Kinuha ni Mike mula sa plato ni Uno ang hotdog na almusal nila. Mga ilang subo lang ay inabot naman niya ang daing na bangus na ulam naman ni Wiz.
"Sarap, ano?" pang-aasar ni Uno.
"Oo, Kuya. Meron pa ba sa ref?"
Takang-taka sila kung saan napupunta ang mga kinakain ng nakababatang pinsan. Sa dami ng naubos na niyang ulam ay para bang wala siyang kabusugan. Hinahayaan na lang nila ang food trip nito dahil hindi naman siya tumataba at athletic naman. Kapag kasi ginugutom si Mike ay nagiging mahiluin siya kaya pinagbibigyan na lamang nila sa simpleng luho nito sa pagkain.
"Alfa." pagtawag ni Uno. Kaagad siyang lumapit na may matamis na ngiti sa mga labi. "Pakiprito na nga 'yun isang pack ng cheesedogs."
"Sure!" Mabilis siyang nagtungo sa kusina upang magluto.
Natulala sina Wiz, Francis at Mike sa kagandahan ng bagong kasambahay. Hindi rin kasi ugali ni Uno na pasuotin ng uniform ang mga empleyado kaya sa unang tingin ay aakalain ng sinumang makakita na girlfriend niya ang kasama sa bahay.
"New hire mo?" naitanong ni Wiz.
"Oo. Nag-resign 'yun mga dati kasi akala nila katapusan na ng mundo."
"Ang ganda!" napahanga si Francis na bihirang magkumento tungkol sa mga babae. "Mukhang disente at mabait, ayaw mo bang ligawan?" suhestiyon niya.
"Oo nga!" pagsang-ayon ni Mike. "Kung kasing-edad ko siya, ako ang manliligaw sa kanya. Masarap magluto e. Dali, suyuin mo na!"
Dahil sa malakas ang pandinig ni Alfa, naririnig niya ang usapan mula sa dining room. Tuwang-tuwa siya sa pag-uudyok nila sa boss na ligawan na siya. Umasa siya na pakikinggan niya ang payo ng mga pinsan.
"Hindi siya ang tipo ko." tipid na sinagot ni Uno, taliwas sa inaasahan niya. Bumagsak ang kanyang mga balikat dahil na-hurt siya.
At muntikan ng mapa-iyak.
Huminga siya ng malalim upang hindi tuluyang pumatak ang mga luha.
"Isang linggo ko pa lang naman siya na kasama..." pag-eengganyo niya sa sarili. "Masyado pang maaga upang sumuko.
Pagkatapos niyang maluto ang cheesedogs ay nagtungo na siya sa kinaroroonan nina Uno. Nilapag niya sa mesa ang dalawang dosenang piraso ng ulam.
"Sumabay ka na." pag-aya ni Uno.
"Mamaya na, Sir." pagtanggi niya. Nahiya kasi siya na baka isipin ng mga bisita na abuso na siya sa amo. Noong mga nakaraang araw kasi ay sabay silang kumakain. Maging ang mga umalis na kasambahay daw niya ay sa iisang mesa lang sila kumakain.
Tumayo na si Wiz at inurong ang upuan kung saan malapit si Uno. "Halika! Huwag ka ng mahiya."
"Thank you po." Umupo na siya upang makisalo. Hindi niya inaasahan na sa ganda ng mga itsura at estado sa buhay ng mga Semira ay napaka-humble pala nila. Bilang anak-mayaman din, lumaki kasi siya na hiwalay ang kainan ng mga kasambahay at ng mga amo. Ngayon niya na-realize na masaya palang kumain kung may mga kasabay at kakuwentuhan.
Kahit hindi palakibo si Uno ay alam niya na good listener ito kaya mas lalong nahuhulog ang loob niya. Natutuwa talaga siya kapag sabay silang kumakain. Feeling niya ay mister niya na ito.
Magaan pa ang loob niya sa mga kadugo nito kay ramdam na ramdam niya na parang mga in-laws na niya sila.
"Hindi ka ba sinusungitan ni Uno?" pag-uusisa ni Wiz habang nakangiti. Natutuwa rin siya sa babaeng katabi dahil nagagandahan din siya rito at nahihiwagaan. "Pagpasensyahan mo na, ha. Lolo na kasi 'yan."
"Naku, hindi po, Sir." mabilis niyang tugon. "Mabait nga e!"
"Mabait? Sabihan mo ako kapag hindi behave, ha?" pagbilin ni Wiz. "Sasabunutan at kukurutin ko itong bruha na ito!"
"Sampalin kita, e!" Uminit na ang ulo ng pinsan dahil sa mga binibintang sa kanya. "Kaya lang naman ako naiinis dahil sa mga katulad mo!"
"Weh? Hindi ako naniniwala!" pang-aasar pa rin ni Wiz. "Magsabi ka ng totoo. Maayos ba ang pakikitungo sa iyo ng malditong ito?"
"Honest po, mabait siya!" paniniguro niya habang nakataas ang kanyang kamay na tila na nanunumpa sa watawat. "The "best boss" in the universe!"
"Mabuti naman!" Tumango-tango siya habang sinasalinan ng brewed coffee ang kanyang tasa. "Gusto mo? Iabot mo 'yan cup mo. Lagyan ko." pag-alok niya sa dalaga.
"Mamaya na po. Thank you." pagtanggi ni Alfa dahil pakiramdam niya ay mas nenerbiyosin pa siya kapag uminom pa ng kape. Medyo may pagka-creepy kasi ang aura ni Wiz na tila ba alam nito ang pinakakatago-tago niyang sikreto na taga-ibang planeta nga siya. Kapag hindi ito nakangiti ay tila ba isa itong delikadong lalaki. Batid niyang mabuting tao naman ito ngunit hindi niya maiwasang mailang sa mga mataimtim na titig nito.
