Maligayang iniligay ni Alfa ang garapon, kung nasaan ang alaga niya na si Fifi, sa may bakuran. Binuksan niya iyon upang makalanghap ng sariwang hangin ang ipis. Gumapang ang insekto sa kanyang palad at nagtatalon na parang aso dahil sa excitement na makalaro ang pinakamamahal na amo.
Tuwang-tuwa ang dalaga.
Hindi na kasi niya kailangan pang itago ang pet cockroach niya kay Uno. Maging ang pagkatao niya ay hindi na rin lihim. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa dibdib at magaan na ang kanyang pakiramdam dahil tanggap siya nito kahit alien pa.
"Fifi, fetch!" Inihagis niya ang isang maliit na dahon upang kunin nito. Tumakbo ito pababa sa kanyang kamay at sumunod sa utos. Babalik na sana ito kay Alfa ngunit laging gulat niya nang dambahin ito ng isang pusa na matagal na palang nakatambay sa itaas ng punong mangga. Nakita kasi nito na malusog at mukhang crunchy ang ipis kapag kinain niya.
"Bitawan mo siya!" pagtili ni Alfa.
Tumakbo ang pusa palayo habang bitbit ang kaawa-awang si Fifi na stressed na stressed na sa mga happenings.
"Hoy! Kung anong hayop ka man, bitiwan mo ang baby ko!" pagtawag niya sa pusa na hindi niya alam na pusa dahil walang ganoong hayop sa planeta nila.
Umikot-ikot sila sa may hardin hanggang sa makarating sila sa may tabi ng pool. Nahuli niya ang hayop sa may buntot ngunit nanlaban ito at pinagkakalmot ang kanyang kamay. Tiniis niya ang hapdi upang mabawi si Fifi.
Sa wakas ay binitiwan na rin ng pusa ang insekto. Dahil shook na shook ito sa pangyayari ay tumakbo ito palayo at nahulog sa pool. Pinalaya na ni Alfa ang pusa na labis na nanghihinayang dahil nawala ang juicy at tasty meal niya. Sa kadahilanang naramdaman nito ang kakaibang lakas ng kalaban, pinili niya na huwag ng magbuwis-buhay. Umakyat na lamang ito muli sa puno at nag-abang ng ibang makakain.
"Fifi!" pagpa-panic niya. Nais man niyang iligtas iyon ay hindi niya magawa dahil hindi siya marunong lumangoy. "Kapit lang!"
Kinuha niya ang net na ginagamit ni Uno upang linisin ang pool. Sinikap niyang maabot ito pero dahil sa medyo overweight si Fifi, tuluyan na itong lumubog sa pool. Mas nakabog si Alfa kaya kahit hindi siya marunong lumangoy ay naglakas-loob na siya. Kinuha niya ang mahabang hose na pandilig. Itinali niya iyon sa puno at mahigpit na hinawakan ang kabilang dulo. Walang pagdadalawang-isip na tumalon siya sa tubig.
Habang nagkakagulo na pala sa labas, sakto naman na kalalabas lamang ni Uno mula sa banyo. Kaliligo lamang niya at nakaburlesk king mode pa. Hinila niya mula sa balikat ang maliit na tuwalya at pinunasan ang buhok na basang-basa pa. Nagtungo siya sa higaan kung saan nakalatag ang isusuot sana na damit. Kahahawak pa lamang niya sa t-shirt ay narinig na niya ang pagtili ni Alfa.
"Si Alfa ba iyon?" pagtataka niya. Pagdungaw niya sa bintana ay nasaksihan niya ang pagtalon ng dalaga sa pool.
Mga ilang milliseconds din siya na nag-isip ng malalim.
It's a major life decision!
Magdadamit daw ba siya?
O, ililigtas si Alfa?
Baka ma-reveal naman sa dalaga ang kanyang abs at makamandag na alaga!
Pero kapag nagdamit pa siya, maaaring malunod ang newly-found BFF* niya!
(Best friend forever)
"Bahala na!" hiyaw ng kanyang isipan. Kaagad siyang lumabas ng silid na ang tanging hawak ay ang pang-itaas. Nabangga pa siya sa dingding dahil sa pagsusumikap na pagsabayin ang pagsusuot noon at pagtakbo.
"Ouch! Darn it!" pagrereklamo niya habang hinihimas ang noo. "Magkakabukol pa ako!"
Naabutan niya si Alfa na humahangos na sa tubig. Tumalon na rin siya sa pool upang sagipin si alien girl na hindi marunong lumangoy. Hinawakan niya ito sa may baywang upang maiahon mula sa tubig.
"Si Fifi!" hinihingal na sinambit niya, kasabay ng pagtangis. "Bitiwan mo ako! Malulunod si Fifi kapag hindi ako kumilos!"
"Nasaan siya?" pagtatanong ng binata habang sapilitan na niyang hinihila ang kausap sa ligtas na parte ng pool.
