Chereads / Marriage Contract with a Gay / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Group Project

Autumn POV:

"Good morning Autumn" bati ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Inayos ko pa ang magulo kung buhok.

"Napakaganda mo." Puri ko sa sarili. Hindi ko maiwasang hindi matawa.

"Ngiti ka lang palagi okay? Kahit may problema dapat ngiti ka lang. Fighting Autumn." Pagkatapos ko kausapin ang sarili ko ay tumayo ko. Sandali pa ako nag-init nang katawan.

Pumanta ako sa kusina para maghanda ng makakain ko bago ako pumasok sa school. Nagprito ako ng hatdog.

"Pandesal kayo dyan mainit pa." Dinig kung sabi ni Ate Mila sa labas. Pinatay ko ang kalan at nagmadaling kumuha nang pera.

"Ate pabili." Sigaw ko. Huminto siya dala ang mabigal na naman na malaking foam na may lamang pandesal.

"Magandang umaga suking Autumn." Nakangiting bati sa akin ni Ate Mila.

"Magandang umaga ate." Bati ko pabalik. "Limang piraso po ate." Sabi ko. Kumuha siya plastik at doon nilagay ang mainit na pandesal. Napapikit pa ako habang inaamoy ang mabango niyang pandesal.

"Ang bango." Nakangiti sabi ko.

"Sus, nambola ka pa para may dagdag. May dagdag na yan Autumn." Pareho kaming tumawa ng malakas.

"Oh, siya salamat hane? Aral mabuti Autumn. Una na ako." Pagpapaalam niya.

"Sige po, ingat. Sana maubos agad." Nang makaalis siya ay agad rin akong pumasok sa loob at tinapos ang niluluto. Nagtimpla rin ako ng kape. Nagmadali na rin akong kumain dahil baka dumating na rin si Kathalina.

Nang matapos ay nag-asikaso na ako. Hinihintay ko nalang ang text sa akin ni Kathalina. Nang marinig ko ang businan ng sasakyan niya ay lumabas ako nang bahay.

"Good morning beautiful lady." Masigla nitong bati sa akin.

"Good morning." Walang ganang bati ko sa kaniya. Bigla naman itong sumimangot.

"Ang sigla-sigla ng bati ko sa 'yo tapos babati ko sa akin na parang walang gana?" Nakanguso nitong sabi. Hindi ko naman maiwasang hindi matawa dahil para siyang bata.

"E 'di sorry po. Good morning beautiful lady Kathalina." Masigla kung bati sa kaniya. Ngumiti naman siya ng malapad.

"How's your sleep? Parang inaantok ka pa ha? Still thinking of him?" She ask without looking at me.

"Assuming mo naman. Hindi ko siya iniisip no?" Mabilis kung sagot. Tumawa siya nang mahina.

"Eh, bakit parang puyat ka yata?" Pang-aasar niya pa.

"FYI Ms.Kathalina, hindi ako puyat. Pagkatapos kung kumain kagabi natulog agad ako." Inis kung sabi. She shrugged her shoulders. I rolled my eyes.

"What do you want to eat?" She ask. "You want some coffee?"

"Kakatapos ko lang magkape." Sagot ko. Huminto ang sasakyan ni Kathalina sa drive thru.

"E 'di mag kape ka ulit Autumn." Mataray pa nitong sabi.

"Gusto mo ba akong mag palpitate ha?" Inis ko naman sagot. She rolled her eye balls at binaling ang tingin sa cashier at sinabi ang order niya.  Muli niyang pinaandar ang sasakyan. Naghintay kami nang ilang sandali para sa inorder niyang pagkain.

"Thank you, come again!"

"Sa 'yo to." Bigay niya sa akin ng isang burger at fries. Agad ko naman itong tinanggap.

"Oh, madam hindi kape yan." Sabi niya. Agad ko rin itong tinanggap.  Hindi ko muna ito ginalaw dahil kakatapos ko lang rin kumain af busog pa ako.

"Autumn." Tawag sa akin ni Kathalina.

"Bakit?"

"Tuloy ang plano ha?" Aniya pa. Kinunutan ko siya ng noo.

"Plano na alin?" Takang tanong ko. Umirap ito nang hindi nakatingin sa akin.

"Damn girl. Nakilimutan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo kahapon?" Inis nitong tanong. Nag-isip ako kung ano ang sinabi niya pero wala akong maalala.

"Pinagsasabi mo ba ha? Nababaliw kana?" Tanong ko pa.

"Magdedate kayo ni Zadrah. Jusko ka girl baka need mo na mag take nang memo plus gold para hindi muna makalimutan ang mga sinasabi ko sa 'yo." Pagsusungit pa nito.

"Ano ako ang magyaya ng date?" Nakangiwi ko pa na tanong.

"Of course yes girl." Pinanlakihan ko siya ng mga ko.

"NO WAY! No way Kathalina kung gusto mo ikaw nalang makipag date sa kaniya." Inis kung sabi saka bumaba ng sasakyan niya. Nandito na rin naman kami sa school. Hinababol pa ako ni Kathalina.

