Chereads / Marriage Contract with a Gay / Chapter 1 - Prologue

Marriage Contract with a Gay

🇵🇭KathleenDonaldo
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 22.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

"Be, ang gwapo niya shet."

"Ano kayang pangalan niya?"

"Sana naman wala pa siyang girlfriend."

"Gusto ko siya maging kaibigan, kaso mukhang suplado naman."

Bulungan ng mga. nasa tabi ko. Kanina pa sila nag-uusap patungkol sa lalaking transferee na tahimik na nakaupo sa bandang dulo tabi nang bintana. Nakapanglumbaba siyang nakatingin sa labas nang bintana. Ano kayang iniisip nang isang 'yun?

"Hoy, bakit mo siya tinitignan?" Gulat sa akin nang kaibigan ko habang nakangusong nakatingin sa lalaki.

"Ha? Hindi ko siya tinitignan. 'Yung nasa likod niya ang tinitignan ko." Pagsisinungaling ko pa. Kinuha ko ang libro na nakapatong sa mesa ko at pakunyaring nagbabasa. Baka kasi anong isipin ng kaibigan ko sa akin. Tinignan ko lang 'yung lalaki pero walang ibig sabihin 'yun. Para lang kasing may kakaiba sa kaniya e.

Lumipas ang tatlong araw mula nang pumasok sa section namin si Zadrah Del Santaana. Katulad no'ng unang pumasok siya dito ay tahimik pa rin ito. Para bang ayaw niyang makihalubilo sa amin. Nakakatakot tuloy malay ninyo may binabalak siyang masama sa amin, 'di ba? Alam mo 'yun? 'Yung napapanuod ko sa horror movies o nababasa ko sa mga horror stories na kunyare ay tahimik lang pero may binabalak palang masama. Malay n'yo 'di ba murderer siya? Hindi naman ako judgemental, konti lang.

"Ano na naman 'yang iniisip mo diyan Autumn?" Tanong ni Kathalina sa akin na may kasamang hampas. Ewan ko ba sa babaeng ito ang hilig manghampas, mabuti sana't hindi masakit ang pagkakahampas niya.

"Alam mo ikaw? Tigilan mo 'yang kakahampas mo sa tuwing nagtatanong ka, dahil baka hindi kita matansya at baliin ko 'yang mga buto mong pagkapayat-payat." Iretableng sabi ko. Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Grabe ka naman magsalita." Aniya pa habang umaarteng nasasaktan.

"Mali ba ako nang sinabi Kathalina?" Pang-aasar ko pa. Naghila siya nang isang bangko at tumabi sa akin. Nilapit niya ang bibig nito sa tainga ko. Bahagya pa akong umiwas pero agad niya rin akong hinila.

"May gusto ka kay Zadrah no?" Mabilis ko siyang natulak dahilan para mahulog siya sa kinauupan niya.

"Ano bang sinasabi mo d'yan ha?" Pasigaw kong tanong dahilan para tumingin sa akin ang mga ka-klase ko at gano'n na rin si Zadrah.

"Puchang gala naman Autumn, kailangan manulak?" Inis niyang sabi habang hawak-hawak ang pwet na tumatayo.

"Ano ba kasi 'yang pinagsasabi mo?" Sigaw kong muli. Nanataling nakatingin sa akin ang mga ka-klase ko.

Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi ni Kath habang hila-hila ang upuan palapit sa akin. Muli itong umupo sa tabi ko. Dumistansya ako ng kaunti dahil baka hindi lang tulak ang magawa ko sa kaniya.

"I'm just asking if gusto mo siya o hindi?" Nakangiti pa niyang sabi. Pinanlakihan ko siya ng mga mata kong maliit.

"At saan mo napulot 'yang mga tanong mo na 'yan Kathalina Rodriguez ha?" Iretableng tanong ko. Sinuklay pa niya ang buhok niya habang nakangiti.

"Based on my instinct." Proud pa nitong sabi.

"Huwag mo ako gamitin nang instinct-instinct mo na 'yan, dahil hindi totoo 'yan." Sagot ko pa.

"What if totoo ang naiisip ko?" Nakangising sabi pa niya. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Wala akong pakialam sa instinct mo. Wala akong gusto kay Zadrah na 'yan. Sa isang manloloko at babaero lang ako interesado."

Unti-unting naglaho ang mga ngiti ni Kathalina at seryosong nakatingin sa akin.

"Don't tell me..." pag-uumpisa pa niya. Umayos ako ng upo at diretsong nakatingin sa lalaking nakatayo sa pintuan.

"Yes." Sagot ko pa kahit hindi pa siya tapos magtanong ay alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.

