Chereads / Marriage Contract with a Gay / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Indecisive

Autumn POV:

"Ang bilis mo naman yata sa cr?" Tanong ni Kathalina sa akin. Umupo akong hindi siya pinapansin.

"Hoy, ayos kalang?" Nag-aalalang tanong ni sa 'kin. Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa hinampas na niya ako sa braso pero mahina lang ang pagkakahampas niya.

"Tinatanong kita Autumn kung ayos ka lang ba?" Aniya pa. Tipid akong tumango bilang sagot

"Bakit parang hindi? May umaway ba sa 'yo sa labas? Sino? Ituro mo sa 'kin sasapakin ko." Sunod-sunod na tanong niya.

"Wala. Walang nang away sa 'kin. Ayos lang ako." Sagot ko pa. Umayos ako nang upo ng pumasok si Zadrah. Nakailang lunok ako habang nakatingin sa kaniya.

"Si Zadrah ba dahilan?" Bulong nito sa tainga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Para na naman akong mawawalan ng hangin.

"H-ha? Hindi ah." Pagtanggi ko. Gumuhit sa kaniyang labi ang mapang-asar na ngiti

"Bakit ka nauutal dyan?" Aniya na mas lalo pa akong inasar. Umayos ako nang upo at tinignan siya.

"Hindi nga bakit ba ang kulit mo? May iniisip lang ako." Inis na sagot ko. She shrugged her shoulder as she turn her gaze on her phone.

"Okay" tipid nitong sagot. Hindi na ako pinansin ni Kathalina at wala rin naman akong balak na sabihin sa kaniya ang sinabi ni Zadrah kanina dahil alam kung aasarin niya lang ako kapag nalaman niya.

Napaigtad ako nang biglang mag beep ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan. Kunot-noo akong nakatingin sa cellphone ko dahil sa natanggap kong mensahe galing sa hindi kilalang numero. Pumunta ako sa message box at binasa ang mensahe.

From: unknown

[Tomorrow, 7pm.]

Napagtanto ko na si Zadrah to. Pero paano niya nakuha ang number ko? Tinignan ko ang gawi niya. Tutok ito sa binabasa niyang libro na sobrang kapal. Mabilis akong nagtipa nang irereply sa kaniya.

To: Unknown

[Saan mo nakuha ang number ko?]

Ilang minuto kung hinihintay ang reply niya pero hindi niya ito ginawa. Nanatiling sa libro ang kaniyang mata habang may earphones naman ang kaniyang tainga para hindi marinig ang ingay sa paligid.

"Autumn, let's go. I'm hungry na e." Aya sa akin ni Kathalina na kasalukuyang naglilipit nang gamit niya.

"Tara gutom na rin ako." Sagot ko at niligpit na rin ang gamit ko. Nang matapos ay sabay kaming lumabas. Wala na rin kaming klase ngayong tanghali.

"Sa tambayan tayo?" Tanong ni Kathalina. Tipid na tango lang isinagot ko sa kaniya.

Nang makabili kami nang makakain ay agad rin kaming nagtungo sa tambayan namin ni Kath. Tahimik kaming umupo habang pinapakinggan ang kaluskos ng mga dahon na galing sa matatayog na puno.

"Ang sarap talagang tumambay dito." Dinig ko pang sabi niya. Nilatag ko ang uupan naming dalawa ni Kath.

"Hindi nakakasawang puntahan" dagdag pa nito saka umupo sa tabi ko. "Hindi ba Autumn?" Tanong nito sa akin. Ngumiti ko ng malapad.

"Kanina pa ako nag-aalala sa 'yo Autum. What happened? Just tell me baka matulungan kita." Puno nang pag-aalala ang mga mata niya. I let out a heavy sigh.

"May problema lang sa pamilya, pero kaya naman." Nakangiting sabi ko.

"You keep smiling kahit na alam kung nahihirapan ka na. You're such a brave woman. I admire you Autumn." Aniya saka ako niyakap. Nag-iinit na rin ang gilid ng mga mata ko dahil nagbabadya ang mga luhang babagsak.

"Anong nangyare?" Tanong nito saka humiwalay sa akin.

"Si Trix kasi nabuntis." Pag-uumpisa ko. Hindi nabago ang ekspreyon ng mukha ni Kathalina habang nakatingin sa akin.

"Tapos si Clyde may bayaran daw sa school, hindi mabayaran ni nanay at tatay kasi wala rin silang pera." I let out a weighty sigh.

"Gusto mo ba bigyan kita ng pera para may mapadala ka sakanila?" Aniya.

"Hindi...ayoko, may kukunin naman akong sahod ko mamaya kaya ayun nalang ang ipapadala ko." Mabilis kong sagot. She patted my shoulder.

"Basta kapag kailangan mo nang tulong ko nandito lang ako ha? Huwag kang mahihiya na sabihin sa akin." Nakangiting sabi niya.

"Salamat." Sagot ko. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Kath. Humiga siya at ginawang unan ang kaniyang braso.

