First Date
Autumn's POV:
Hinatid ni Kathalina ang susuotin ko para mamaya...actually ngayon pala. Isang see through ang binigay niya sa 'kin na kulay pula.
"Kinakabahan talaga ako." Bulong ko sa sarili. Tapos na rin ako maligo. Mag aayos na rin ako para presentable akong humarap kay Zadrah. Alangan naman ang gwapo-gwapo niya tapos ako dugyutin? No way!
Sinuklay ko ang buhok ko. Marunong naman ako kahit papaano mag-ayos kaya walang problema. Nag prisenta si Kath kanina na siya ang mag-aayos sa 'kin, kaya nga lang tinawagan siya nang daddy niya may urgent meeting daw sila.
Naglagay ako ng light make up sa mukha ko at pulang lipstick na hindi naman gano'n kakapal. Pagkatapos kung mag-ayos ay sinuot ko rin ang damit na bigay ni Kath. Hindi naman gano'n kasikip sa 'kin sakto lang para makahinga ako ng maayos mamaya.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil bumagay ito sa 'kin. Naagaw ang atensyon ko sa cellphone ko nang tumunog ito. Nabasa ko kaagad ang pangalan ni Zadrah. Pangalan palang niya ay kinakabahan na ako paano pa kaya kapag nakita ko na siya. Huminga ko nang malalim bago ito basahin.
From: Zadrah
[I'm here.]
Mabilis kung sinuot ang sandals ko saka lumabas nang kwarto. Kinakabahan ako habang naglalakad. Nakita ko kaagad ang magarang sasakyan niya na nakaparada sa harap ng gate. Bumaba ang bintana nito.
"Hello." Bati ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin saka lumabas ng sasakyan niya. Nang makababa ay lumapit siya sa akin. Tinignan niya ang kabuuan ko.
"P-pangit ba?" Naiilang kung sabi. Ngumiti siya saka umiling.
"You look beautiful." Puri niya. Pakiramdam ko ay nagbabaga ang pisngi ko. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o naiilang lang sa kaniya.
"I-ikaw din ang gwapo mo." Balik na puri ko sa kaniya. He's wearing a simple white shirt na.
"Thank you." Aniya. "Let's go?" Aya niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang makapasok sa loob ay siya namang pumasok din. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa kinauupan ko sa sobrang kaba.
"Where do you want to go after our date?" He asked without looking at me. I him.
"I-ikaw bahala." Ano ba Autumn, umayos ka nga. Bakit ka ba kinakabahan ha? I heard him chuckled. Ayan pinagtawanan kana Autumn dahil sa kagagahan mo.
"You okay?" Natatawang tanong nito. Umayos ako ng upo.
"Kinakabahan kasi ako." Nahihiyang sagot ko. Tinapunan niya ako nang mabilisang tingin bago ibalik sa kalsada.
"Inhale." Utos niya at ginawa ko naman.
"Exhale." Ginawa ko naman ulit.
"You okay now?" Muling tanong nito. Tumango bilang sagot. Medyo nabawasan naman ang kaba sa dibdib ko.
"Wala naman akong gagawing masama sa 'yo e kaya 'wag kang kabahan." Dinig kung sabi niya.
"Uy, wala naman akong sinabing may gagawin ka sa 'king masama. Kinakabahan lang talaga ako ngayon lang ulit kasi may nagyaya sa 'kin na makipag date e." Mabilis kung sagot.
"I see." Nakangiti nitong sabi.
"May alam ka bang lugar na magandang puntahan?" Tanong ni sa 'kin. Ngumiti naman ako nang malapad.
"Do you like sea?" Tanong ko. Gumihit ang magandang ngiti nito sa labi.
"Yeah." Tipid nitong sagot.
"Doon nalang tayo. Masarap magpalipas nang oras sa tabing dagat." Sabi ko.
"Good idea Autumn." Pagbanggit niya sa pangalan ko ay bigla nalang bumilis ang tibok nang puso ko. Gusto kung dukutin ito at pagsabihan na huwag siyang malandi.
"We're here." Anunsyo pa niya nang makarating sa magarbong restaurant. Sa labas palang ay alam mo na agad na sobrang mahal ng mga pagkain sa loob.
"B-bakit dito?" Tanong ko. Tinaggal niya ang seatbelt niya saka humarap sa akin.