"Autumn." Tawag sa akin ni Kathalina. Ngumiti ako ng mapait.

"Sorry na tao lang. Nagmamahal lang. Tanga lang pagdating sa pag-ibig." Sambi ko habang nakatingin kay Austin.

Nakaramdam nalang ako nang mainit na hininga sa bandang tainga ko. Hindi ako kumibo, nanatili akong nakatingin kay Austin habang pinakiramdaman ang mainit na hangin sa tainga ko.

"Hindi mo deserve ang taong walang ibang ginawa kung hindi saktan at lokohin ka. You deserve someone better, huwag kang mag stick sa mukhang butiki na 'yan." Nanigas ang buong pagkatao ko nang mapagtanto kung si Zadrah pala 'yun. Narinig niya ba ang sinabi ko kay Austin. Damn.

Pagkatapos sabihin ni Zadrah 'yun ay lumabas siya ng room habang nakapamulsa at diretso ang tingin sa dinadaanan. Sinundan pa siya nang tingin ni Austin hanggang sa makalabas ito nang room.

"Damn, girl narinig mo 'yun?" Inalog-alog ako ni Kathalin, maging siya ay hindi makapaniwala sa nangyari. Ngayon ko lang narinig ang boses ni Zadrah. Ngayon lang siya nagsalita. At ngayon lang siya lumapit sa 'kin. Bumilis ang tibok nang puso ko habang paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Zadrah na parang sirang plaka na paulit-ulit na nagp-play sa tainga ko. Damn his manly-voice. Ang sexy nang boses niya.

Isang linggo ang lumipas simula nang sabihin sa akin ni Zadrah ang mga katagang iyon ay napapangiti pa rin ako. Ewan ko ba baliw na yata ako e. Nandito kami ngayon ni Kathalina sa convenience store. Dito niya ako dinala pagkatapos niya akong sunduin sa bahay.

"Ano ba kasing gagawin natin dito babaeng kawayan?" Nagtatakang tanong ko. Huminto siya sa paglalakad at masama ang tingin sa akin.

"Isang babaeng kawayan pa d'yan hindi kita tutulungan, tamo." Inis niya sabi. Dumugtong ang kilay ko habang nagtatakang nakatingin sa kaniya.

"Tutulungan saan? May assignments ba tayo?  Sa pagkakaalam ko kasi wala namang binigay si sir e. O may project ba tayo sa ibang subjects? Sa pagkakaalam ko rin wala naman kasi napasa na natin lahat. O 'yung thesis natin? Hindi rin naman kasi kakatapos lang natin mag defense." Nakatingilang sabi ko habang nag-iisip. Pinitik ni Kathalina ang noo ko.

"Puro aral nasa utak mo." Aniya pa. "Tanga, kay Zadrah." Dagdag pa niya na mas lalong pinagtaka ko.

"Bakit ano bang nangyari kay Zadrah at bakit dito ang sadya natin sa convenience store?" Tanong ko. Huminga nang malalim si Kathalina at halata na ang inis sa mukha niya.

"Bibili tayo ng pagkain." Mahinahong sabi niya.

"Tapos anong gagawin sa pagkain?" tanong ko. Napasabunot nalang siya sa sarili niyang buhok.

"Alam mo putangina nakakatamad magsalita. Samahan mo nalang ako mamili. Huwag mo ako dadaldalin nang dadaldalin kasi nababadtrip na ako sa 'yo Autumn. Ang hina ng utak mo ngayong araw." Inis pang sabi niya saka naglakad palayo sa akin. Taka ko naman siyang sinusundan at kagaya ng sanabi niya ay hindi ako nagsasalita.

"Ito kaya magugustuhan ni Zadrah 'to?" Tanong ni Kathalina habang hawak-hawak ang isang chocolate. Hindi ako nagsalita at nanatili lamang na nakatingin sa kaniya.

"Autumn?" Muling tawag niya sa akin pero hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi naman ako tanga, masunurin lang talaga ako.

"Oo na sige na magsalita kana Autumn." Inis niyang sabi. Tinignan ko siya ng masama.

"Ano nga ulit 'yung tanong mo?" Tanong ko. Inayos niya muna ang uniporme niya at muling tumingin sa akin.

"Kung magugustuhan ba ni Zadrah 'tong chocolate na 'to." Pag-uulit niya.

"Tikman ko muna kung masarap." Inagaw ko sa kaniya ang chocolate na hawak niya at saka binuksan.

"Tang--" parang sasabog sa galit si Kathalina nang kainin ko ang chocolate.