"Nasa ilalim..."
"Ako ng bahala!"
Muli ay bumalik si Uno sa tubig at sumisid upang mahanap si Fifi. Natagpuan niya ang kawawang insekto na wala ng malay. Diring-diri man siya to the highest level ay dinampot pa rin niya iyon. Ramdam niya ang gaspang ng mga paa nito na nagdulot ng matinding pangingilabot sa kanya.
"Eeew" at "yucky" man daw ay handa niyang tiisin ang lahat para lamang kay Alfa!
"Heto na siya." may pagkabahalang iniabot niya ang ipis kay Alfa. "Sana ay hindi pa huli ang lahat."
"Fifi..." pagtawag niya sa alaga habang sunud-sunod na pumapatak ang kanyang mga luha. "Gising na..."
Hinaplos niya ang tiyan nito na tila ba binibigyan ng first aid. Maya't-maya ay nilapat ni Alfa ang bibig sa may ulo ng ipis.
Halos mahimatay si Uno dahil sa nasaksihang kahindik-hindik at nakakadiri!
Mina-mouth to mouth resuscitation ng dalaga si Fifi!
"A-Alfa..." Napalunok pa ng malapot si Uno habang sinusubukang awatin ang dalaga dahil hindi niya matanggap na parang hinalikan nito ang isang ipis. "Baka naman...oras na talaga ni Fifi...let her go!"
"Hindi! Hindi ko isusuko si baby ko!" Muli't-muli ay binugahan niya ng hangin ang insekto.
Napakamot siya ng ulo dahil batid niya na tunay na nagmamahalan ang mag-amo. Bahagya rin siyang nakaramdam ng selos dahil tila ba mas importante pa ang ipis kaysa sa kanya.
Alam niya na jealous din si Fifi sa pakikipagkaibigan niya sa "mommy" niya. Kapag nakatitig ito sa kanya ay nanlilisik ang mga mata nito at iniirapan siya. Tinatalikuran pa siya nito kapag sinusubukan niyang kausapin.
Gayunpaman ay wala naman hard feelings si Uno sa ipis. Nakapagdesisyon na rin kasi siya na kung paano ang buong-pusong pagtanggap niya kay Alfa ay ganoon din dapat ang kay Fifi.
Sumipa-sipa na ang mga paa ni Fifi nang magkamalay ito. Napatili sa tuwa si Alfa dahil success ang CPR* na ginawa. Hinang-hina man ay binaligtad nito ang katawan mula sa pagkakatihaya. Gumalaw-gumalaw ang mga antenna nito nang marinig ang boses ng amo.
(Cardio-pulmonary resuscitation)
"Baby..." Hinalikan ng dalaga ito at hinaplos-haplos ang mga pakpak. Nagsitaasan ang mga balahibo ni Uno, maging ang nasa singit at **** niya sapagkat sobra-sobra na ang ka-weirduhang tinataglay ng alien na tinanggap niya sa kanyang tahanan.
Gayunpaman ay napangiti pa rin siya dahil tuwang-tuwa si Alfa at nailigtas si Fifi. Pakiramdam niya ay napasaya niya talaga ito.
"Sige, babalik na ako sa loob." pagpapaalam niya. Nais na rin kasi niyang tumakas bago pa man ma-realize ng kausap na wala siyang suot na pang-ibaba. Kitang-kita tuloy ang wow legs niya na pangmodelo ang datingan. Kahit na may katawan siyang kaakit-akit, hindi naman niya nais na ilantad iyon sa harap ni Alfa na parang porn star lalo na at wala pa silang "label". "Huwag na kayong magtatangkang tumalon pa sa pool."
"Uno..." pagtawag nito sa kanya bago pa man nakaalis. Paglingon niya ay labis niyang ikinagulat ang pagyakap si Miss Alien. "Salamat! Maraming salamat!"
Hindi kaagad nakatugon si Uno dahil sobra siyang na-touch. Napuno ng kaligayahan ang kanyang puso dahil sa sweetness na pinaramdam ni Alfa. Nais man niyang yumakap din ay hindi naman maaaring gawin dahil baka hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili.
Isa sa mga kahinaan ng mga lalaking Semira ay ang mabilis na pagka-excite ng kanilang mga alaga kapag sobra silang natutuwa. Sa sukat nila na kinababaliwan ng mga babae sa wattpad, siguradong mahahalata iyon kapag umumbok. Iyon ang rason kung bakit madalas na mahahaba ang suot nilang mga pang-itaas upang hindi masyadong mahalata.
Kailangan niyang kontrolin ang sarili dahil kung hindi ay ma-big reveal ang kanyang sikreto lalo na at tanging puting t-shirt na manipis lamang ang kanyang suot.
"U-Uno..." nahihiyang naitanong ni Alfa sa kayakap nang maramdaman na tila ba may flashlight sa pagitan nila. "Naka...shirt...ka lang ba?"
