Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Semira Boys Series: Uno Emir (Completed, Book 2)

wizvisionary
22
Completed
--
NOT RATINGS
80.2k
Views
Synopsis
(Babala: SPG-SAWI. STRIKTONG PATNUBAY at GABAY sa mga SAWI sa pag-ibig ay kinakailangan. Walang sisihan kung kayo ay kikiligin at magwi-wish pa kay Miss Elf ng love life.) Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ni Uno, aksidenteng nabangga sa tore ng kuryente ang spaceship ni Alfa, isang alien na nagmula pa sa Galaxy 100, 000, 007. Simula noon ay naniwala at umasa siya na ang "earthling" ang kanyang destiny. Eepekto kaya ang panliligaw ni Alfa sa choosy at bitter na si Uno? Abangan! Semira Boys Series: Uno Emir (Book 2) Date Started: January 25, 2020 Date Completed: February 18, 2020 Edited: April 2020 All Rights Reserved
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologo

Millions of light years away, sa bansang Bow-wow, may isang magandang dalaga na nagngangalang Alfa Emily Buenavista.

Karga niya ang isang bag ng mga damit at abubot habang tumatakas mula sa kanilang mansyon. Dala rin niya ang isang garapon kung saan payapang natutulog ang alaga niyang ipis. Binuksan niya ang spaceship na pag-aari ng ama at sumakay roon.

Matagal na talaga niyang plano na maglayas dahil sapilitan siyang in-engage sa prinsipe ng kanilang bansa. Sa kadahilanang siya ay kaisa-isang anak ng nagmamay-ari ng mga malls sa kanila ay napagkasunduan ng mga magulang na sila ay maipakasal.

Pikit-mata niyang pinindot ang start button ng bonggang spaceship. Umilaw ito at yumanig saglit. Hinawakan niya ang manibela noon at huminga ng malalim. Inipon niya ang sandamakmak na lakas ng loob bago niya pinaangat ang sasakyan sa ere. Nang marinig ang pag-andar ng makina ay lumabas ang kanyang mga magulang.

"Alfa, bumalik ka rito!" sigaw ng kanyang ina.

Maluha-luha niyang tiniis ang pagtawag ng mga magulang sa kanya upang bumalik. Inapakan na niya ang gas ng spaceship at tuluyan na siyang dinala nito sa kalawakan.

Nagbigay siya ng panuto sa UPS* ng sasakyan upang hanapin at dalhin siya sa planetang "Earth". Habang siya ay naghihintay, nilabas muna niya ang makeup kit at nag-retouch upang hindi siya mainip.

(Universal Positioning System)

Mga dalawang oras na ang nakalilipas ay nag-alarm ang spaceship. May parating na asteroid at kailangan ng manual na pag-ilag doon dahil nagloloko ang makina kapag may ganoon kalakas na pwersa. Hinawakan niya muli ang manibela upang ilihis ang daan. Gayunpaman ay yumanig ang sasakyan at gumulong ang bote kung saan naroon ang alaga niyang si Fifi.

"Fifi, baby ko!" pagtili niya habang sinasalo ang pinakamamahal na alaga. Matagumpay niyang nasagip iyon ngunit hindi niya napansin na ilang metro na lang ang layo nila sa asteroid. Sinikap niya na mailagan iyon ngunit natamaan pa rin ang dulo ng spaceship. Namatay ang ilaw sa loob kaya siya ay nangapa sa dilim.  Tanging liwanag na lamang na nagmumula sa mga bituin ang natatanaw niya.

Maging ang UPS ay na-damage din. Siya na lamang ang maaaring magpa-andar sa sasakyan ng manu-mano. Nilabas niya ang cellphone upang magsilbing guide. Nakahinga siya ng maluwag nang malaman na malapit na pala siya sa Earth.

Nang makapasok na sa teritoryo ng nasabing planeta ay manghang-mangha siya nang makita ang Statue of Liberty. Umikot-ikot muna siya sa Estados Unidos ngunit huminto siya nang mapansin na sinusundan na siya ng mga eroplanong pandigma. Napansin din niya na nagsisitakbuhan na ang mga tao sa ibaba at mukhang takot na takot sila.

