Sabay sabay kaming pabagsak na umupo sa canteen. Kami nina Monica, Lila, at Cess.
"Argh nakakapagod talaga mag P.E! Ayaw ko talaga sa sports.Kawawa naman ang maliit kong katawan." Sinubsob ni Monica ang mukha niya sa mesa.
"Sinabi mo pa. Gusto ko ng malamig na tubig,at malamig na hangin,paypayan niyo ako!" Sigaw ni Althea.
Nagsitawanan lang sina Cess at Lila sa kakulitan netong dalawa. "Ikaw krizelle bakit ka namomroblema?" Tanong ni Lila.
Kailangan ko kasi ng trabaho, hindi naman kasi lahat dapat kong iasa kay tita.Pinagaral na niya ako,ako na bahala sa ibang pangangailangan ko.
"Kailangan ko ng trabaho, yung hindi sana masyadong mabigat, yung tipong kaya ko lang." Sabi ko sakanila.
"May alam ako! Sa bubbletea store ng tito Ryan ko naghahanap sila ng bagong trabahador." Sabi ni Monica.
Napaayos ako ng upo. Tumatanggap kaya sila ng menor de edad?
"Don't worry oo tumatanggap sila ng mga teenager,yung responsable malamang." ngumiti si Monica.
"Siguraduhin mong totoo yang mga pinagsasabi mo ah." siniko si Monica ni Lila. "I promise promise." Sabi niya.
Nagpahinga nalang kaming lima habang hinihintay na lumipas ang oras,walang nagabalang nagsalita samin dala ng pagod.
Ganito ba talaga kapag P.E? Sabagay hindi ako nagp-p.e noon. "Ano nang sunod na subject?" Tanong ko.
Agad silang nagsingitian at nag-inat. "Eto ang maganda kapag friday.Oo nga at mapapagod ka ng husto pero half day lang tayo." Pagexplain ni Lila.
Wow,half day.
"Pero kung may extra projects or ssg officer ka ay kawawa ka,hindi ka agad makakauwi." paliwanag ni Lila.
Kung ganon, extra projects...
"Hala." sabay naming sabi ni Cess. Agad kaming yumuko at parang pinagsakluban ng langit at lupa. Why.
"I really hate pageants. Ayoko na, gusto ko nang umuwi." pagrereklamo ko.
I'm happy and comfortable with them now. Nagagawa ko nang magingay at makisalamuha sa kanila,maybe because they're friendly.
Pero sabi ni Jay sa akin friendly naman daw ako. Pero tingin ko padin sa sarili ko ganun,maybe I'm overthinking again na hindi ko sila magiging kaclose kaya iniisip ko na hindi ako friendly na tao.
"Sino ba naman kasing nagsabi na magiistay kayo dito sa school?"
Napalingon kaming apat kay Monica. "Manonood tayo ng sine!" Sigaw niya.
What? Cutting again? Ugh.
"Ano game?" Tanong niya samin,nagsitanguan naman si Althea at Lila. Nagkatinginan kami ni Cess. Ano pa bang magagawa namin eh ayaw din naming magpractice rumampa.
"Game." sabay naming sabi ni Cess.And as usual tumili nanaman ng pagkalakas lakas si Monica
~
"Libre ko na ang foods kasi ako naman ang nagaya.Oh eto pera bumili nalang kayo" Sabi ni Monica sabay abot ng pera sa sakin.
Wow yayamanin din itong isang to ah. "Kami na ni Krizelle ang bibili." Sabi ni Cess
At pumunta na nga kami sa pocorn stand at namili na ng gustong bilhin "Doon ako sa may turks,ikaw nalang bumili ng popcorn and drinks." Sabi ni Cess at umalis.
Nagtingin-tingin muna ako sa mga hile-hilerang pagkain at flavors ng popcorn bago bumili. "Limang medium popcorn nga,yung cheese po." Sabi ko habang inaayos ang perang iaabot. Bakit kasi pinabaryahan pa ni Cess yung isang libo tuloy ganito,
"Eto na po yung-"
Sabay kaming natigilan
"Dito ka nagtatrabaho?" Tanong ko sakanya.
"Ah oo eh tuwing friday, half day kasi tayo diba." paliwanag niya,
"Teka, Hindi ka nagpractice? Paano tayo mananalo niyan?" Pabiro niyang sabi habang inaayos yung sukli ko.
"Keri ko na yun." Sabi ko sakanya,
Grabe,akala ko hindi pala-labas itong si Kenneth ng bahay pero tignan mo nga naman nagtatrabaho sa foodstall.
"Sino kasama mo manood?" Tanong niya.
"Sina Cess, Monica, Althea,at Lila." Sabi ko sakanya.
"O siya mauna na ako.Hahanapin ko pa si Cess baka nilamon na ng binibili niyang turks.Bye Kenneth." at nagsimula na akong maglakad papuntang turks.