"Masarap naman kaya magugustuhan niya siguro 'to." hindi na nagsalita si Kathalina at muling kumuha ng bagong chocolate kagaya nang kinain ko.

Pagkatapos mamili ni Kathalina ay pumunta siya sa counter para magbayad. Pagkatapos magbayad ay agad rin kaming lumabas nang convenience store. Nilagay niya sa likod ng sasakyan niya ang mga pinamili niya.

"Papasok na ba agad tayo? Ang aga pa kaya Kathalina." Sabi ko pa habang nakatingin sa relo ko.

"Alam ko Autumn na maaga pa. Sinadya ko talagang pumasok ng maaga." Aniya pa.

"So bakit mo ako dinamay sa pagpasok mo ng maaga?" Naka-cross arm na tanong ko.

"Malalaman mo mamaya, tara na." Aya niya. Sabay kaming pumasok sa sasakyan niya.

"Papatugtog ako Kath ha?" Pagpapaalam ko. Tumango siya bilang sagot. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag at sinaksak sa chord. Habang pinapatugtog ko ang paborito naming kanta ni Austin ay sinasabayan ko rin ito.

"Ang sakit sa tainga Autumn." Reklamo pa ni Kathalina. Ganiyan ang sinasabi niya sa tuwing pinapatugtog ko ang Mundo ng IV of Spades. Kung tutuusin ay maganda naman talaga ang boses ko. Sa katunyan nga eh sumasali ako sa mga patimpalak sa barangay namin at sa school. Minsan nananalo ako at minsan naman ay talo.

"Makinig ka nalang." Sagot ko. Hindi na siya nagsalita at tahimik na nagmamaneho hanggang sa makarating kami sa skwelahan.

"Autumn patulong naman." Sambit ni Kathalina habang kinuha ang mga pinamili niya kanina. Tinulungan ko siyang magdala hanggang sa makarating kami sa classroom namin. Kaming dalawa palang ni Kathalina ang nandito dahil mamayang 8:30 am pa naman ang pasok namin. Alas-syete palang nang umaga.

"Ano ba talaga 'yang trip mo sa buhay Kathalina?" Tanong ko habang busy siya sa pagsusulat sa sticky notes at dinidikit ito sa mga chocolates.

"Autumn makinig ka." Pag-uumpisa niya. Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap sa kaniya.

"Oras na para kalimutan mo si Austin. Oras na para magka-love life ka ulit." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano bang pinagsasabi mo d'yan ha?"

"Kung hindi ka liligawan ni Zadrah, ikaw ang manligaw sa kaniya." Sa gulat ko ay natulak ko ng malakas si Kathalina dahilan na naman para mahulog siya sa upuan.

"Putangina naman talaga. Ikaw na nga 'tong tinutulungan ko, ako pa 'tong sasaktan mo? Tangina naman talaga Autumn." Halos mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Nababaliw kana ba Kathalina?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hawak-hawak niya ang pwet niyang bumalik sa pagkakaupo.

"Seryoso ako Autumn."

"Ako manliligaw sa lalaki? NO WAY! Hindi ugali ng babae ang manligaw sa isang lalaki, dahil una't huli sila ang gagawa nun sa atin." Sagot ko.

"Look, tinutulungan lang kitang magka-love life kaya huwag kanang maarter d'yan. At isa pa, hindi kana lugi kay Zadrah dahil napakagwapo niya at balita ko anak mayaman rin siya."

"Wala akong pakialam basta hindi ako sang-ayon sa pinapagawa mo sa akin."

"Tutulungan naman kita e. Huwag kanang maarter d'yan." Pinagpatuloy niya ang pagsusulat sa sticky notes. Pinapanuod ko lang siyang ilagay ang mga pagkain kong saan nakaupo si Zadrah.

"Ayan." Nakangiting sabi niya. "Don't worry hindi ko naman nilagay 'yung pangalan mo dun, saka na natin sabihin na ikaw 'yun.

"Bahala ka d'yan sa buhay mo." Inayos ko ang upuan ko at tahimik na nagbabasa sa mga notes ko sa notebook. Nagdadatingan na rin ang mga ka-klase ko. Palihim kong tinignan ang upuan ni Zadrah. Wala pa rin siya hanggang ngayon. Limang minuto nalang at mag-uumpisa na ang klase.

"Dadating 'yun Autumn, 'wag kang excited d'yan. Ikalma mo ang sarili mo." Sabi ni Kathalina na hindi nakatingin sa akin.