"I want here. Sobrang ganda ng ambiance sa loob." Sagot pa nito. Nakailang lunok pa ako. Wala namang problema e, kaso wala akong pera pambayad sa mga kakainin ko.
"Let's go?" Aya niya. Magsasalita pa sana ako pero lumabas na ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Kumapit ako sa braso niya.
"Let's enjoy the night while getting to know each other." Bulong pa nito sa tainga ko. Nakiliti ako sa ginawa niya. Habang naglalakad kami ay sinasalubong kami ng mga waiter sa loob at binabati. Kilala rin si Zadrah dito.
"Here sir." The waiter motioned his hand. Maging ang mga waiter dito ay ang gagarbo ng mga kasuutan. Pinaghila ako ni Zadrah ng mauupan.
"Thank you." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti siya sa akin. Nilibot ng mga mata ko ang paligid. Maging ang chandelier ay napakagarbo. Nagmumukha tuloy akong ignorante dito. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa lugar na ito.
"Sir." the waiter interrupted. He handed the menu. Nakangiti namang tinanggap ito ni Zadrah. Kinuha ko rin ang inabot niya sa aking menu.
My jaw dropped when I saw the price. Ano ba 'tong mga pagkain nila dito ginto? Bakit ganito nalang ito kamahal?
"Nakapili kana ba Autumn?" asked Zadrah. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil kahit tatlong sahuran ko ay hindi mababayaran ang pagkain dito.
"H-hindi ako makapili, masasarap lahat e." Pagdadahilan ko.
"Take your time." Aniya pa. Muli akong tumingin sa menu. Maging ang pangalan ng mga pagkain ay hindi ko rin mabanggit. French ba may ari ng restaurant na ito at bakit ganito nalang ang mga pangalan ng mga pagkain na 'to?
"Zadrah" tawag ko sa kaniya. Nakangiti naman itong tumingin sa akin. Hinihintay na rin ako nang waiter para sa order ko.
"Hindi ako makapili masyadong mahal." Bulong ko pa. Mahina itong tumawa. Napahiya na naman ako sa pangalawang pagkakataon.
"It's fine." sabi nito. Humarap siya sa waiter. "Same as mine please." Sabi niya sa waiter. Bahagya pa siyang yumuko.
"20 minutes sir." Aniya bago umalis.
"Zadrah" muling tawag ko sa kaniya.
"Why? Is there aproblemAutumn?" Tanong niya. Mabilis akong umiling.
"Ano kasi..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Hindi ko alam kung paano babayaran yung mga kakainin ko ngayon." Nakayukong sabi ko.
"No, it's fine Autumn. Huwag mong intindihin ang babayaran mo. Actually, my father owns this place." My jaw literally dropped.
"Seriously?" Manghang tanong ko. Pinatong niya ang dalawang siko at pinagdikit ang palad.
"Yes, kaya 'wag kang mag-alala. Sagot ko lahat ng mga kakainin natin." Nakangiting sabi niya. Ang yaman pala ng lalaking 'to.
"Ang yaman mo pala." Puri ko pa.
"No I'm not." Sagot nito.
"Anong hindi? E pagmamaya-ari niyo nga 'to." Sabi ko saka muling nilibot ng mata ang paligid.
"My father owns this, not me, so I'm not included." Tamad niyang sagot. Syempre kasama na rin siya dun. I shrugged my shoulders.
Nang dumating ang order namin ay nag umpisa na kaming kumain.
"You like it?" Tanong nito.
"Oo, salamat." Sabi ko. Bumalik kami sa pagkain. May kalmadong tugtog ang paligid. Halata rin na matataas ang estado nang mga taong kumakain dito base na rin sa mga suot nilang magagara.
"You know what? This restaurant build during Spanish era or spanish colonial." Kwento pa nito. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman ito.
"Year 1570 my great grandfather decided to build their own restaurant. It isn't easy for them to manage this restaurant, there's a lot of process." aniya pa. Tutok na tutok ako kay Zadrah habang nagk-kwento ito.
"Paano yun 'di ba Spanish ang namuno dito sa Pilipinas during Spanish Colonial? So paano niya to napatakbo?" I asked. Naging interesado sa ako kwento niya.
"Yeah, my great ancestors have a Spanish friend who help him to manage his business. To make the story short they help each other until it become successful. It took how many years before their restaurant become famous. Before, ang nakakapasok lang dito ay ang mga matataas na tao. I mean the person who have the power to control everything. The person who have a lot of money to buy anything." Napatango-tango naman ako.