Nang makarating doon ay naabutan kong nakasandal pareho sina Enzo at Cess sa pader malapit sa stall. They are laughing and giggling like kids,joy and excitement are written on their faces. Thank God my friends are happy and contended, when will I be?
Maybe I was really wrong.My gosh inakala kong gusto ako ni Enzo,maybe he's just taking good care of me at concerned lang talaga siya. Assuming ko kasi,
Nang lalapitan ko na sana sila,I saw Margaux .She's looking at them with pain in the eyes. Hindi kaya magagalit si Margaux sa akin? I told her na walang malisya sa pagiging close ni Enzo at Cess.Malay ko bang ganito pala,should I blame myself?
Lalapitan ko sana ito kaso umalis agad. What? "Tara na Cess." Sabi ko nalang at agad naman silang tumayo.
"Una na kami ah." Sabi ni Cess kay Enzo.
Tango nalang ang binigay ni Enzo, ganun nadin ako sakanya.Sa susunod ko nalang siya iinterviewhin kung anong nangyari sakanila at ang close na nila.
Nang makapunta kami ni Cess sa kinaroroonan nina Lila,Monica at Althea ay nagsipasok na kami agad sa loob ng sinehan.
Nang sa wakas ay nahanap na namin ang upuan namin ay saktong nagsimula na ang palabas. Romance ang pinili nila ayaw nila sa patayan,mystery or thriller.Pero ayos lang kasi kahit bitter padin ako pagdating sa love ay may part na gusto ko din naman padin ito.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng movie ay naiirita kami sa magjowang naghaharutan sa harapan namin/
"Bwiset edi kayo na may lovelife!" Pabulong na sigaw ni Monica sakanila,
At dahil medyo makulit sila ay nakikita namin ang mukha nila,at ang isa sa kanila ay si...
The heck
Omy
It's Andrei! not with a girl! a man!
"Teka si Andrei yun ah! Sino yung kasama niya?" Sisilip na sana si Monica nang pinigilan ko siya.
"Huwag mo nang tignan!" Sigaw ko. Agad silang nagkunot noo. "Nasa cliche part na tayo ng movie please focus? Hehe." Pagpapalusot ko. Nakita ko nanaman sa pwesto ko sina Andrei. And now they're hugging each other!
Bakla makita ka nila mabubunyag sikreto mo!
"Ay naku titignan ko na talaga kung sino yang girlalu." pagpapatuloy ni Monica pero pinigilan ko ulit siya.
"Bakit nanaman ngayon?" Tanong niya,
"Umm ano. Please wag mo nang tignan kasi ano eh,kasi-"
Ano bang magandang palusot. Send help!
"Kasi hindi mo kayang malaman at hindi mo tanggap na may iba na siyang kadate ngayon?Sabi na nga ba eh minahal mo siya!" Pumalakpak si Althea.
What the
Anong sasabihin ko?
Nagsi-ayiee sila
"Ah oo oo!" Tumawa nalang din ako.
Maayos na sana ang lahat kaso biglang tumayo sa upuan si Andrei at nakita niya kami Agad ko siyang nilakihan ng mata. Please magets mo yung sinasabi ko Andrei.
"N-nandito kayo?" Tanong niya,
Nilakihan ko siya lalo ng mata.Sana magets niya yung pinapahiwatig kong umalis na sila ng boylet niya. "Malamang! Hay nako gwapo ka nga kaso medyo tanga eh noh." Sabi ni Monica sakanya.
"U-una na kami." Sabi niya. Now it's my turn to move. Habang umaalis sila Andrei ay kinausap ko sina Cess, Lila, Althea at Monica.
"May aaminin ako!" Sigaw ko kaya agad silang napatingin sakin, Wala na ang tingin nila kayla Andrei.
"Ano kase eh." Napakamot ako ng ulo.
Akmang lilingunin nanaman nila ulit sina Andrei ay sumigaw ako ulit!
send help!
"Ano kase!"
Nilingon ko muna sina Andrei kung nakalabas na sila.Nakahinga na ako ng mabuti nung nakita kong nakalabas na sila ng pinto.
"Ano?" Sabay sabay nilang tanong.
"Naiihi ako." Sabi ko at umalis saglit.
Siguro naweirduhan sila sa akin. That was epic!
"Hoy Andrei!" Sigaw ko sakanya at agad naman siyang humarap,sabay sila ng boylet niya,
What the
They're so gorgeous! How come they are gays? Oh come on,
"Seriously. Bakit kung sino ang biniyayaan ng ganiyang mukha sila pa ang lalambot lambot." Sabi ko sakanila.
"Nakita ba nila kami?" Tanong ni Andrei, umiling ako.
"Thank you sis!" Niyakap ako neto bago umalis at bago din ako tuluyang pumunta ng cr.
