Chereads / Mr. Grade 10 / Chapter 16 - chapter 14

Chapter 16 - chapter 14

"I can't believe I'm doing this." Sabi ko habang pinapanood kong umakyat si Jay sa pader na nasa harap ko ngayon,pader na harang ng school namin.

This is cutting!

"Are you sure about this?" Pagdadalawang isip ko.

"Hindi yan! Babalik din tayo agad.Di tayo mahuhuli promise." inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Sasama ba ako?

Pakipot ka pa gusto mo naman talagang sumama.Sabi nang mumunting boses sa isip ko.

Nang makapagisip-isip na ay inabot ko na ang kamay niya at tuluyang inakyat ang pader. Naglakad lakad muna kami,may hinahanap ata siya na gusto niyang puntahan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Imbes na sumagot siya sa tanong ko ay may kinuha siya sa bulsa niya,isang panyo.Iniabot niya ito sa akin.

"Nagdudugo ba talaga parati yang ilong mo?" Tanong niya sa akin.Tinanggap ko ang panyo niyang iniabot.

"Hindi eh, siguro sa init lang." pinunasan ko din naman agad ang ilong ko, dumurugo nga talaga. Nagpatuloy kami sa paglalakad.Saan ba talaga kami pupunta.

Maya maya pa ay nagsalita siya. "Ano ang mga hilig mo?" Napaisip ako sandali.Ano nga ba ang mga hilig ko.

"Hilig kong kumanta at gumawa ng tula." sagot ko sakanya.

"Ako naman,mahilig ako gumuhit.Mamaya pagkatapos kumain ita-try naten yang mga hilig natin para makilala pa natin ang isa't isa diba?" Tumango nalang ako.

--

Maya maya pa ay narating na namin ang gusto niyang kainan.Sa lugawan ni Aling Lorna.

Agad akong napangiti.Matagal na nang huli akong nakakain dito.Dahil sa isang kasalanan,napalayo ako dito sa lugar na Ito.

Umupo na kami sa pang-dalawahang upuan doon sa gilid,doon ako madalas umuupo kapag kumakain dito.

"Ako na ang oorder." Sabi ni Jay.

"Order ko yung-" bago pa ako matapos sa pagsabi ng gusto kong kainin ay inunahan na niya agad ako.

"Lugaw tapos coke maliit." Sabi niya at dumeretso na sa harapan. Alam niya?paano. Weird nanaman ha. Maya maya ay dumating na din siya at umupo na sa upuan niya,sa harap ko.

"So usap muna tayo habang hinihintay yung order."

"Anong paguusapan?"

"Hmm....anong sport nilalaro mo?" Tanong niya.

"Wala."

"Wala? as in wala talaga?grabe ah." gulat niyang tanong.

"Siguro kaya ko yung iba pero di ko lang talaga nalalaro? Hindi rin naman kasi ako nagsisilaro sa court eh."

Maya maya pa ay nanahimik nanaman kami.Nang mapatingin ako sakanya ay tila may napansin siya sakin. "Anong nangyari diyan?" Tanong niya sabay nguso sa labi kong may sugat sa gilid.

"Ah eto." kinapa ko ito."napaso lang."

Binuksan niya ang bag niyang dala at nilabas ang cream doon na pinapahid sa mga sunog o lapnos,lagi siguro itong napapaso.

"Akin na lagyan natin ng gamot." inaya niya ako.

"Huwag na,hindi na kailangan." umiling iling ako.

Pero nagulat ako nang bigla siyang lumapit at hinawakan ang mukha ko. "Magiingat ka kasi,paano ka ba napaso." Sabi niya habang pinapahid ang gamot sa gilid ng labi ko.

Napakabilis ng tibok ng puso ko.Ang lapit niya kasi sa akin.Wala pang sino man ang nakalapit sa akin ng ganito,kahit ang ex ko. "A-ako nalang."

Sinubukan kong agawin sa kamay niya ang gamot pero ayaw niya itong bitiwan. Bawat segundo na lumilipas ay mas lalong dumadagdag sa kaba at bilis ng tibok ng puso ko.

poor heart why are you beating so fast.

"Ayan ayos na, huwag mo lang kainin yung gamot hindi ito edible." ngumiti siya.

Pakiramdam ko namumula na yung pisnge ko.Hayop na Jay. "Oh nandito na yung mga pagkain,Kain kang mabuti.Maya maya tayo babalik sa school pagkatapos." Sabi niya at nagsimula na siyang kumain ng goto niya.

Bakit hindi ako makaimik? Nawalan na ata ako ng boses. Kumain nalang ako ng tahimik,bakit ang weird ni Jay ngayon nakakainis.

Maya maya ay may umupo na dalawang lalaki sa kalapit mesa namin ni Jay, mukhang mga tambay sa kalye.

exb! batang pasaway..

"Hi Miss." kumindat Ito sa akin.

Miss mo mukha mo!

"May problema ba tayo tol?" Tanong ni Jay sabay lapag ng kutsara niya sa lamesa na nagdulot ng ingay sa buong lugawan.

Imbes na sumagot ay umalis nalang ang dalawa. Sinigawan din kasi sila ng mayari ng lugawan na umalis kasi hindi rin naman pala sila bibili.

"Krizelle?"

Nang tumingin ako ay nakita ko si Marky, yung taga ibang section na cute na sinasabi nina Monica at Althea na may gusto daw sa akin,eh mas bata Ito sa akin eh poor thing.

"Hi." Sabi ko at namula siya.

Hala.

Pansin kong may hawak siya sa likod niya,at nang ilabas niya ay rosas pala! Don't tell me para sa akin yun.

"C-crush kita." inabot niya sa akin yung rosas.

"Thanks."

Kukunin ko na sana yung rosas kaso nagulat ako nang si Jay ang kumuha nun. "Akin na!" Pabulong kong sigaw sakanya.Problema neto at nangaagaw ng rosas.  

"Itatago ko lang,puno na yung bag mo eh." Sabi niya.

Oo na nga.

Yung lalaking si Mark ay umupo na din sa kabilang mesa na pinagupuan nung dalawang mukhang tambay kanina,kakain din ata siya.

Sumisipsip na ako ng coke dahil tapos ko na ang pagkain ko, nabusog ako doon. "May boyfriend na yan huwag ka nang umasa." Sabi ni Jay kay marky na nasa kabilang mesa lang.

Napataas ang isang kilay ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah ganoon po ba, s-sino po?" Tanong ni Marky.

"Ako."

Sabi ni Jay kaya naman nasamid ako bigla sa iniinom ko, umubo ubo ako. "Nagdedate nga kami ngayon eh kaya chupi chupi ka na,alis." Habol pa ni Jay samantalang ako dito ay umuubo ubo padin.

Di manlang magabot ng tubig!

Umalis din naman agad si Marky,mukhang nasaktan ata. Nang mahimasmasan ako ay sinigawan ko siya. "Bakit mo ginawa yun! Nasaktan yung tao,at anong ikaw at ako nagdedate." inirapan ko siya.

"Atleast tinantanan ka na. Tara na nga! malelate na tayo!" Sigaw niya. Nagmadali rin naman ako sa pagtayo at pagkuha ng bag. Malelate ako!

Nagsimula na kaming tumakbo.

Oo nga't tumatakbo kami pero kita ko padin naman ang ginagawa niya,ang ginawa niya. Tinapon niya yung rosas na bigay nung Marky habang tumatakbo.

Habang tumatakbo kami ngayon. May mga katanungan ding tumatakbo sa isip isip ko? Why Jay? Why are you acting like this?