"I thought it was a French restaurant." Sabi ko.
"Yeah, It is a French and Spanish restaurant. Nang makilala ng great grandfather ko ang great grandmother ko ay nahaluan na rin ito ng French. I mean my grandmother came from French. She is the daughter of one of the powerful and riches man and woman who lived in France." Paliwanag nito. Para akong mababaliw sa mga sinasabi ni Zadrah.
"And until now, nandito pa rin ang restaurant na ito at ang papa ko na ang may-ari nito." Muli kung tinignan ang mga tao sa paligid. Halo nga ang disenyo nang restaurant na ito. Modern at classic.
"Ang galing naman. Akalain mo 'yun na manage nila yung restaurant na to nang ganito katagal?" Manghang sabi ko. Alam ko date itong pinunta ko pero parang naging history class ang kilabasan dahil sa Spanish Colonial na yan?
"Naboring ka ba sa kwento ko?" Tanong nito. Mabilis akong umiling.
"Hindi ah, nag-enjoy nga ako e." Nakangiting sabi ko.
"Gusto mo ba makita ang paintings sa taas?" Tanong nito sa 'kin.
"Oo sige gusto ko rin makita." Sagot ko. Una siyang tumayo. Inalalayan niya naman akong tumayo.
"Thank you." Sabi ko
"vous êtes les bienvenus" sagot nito. Kunot-noo ko naman siyang tinignan.
"Anong ibig sabihin nun?" Takang tanong ko habang naglalakad kami.
"You are welcome" Aniya pa. Napa-ah naman ako bilang sagot.
Umakyat kami sa hagdanan dahil nasa taas pa daw ang mga paintings at mga portraits during the Spaniards Colonial. Excited tuloy akong makita ang mga litrato dun.
"Bonsoir monsieur, Zadrah" [good evening Mr. Zadrah]
"Bonsoir belle demoiselle"
[Good evening beautiful young lady]
Bati sa amin nang lalaking matipuno na nakabantay sa pinto. Ngumiti ako dahil hindi ko naman alam ang sinabi niya sa amin. Mas lalo pa akong lumapit kay Zadrah para sakali mang tanungin ako o may sabihin ang taong nakabantay ay may makukuhaan ako ng sagot.
"Bienvenue au grand musée des incesteurs" [Welcome to the GREAT ANCESTORS MUSEUM]
Masaya pang sabi ni habang nakabantay sa amin papasok.
"Ano daw sabi Zadrah?" Pabulong na tanong ko. Mahina naman siyang tumawa.
"Welcome to the GREAT ANCESTORS MUSEUM daw" sagot pa nito.
"Ang cool naman pala dito. Hindi lang restaurant kung hindi museum rin ng mga great ancestors mo." Manghang sabi ko habang ginagala ang mata sa paligid. May mga antique rin na parang mula pa nung Spanish Colonial pero mukhang matibay pa ang mga ito halata ang pag aalaga. May mga paintings na parang galing rin sa mga sikat na pintor. May mga pangalan sa bawat paintings at pirma na mukhang pangal ng mga pintor.
"These are the portraits of my great ancestors." He motioned his hand. Tinignan ko isa-isa ang mga litrato na nakablack and white pa. Mayroon itong pinamalaking picture sa gitna ng mga iba pang hindi medyo kalakihan na larawan.
"Cool." I mouthed. Humiwalay ako kay Zadrah at lumapit sa mga larawan.
"Sino to?" Turo sa larawan na nasa gitna.
"Siya ang tinutukoy ko sa 'yo kanina. He is Abilo Bravo Del Santaana. Abilo means, one who is skill and proficient in whatever he does." Aniya. Marahan kung hinawakan ang larawan.
"Bravo means, brave." Dagdag pa nito. Napa-ah naman ako. Kamukhang-kamukha ni Zadrah ang great grandfather niya. Tinignan ko naman ang isa pang malaking litrato nang babae na katabi nang great ancestor niya.
"I assume na ito ang great grandmother mo na asawa niya?" Tanong ko. Tumingin ako sa likod para tignan si Zadrah. Ngumiti siya sa akin at tumango bilang sagot.