"Bakit kaya?" tanong niya sa sarili. Hindi na lang niya sila pinansin at pinaharurot na lang palayo ang spaceship.

Gabi at madilim na sa susunod na pinuntahan niya.

Mula sa alapaap ay may natanaw siya na apat na lalaki.

Wala silang mga pantalon at nakasampa sa isang pader. Mukhang may pinagkakaguluhan sila at nagmamadaling makababa.

Napansin niya ang isa na bumababa na ng puno habang nagkakagulo ang mga kasamahan nito sa tuktok ng pader. Kinuha niya ang binoculars upang mas malapitan itong mapagmasdan.

Kaagad siyang naakit ng pagkakahulma ng puwet nito.

Sa bente-singko na taong nabubuhay siya ay ngayon lamang siya nakakita ng ganoon kaperpektong puwet!

Pinagpawisan siya ng malapot dahil masyado siyang na-excite.

Labis siyang nagulat nang lumingon ang lalaki at tumingin sa kalangitan na tila ba alam nito na pinagmamasdan siya.

Na-love at first sight siya sa pungay ng mga mata nito na mahaba ang mga pilik ngunit may pagka-chinito pa rin.

Tall, dark and handsome.

Huwaw!

Namula ang kanyang pisngi at kinilig dahil feeling niya ay siya nga ang tinititigan. Inayos niya ang buhok at kumaway pa na para bang nakikita siya ng lalaki.

Dahil sa kanyang pag-iinarte ay nawala sa isipan niya ang pagmamaneho. Huli na ang lahat nang makita niya na tatama na pala siya sa tore ng kuryente. Sa pagbangga niya roon ay namatay ang ilaw sa daan at mga gusali.

Nagkaroon ng nationwide brownout ng isang linggo dahil sa kalandian ni Alfa.

Umikot-ikot ang spaceship sa ere. Nawalan na ng control si Alfa at hindi na niya alam kung saan siya makakarating. Maya't-maya ay mabilis itong bumaba hanggang sa bumagsak ito sa isang dagat. Dahil may pinsala na ang sasakyan ay pumasok ang tubig sa loob. Nasira rin ang emergency button kaya kinailangan din niyang buksan ang pinto gamit ang martilyo. Umabot na hanggang leeg ang tubig ngunit hinding-hindi daw siya sumuko.

"Hindi ako maaaring mamatay! Kailangan kong makilala ang lalaking may maalindog na puwet!" hiyaw ng kanyang isipan habang sinisikap na maisalba ang sarili, kasama ang alaga niyang si Fifi na nakiki-panic mode na rin sa pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng mga antenna nito sa ulo.

Hanggang sa paglubog pailalim ay isa lamang ang naiisip ni Alfa...

"Siya ang aking destiny!"

Author's Note

This whole book is dedicated to UNOU5MYW

Siya po ang character basis ni Fafa Uno pero mas maganda at mabait po si friend ko, sobra.

Please check her books. Magaling siya na author, I can assure you!

Ang Semira Boys ay base sa personalidad ng mga awtor na sina wizvisionary, at magkakapatid na sina UNOU5MYW, mischa143kelvin at sa isa pa nilang sister.

UNOU5MYW bilang poging-pogi na si Uno Emir

mischa143kelvin bilang cute at wholesome na si Mike Kelvin

Isa pa nilang pretty sister na hindi pa wattpader/wattpadian bilang si Francis Mico

wizvisionary bilang makulit na si Wiz Vizier

EnchantressRena bilang ang hot model turned medical doctor na si Luis Nave

Ang makisig na prinsipeng si Sean Eugin Torres ay base sa kaibigan namin na si gorgeousjourney.

Maraming salamat, mga sisters!

Dahil sa inyo ay nagkaroon ng poging mukha ang mga fafable boylets natin courtesy of Pitu App.

Ang bookcover ay sarili ko pong gawa, enhanced by Photolab at Picsart na apps. Nasa wattpad book po ang mga litrato nilang napakagwapo!

https://my.w.tt/AyWQn0p585

Since napadpad na po kayo rito, dear readers ❤, you might want to read Semira Boys Series: Adventure (Book 1) muna. It's a mini book that reveals the reasons why mga sawi sila at desperate to find their true loves.

Thank you sa inyong lahat!