"Hindi ko siya hinihinatay dumating 'wag kang assumera d'yan." Inis kong sagot. Hanggang sa dumating ang teacher namin ay wala pa rin si Zadrah. Gusto kong tawanan si Kathalina dahil mukhang palpak ang plano niya ngayong araw.  Palihim kong kinuha ang cellphone ko at nagtipa nang mensahe para kay Kathalina

To: Kawayan

Paano ba 'yan palpak ang plano mo girl? :>

Natatawang sabi ko sa message. Palihim na kinuha ni Kathalina ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Nakita ko pa kung paano siya ngumisi. Hindi kami magkatabi nang upuan ni Kathalina kaya dinadaan namin sa text ang usapan namin lalo na't naboboring kami sa klase.

From: Kawayan

Sino nagsabing wala s'ya?

Kunot noo kong binabasa ang reply niya. Tumingin siya sa akin habang nakangisi. Taka ko siyang tinignan. Sumenyas pa ito na tumingin ako sa pinto. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa lalaking nakatayo sa harap ng pinto habang nakapamulsang nakatingin sa teacher namin.

"Sorry sir I'm late." Aniya pa.

"Come in Mr. Dela Santaana"

Tahimik na naglakad si Zadrah. Huminto pa siya sa harap ko bago siya pumunta sa mismong upuan niya. Hindi ko alam kung para saan 'yung tingin na 'yun basta ang alam ko lang ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa makaupo siya ay sinundan ko siya ng tingin. Nagulat nalang ako nang biglang mag vibrate ang cellphone ko. Palihim ko itong kinuha at binasa ang text ni Kathalina.

From: Kawayan

Kalma, matutunaw si Zadrah.

Tinignan ko siya ng masama habang nakatingin sa akin.

From: Kawayan

Binabasa niya na :>

Palihim kong tinignan si Zadrah na kunot-noong nagbabasa ng mga notes. Hindi ko alam kung ano mga nilagay ni Kathalina sa notes. Wala akong ideya kung ano mga nakasulat doon.

To: Kawayan

Mapapatay kita kapag nalaman ko kung ano ang mga pinaglalagay mo dun sa sulat Kathalina.

Binalik ko sa bag ang cellphone ko at tahimik na nakikinig sa teacher namin na nagtuturo.

Lumipas ang araw at pinagpatuloy ni Kathalina ang mga balak niya. Hinahayaan ko nalang siya dahil alam ko namang walang pakialam si Zadrah dun.

"Ilang linggo mo nang ginagawa 'yan." Bored kung sabi habang tinatapos ang assignment ko.

"Kakagat rin 'yan Autumn, 'wag kang excited d'yan." Sagot pa niya.  Umiiling nalang ako habang nagsusulat. Gastos siya ng gastos palibhasa maraming pera 'tong kawayan na 'to.

"Kilala n'yo ba kung sino 'yung admirer ni Zadrah dito sa room?"

"Hindi pa nga e."

"Grabe no? Ang swerte ni Zadrah kasi lagi siyang may pagkain tuwing papasok siya. Sana ako rin magkaroon ng admirer dito sa loob nang room."

Usap-usapan ng mga ka-klase kung lalaki. Bahagya akong yumuko nang makitang kong nakatingin sa akin si Austin. Bakit ba siya nakatingin sa akin? Nagagandahan siguro 'tong tulok na 'to sa akin. Well, sa lahat ng naging ex-girlfriend niya ako ang pinakamaganda.

"Ehem." Nag-angat ako ng tingin at tinignan ang lalaking tumikhim sa harap ko.

"Bakit?" Tanong ko kay Austin na seryosong nakatingin sa akin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Aniya pa. Tinignan ko si Kathalina na masama ang tingin kay Austin.

"Tungkol saan?" Tanong ko. Kinalma ko ang sarili ko. Kahit na paulit-ulit akong niloloko nitong babaerong tulok na 'to mahal ko pa rin 'to e.

"Tungkol sa 'tin." Kumunot ang noo ko. Nagulat nalang ako nang sipain ni Kathalina ang upuan ng malakas.

"Hoy, lalaking mukhang ul*k, ano na namang drama na 'yan?" Sigaw ni Kathalina at lumapit sa amin. Nagtawanan ang mga ka-klase ko dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to walang preno ang bibig. Napaka-pasmado nang bibig. Kung ano na lang ang lumabas sa bibig sinasabi talaga.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko Kathalina kaya 'wag kang makialam d'yan." Sagot niya.  Nakapamewang si Kathalina habang masama ang tingin kay Austin.

"Alam ko pukinanginamong lalaking mukhang bulbol." Tumayo ako habang hawak-hawak ang braso ni Kath. "Hindi kayo pwede mag-usap ni Autumn na kayo lang dalawa."

