Chereads / Marriage Contract with a Gay / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Friendzone

Autumn's POV:

"G-gusto mo ako?" Kinakabahang tanong ko. Ngumiti siya at tumango.

"Gusto kitang maging kaibigan." Sagot nito. My jaw dropped. Kumirot ang puso ko dahil sa sagot niya.

"G-gusto mo akong maging kaibigan?" Pag-uulit ko. Umayos siya nang upo at muling tumingin sa langit.

"Oo, bakit ayaw mo?" Tanong niya at saglit na tumingin sa akin.

"A-ah, hindi ha? Gusto ko nga e." Sabi ko at kunyaring tumawa.

"What are you expecting?" Tanong nito.

"W-wala naman." Mabilis kung sagot. Hindi pala talaga niya ako gusto. Gusto niya lang ako maging kaibigan.

"Pero bakit mo ako niyaya mag date?" Tanong ko. Mahina siyang tumawa saka tumingin sa akin. Nilagay niya sa likod ang dalawang kamay niya at ginawang tukod niya.

"Kasi gusto kitang makilala." Sagot nito. Hindi ko siya maintindihan. Gusto niya akong maging kaibigan pero sa paraang date? Ang gulo naman Zadrah.

"Pwede mo naman akong makilala kahit hindi sa ganitong paraan e." Sabi ko. Lumpad ang ngiti nito sa 'kin.

"Hindi mo ba nagustuhan yung date natin?" mabilis akong umiling.

"Hindi ah? Gustong-gusto ko. Ngayon lang ako nakapunta sa gano'ng kagarbong lugar tapos hindi ko magugustuhan?" Natatawa kung sagot.

"Happy to hear." Aniya saka nag-iwas nang tingin.

"Can you sing for me?" Nakangiting sabi niya. Tumikhim ako at umayos ng upo.

"I heard na maganda daw ang boses mo kapag kumakanta ka. So can I hear it?" Malapad ang ngiti nito.

"Sinong nagsabi sa 'yo? Si Kathalina ba?" Tanong ko pero umiling ito.

"Eh, kanino?" Takang tanong ko.

"It doesn't matter kung sino ang nagsabi sa 'kin. But please kantahan mo ako." Aniya na parang bata.

"Oh, sige."

"Pwede ba ako humiga?" Tanong nito. Hindi pa ako nakaksagot pero humiga ito at ginawang unan ang hita ko.

"Uh, yeah, sure." Sagot ko.  "Anong kakantahin ko?"

"Ikaw bahala." sagot niya. Muli akong tumikhim. Kinanta ko ang SANA by: I belong to the Zoo.

Nakapikit si Zadrah. Sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. Iba rin makipagkaibigan ang isang to masyadong magarbo.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang magandang hulma nang kaniyang magandang mukha. Ang matangos na ilong niya at kissable na lips na nagdadagdag ganda sa mukha niya.

Nagpatuloy ako sa pagkanta. Parang nakatulog na rin si Zadrah dahil hindi na ito gumagalaw. Nakaramdam na rin ako ng antok.

Dahan-dahan kung dinilat ang mga mata ko. Hindi ko akalain na nakatulog rin pala ko. Halos mangunot ang noo ko nang mapansin kung umaga na pala at nakahiga ako sa kama ko.

"Nasaan si Zadrah?" Tanong ko sa sarili. Ito pa rin ang suot ko hanggang ngayon. Paano ako napunta dito?

Lumabas ako nang kwarto at dumiretso sa kusina. May napansin akong notes sa mesa kaya kinuha ko ito.

"Don't forget to eat your breakfast" -Z

Napangiti naman ako. Tinignan ko ang pagkain na nakatakip sa mesa na malamang siya ang naghanda. Kinikilig ako habang inaamoy ang mabango niyang luto.

Muli akong bumalik sa kwarto para kumuha ng damit. Kailangan ko munang maligo bago ako kumain. Nang matapos ay agad rin akong naligo. Pinasadahan ko ang katawan ko nang malamig na tubig. Bakit ba ako kinikilig nang ganito e gusto lang naman ako maging kaibigan ni Zadrah?

"Ang tanga mo naman Autumn." sabi ko sa sarili.