"Hey, Autumn this is for you." Aniya

"Hindi na bale Kathalina maging single ako habang buhay huwag lang ako magyaya ng date sa lalaki." Sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

"Taas naman ng pride mo." Huminto ako sa harap nang pinto at tinignan si Kath ng diretso sa mga mata niya.

"NO WAY!" Pag-uulit ko saka nagpatuloy sa pagpasok sa loob. Nakita ko pa si Austin na masama ang tingin sa akin pero hindi ko siya pinansin. Tinignan ko ang pwesto ni Zadrah na bakante. Ilang minuto nalang mag uumpisa na ang klase pero wala pa rin siya. Umupo ako sa upuan ko. Tinignan ko si Kathalina na dinadaldal ang katabi niya.

"Goodmorning class." Bati sa amin ni Ms. Zamora, agad kaming umayos ng upo. Tinignan ko ang upuan ni Zadrah na bakante pa rin hanggang ngayon.

"We will having a group project regarding to our topic yesterday." Aniya pa. "This project will be your midterm exam. We will not be having our written examination next week. You all need to comply this no more second chance. If fail this subject then sorry to tell you hindi kayo makakapasa sa akin. As I've said no more second chance." Dagdag pa niya. Nagkatinginan kami ni Kathalina.

"Ma'am ano po ba yung gagawin?" Tanong ni Kathalina.

"Good question Ms. Kathalina but before I explain that, magkakaroon muna tayo ng groupings." Nakangiting sabi niya. Tahimik lang kaming nakakanig kay ma'am Zamora.

"Three members for each group." Nanlaki ang mga mata ng mga kaklase ko.

"Ma'am hindi ba pwedeng 5 nalang?" Tanong ni Michelle.

"Kung ano ang sinabi ko ayun ang susundin ninyo, unless gusto niyo akong palitan dito." Masungit nitong sagot. Natahimik naman ang lahat.

"Gusto mo ba Ms. Cole?" Tanong niya kay Michelle.

"No ma'am." Nahihiyang sagot nito.

"Ako ang pipili ng mga kagrupo ninyo." Nanlaki literal ang mga mata ko. May chance na hindi kami maging grupo ni Kathalina. Puro reklamo ang naririnig ko pati si Kath ay nakireklamo na rin.

"Ma'am kami na po pipili ma'am  sige na.".

"Ma'am please." Reklamo nila. Malakas na hinampas ni ma'am Zamora ang mesa niya gamit ang dala-dala libro.

"Kapag hindi kayo manamahimik dyan, ibabagsak ko kayong lahat." Pagbabanta niya. Lahat kami ay napaayos ng upo. Tahimik ang buong silid na nakatingin kay Ms. Zamora na halata ang inis sa mukha.

"Huhu Autumn gusto kitang kagroup." Kathalina mouthed pero hindi ako nagsalita. Ako rin naman gusto siyang makagrupo.

Nag-umpisa na si Ms. Zamora na i-grupo kami.

"Ms. Ching, Ms. Rodriguez and--oh, wait kulang kayo." Sabi pa ni ma'am. Tumingin sa gawi ko si Kathalina.

"Ma'am si Autumn nalang po sa amin." Aniya pa habang nakangiti.

"Hindi p-pwede kailangan may isang lalaki sa inyo. Parehong bumagsak ang balikat naming dalawa ni Kathalina dahil sa sagot niya.

"May absent naman sainyo may be ayun nalang ang idadagdag. Same to Ms. Fernandez and Ms. Lopez" aniya. Huminga ako ng malalim.

"Good morning ma'am, sorry I'm late." Naagaw ang atensyon namin sa isa naming ka-klase na kakapasok lang.

"You're too early Mr. Moreno for your next subject." Pagsusungit ni ma'am. Nagkamot naman ng batok si Jasper.

"Sorry po ma'am." Magalang na sagot nito.

"I will not accept you next time kapag nalate ka pa." Muling naagaw ang atensyon naman sa lalaking kakapasok lang rin. Parang nagwawala ang puso ko sa kaba.

"Good morning ma'am." Aniya na parang inaantok pa.

"Come inside Mr. Del Santaana" nakapamulsa pa itong pumasok.

"Since mag dalawa kayong lalaking classmates na late. Mr Del Santaanan doon ka sa—" hindi natapos ni Ms. Zamora ang sinabi niya dahil biglang umepal si Kathalina.

"Ma'am sa amin nalang si Moreno, tapos kila Autumn naman si Zadraha." Suhestyon ni Kathalina. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"I agree ma'am." Pagsang ayon ni Jasper. Palibahasa crush nito si Kathalina e. Nag wink sa akin si Kathalina.

"Then okay. Mr. Del Santaana groupmates mo si Ms. Fernandez at Ms. Lopez." Aniya pa pero hindi nagsalita si Zadrah. "Umupo na kayong dalawa." Utos nito sa dalawang lalaking nakatayo sa unahan. Tinignan ko pa si Zadrah habang naglalakad papunta sa upuan niya.

