Chereads / Mr. Grade 10 / Chapter 15 - chapter 13

Chapter 15 - chapter 13

Nandito ako ngayon sa classroom kasama sina Jay,Cess,Kenneth at Enzo.Paguusapan daw kasi namin yung about sa pageant pageant na iyon.

"So pumili na kayo ng partner ninyo." Sabi ni Kenneth.

Napatingin ako kay Cess."Ang aarte naman o sige ako nalang pipili." napakamot sa ulo si Kenneth. Binuksan niya ang maliit na supot na dala niya bago pumasok ng room.

"Ano yan?" Tanong ni Cess. Pinakita naman neto sa amin ang harap ng supot na nakalagay na 'almonds'.

"Okay so Jay kapartner mo si..." Napaisip pa Ito.

Si Cess please! Kapag kami kasi ni Enzo hindi ako naiilang eh.

"Cess." Sabi ni Kenneth.

Yes!

Nagulat kaming lahat ng tumayo bigla si Jay sa upuan niya na parang handang manapak kahit ano mang oras.Problema neto lalaking to aangal pa eh ayos na nga.

"B-bakit?" Tanong ni Kenneth,natakot ata.

"Ano kasi eh..." Napahawak ito sa batok niya. Lahat naman kami ngayon naka-abang sa sasabihin niya.

"M-masyado siyang maliit! Oo yun nga!" Sigaw niya sabay iwas ng tingin. Luh grabe siya kay Cess.

"Hoy grabe ka naman sakin!" Sigaw ni Cess. Nagtawanan pa sila pero halata namang napipilitan lang si Cess kasi malamang masakit masabihan ng ganon. Or it's just me na kapag nasasabihan ng konting bagay nasasaktan agad.

"So sinong magiging partner mo ngayon?" Tanong ni Kenneth.

Natigilan ako.

Noooo.

"E-ewan." Sabi niya with matching taas baba pa ng balikat.Hala siya! Ayaw ko di kami close!

Napatingin sa akin si Kenneth,oh no.

Nang mapatingin ako kay Cess at Enzo ay kapwa silang nanlaki ang mata,naku sila din ang akward nun.

"Okay may partners na kayo ngayon so may binigay na assignment si ma'am Dominguez na gumawa ng three pages essay tungkol sa partner mo at sa bagay na hinahangaan mo sakanila.You have four days to do that." pagkatapos ay umalis na ito agad.

No!

Kapwa bagsak balikat kaming tatlo samantalang ang isa sa gilid ay para bang nauulol na dahil bigla bigla nalang ngingiti-ngiti.

Luh?saya ka?

"I guess we really need to do this,chat mo nalang ako mamaya." Sabi ni Enzo at umalis.  Sumunod din naman sakanya agad si Cess.Hala sila iwan ba naman ako dito.

"Ehem." umubo ubo itong katabi ko.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ko sakanya.

"Edi gagawin yung assignment! Ano bayan!" Napa tsk tsk pa siya.

Nakakairita naman oh,paano ko gagawin yun eh hindi ko naman siya kilala ng lubos.Malay ko ba kung anong nakakahanga sakanya.

"Paano ba kita kikilalanin?" Bulong ko sa sarili ko.

"Tara sa rooftop,Doon mahangin dali." inabot niya ang kamay niya sa akin.

"Ayaw,gusto ko dito malamig."

"Malamig din doon!" Pumadyak ito ng parang bata.Bakit ganito ka Jay hahaha.

"Mas prefer ko ang sariwang hangin kaysa sa hanging ginagamitan pa ng kung ano ano." inilahad nanaman niya ang kamay niya.

Bakit siya naka ganon? May dapat ba akong iabot? Para matapos na ang usapan ay tumayo na ako at napagdesisyunan nang umalis.

Pero hindi ko nakalimutan na ilagay ang ballpen na hiniram ko sakanya kanina sa kamay niyang nakalahad.Pero nakamangot siya eh.Err? Hindi ba dapat ang ballpen iabot ko?Ewan.

---

Nang maka akyat ay dali dali akong umupo sa upuan at inilabas ang dala kong papel at ballpen. Nang tignan ko si Jay ay mukha itong zombie na naglalakad.

"Huy,bakit ganyan ka?" Ang weird din talaga ng lalaking ito.Dahil ba sa ballpen kanina? Ano ba kasi dapat gagawin ko sa kamay niya?

Umiling iling lang ito at umupo na din sa tabihan ko. "Bakit wala kang dalang papel?"Tinignan niya ako ng nakakunot noo. Bakit kaya?

