Perplexed
Autumn POV:
"Sampalin mo nga ako Kathalina" wala sa ulirat kong sabi habang nakatulala.
"Ha? Bakit naman girl?" Taka nitong tanong na nakatingin sa akin.
"Basta sampalin mo ako." Sagot ko at nanatiling nakatulala. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ng sobrang hapdi ng pisngi ko.
Tangina
"Tangina naman bakit sobrang lakas naman nun?" Inis na tanong ko na parang maiiyak sa sobrang sakit.
Hawak-hawak ni Kathalina ang palad niya at nakakailang lunok na nakatingin sa akin.
"Inutusan mo kasi ako." Aniya pa.
"Pero wala akong sinabi na lakasan mo." Sagot ko habang hinihimas ang pisngi. Pakiramdam ko ay bumakat ang palad nang babaeng to sa pisngi ko.
"Sorry na. Ano ba kasing nangyayari sa 'yo at bakit ka tulala dyan kanina pa?" Nagtatakang tanong nito. Palihim akong ngumiti.
"At bakit ka naman ngumingiti mag-isa dyan?" Kunot-noo nitong tanong. Umiling ako at muling tumingin sa malayo. She snapped.
"Aha, I knew it." Ako naman ang nakanot ang noong nakatingin sa kaniya.
"Ang alin?" Taka ko pang tanong.
"Based on my instinct, it's all about Zadrah." Proud pa nitong sabi. Sa pagbanggit pa lang niya sa pangalan ni Zadrah ay parang mawawalan na ako ng hangin sa katawan. I coughed para hindi niya mahalata ang nasa isip ko.
"Pinagsasabi mo ba ha? At ano ang kinalaman niya dito?" Kunyareng tanong ko.
"You can lie, but your actions can't." umusog ako ng kaunti dahil lumapit siya sa akin.
"Tigilan mo nga ako Kathalina." Inis kung sabi. Nang-aasar pa ang tingin nito sa akin.
"Narinig ng buong klase na may gusto sa 'yo si Zadrah at alam ko naman na hindi ka bingi. And I know din na siya ang iniisip mo ngayon." Aniya. Kahit kailan hindi ako nakakapagsinungaling sa babaeng to. Magaling siya bumasa ng mga iniisip ko. I let out a heavy sigh.
"Am I right Ms. Fernandez?" Paninigurado niya. Bagsak balikat ko siyang tinignan.
"So bakit ganiyan ang mukha mo? Hindi ba dapat ay mag celebrate tayo kasi tama ang instinct ko na may gusto sa 'yo si Zadrah?" Dagdag pa niya. Napasabunot ako sa sariling buhok.
"Dalawang bagay ang gumugulo sa utak ko ngayon Kathalina, tangina naman." Tumabi siya sa akin. She patted my shoulder.
"Tell me what's bothering you?" She said while patted my shoulder.
"Una, maaring sinasabi niya lang nagusto niya ako dahil gusto niya ako ipagtanggol kay Austin..."I stopped as I look at her.
"And then the other one?" She asked.
"O, 'di kaya sinabi niya 'yun para pagtripan niya ako." I bowed down my head.
"What if not? I mean what if totoo talaga ang sinabi niya sa 'yo?" Muli akong nag angat ng tingin. She smiled at me.
"Minsan ko nang nahuli si Zadrah na nakatingin sa 'yo." Aniya.
"So kapag tinignan ka nang isang tao gusto na agad?" I arched my brow. "Ang babaw naman nun Kathalina." I added as I gave her a winced.
"Nah, not just a normanl looked." Mas lalo akong nalito na nakatingin sa kaniya. "Kapag busy ka sa ginagawa mo eh nahuhuli ko siyang nakatingin sa 'yo. Not just once, but twice or thrice, I think."
I let out a heavy sigh. There's something strange and I don't know what's that. I don't know if I will believe it or not.
Haizt! I don't know.
"Pinapaasa mo ba ako Kathalina?" I asked. She shook her head.
"Of course not Autumn. Bakit naman kita papaasahin?" Sagot pa nito. I just shrugged my shoulders.
"Naguguluhan kasi talaga ako. Marupok akong babae pero hindi ako basta-basta naniniwala no? " Nakangusong sabi ko na ikinatawa ni Kath.
"Hindi daw. Lagi ka ngang naniniwala sa mga bulok na pangako ni Austin e." Pang-aasar pa nito pero inirapan ko lang siya.
"Whatever." Ang tanging sagot ko na mas lalo pa niyang ikinatawa.
"Sa tingin mo ba mabait si Zadrah?" I asked again. She shrugged her shoulders.
"I don't think so, but I think he's kind naman. I can't judged the person the way they act or just because of their appearance. Though looks can be deceiving sometimes, still I don't think so and I don't know, Autumn." She responded.
Kung sabagay, mahirap naman talaga magbitaw ng salita kung hindi mo naman talaga kilala ang isang tao.