Nang makabalik ay tinapos namin ang movie.So sad hindi nagkatuluyan ang dalawang bida, Sabi ko sainyo eh walang forever.
Natatawa kami ni Lila sa mga mukha ng kasama namin.Mga namumula at namamaga mga mata nila.
"Tara kain tayo sa Foodcourt." pagaaya ni Lila,
Agad din naman kaming sumunod. Nang kumakain na kami ay nalinga linga ako sa paligid.Para kasing may nagmamasid sa akin. Nang lingunin ko ay kaliwa ko ay may nakita akong mascot. Agad akong napangiti.
Si ice bear!
"Guys picturan niyo kami ni ice bear!" Sabi ko sakanila.
Love ko talaga si Ice bear, ang cute niya kasi eh at ang fluffy super. Agad kaming pumunta ni Monica at Cess sa kinaroroonan ni Ice bear kaso lumayo ito.
"Ice bear wait!" Habol namin kay ice bear.
Agad din itong huminto at humarap sa amin. Nakipagpicture kami sakanya, napuno nga ata ang gallery ko eh. At dahil cute siya ay tinaas ko ang kamay ko para mag-apir kaso tumalikod lang ito,
Abat magaling kang ice bear ka.
"Ahaha! Di pinansin ni Ice bear!" Tumawa si Monica. Humanda ka sakin ice bear kapag nakita kita.
Bumalik na kami sa mesa namin at nagpatuloy kumain.Bigla akong naismid nang may umupo sa kabilang mesa tabi ng amin.
Shoot
"A-andrei?" Sabay sabay nilang tanong habang nakatingin sa magka-hug na Andrei at boylet niya.
Nabuga ni Lila ang inumin niya,Nabitawan ni Monica ang burger niya,at parang nanigas sa kinalalagyan nila sina Althea at Cess.
What to do!
"Sorry guys!" Sigaw ni Andrei at nagpeace sign. Hindi padin nagalaw ang mga kasama ko. "Sorry talaga! Eh sa ganito ako eh." Namangot ito, why is he sorry?
Tumango nalang sila ng pilit at pinagpatuloy ang pagkain.Pero mga mukhang lugi sila. Nagpatuloy kami sa pagkain ng walang imikan.Gulat kung gulat ang mga kasama ko sa nangyari.
"Tara sabay na tayong umuwi.Sabay ka na samin Andrei?" Sabi ni Lila.
"Ay sige maganda iyan." tili neto. "Pwede controlin mo parin yung boses mo?Hindi talaga kami sanay eh,naninibago." pakiusap ni Althea.
Tumango nalang si Andrei. Maya maya ay napadaan kami sa world of fun.Nagaya si Andrei na libre niya daw ang tokens kaya pumayag kami. Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ng sumigaw si Andrei.
"Kapag nakuha mo yang stuff toy may hug ka sakin!" Sabay hampas sa boylet niya. Agad kaming napangiwi ng mga kasama ko. Ang haharot, pero ayos lang, as long as he is happy, unlike me. Kaso hindi nakuha yung stuffed toy,tuloy nakamangot si Andrei.
"Kawawa si Andrei. Tara magbasketball nalang tayo." aya ko sakanila. Kaya lahat kami ay nagsi-basketball.
"Kapag nashoot ko ito hoy krizelle humanda ka sakin sasakalin kita! Oo lalambot lambot ako pero matinik ako dito sa basketball." Sabi ni Andrei,ay Andrea pala.
"Ows sige nga" paghahamon ko sakanya.
Kaso bigla niyang naishoot yung bola.Tumingin siya sa akin.
Oops lagot,
Tumakbo ako palabas ng world of fun sa pagaakalang tatantanan na niya ako kaso sumunod padin ito.
"Waaaaaa!" Sigaw ko habang tumatakbo.
Nakatingin na ang mga tao sa paligid. Nakakahiya ng onti. Agad akong nakaramdam ng mga brasong nakayakap sa mga bewang ko.
"Ano ba!" Pabiro kong sigaw nang bigla niya akong kiniliti kiliti. Tawa lang kami ng tawa nang biglang may tumulak papalayo kay Andrei.
"Andrei!" Sigaw ko.
At bigla nalang siya sinapak ng humila sakanya. Hindi ordinaryo ang sumapak sakanya,kasi si Ice bear ang sumapak sakanya!
"Tigil!" Sigaw ko at tinulak papalayo si Ice bear.
Buti nalang talaga at nasa walang tao kami kaya walang nakakita. "Aalis na tayo" Sabi ko kay Andrei habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya.
"At ikaw! Bakit ka nananapak!?" Sigaw ko kay ice bear at tuluyan nang umalis. Pero nakita ko padin kung sino ang nasa likod ng costume, si Jayrome. Ang tanong ay bakit niya sinapak si Andrei?!
I hate you now ice bear.