"Seryoso?" Napatawa ito at umiling iling.

"Bakit? anong mali?" Naguguluhan kong tanong . Humarap siya sa akin,halatang pinipigil ang tawa.Inaaway nanaman ako neto.

"Hindi mo naman kailangan ng Ballpen at papel para makipagkaibigan eh.Sapat na ang pakikipagusap ng masinsinan."

"Pero paano makakabisado?"

"Krizelle dapat itatak sa puso ang mga detalyeng ganyan hindi sa papel para kabisaduhin." ngumiti nanaman siya, this time totoo na.

"So magsimula tayo sa tanong na..." Napahawak pa ito sa baba niya.

"Ilang taon na ako?"

"Hindi hindi.." pumikit Ito

Huh?eh ano?

"Sa tanong na...may boyfriend ka na ba?" Umiwas ito ng tingin

What the

"Seryoso?" Napailing iling ako.Sa dinami dami iyon pa talaga?

"O-oo naman."

"Wala." pagaamin ko ng katotohanan.

Napatango tango naman siya.Maya maya pa ay siguro nakaisip na siya ng bagong itatanong sa akin kaya naman humarap Ito sa akin. "Anong pangalan ng nanay at tatay mo?"

Napatingin ako sakanya.Sa lahat ng pwedeng itanong iyan pa. "Cristine at Rodel." Tumango tango nalang Ito pero nakakunot padin noo niya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Rodel talaga?"

"Oo Rodel bakit?" Paguulit ko ng tanong na bakit.

"Wala lang. May naalala lang ako." umiling iling Ito.

"Eh ikaw anong pangalan ng mga magulang mo?" Tanong ko naman sakanya. "Betilda at Giro."

Ahh.

"Pero wala na ang tatay Giro ko ngayon eh.Step father nalang ang meron ako.Si tatay Jan."pagtutuloy niya.Nakatunganga padin ako.

"Ahh" Sabi ko nalamang.Di na kailangang malaman.

"So..nasaan ang mga magulang mo ngayon?"

Tumingin ako sa mga mata niya.Sasagutin ko ba? "W-wala na sila.Pati ang kapatid ko." Pakiramdam ko ay sumikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga.

"H-hey ayos ka lang?" Lumapit ito sa akin .

"O-oo" pagsisinungaling ko.Hanggang ngayon,ganito padin yung tama sakin kapg inuungkat yung nakaraan.Kailan ako makakalaya?

"Pwede mo bang ikwento sa akin kung anong nangyare?" Tanong niya.Seryoso ba siya?paano ko naman sasabihin iyon sa kanya? Sa lahat?

Sasabihin ko ba?

"Sige na.Ikwento mo na."Nangungusap ang mga mata niya kaya naman tumango tango nalang ako.At sinimulan ko nang ikwento sakanya lahat.

[Sumama ka na kasi sa amin anak.Masaya doon.]

Sabi ni mama galing sa kabilang linya.

"Ayaw ko nga po.Ano naman gagawin ko doon." iritado kong sabi.

Nilagay ko na lahat ng kailangan ko sa bag ko.Syempre pati ang ipon kong pera.

Maya maya pa ay dumating na si Sue na siyang susundo sa akin.Dala neto ang kotse niyang gagamitin namin papuntang resort.

[Sige na anak bonding lang tayo at para masamahan mo kami ng kapatid mo,alam mo naman na mahina na ako.]

"Eh bakit pa kasi kayo pumunta diyan kung may sakit ka ma.O s'ya aalis na ako ma." sagot ko at pinatay na ang tawag.

Pakiramdam ko ang sama ko nang anak.

Hindi ako nagpaalam na magsi-swimming at sinabi ko nalang na gagawa ng project.

Kaya na nila siguro yun.At paanong tutulungan ko sila eh kaya naman na nila yun.Parang babyahe lang eh.

"Ang bagal mo Krizelle." Sabi sakin ni Sue at inakbayan ako papuntang sasakyan.

~

"Let's go party!" Sigaw ni Yasmin.Isa sa mga kaibigan ko.

Ngunit hindi ako mapakali, parang may mali talaga.

"Uy bakit nananahimik ka diyan,dapat magsaya ka girl." Sabi ni Yasmin.

Ngumiti nalang ako sakanya ng kaunti.

Dala ng kaba at bigat ng loob ay nagpaalam na akong umalis.

"Aalis ka na talaga? Dito ka muna love." paglalambing ni James sa akin.

Gusto ko man makasama pa siya ay dumeretso padin ako palabas.