"Pero sa tingin ko lang ha? May pagka-bad boy type siya. Alam mo 'yun? Yung mga bad boy na character sa movie or books?" Kinikilig pa nitong sabi. Nakangiwi naman ako.
"Kakanuod mo nang ganiyan kung ano-ano nalang naiisip mo." I rolled my eyes.
"Eh, bakit ba ha? Totoo naman talaga e. Lalo na kapag kumilos siya parang badboy naman talaga e. Ganiyan kasi yung nababasa ko sa wattpad." Tinignan niya ako.
"Uwi na nga tayo. Kung ano-ano nalang iniisip mo e." Sabi ko saka nag pauna sa pagtayo.
"Ayaw mo ba muna sulitin yung tamawin?" Tanong nito.
Mabilis naman akong umiling. Niyaya ko kasi si Kathalina na tumambay muna sa madalas naming tambayan kapag wala kaming magawa. Sa tabing dagat kung saan may parang isang waiting shed or kung ano man ang tawag nila dito o tambayan ba 'to. May mga tumatambay dito kapag umaga at lalo na sa gabi dahil maganda talagang tignan ang paligid kapag gabi dahil sa iba't-ibang kulay na mga ilaw sa paligid na samahan pa nang malamig na hangin at tanging ingay lang ng mga alon ang maririnig.
"Sure ka?"
"Oo may tatapusin pa kasi akong gawain e." Wala siyang magawa kung hindi ang tumayo na rin. Gabi na rin at ilang na oras na din kaming nagpalipas ng oras dito dahil lang doon sa sinabi sa akin ni Zadrah na hindi mawala-wala sa isip ko. Parang sirang plaka ang boses niyang paulit-ulit na nagp-play sa utak ko.
"Iniisip mo pa rin si Zadrah." Natatawang sabi ni Kath habang nakatuon ang pansin sa kalsada. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana nang sasakyan at saka tumingin sa labas.
"Tangina kasing Zadrah yun pinapasakit ulo ko." Sabi ko pa. Tumawa na naman si Kathalina kahit wala naman talagang nakakatawa sa sinabi ko.
"Kung sanang hindi niya sinabi 'yun okay naman sana ako ngayon e." Dagdag ko.
"Pagkatapos niyang sabihin na gusto ako, bigla nalang nawala at hindi na nagpakita kanina." Bumuga ako nang hangin.
Pagkatapos ng bangayan namin ni Austin at pagkatapos niyang makisali sa usapan ay nilayasan niya na ako. Hindi na siya nagpakita sa sumunod na subject namin.
"May naisip akong idea girl" she said and gave me a smile.
"Ano yun?" Tamad na tanong ko.
"Mag date kayo." Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.
"What?!" Gulat na tanong ko. Hindi naalis ang mga ngiti niya.
"Yup. That's the only way para mas lalo niyong makilala ang isa't-isa. At ito rin ang paraan para mapatunayan ni Zadrah na gusto ka talaga niya." Muli kong sinandal ang ulo ko sa bintana at hindi na nagsalita.
"Sagot kita." Dagdag pa niya.
Pinarada ni Kath ang sasakyan niya sa harap ng bahay.
"Ayaw mo ba muna pumasok para kumain muna?" Tanong ko habang tinatanggal ang seatbelt.
"May be next time girl. I have things to accomplished pa eh for our business. Alam mo naman si mommy at daddy, 'di ba?" Sagot pa nito.
"Okay, may be next time. Ingat sa pag-uwi. Thank you sa paghatid." Humalik pa muna sa pisngi ko si Kath.
"Take care too girl. Have a tight sleep and wet dream..." mabilis ko siyang hinampas sa braso.
"Ouch..." reklamo niya. Sinamaan ko siya nang tingin. "Joke lang e. Sige na ba-bye na. Eatwell ha? Don't forget to pray. I love you girl." Ang daming bilin nang babaeng to.
"Oo sige na ang ingay mo." Natatawang sabi ko. She waved her hand bago ibaba ang bintana at saka umalis. Nang makaalis siya ay kinuha ko ang susi nang bahay sa bag ko.
Ako lang mag-isa dito sa bahay na 'to dahil ang pamilya ko ay nasa probinsya. Sa manila nila ako pinag-aral dahil mas maganda raw dito kaysa sa Probinsya. Umupa ako nang bahay dito na hindi naman kalakihan sapat para sa akin at para bayaran nang buwanan sa kinikita ko sa trabaho. May sideline ako sa isang bar tuwing weekend o 'di kaya kapag wala na akong ginagawa sa school. Sa sahod ko rin kinukuha ang pantustos ko sa pang araw-araw at pandagdag sa baon ko. Wala akong binibayaran sa school na pinapasukan ko dahil isa ako sa schoolar doon kaya tutok na tutok ako sa pag-aaral ko.