"At bakit bawal?" Inis na tanong nito.

"Kasi bawal. Wala na kayo. Tapos na kayo. Wala ng kayo. At walang kayo, intindi lalaking mukhang bulbol?" Iretableng sagot ni Kath.

Haizt! Bunganga ni Kathalina kahit kailan.

"Alam ko, gusto ko lang siyang kausapin."

"Hindi nga pwede. Baka gusto mong kulutin ko 'yang utak mo kagaya nang magkakakulot d'yan sa buhok mong mukhang bulb*l!" Mas lalong nagtawanan ang mga ka-klase ko pwera kay Zadrah na nanunuod lang sa amin.

"Pasmado bibig mo Kathalina." Sabi pa nang kaibigan ni Austin

"Wala akong pakialam sa 'yo lalaking tarsier." Sigaw ni Kathalina sa kaniya. Napaka-pasmado talaga nang bibig nitong babaeng 'to.

"Saglit lang tayo mag-uusap Au." sabi ni Austin sa akin. Akmang hahawakan ako ni Austin sa kamay nang bigla itong hampasin ni Kath.

"Ikaw lalaking mukhang ul*k, kapag sinabing bawal, bawal. Bumaluktot ba 'yanv utak mo kagaya nang buhok mo at hindi ka makaintindi ng isang sabi, huh?" Inis nitong sabi.

"Bakit ba kasi?" Sigaw ni Austin.

"Dahil magseselos si Zadrah!" Sigaw pabalik ni Kathalina dahilan para bumilis ang tibok nang puso.

Nalipat ang tingin ng mga ka-klase ko sa tahimik na nanunuod na si Zadrah. Walang nabago sa emosyon nito habang nakatingin sa amin.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo d'yan Kath?" pabulong kong tanong. Hindi ako sinagot ni Kathalina sa halip ay nanatili ang tingin niya kay Austin na halata ang gulat sa mukha.

"Ano'ng sinabi mo?" Naguguluhang tanong ni Austin.

Huminga ng malalim si Kathalina.

"Sabi ko magseselos si Zadrah kapag nag-usap kayo ni Autumn na kayo lang dalawa." Sagot namang nang kaibigan kong barbero.

Mamaya ka lang talaga sa 'kin Kathalina. Babaliin ko talaga 'yang mga buto mong 'sing payat nang walis tingting.

"At bakit?" Taas-kilay niyang tanong.

"Dahil...dahil may lihim na pagtingin si Zadrah kay Autumn."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kathalina. Maging ang mga ka-klase ko ay gulat na nakatingin sa amin. Gusto kong mawala sa mga oras na 'to dahil sa mga pinagsasabi ni Kathalina kay Austin. Gusto kong magtago sa ilalim ng mesa o hindi kaya pumasok sa butas nang aircon.

"Kathalina..." humigpit ang hawak ko sa braso niya habang nanlalamig ang mga kamay dahil sa kaba.

Nabaling ang tingin ko kay Zadrah na tumayo sa kaniyang upuan at marahan na naglakad palapit sa amin habang seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

Tangina talaga. Tangina mo Kathalina. Papatayin talaga kita dahil pinapahiya mo ako.

"Tangina naman talaga." Bulong ko kay Kathalina na nakatingin din kay Zadrah. Pakiramdam ko ay nagi-slow motion ang paligid ko habang papalapit sa akin si Zadrah.

"Nagbi..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil inakbayan ako ni Zadrah. Gulat akong tumingin sa kaniya at ganoon din si Kathalina.

"Tama ka nang narinig Austin." Sabi ni Zadrah habang nakatingin kay Austin. Sarkastiko naman itong tumawa.

"Hindi mo pwedeng kausapin si Autumn dahil magseselos ako." Nakatingin siya sa akin habang binabanggit ang katagang 'yun.

"A-ano bang pinagsasabi mo?" Bulong kong tanong.

"Autumn Fernandez, gusto kita." Bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa sinabi ni Zadrah. Kilig na kilig naman ang mga nasa paligid ko lalo na ang kaibigan ko, maliban kay Austin na halatang nagagalit.

"Victory girl." Masayang sigaw ni Kathalina. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

Nanatiling nakatingin ang mga  mata ko kay Zadrah. Mas guwapo pala siya kapag malapitan talaga. Ang ganda ng mata niyang kulay brown. Mayroong matangos na ilong at medyo makapal na labi. Damn.

Tangina ano 'to? Totoo ba 'to? Ano 'tong sinasabi ni Zadrah?

Gusto niya ako? For real?

Gusto ako ni Zadrah Del Santaana?