Binilisan ko nalang ang pagligo ko. Nang matapos ay agad rin akong mag bihis. Kinuha ko ang cellphone ko dahil tumunog ito. Nakita ko naman agad ang pangalan ni Zadrah. Para na naman akong nakangiti sa kawalan.

"Umayos ka nga Autumn para kang tanga." Pangangaral ko sa sarili. Huminga ako nang malalim bago basahin ang message niya.

From: Zadrah

[Goodmorning. Sorry kung hindi na kita nagising kagabi masarap kasi ang tulog mo e. Don't worry pagkatapos kitang ihatid sa inyo umuwi agad ako.]

Aniya. I bit my lower lips. Kung ibang tao lang siguro yung siguro may nangyare nang masama sa akin, pero si Zadrah yun e. Tumili ako nang walang tunog habang yakap yakap ang cellphone.

"Hoy Autumn umayos ka nga." Sabi ko saka umayos nang tayo. Dala-dala ko ang cellphone ko hanggang sa kusina. Nakangiti ako habang kumakain. Pakiramdam ko tuloy si nandito si Zadrah.

Pero teka nga. Bakit may pagkain dito kung umuwi siya agad kagabi? Hindi kaya nagsisinungaling lang sa akin si Zadrah? Bahala na nga ang mahalaga may pagkain na ako.

"Autumn." Sigaw ni Kathalina. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa nang babaeng yan dito?

"Autumn girl, I miss you." Excited niyang sabi nang makapasok sa loob. Dumiretso siya sa kusina at naghila ng upuan.

"Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?" Tanong ko. Kinikilig itong nakatingin sa akin.

"Gusto lang kita kamustahin bakit ba ha?" Nakangusong sabi niya. "Ang bango naman niyan." Patukoy niya sa kinakain ko. Hinablot ko ang pagkain ko dahil sa akin lang naman to, niluto sa akin ni Zadrah.

"Hoy bakit ka nagdadamot? Parang ko naman natikman mga niluto mong pagkain." Aniya.

"Gutom ako. Gutom ako kaya ako lang kakain nito." Pagdadahilan ko. Gumuhit ang mapang asar niyang ngiti.

"Don't tell me..." nakangiting sabi niya.

"Hindi...hindi si Zadrah ang nagluto nito. Bakit niya naman ako lulutuan?" Mabilis kung sabi na mas lalong ikinangiti niya.

"Hindi pa ako tapos Autumn, pero pwede rin na siya ang nagluto nyan." Pang-aasar pa niya. Inirapan ko siya.

"Mahimik ka nga dyan Kathalina." Inis kung sabi. Hinila niya ang upuan niya palapit sa akin.

"So what happened?" Nakangiti nitong tanong.

"Saan?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kaniya. Nagpatuloy ako sa pagkain. Ayoko siyang tignan dahil baka masapak ko ang mukha niya.

"Sainyo ni Zadrah kagabi." Sinundot niya pa ang tagiliran ko kaya napaigtad ako. Tinignan ko siya ng masama.

"Kumain lang kami." Tamad kung sabi. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Kumain lang?" Tanong nito na may pang aasar ang tono.

"Oo, ano pa ba dapat ang gagawin namin?" Sarkastikong tanong ko.

"Hindi manlang ba kayo nag slow dance? Tapos yung kayo lang dalawa habang may dim na ilaw? Tapos petals nang red roses ang paligid? Walang ganun?" Nakangusong sabi niya. Umiling naman ako.

"Ang boring naman niya makipag date, hindi romantic." Aniya. Inubos ko muna ang pagkain sa bibig ko bago siya sagutin.

"Hindi romantic kasi naging history class." Sagot ko. Mas lalong ngumuso ito.

"Sobrang boring naman. Pati ba naman sa date nagka-klase kayo?" Tamad nitong tanong.

"But I enjoy." Nakangiting sabi ko.

"Syempre mahilig ka sa history e paanong hindi ka mag eenjoy? Akala ko pa naman romantic talaga ng date nyo." Kumuha na rin siya ng plato at nag umpisa nang kumain.

"So bakit history ang nag-usapan niyo?" Curious na tanong nito.

"Kwinento lang sa 'kin ni Zadrah ang restaurant nila." Pag-uumpisa ko. Tumigil siya sa pagkain at nanlaki ang mga mata.

