Umayos ka Genesis."

Nagulat ako nang hawakan niya ako sa pulsuhan at hinila sa staff room.

"Anong problema mo?" Kumawala ako sa pagkakahawak niya.

"Alam kong nasaktan ka, hayaan mo akong gamutin ang sugat mo."

"Kaya ko."

"Galit ka pa din ba sa akin?" He looked at me.

Wow.

"Sinong hindi magagalit? Eh gago ka eh." Hindi ako nagpatinag, gumanti ako ng tingin.

"Pinapili naman kita diba? Ikaw ang nagdesisyon hindi ako krizelle."

Tinulak ko siya. "Eh anong gusto mong piliin ko? Ikaw? Ikaw laban sa pamilya ko? Kailangan ako ng pamilya ko Genesis James, kailangan nila ako nung oras na yun!"

Napaluha ako.Bakit ang lakas ng loob ng lalaking ito.

"Bakit krizelle? May napala ka ba? Nailigtas mo ba sila? Hindi diba? Hindi!"

Sinampal ko siya. "Isa kang malaking gago!"

Lumabas ako ng staff room at dumeretso sa cr. Doon ako umiyak at humagulgol. Kung pwede lang ibalik ang oras gagawin ko ang lahat, kaso hindi, nangyari na ang dapat mangyari.

Pinangunahan ako ng kuryusidad,kung ano ang pakiramdam ng umibig, kung ano ang sayang dulot nun sa isang tao. Nakalimutan kong intindihin ang sarili ko at pamilya ko, inuna ko siya.

"Dito ka muna please? sweetie?" Paglalambing ng boyfriend kong si James.

"Kailangan kong sundan sila mama,hindi ako mapalagay eh."

"So mas pipiliin mo sila?kaysa sa akin?" Tanong niya.

"Ayos ka din eh noh.Malamang,tumigil tigil ka nga James ang weird mo nakainom ka ba?aalis na ako."

Nagulat ako nang hatakin niya ako at pilit niyang hinahalikan ang mga kamay ko.

"Ano ba!"

Pilit niya akong niyayakap at hinihila.

"Bastos!Sabing ayoko!"

Sinipa ko siya sa ari niya.

"Ano ba? Ilang months na tayo tapos ayaw mo pang pahalik.Girlfriend ba talaga kita?" Sigaw niya.

"Ayun lang ba ang gusto mo?Teka ang gulo.Teka James mahal mo ba talaga ako?"

"Halika at yakapin mo ako mahal na kita."

Lumapit ako sakanya. "Sabi na eh mahal mo ako-"

Sinapak ko siya sa mukha,at sinipa sa paa niya.

"Dapat pala hindi na ako pumunta dito. Tandaan mo ito James, kung mahal mo ang isang tao, matuto kang respetuhin yung babae. Hindi ko alam na ganito ka palang tao, edi sana hindi na kita minahal. Nagsayang lang ako ng oras ko."

Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Krizelle magusap tayo." Boses iyon ni Genesis James.

Lumabas ako ng cr at hinarap siya. "Sorry, I'm sorry. Hindi ko dapat iyon sinabi sa iyo, hindi dapat kita pinilit nirespeto dapat kita. Sorry."

Nang tignan ko siya umiiyak siya."James,hindi laruan ang mga babae.Sana hindi na maulit sa iba ang ginawa mo sakin diba?"

Tumango ito."Kung talagang nagsisisi ka.Matuto ka please? Huwag ka nang uulit."

"I'm so sorry." Umiiyak padin ito.

"Bumalik na tayong trabaho."

--

It was a tiring day for me. Hapon pa lang naman kaya nagdesisyon akong maglakad lakad muna.

Mula sa kinatatayuan ko ngayon,tanaw ang tulay na pinangyarihan ng aksidente noon.

That day, iyon ang pinaka malupit na araw para sa akin.

Iyon ang araw na nawala ang tatay ko, naging araw din nung namatay ang nanay at kapatid ko. At ang araw na naaksidente ako.

I sighed. Walang mangyayari kung ikukulong ko ang sarili ko sa lungkot ng nakaraan, kailangan kong maging matatag. Para kay mama, para kay bunso.

"As long as nandito ako hindi ka na magiisa. Tutulungan kitang makabangon at mahanap ang tatay mo. Tutulungan kitang maging masaya ulit, sasamahan kita sa lahat."

I smiled. Pero paano, how can you save me from this darkness Jayrome,Kung ako na mismo ang sumusuko sa sarili ko.

Hindi ko namalayan na malayo na ang nilakad ko. Narating ko na ang playground.

May playground pala dito?

Habang tahimik na nagiiswing sa playground, dinama ko ang hangin na tumatama sa mukha ko.

Nang bigla akong nakarinig ng tunog ng nabasag mula sa kalapit na bahay.

"Wala kang kwenta!" Sigaw ng boses ng lalaki mula sa bahay na pinaggalingan ng nabasag na tunog.

That's harsh, ang pagsabi sa isang tao na wala siyang kwenta. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagpicture picture sa paligid.

Ang ganda pala dito.

Habang kumukuha ng litrato,may nahagip ang camera ko. It was Jay, naglalakad siya papunta doon sa tulay kanina.

"Jay!" Tawag ko sakanya.

Lumingon din naman agad siya,as usual binungad nanaman niya ako ng ngiti niya. Ngiti niyang napakalapad na ang sarap tignan,

Sarap talaga?

"Uy bakit nandito ka.sinong kasama mo?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako kaso napansin ko ang nagdurugo niyang labi. "O siya una na ako krizelle. Sorry nagmamadali kasi ako eh, yung pinsan ko kasi. Bye kita kits sa monday." At tumakbo na siya.

Hindi kaya, bahay nila yung bahay ng lalaking sumigaw kanina ng walang kwenta?

Siguro nga tama yung sinasabi ni cess, na binubugbog nga siya ng step-dad niya.

Paalis na sana ako kaso, something caught my eyes. I am not hundred percent sure, pero kamukha niya talaga ito.

What if after all this time, nasa iisang lugar lang kami, what if malapit ko na siyang mahanap.

"P-papa?"