Lumakas ang kabog sa dibdib niya. Hindi niya alam kung nararapat ba na ipagtapat sa kanya na wala nga siyang suot na boxers o brief.
Nais man niyang mag-deny ay nagdesisyon na siyang maging tapat kahit kahiya-hiya man iyon.
"Oo..." pag-amin na niya.
"Ay!" Kaagad na kumalas siya mula sa pagkakayapos sa binata. Gaya ng inaasahan, tama nga ang hinala niya na wala nga itong underwear.
"Pasensya na..." paghingi ng paumanhin nito. "Narinig kasi kita na sumisigaw kaya ayan...hindi na ako nakapagbihis ng maayos...mabuti nga at nahablot ko pa ang t-shirt na ito."
"OMG! Kung hindi, mapapatakbo ka na all out!"
"Parang ganun na nga." Hinagod niya ang basang buhok palayo sa kanyang mukha kaya naloka na naman si alien girl dahil umaapaw talaga ang ka-sexyhan nito lalo na at may pa-wet look. "Ang nasa isip ko lang kasi e iligtas ka."
Hindi na narinig ni Alfa ang mga paliwanag. Natulala na kasi siya sa kakisigan ng tagapagligtas niya. Bakat na bakat ang mga pandesal nito sa t-shirt na basang-basa pa dahil sa paglangoy nito sa pool. Pababa na sana ang paningin nito sa ibaba ng baywang ng kaharap ngunit bahagya na siyang kinagat ni Fifi sa daliri.
Iniligtas siya ng ipis mula sa pagkakasala!
Nadismaya pa rin siya dahil nasa may v-line na sana ang eyeballs niya pero naudlot pa!
"O-OK lang, hahaha!" paghalakhak na niya nang matauhan. Napaka-yummy kasi ni Fafa Uno kaya natukso siya na silipan pa ito. "Ako nga pala ang dapat humingi ng paumanhin dahil naistorbo pa kita!"
"Inistorbo niyo talaga akong mag-amo!" pagsusuplado kunwari ni Uno upang mabawasan na ang awkwardness sa nararamdaman nila. "Akala ko, may sumabog na missile! Sa susunod, mag-iingat kayo!"
"Sorry na..." paglalambing niya. "E kasi naman, may hayop na pasaway, tinangay si Fifi. Matitiis mo ba na mawala siya?"
Sumimangot pa ang binata at umiling. Napatawa si Alfa dahil kabisado na niya ang ugali nito na hobby ang magpakipot.
Sa tipo nito, alam niya na kaunting lambing pa ay pagbibigyan na siya.
"Sige na, huwag ka ng magalit..." Humawak siya sa braso nito at inaya ng pumasok sa bahay. "Ipangluluto kita ng lomi."
"Lomi lang?" pagmamaktol pa rin nito. "Wala man lang bang tinapay?"
"Atsaka napakasarap na pan de coco!" panunuhol pa niya upang gumaan na ang pakiramdam nito.
Gumuhit na ang ngiti sa labi ng pakipot na si Uno. Enjoy na enjoy talaga siya kapag pinagtutuunan siya ng atensyon ni Alfa. Medyo kinulang kasi siya sa pansin lalo na noong bata pa kaya sabik din siya sa tender loving care. Hindi rin kasi siya nakaramdam ng ganoong klaseng lambing at adventure mula sa mga dating karelasyon kaya bago ang lahat ng experience sa kanya.
"Sige na nga, hindi na ako galit." pagsuko na niya sa paglalambing ni Alfa. "Pero tutulungan kitang ihanda ang mga sangkap sa lomi at pan de coco, at sasabayan mo ako at ni Fifi na kumain."
"Oo naman!" paniniguro niya. "Mas masaya kapag sabay-sabay tayong kumakain!"
Humawak na rin si Uno sa kamay ni Alfa. Napansin niya kaagad ang mga galos na matamo mula sa pusa na muntikan ng kumain kay Fifi.
"Anong nangyari sa iyo?" may pagkabahalang naitanong niya habang pinagmamasdan ang mga sugat.
"Ano e...'yun hayop na may buntot na mahaba at kulay orange, kinalmot ako noong hinuli ko para mabawi si Fifi!"
"Ganun ba? Bago pala ang lahat, linisin muna natin ang mga sugat mo."
Ang kanina lamang na pagsusungit ay napalitan na ng panunuyo sa kausap. Tumitig siya sa maamong mukha nito na maihahalintulad sa mga ipininta ng mga henyo sa larangan ng sining. Lumawak ang ngiti ni Alfa ng magtagpo ang kanilang mga mata kaya mas lalong nag-melt ang kanyang heart.
"Pagkatapos ay magbihis ka na at baka nilalamig ka na. Ayaw kong sipunin ka." puno ng pag-aalala na pinahayag niya sa babaeng unti-unti ng nakakahuli sa mailap niyang puso.