"Yup, She is Amelia Del Santaana Amelia stands for hardworking." Paliwanag nito. Sobra akong namamahangha sa mga nakikita ko sa loob ng museum. Modern rin ang disenyo sa loob na may tema ng Spanish and French.
"Grabe big time ng pamilya mo ha?" Kumento ko pa habang naglilibot sa loob. Marami pa akong nakitang mga gamit na mula pa noong Spanish Colonial. Sobrang luma na pero parang ang titibay at babago pa tignan.
"Salamat sa pagdala sa akin sa lugar na ito." Nakangiting sabi ko.
"My pleasure." Sagot niya. Pagkatapos maglibot sa loob ay lumabas kami.
"Gusto mo pa bang tumambay muna sa tabing dagat o uuwi kana?" Tanong nito sa akin.
"Ikaw kung gusto mo naman umuwi pwede rin naman na uwi na rin ako." Sagot ko. Yumuko pa siya at tumawa ng mahina. Kanina pa ako pinagtatawanan ng lalaking to.
"Gusto ko pa." Nakangiting sabi niya. Lumapad ang ngiti ko. Gusto ko pa rin tumambay e.
"Let's go?" Aya niya sa akin.
"Happy to served you. Please come again!" Sabi nang bantay. Yumuko ako nang bahagya bilang pasalamat.
Inalalayan ako ni Zadrah hanggang sa makarating kami kung saan naka park ang sasakya niya.
"Wait." Pigil ko sa kaniya.
"Bakit?" Tanong nito sa akin.
"P-picturan ko lang sana yung lugar ang ganda kasi e." Sabi ko. Ngumiti sa akin si Zadrah.
"Sure." Aniya. Mabilis kung nilabas ang cellphone ko at kumuha nang litrato.
"Ang ganda." Bulong ko. Lumapit ako kay Zadrah
"Done?" Tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot. Inalalayan niya akong makapasok sa loob. Tahimik lang kaming dalawa ni Zadrah. Medyo na wala na rin ang hiya ko dahil sa nakausap ko naman na siya kanina.
Nang makarating kami sa destinasyon namin ay agad kaming bumaba. Pumunta kami sa dalampasigan. Hinabud ko rin ang sandals ko dahil lumulubog dahil sa buhangin. Gano'n rin ang ginawa ni Zadrah.
"Wait me here may kukunin lang ako sa sasakyan." Paalam niya sa akin saka umalis. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sobrang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin.
Hindi rin nagtagal si Zadrah bumalik itong may dalang tela.
"Saan ka kumuha nyan?" Taka kung tanong. Nilatag niya ang dalawa niyang sapin para upuan namin.
"Dala namin to no'ng minsan rin kaming pumunta sa dagat kasama ang mga kaibigan ko." Sagot nito. Sumenyas pa siyang umupo ako at ginawa ko naman 'yun.
"Do you like stargazing?" Tanong nito habang sa langit ang tingin.
"Oo, pero mas masarap mag stargazing sa tabing dagat." Nakangiti ko pang sagot. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Zadrah. Nangangapa rin ako ng sasabihin dahil nakaramdam ako nang awkwardness sa aming dalawa. I cough.
"You okay?" Nabaling ang tingin nito sa akin nang umubo ako.
"Ah, oo nasamid lang ako." Pagdadahilan saka pakunwaring tumawa.
"Uhm, Zadrah?" Tawag ko sa pangalan niya. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. Parang umurong ang dila ko. Nanunuyo ang lalamunan ko dahil lang sa simpleng niya lang.
Tangina naman bakit ganiyan kasi tumingin.
"Totoo ba na gusto mo ako?" Ang tanging nasabi ko. Nanatiling nakatingin sa akin si Zadrah.
Bumibilis ang tibok nang puso ko. Parang nagwawala at gusto ng lumabas kung saan siya nakapwesto ngayon. Mas lumapit si Zadrah sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga. Ang pagtaas at pagbaba ng balikat niya gawa nang malalim ng pahinga.
"Uh, 'wag muna sagutin." mabilis kung sabi. Hindi ko na rin kinakaya dahil baka sumabog pa ang puso ko dahil sa kaba. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at kaunting galaw lang ay mahahalikan ko siya.
"Gusto kita..."
Para akong na bingi sa sinabi ni Zadrah. Nagwawala na naman ang puso ko dahil sa kaba.
Zadrah naman marupok ako.