"How about Zadrah?" Pagbubukas niya ng panibagong topic. Bumalik na naman sa ala-ala ko ang mga sinabi ni Zadrah.

"Kanina..."pag-uumpisa ko. Tumingin ako sa kaniya habang nanatiling nakaupo habang siya naman ay nakahigang nakatingin sa 'kin.

"Bakit?" Tanong nito.  I bit my bottom lip. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"Kasi ano... Kasi niyaya niya akong makipagdate." Nahihiyang sabi ko.

"Kyaaaa!" Tili ni Kath. Tumayo siya at pilit na dinikit ang katawan sa katawan ko. Kumapit pa siya sa braso ko at halata ang excitement sa mukha.

"Really? O.M.G ghorl, seryoso talaga siya sa 'yo. Kyaaaa!" Muli siyang tumili.

"Tigilan mo nga yang kakatili mo ang sakit sa tainga." Reklamo ko pa. Ngumuso ito sa akin

"Kinikilig ako e." Sagot pa nito. "So anong naging sagot mo?" Excited na tanong ni Kath.

"Wala." Mabilis kung sagot. Ngumuso ito at mahina akong hinampas sa balikat. She winced.

"Ayan ka na naman sa pagiging oa mo e." Nakangiwing sabi niya.

"Hindi ko alam isasagot ko e." Dahilan ko pa.

"Oo lang isasagot mo, hindi mo pa rin nasagot? Susmeyo naman Autumn. Si Lance Zadrah na nga ang nagyaya sa 'yo oh? Aayawan mo pa ba ha?" Nakapaymawang niyang sabi.

"Hindi naman sa inaayawan ko, nahihiya lang talaga ako." dahilan ko. Pinandilatan niya ako ng mata.

"Girl, bakit ka mahihiya e makikipag date ka nanga?" sabi niya. "At saka hindi naman ikaw ang nagyaya kung hindi siya."  Bumuga ako ng hangin at tumingin sa malayo.

"Ang hirap mag decide." Bulong ko.

"Pumunta ka, sagot kita." Nakangiting sabi niya.

Napagpasyahan ko na sa bar nalang ako ihatid ni Kath total ay ilang oras na rin naman at duty ko na.

"Basta Autumn ha? Bukas pumuta ka sa date nyo ni Zad. Huwag mo siya papaasahin." Bilin sa akin ni Kath. Nagkibit balikat ako bilang sagot.

"Una na ako Kath. Salamat sa paghatid." Nakangiting sabi ko nang makababa.

"Okay, take care. Seeyah on monday." Hinintay ko muna siyang makaalis bago pumasok sa loob.

"Ang aga mo naman yata Autumm?" Sabi nang guard.

"Ah opo, 'pagtapos po nang klase namin dito na agad ako dumiretso" sagot ko pa kay Kuyang guard. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto.

"Salamat po." Sabi ko saka pumasok sa loob. Binati rin ako nang iba kong mga kasamahan.

"Autumn." Tawag sa akin ni Mark. Tinignan ko siya na kasalukuyang nagpupunas ng mesa.

"Bakit?" Nakangiting sagot ko.

"Hanap ka pala ni boss kanina. Sabi niya kapag dumating kana daw punta ka sa office niya." Sabi pa nito. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil hindi ko naman alam ang rason kung bakit ako pinatawag. Narinig ko nalang ang malakas niyang pagtawa habang nakatingin sa akin.

"Joke lang." Sabi nito habang tumatawa pa rin.

"Tanginamo talaga kahit kailan no?" Inis kung sabi. Lumapit siya sa akin at saka ako inakbayan.

"Joke lang, 'to naman 'di mabiro." Aniya. Inalis ko ang braso niyang nakaakbay sa akin.

"Alis, baka matadyakan pa kita." Panakot ko. Nakanguso siyang humiwalay sa akin. Umalis ako sa harapan niya. Pumunta ako sa locker para kunin ang uniporme ko. Pagkatapos kung kunin ay agad akong nagtungo sa banyo para mag bihis. Pinasadahan ko pa ang buhok ko ng basa kung kamay. Naglagay ako ng kaunting lipstick at pulbo sa mukha.

"Si boss pala na saan?" Tanong ko kay Mark na kasalukuyan namang nasa counter

"Bakit? Miss mo?" Pang-aasar pa niya. Wala talaga akong makuhang matinong sagot sa isang to. Inirapan ko siya saka binato nang basahang ginamit niya kanina. Mabilis naman itong nakailang.

"Joke lang, nasa office nya nga." Aniya pa. May sasabihin pa sana siya pero agad ko rin siyang tinalikuran. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa loob.

"Pasok." Dinig kung sabi ni boss.

"Oh, Autumn, ikaw pala? Anong kailangan mo?" Tanong nito.

"Sir, baka po pwedeng kunin ko ng maaga yung sahod ko ngayon." Sabi ko sa mababang tono.  "Kailangan lang po talaga." Dagdag ko pa.