Tangina naman bakit hindi siya nakatingin sa akin? Pagkatapos nang sinabi niya kahapon wala na 'yun?

"Okay, listen class. Ang gagawin ninyo ay getting to know each other with a twist." Sabi ni ma'am.

"We're having a camping at doon ninyo gagawin ang getting to know each other with a twist." Naexcite naman ang mga ka-klase ko.

"After the examination gaganapin ang camping." Dagdag pa nito. "You as group need a documentation about what happened that day. All the activities should be documented. After the camping lahat ng documentation ninyo ay ipapasa ninyo sa akin. 100 percent total grades. 50 percent for the camping and 50 percent for the documentation, understood?" Paliwanag niya.

"Eh ma'am sabi mo po regarding to the topic? Saan yung topic mo dun?" Tanong ni Kenjie.

"Halatang puro tulog lang talaga ang ginagawa mo no?" Sarkastikong tanong ni Ms. Zamora "Our topic yesterday is all about self. We conduct this project not for me, but for you to understand each other. May iba't-iba tayong personalidad. The main reason lang para dito sa camping na 'to is para makilala ninyo ang isa't-isa. Don't worry more on activities tayo doon. At doon masusubok ang galing ninyo bilang grupo, sa kung paano kayo mag isip at magkaisa. Iba-iba tayo kung paano mag-isip. May kanya-kanya tayong idea sa mga bagay. Dito masusukat kung may pagkakaisa rin ba kayo pagdating sa mga idea." Mahabang paliwanag niya.

"Hindi ito major subject ninyo, pero sabi ko nga na kailangan ninyong umattend. Hindi kayo maboboring doon dahil magiging masaya ang araw na 'yun para sainyo." Dagdag pa niya.

"Eh, ma'am ilang days yun?" Tanong nang ka-klase namin.

"2 days and 1 night." Sagot ni ma'am.

"Not bad." Kumento nang iilan.

"Sa mismong camp sight ko na ipapaliwanag ang ilan pang mga gagawin. Maaga ko lang itong sinabi para makapaghanda kayo." Aniya "may tanong pa ba regarding sa camping?" Tanong niya pa pero wala ng nagsalita.

"Okay class dismissed." Agad na lumapit sa akin si Kathalina.

"Ano ba yan hindi tayo magkagroup." Nakangusong sabi niya.

"Okay lang yan magkikita rin naman tayo dun e." Sagot ko. Lumapad ang ngiti niyang nakatingin sa akin.

"No need date, may camping na pala." Nakangiting sabi nito at nakuha ko naman agad ito. Tinignan ko si Zadrah na nakaharap sa cellphone  niya.

"Trip mo talaga ako." Sabi ko na ikinatawa niya.

"Hindi pantitrip 'yun Autumn, supportive tawag dun." Sagot niya. I rolled my eyes.

"Ayie magkagrupo sila." Pang-aasar pa nito.

"Ewan ko sa 'yo." Tumayo ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin.

"Magc-cr lang." Sagot ko saka lumabas ng classroom.

"Autumn." Biglang bumilis ang tibok nang puso ko ng marinig ang boses niya. Hindi ko namalayan na nasa likod ko pala siya. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.

"Uy, Zadrah?" Nahihiyang bati ko. Lumapit siya sa akin.  Medyo tumingala ako para tignan siya.

"About kahapon..." pag-uumpisa pa niya na ikinabilis na naman nang tibok ng puso ko.

"Ah w-wala na 'yun. Alam ko naman na pinagtanggol mo lang ako kay Austin e." Nakangiting sagot ko. Biglang humangin kaya  natakpan ang mukha ko nang hibla ng buhok ko. Mas lalong lumapit sa akin si Zadrah. Dahan-dahan niyang hinawi ang hibla nang buhok ko sa mukha ko. Nakakailang lunok na akong nang laway dahil sa ginawa niya. Nilagay niya sa likod nang tainga ko ang hibla ng buhok. Ngumiti siya ng malapad. Nilapit niya sa mukha niya sa tainga ko kaya umatras ako ng kaunti.

"Seryoso ako dun..." parang mawawala ako ng hangin. Hindi ako makahinga sa sinabi niya. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. "Mag date tayo... Nakangiting sabi niya saka umayos ng tindig. Walang kurap-kurap akong nakatingin sa kaniya.

"Tomorrow." Nakangiting sabi niya saka ako iniwang tulala. Hindi mag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. Hindi kinaya ng puso ko. Para na itong sasabog.

"Susunduin kita bukas sainyo." Dagdag pa niya at tuluyan ng umalis. Parang nanunuyo ang lalamunan ko at hindi makapagsalita. Gusto ko siyang tawagin pero hindi kayang bumuka nang bibig ko.

Tangina. Nananaginip ba ako? Kasi kung oo pakigising naman ako.