"O.M.G. Restaurant nila?" Manghang tanong nito. Tumango naman ako. "So, tama nga ang naririnig ko na mayaman talaga si Zadrah? O.M.G girl jackpot." Aniya na ikinanguso ko. Jackpot nga, gusto nya lang naman ako maging kaibigan.

"Tapos? Tapos?" Excited niyang sabi na hindi maalis ang tingin sa akin.

"Pinakilala niya rin sa 'kin yung mga ancestors niya." Dagdag ko. Huminga ng malalim si Kath.

"Grabe girl, date palang yun pero pinakilala niya na yung mga angkan niya mula sa kinanunununuan niya." Halos hindi makapaniwala niyang sabi. 

"So pagkatapos niya magkwento anong ginawa niyo?" Tanong nito. Hindi ko siya tinapunan nang tingin.

"Pumunta kami sa tabing dagat." Sagot ko. Mas lalo pa siyang tumili.

"That was so romantic." Aniya na halatang kilig na kilig. "O.M.G. I wonder kung ano ang pinag-usapan niyo dun na kayo lang dalawa. Pero ano nga ba Autumn?" Binaba ko ang kutsara at tinidor at saka siya tinignan.

"Pumunta ka ba dito para interviewhin ako?" Tanong ko.

"Gusto ko lang naman malaman. So ano nga?" Ani Kath.

"Nag-usap kami nang kung ano-ano." Sabi ko. "Tinanong ko kung totoo ba 'yung sinabi niya kay Austin." Dagdag ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

"OH MY G! For real?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako. "Anong sabi niya? Syempre oo totoo yun." Nakangiting sabi niya.

"Oo totoo..." hindi ako natapos sa pagsalita nang hampasin niya ako sa balikat dahil sa kilig.

"Omyghad, magkakalove life kana girl." Masayang sabi niya at umarte pa na umiiyak. Huminga ako ng malalim.

"Gusto niya ako...gustong maging kaibigan." Sabi ko sa mababang tono. Unti-unting naglaho ang mga ngiti ni Kath.

"Kaibigan?" Paglilinaw niya.

"Oo kaibigan."

"Tangina." She cursed. "Akala ko pa naman totoong gusto ka niya. I mean yung may pagtingin siya sa 'yo." Dagdag pa nito. I shrugged my shoulders.

"Pero 'di bale girl, malay mo ito yung way niya ng panliligaw. Saka natural lang naman yan 'di ba? Kailangan talaga mag start kayo sa pagiging magkaibigan? Ang pangit naman nun jojowain ka niya tapos hindi niyo kilala ang isa't-isa." She said while patted my shoulder.

"Maganda rin yung ginawa ni Zadrah. Hindi naman pwedeng madaliin ang lahat e. Kailangan niyo muna makilala ang isa't-isa. Hindi naman p-pwede na sasabak kayo sa gyera tapos hindi kayo parehong handa 'di magkakasakitan lang kayo sa huli, hindi ba? " Nakangiting sabi nito sa 'kin.

"Saka kailangan mo munang makilala si Zadrah girl. Ayoko naman na saktan ka niya no? Kasi nako, baka makalbo siya pag nagkataon." Niyakap niya ako. "Ayokong nasasaktan ang kaibigan ko. Ayokong masaktan ka, alam mo 'yan Autumn." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ni Kath sa 'kin.

"Mahal kita Autumn hindi bilang kaibigan kung hindi bilang kapatid ko na rin." Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Salamat Kath." Nakangiting sabi ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at nagpatuloy sa pagkain. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Maya maya lang ay bigla siyang nagsalita.

"Pero seryoso girl na friendzone ka ni Zadrah?" Nakanguso nitong tanong. Matalim ang naging tingin ko sa kaniya.

"Sabi ko nga kakain nalang ako. Hindi na ako magsasalita. Ito na girl oh?" Aniya saka nagmadaling kumain.

Pagkatapos naming kumain ni Kath ay nagkasundo kaming mag lakad-lakad muna sa labas. Napadpad kami sa isang parke kung saan may mga bata ring naglalaro.

"Nakapagpadala kana ba nang pera sa pamilya mo?" Tanong ni Kath nang makaupo kami sa duyan.

