Chapter 22 - Epilogo

Nagsibukasan ang ilaw ng mga kapitbahay nang mapansin na naka-underwear lamang ang apat na lalaking kasama ng magandang binibini na si Alfa.

"Hello?" pagtawag ng isang concerned citizen na babae. "May lalaking mahahaba at matatabang mga alaga ang naglilibot sa area!"

"Alaga?" pagtataka ng operator na kumakain pa ng donut.

"Opo! May alaga silang agila, tigre, lobo at tamaraw! Bilisan niyo po. Delikado sila!"

Kaagad na rumesponde ang rumorondang pulis sa area.

"Kayo na naman?" Bumaba si Mister Policeman at inusisa ang magpipinsan. "Noon naka-brief kayo, ngayon, naka-panty naman kayo? Mga exhibitionist talaga kayo, ano?"

"Hindi ito panty! pagkontra ni Uno. "Brief!"

"Panty 'yan!"

"Brief nga e!"

"Kapag kita na ang singit, panty!"

"Mas alam mo pa sa akin! Kapag ang doble nasa harap, brief! Kung nasa ilalim, panty!" pakikipagdiskusyon nito.

Napakamot ng ulo ang pulis dahil siya rin ay nalito na.

"Anong masasabi mo Ginoong Giovanni?"

"Ewan ko." tugon ng gwapong sireno na nakaupo sa driver's seat. "Hindi naman ako nagsusuot ng mga 'yan."

"P-Paano ka nakakapag-drive?" pagtatanong ni Mike.

"Ha! Magaling din akong magbisikleta at mag-ski!" pagmamalaki niya. "Maraming kayang gawin ang buntot ko!"

"Kung hindi ka nagsusuot ng brief at panty, nasaan ang **** mo?" pagtatanong ni Mister Policeman. "Bakit flat na flat ang ilalim ng baywang mo?"

Kumulo na naman ang dugo ng sireno dahil maka-ilang beses na siyang natatanong ng kahit sino pa mang nilalang kung saan niya tinatago ang "alaga" niya.

"A, kaya pala hindi ka nagsusuot ng underwear, wala naman kasing uumbok!" panunuya nito sa kasama. "Dapat ang tawag sa iyo, Super si Reyna!"

Mas lalong nanggalaiti sa inis si Giovanni dahil sa pagmamaliit sa pagkalalaki nito.

Bigla-bigla ay pinaharurot niyang paalis ang sasakyan upang iwanan ang pasaway na pulis.

"Hoy! Bumalik ka rito!"

Hinabol nito ang police car ngunit walang intensyon na pasakayin siya ng sireno dahil sa pambubwisit nito sa kanya.

"Wala ka pala e! " puno ng angas na sinigaw ni Uno sa papalayong pulis. "Panalo ako! Brief ang suot ko!"

"Ang galing mo talaga!" paghanga ng mga pinsan dahil sa angking katapangan nito at galing sa debate. "Amazing!"

Sa gitna ng kulitan ay natigilan si Mike nang mapansing tila ba may nagmamasid sa kanila. Mataimtim niyang tinitigan ang madilim na bahay na nasa tapat nila. Pinagigitnaan iyon ng talahib na matagal ng hindi natatabas. Medyo kumupas na rin ang pintura ng gusali kaya

mas nakakapanindig-balahibo ang kalagayan noon.

Nangilabot siya nang biglang may mga pulang mata na dumungaw sa bintana.

"Mga kuya!" Takot na takot na napayakap pa siya kaw Uno. "May mumu!"

"Anong mumu?" pagtataka nito.

Tinuro niya ang bahay kung saan may natanaw siya na kakatwang nilalang.

"Wala naman nakatira riyan! Mga limang taon ng bakante 'yan!"

Mas nanlaki ang mata ng nakababata sa kanya nang mapagtanto na siya ay maaaring minamaligno!

"May nakita ako!" mangiyak-ngiyak na pinahayag niya. "Pulang mga mata!'

"Pulang mata?" inulit ni Francis. "Hindi ba, nababalitang haunted house daw 'yan?"

"Huwaw!" excited pa na napabulalas si Wiz. "Masarap mag-ghost hunting diyan! Try natin?'

"Mag-ghost hunting ka mag-isa mo!" tugon nila sa kanya habang tumatakbo palayo.

"Multo lang e! Bumalik kayo!" pagtawag niya muli sa mga kasama.

Nang matanaw na nakapasok na sa loob ng bahay sina Alfa, Uno, Mike at Francis, lumapit na siya sa babaeng nakaputi na kanina pa sumusunod sa kanila.

"Hi, Miss!" pagbati niya rito. "Malungkot ka ba? Baka gusto mong mamasyal muna tayo? Kuwentuhan?"

"Che!" pagpapakipot ng exotic beauty kahit naglalaway siya sa deadly abs ng kaharap. "Pauwi na ako sa sementeryo, ano! Atsaka, hindi ako nakikipag-date sa lalaking naka-underwear lang ng tigre!"

"Ganun ba? Sige, sa susunod magsusuot na ako ng suit. Baka pwede ko na lang malaman ang address mo? Dadalawin kita."

Kilig na kilig na ngumiti ang white lady na may bakanteng mga mata at malaking hiwa sa kanyang pisngi.

"Sure, pati number ko pa..."

Author's Note

Maraming salamat po sa pagbabasa ng Semira Boys Series Book 2: Uno Emir!

Sana ay abangan at suportahan nila ang Book 3.

Kung nagustuhan po nila ang librong ito, please vote and share!

Ihasik natin ang alindog ng mga Semira!

Have a great day, everyone!