"Relax ka lang." pagpapakalma na ni Wiz nang mapansin na aligaga ang kausap. "Pagpasensyahan mo na ang mga mata ko na kakaiba. Mukha raw akong demonyo kapag seryoso. Sorry na."
"Demonyo? Hindi a!" pagkontra niya. "Medyo matalas ang mga mata mo pero ang pogi mo lalo na kapag ngumingiti! Mas friendly ang aura mo kaya smile ka lang palagi."
Mabilis na gumuhit ang malawak na ngiti mula sa kakuwentuhan. Tila ba naging maliliit na arko ang mga singkit nitong mata kaya nagmukha siyang anime character.
Tunay na nakakahumaling ang ngiti nito. Hindi na niya malaman kung sino ba ang mas gwapo kay Uno o Wiz. Sa katunayan ay hindi niya matukoy kung sino ang mas pinagpala sa kagandahang-lalaki sa mga kasabay kumain.
Magkaiba ang kanilang mga charm pero pare-parehong madating at tipong habulin.
"Gusto ko siya. Pogi raw ako! Hahaha!" maligayang sinambit ni Wiz kay Uno. Naging matalim ang titig ng kausap dahil sa sinabi nito na tila ba may "gusto" nga ito sa dalaga. Nang mapansin na tila ba dadambahin na siya ng pinsan at ipa-flush sa inodoro ng sapilitan, mas ginawa niyang klaro ang deklarasyon kanina lamang. "Gusto ko siya na maging parte ng ating pamilya!"
Nag-blush si Alfa dahil sa narinig.
Tuwang-tuwa siya dahil feeling niya talaga ay welcome na welcome siya sa family!
"Sige, alis muna kami." pamamaalam na ni Wiz pagkatapos maubos ang iniinom na kape. "Ihahatid ko pa sa school si Mike maya-maya at i-eenrol ko pa si Francis sa college. Maiwan muna namin kayo. Boys, let's go!"
Lumisan na ang tatlong pinsan at naiwan sina Uno at Alfa sa dining room.
"Tapos ka na bang kumain?" tanong sa kanya ni Uno.
"A...oo..." Tatayo na sana siya upang magligpit ngunit inunahan na siya nito. Pinagpatong-patong na niya ang mga plato at akmang dadalhin na sana ito sa kusina upang mahugasan. "Ako na po, Boss!"
"Ako na."
"Hindi po, ako na..."
"Kakalaba at kakaluto mo lang, hayaan mo na akong makatulong." pagmamatigas na ni Uno.
"Trabaho ko talaga ito." Kinuha na niya mula sa mga kamay nito ang mga pinggan. "Walang problema."
Napakamot ng ulo si Uno dahil desidido ang kasambahay na gawin ang lahat ng gawaing-bahay. Nag-aalala na rin siya dahil baka mapagod at ma-burnout ito dahil kulang siya sa mga tauhan.
Gayunpaman ay napansin niya na kakaiba ang lakas at liksi ni Alfa.
Kahapon lang, pagkagaling niya sa race car driving event ay nahuli niya ito na binuhat ang sofa gamit lamang ang isang kamay. Tinulak din nito ang isang yakal na cabinet na kinakailangan ng apat na lalaki ang magbuhat.
"Alien yata ito." pagdududa niya habang pasikretong nagmamasid. "Si Supergirl o Wonder Woman ba siya?"
Bahagya siyang nabahala sa nasaksihan. Pinilit na lang niya iyon na isawalang-bahala dahil mukhang harmless at friendly naman ang dalaga.
Sa kadahilanang wala naman siyang lakad ay nagpasya muna siyang maglinis ng bakuran. Kinuha niya mula sa maliit na bodega ang lawn mower at sinimulan ng tabasin ang mga damo na medyo humaba na dahil ilang araw rin na hindi na-trim. Pagkatapos ay winalisan naman niya ang mga dahon at nilagay sa sako ang mga iyon.
Hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya si Alfa at kanina pa siya pinagnanasaan, este, pinapanood.
Kahit na naka-sando at jersey shorts lang si Uno ay kitang-kita pa rin ang kakisigan niya. Pawisan na rin siya kaya bakat na mula sa manipis na kasuotan ang kanyang abs. Sa bawat paggalaw niya ay nafe-flex pa ang kanyang biceps kaya mas lalong naloka si Alfa.
Napadila pa siya sa labi dahil sa yumminess overload na mayroon si Uno Emir Semira.
"Wafu na, masipag pa. Keeper talaga!" bulong niya sa sarili.
Naglakas-loob siyang lumapit upang mapansin ng lalaking pinapangarap niya.
"Sir?" nahihiya niyang tinawag ito. "Heto, tuwalya. Pinagpapawisan na po kasi kayo."
"Salamat." Inabot ni Uno ang towel at pinunasan ang kanyang mukha. Pinatong muna niya iyon sa garden table at nagtungo sa labas ng gate upang ilabas ang nakolektang tuyong mga dahon at natabas na mga damo.
Tinitigan niya ang naiwang tuwalya sa may mesa. Lumingon-lingon siya at nang mapansin na walang nagmamasid ay dinampot niya iyon at tumakbo pabalik sa loob at nagkulong sa kanyang kwarto.
Tuwang-tuwa pa siya na mahawakan ang tuwalya na basang-basa ng pawis ni Uno.
"Ang bango!" Dinikit niya iyon sa ilong at mas nilanghap ang nakahuhumaling na amoy ng lalaki. Maya't-maya ay dinilaan niya iyon. "Jusme, patawarin! Tama nga ang hinala ko..."
Humiga siya sa kama at gumulong-gulong dahil sa sobrang excitement.
"Ang sarap niya!"