Nang makapasok ako sa loob ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Sapat na sa akin ang laki ng kusinang ito. May tatlong upuan kahit mag isa lang ako. Pagkatapos kong uminom ay sa kwarto naman ako pumunta. Pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama. Pakiramdam ko ay napagod ang utak ko sa kakaisip.
Pipikit na sana ako para matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang pangalan ng kapatid ko.
[Hello...] bungad ko. Hindi siya makapagsalita agad dahil sa sobrang ingay sa paligid niya.
[Hello ate? Sorry lumabas muna ako, 'di kasi kita marinig e. Si nanay kasi lasing na naman, nagwawala.] Paliwanag niya. Nanatiling nakangiti ang labi ko.
[Ayos lang. Kamusta kayo?] Tanong ko. Ilang segundo pa bago siya sumagot.
[Hindi ako okay ate...] nakaramdam ako nang lungkot sa boses niya.
[May problema ba? Sabihin mo sa akin.] Pangungumbinsi ko. [Umiiyak ka ba?] Mabilis akong tumayo sa kama at alang-ala na hinihintay ang sagot nang kapatid ko.
[Trix? May problema ka ba? Sabihin mo sa akin makikinig si Ate.] Naiiyak kong sabi.
[Ate...] nag-umpisa na siyang umiyak. [Natatakot akong sabihin sa 'yo...]
[Huwag kang matakot Trix. Si ate to oh? Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo.]
[Ate buntis ako...] Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Mas lalong humagulgol si Trix. Nilayo ko ang cellphone sa akin dahil baka marinig niya na umiiyak ako. Kinalma ko ang sarili at muli siyang kinausap.
[Ilang buwan na?] Pormal na tanong ko.
[Tatlong buwan na ate. Sorry ate. Sorry kung hindi ako nakinig sa 'yo.] Aniya pa. Umiyak ako nang walang kahit isang tunog na maririnig.
[Shh. It's okay Trix. Ayaw mo 'yun magkaka-baby kana? It doesn't matter kung hindi ka nakinig kay Ate. Wala na tayong magagawa dyan kung hindi tanggapin ang nangyari sa 'yo.]
Sobrang lapit ko kay Trix. Siya ang lagi kung kausap kapag malungkot ako. Siya ang nakaramay ko sa lahat at siya ang nakakaalam nang lahat ng pinagdaanan ko.
[Hindi ka galit sa akin ate?] Tanong niya. Tumigil na rin siya sa pag-iyak.
[Hindi ako galit Trix. Galit ako sa sarili ko kasi iniwan ko kayo.] Malungkot kung saad habang patuloy na bumabagsak ang luha. [Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?]
[Natatakot ako ate. Natatakot ako na baka magalit ka sa 'kin.]
[Kakampi mo ako Trix, bakit ka matatakot sa 'kin? Kakampi mo ako sa lahat.] Namamaos kong sagot.
[Sorry ate. Sorry...] Muli siyang umiyak.
I let out heavy sigh. I calm my self first.
[Huwag kang iiyak nakakasama yan sa baby mo.] Pagpapakalma ko sa kaniya. [Pinanagutan ba kayo nang ama niya?]
[Oo ate. Dito na rin nakatira sa bahay si Jun] I bit my lower lip para hindi marinig ni Trix ang iyak ko. I took a deep breath.
[Good to hear. Magpapadala ako ng pera bukas pampa-check up mo.]
[Salamat ate. Sobrang salamat kasi lagi mo akong sinusuportahan] ngumiti ako.
[Oh, siya magpapahinga na ako ha? Ikamusta mo nalang ako kay Nanay at sa mga kapatid natin.] Pagpapaalam ko.
[Oh, sige ate. Ingat ka dyan ha? Basta yung promise mo ha? Sa bakasyon uuwi ka dito? Sobrang miss na kasi kita e.] Nakaramdam na naman ako ng lungkot.
[Pangako.] Nakangiting sabi ko.
[I love you ate.] aniya saka pinatay ang tawag.
Muli akong umiyak. Kung saang kasama ko lang sila ngayon hindi ako malulungkot ng ganito.
Pagkatapos kong umiyak ay kinuha ko ang tuwalya para maligo. Gusto ko rin palamigin ang utak ko na kanina pa pagod sa kakaisip sa mga nangyari sa araw na 'to.
Pumunta ako ng banyo. Hinayaan kong rumagasa ang malamig na tubig sa pagod kong katawan.
"Kung sanang mayaman lang ako. Hindi ko na kailangan iwan ang pamilya ko sa probinsya para lang mag-aral sa malayo. At sana hindi na rin ako nagt-trabaho para lang may ipadala sa kanila at para sa sarili ko." Bulong ko sa sarili.
"Kung mayaman lang ako nagagawa ko na lahat ng mga gusto ko sa buhay kagaya ni Kathalina at nang iba ko pang mga ka-klase."
"Kung mayaman lang sana ako..."