"Oo kahapon." Sagot ko. Pinagmasdan ko ang mga batang nagtatabukhan sa harapan namin.

"May balak ka bang magbakasyon do'n?" Tanong nito.

"Oo naman, sa bakasyon natin baka umuwi ako." Sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

"Sama ako Autumn, gusto ko na makilala pamilya mo e." Parang batang sabi niya. Tumango ako bilang sagot. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

"Sagutin muna." Dinig ko pang sabi ni Kath. Sinagot ko naman ito. Ginalaw ko ang duyan gamit ang dalawa paa ko habang nasa tainga ang cellphone.

[Hello Trix] pag-uumpisa ko. Unan kung narinig ang sigawan sa kabilang linya.

[Si Autumn ba 'yan? Akin na....akin na.] Boses ni nanay 'yun. Huminga ako ng malalim.

[Autumn!] Sigaw nito kaya nilayo ko sa tainga ko ang cellphone.

[Hoy, Autumn sagutin mo ako! Ang yabang muna ha!] Aniya pa. Mapait akong ngumiti. Lagi niya nalang sinasabing mayabang ako dahil nakatuntong na ako dito sa Maynila.

[Nay?] Sabi ko sa mababang boses.

[Ano? Kailan ka ba magpapadala ng pera ha? Wala ng kaming pangkain dito!] Aniya.

[Kakapadala ko lang po kahapon.] Magalang kung sagot.

[Oh ano naman ngayon? Ubos na ang limang libo na pinadala mo!] I bit my lower lip.

[Kailangan mo magpadala ulit. Ano? Papatayin mo ba kami sa gutom dito ha?!] Tinignan ko si Kath na busy rin sa cellphone  niya.

[Sige po babali ako sa Boss ko. Ipapadala ko kaagad sainyo dyan.]

[Dapat lang Autumn, hindi yung puro kalang pasarap dyan sa Maynila. Sarili mo lang ang iniisip mo.] Kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Nagbabadya ang mga luha kung bumagsak.

[Hindi naman po ako nagpapasarap dito.] Halos pabulong kung sabi. Tumingin sa akin ni Kath na parang nag aalala sa 'kin. Tinapik niya ang balikat ko at saka ngumiti.

[Aba, sumasagot kana ngayon? Sumasagot kana Autumn? Wala ka talagang galang sa akin kahit kailan. Ang bastos mo pa rin.] Sigaw niya. Madiin akong pumikit.

[H-hindi po.] Sagot ko. Nilayo ko ang cellphone at saka nagpakawala nang mabigat na paghinga.

[Ate?] It was Trix voice. I clear my throat.

[Trix] I fake my smile.

[Ate, sorry. Lasing lang 'yun si nanay pagpasensyahan muna.] Paghingi niya ng pasensya.

[Ayos lang...] sanay na ako sakaniya. [I-kamusta ko ako sakanilang lahat ha?] Garalgal na boses kung sabi.

[Oo sige ate. Ikaw ha mag-ingat ka dyan.] Si Trix lang ang may pakialam sa akin. Siya lang lagi ang nangungumusta sa 'kin.

[Hell Trix? Trix?] Tinignan ko ang cellphone dahil biglang namatay ang tawag. I let out a weighty sigh.

"You okay girl?" Nag-aalalang tanong ni Trix.

"Oo yata." Natatawang sabi ko.

"May problema ba? Baka makatulong ako sabihin mo lang.] Nakangiting sabi niya.

"Nanghihingi na naman pera." Mapait akong tumawa.

"Papahiramin kita ng pera. Bayaran mo nalang kapag nagkapera ka nalang.] Alok ni Kath. Tinignan ko siya.

"Salamat Kath. Salamat talaga." Parang maiiyak na sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Basta ikaw Autumn. Basta wag kalang magsisinungaling sa 'kin kapag may problema ka." Aniya pa habang nakangiti.

"Huwag kanang malungkot d'yan. Ngumiti kana." Sabi niya. Ngumiti ako ng malapad.

"Autumn?" Tawag nang kung sino sa 'kin mula sa likuran ko.

"Naks." Dinig kung sabi ni Kath. Bumilis ang tibok nang puso ko ng magkatitigan kaming dalawa. I smile out of nowhere. I'm crazy, damn it.

"Zadrah..." I said while keep smiling.