Habang naghihintay ng masasakyan ay nakasalubong ko si Ron,pinsan ko.

"Saan ka pupunta?saan ka galing?Hindi ka ba sumama kayla tita?" Sunod sunod niyang tanong.

"Pahiram bike.please."

Umoo din naman ito agad.Umangkas na ako sa bike at nagsimulang pumidal papuntang bahay,magdadala muna ako ng kaunting pera pamasahe papunta kela mama.

Habang pumipidal ay napakalakas ng tibok ng puso ko,ramdam kong may mangyayaring hindi maganda.

Maya maya pa ay may narinig akong nagring,tumigil muna ako sa pagbike at pumwesto muna sa tabi ng kalsada.

"Hello? Sino po Ito?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Hello po ma'am kaano ano po kayo ni Cristine?" Sagot ng kabilang linya.

"N-nanay ko po siya." nagsimula nang manginig ang boses ko.May nangyari kayang masama?huwag naman sana.

Hinintay kong sumagot ang nasa kabilang linya pero puro ingay nalang ang naririnig ko.

"Hello po?bakit niyo po pala natanong?" Usisa ko.

"Ma'am dumeretso po kayo dito, naaksidente po sila kasama ang madami pang iba.Kayo po ang nasa 'in case of emergency' kaya po kayo ang tinawagan ko." Sabi neto na nagpalumo sa akin.

"Saan po yang ospital na iyan?" Tanong ko at nagsimula nang pumidal at nang masagot niya ito ay ibinulsa ko na ang cellphone ko.

'sila mama,kailangan pa nila ako.

Binilisan ko pa lalo ang pagpidal di alintana na nahulog ko na pala ang isa sa mga dala kong bag.Natanggal nadin ang tali ko sa buhok.

Napahinto ako sa pagpidal nang biglang may lalaking nakangiti na nakaharang sa dinaraanan ko.

"Sige po aling Lorna!" Bumungisngis eto.

"Haharang harang." Sabi ko nalamang at dumeretso na sa pagbike.

Maya maya pa ay bumuhos ang napaka lakas na ulan.Kung minamalas nga naman.

Dahil sa napakalakas na ulan ay hindi ko na makita masyado ang kalsada.Lintek na ulan.

"Tabi!" Sigaw iyon ng lalaki galing sa may dulo ng tulay.Malayo sa akin.

Bigla nalang ako nakarinig ng napakalakas na ingay dahilan para mapahinto ako saglit sa pagpidal.

Nagsunod sunod ang ingay,ingay ng banggaan.

Ramdam kong malapit sila sa pwesto ko kaya pumidal na ako.Malabo padin ang lahat dahil napakalakas ng ulan.

Maya maya pa ay may napakaliwanag akong nakita.Huli na ang lahat para makaiwas,dahil tuluyan na akong nabangga neto.

Hindi ko na nasundan si mama,Hindi na ako nakapunta ng ospital.

Katahimikan ang nasa paligid namin ni Jay ngayon,walang naglalakas loob na magsalita."Eh ang tatay mo? nasaan?" Tanong niya.

"Matagal na namin siyang kinalimutan,pero dahil nagiisa nalang talaga ako ngayon ay gusto ko siyang hanapin."

"Edi hanapin mo siya."

"Paano?Hindi ko alam kung saan maguumpisa." Hays.Wala na talaga akong pagasa.

"Edi tutulungan kita.Bukas ng umaga natin simulan ang paghahanap." ngumiti Ito. Sigurado ba siya?

"Oplan hanap tatay ni Ms. Grade 10!" Sumuntok eto sa hangin.

May saltik talaga.

"Tutulungan mo talaga ako? Kaya ba natin? Kaya mo ba?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman,dahil ako si Jay." kumindat Ito sa akin.

"Mr. Grade 10."

"Yes?" Sagot niya

"Please help me find him,pakiusap dahil sawang sawa na ako maging malungkot at magisa sa buhay pakiusap." naiiyak kong sabi sakanya.

"As long as nandito ako hindi ka na magiisa.Tutulungan kitang makabangon at mahanap ang tatay mo.Tutulungan kitang maging masaya ulit,sasamahan kita sa lahat."

"Ano ka super hero?" Natatawa kong tanong.

"Hindi! mas astig pa ako doon."

"Eh ano ka na mas astig doon?" napangiti ako bigla,ano kaya isasagot neto.Jay and his silly jokes tsk.

"Mr. Grade 10 hehe." Sabi niya.

Napa-irap nalang ako.Lokong Jay, lokong Mr. Grade 10.