"Oo naman." Nakangiting sabi nito. Kumuha siya ng pera at nilagay ito sa maliit na envelope bago ito iabot sa akin.

"Maraming salamat po talaga boss." Sabi ko saka bahagyang yumuko.

"Duty mo na ba? Ang aga mo naman yata?" Tanong nito.

"Mamaya pa po. Pumasok lang talaga ako ng maaga para matulungan si Mark." Sagot ko pa.

"Ah ganun ba? Oh, sige." Aniya

"Salamat po ulit sir." Sabi ko saka lumabas nang office niya. Huminga pa ako ng malalim bago pumunta sa locker para kunin ang bag.

"Saan punta mo Autumn? Kakapasok mo lang uuwi kana agad?" Tanong ni Mark.

"Hindi baliw, magpapadala lang ako saglit ng pera." Sagot ko saka lumabas ng bar.

Kalapit lang nito ang padalahan ng pera kaya hindi na ako mahihirapan pang mag commute. Nang matapos magpadala ay agad rin akong bumalik para tulungan si Mark. Parami na rin nang parami ang mata tao. Pasado alas-syete na ng gabi. Madami talaga ang customers kapag biyernes ng gabi.

"Pagod ka na ba?" Tanong ni Mark na naghahalo ngayon ng inumin. Umiling ako.

"Kaya pa naman." Nakangiting sagot ko. "Saan to?" Tanong ko.

"Table 10 at 13" sagot niya. Mabilis ko itong kinuha at sinerve sa table na sinabi niya.

Alas onse na ng gabi nakaramdam na rin ako ng antok at pagod. Parang hindi nababawasan ang mga tao sa loob.

"Pahinga ka muna Autumn, papalitan ka muna ni Minchie." Aniya. Umupo ako sa mataas na bakal na upuan harap nang counter

"Oo Autumn, maya-maya rin naman ako na ang nandyan." Sang-ayon niya. Inabutan ako ni Mark nang maiinom. Agad ko naman itong tinanggap at nilagok dahil sa uhaw. Pinapanuod ko si Mark sa ginagawa niya. Kasama na rin niya si Luis.

Nang mawala ang pagod ay bumalik rin ako sa ginagawa ko kanina. Pasado alas-dose pero may mga dumadating pa rin. Sikat rin kasi ang bar na ito kaya rin dinadagsa ng mga tao.

"Out muna Autumn." Sabi ni Mark. Tumango ako. Pumunta ako sa locker para kunin ang bag at damit. Nagtango ako sa banyo para magbihis. Naghilamos na rin ako ng mukha para mawala ang antok na nararamdaman.

"Una na ako." Paalam ko sa mga kasama ko.

"Sige ingat." Sagot nila. Ibang guard na rin ang bantay ngayon.

Kung gaano kaingay ang loob ng bar ay gano'n naman ang katahimikan dito sa labas. Ala-una na nang madaling araw. Napapahikab na rin ako sa sobrang antok. Umupo ako sa isang bench na bakante. May halaman itong katabi na may pailaw. Nabibigyang buhay ang lugar na ito dahil napapalibutan ng ilaw. Ang kaharap naman upuan ay dagat. Sumasabay ang malamig na hangin sa alon nang dagat.

Tamad kung kinuha ang cellphone at kinuhaan ng litrato ang lugar. Sa tuwing nagagawi ako dito ay madalas kung picturan ang lugar. Ang kalmado lang kasi ng itsura nito tuwing ganitong oras.

Nang matapos magpahinga ay napagdesisyunan ko ring umuwi. Alas-dos na nang makauwi ako sa bahay. Gustong-gusto ko na talaga matulog pero kailangan ko munang maligo dahil ang lagkit ng katawan ko at naamoy ko ang pinaghalong alak at yosi sa katawan ko.

Nagtungo ako sa kwarto. Kumuha ko ang isusuot kong pantulog. Mabilis akong naligo dahil na rin sa lamig nang tubig. Pinatuyo ko ang buhok bago mapagdesisyunang matulog.

Nagising nalang ako nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa butas ng bubong ko. Kinusot ko ang masakit kung mata. Sa tansya ko ay alas-diyes na nang umaga. Hindi ako nagising agad dahil sa pagod at puyat.

"Good morning Autumn, huwag kalimutang ngumiti hane?" Paalala ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Tinali ko ang magulo kung buhok. Nagligpit ako ng kalat bago ako pumunta ng kusina para magluto ng makakain ko.

Habang nagluluto ay naaalala ko si Zadrah. Naaalala ko ang sinabi niya. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Hindi ko pa rin alam kung papayag ba ako sa date na sinasabi niya.

May parte sa akin na pumunta ako, pero may parte rin sa akin na huwag na daw. Naguguluhan ako. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader para hindi na mahirapan pang mag-isip ng gagawin.

Hindi ako makapagdesisyon mamayang gabi na 'yun. Ano ang gagawin ko?

Sasama ba ako o hindi?

Bahala na nga si Batman.