"How about some champagne?" nang-aakit na suhestiyon sa kanya ng isang blonde at blue-eyed na babae. Nakasuot ito ng black dress na may plunging neckline kaya kaagad na masusulyapan ang malulusog nitong hinaharap. Iniwasang tumitig ni Uno doon dahil tumatalbog iyon sa bawat paggalaw ng foreigner at nagke-crave tuloy siya ng asado siopao.
"Sure." kalmado niyang tugon kahit na kanina pa siya kinakabahan dahil sa mapangahas na mga sulyap ng ka-date sa kanya.
Siya ay si Ivanna, heiress ng mga sikat na five star hotels sa buong mundo. Tanyag din siya sa lifestyle na mahilig mag-party at pumatol sa mga gwapong modelo at artista.
"Aren't you going to tell me more about yourself?" pagtatanong niya habang nagbubuhos ng champagne sa mga kopita nila.
"What would you like to know?" nakangiti niyang binalik ang tanong.
"Mysterious men really interest me." Uminom siya mula sa kopita at pilyong ngumisi sa kanya. "How about telling me about your measurement?"
"Would you like to know my vital stats?"
"Not at all, silly!" napatawa ang babae dahil sa kasagutan niya. Alam naman ni Uno ang ibig sabihin ng babae ngunit kusa na siyang umiiwas dahil sikretong malupit ang hinihingi na sukat nito. "No worries if you're still shy, hottie! I would have to know it...all by myself!"
Bigla-bigla ay may naramdaman si Uno na umaakyat mula sa ibaba ng kanyang binti. Inakala niya na baka may python na naligaw sa high-end na restaurant ngunit laking gulat niya nang tumama ito sa pinakamamahal niyang alaga. Medyo na-hurt pa siya dahil may pagka-aggressive ang foreigner.
Kahit marami na siyang naka-date ay first time niya na may dumakma sa birdie niya na gamit ang paa.
There's a always a first time for everything, sabi nga nila.
Damang-dama niya ang moment dahil na-overwhelm siya ng feelings at nais niyang maiyak.
"I've seen you on TV. You look so hot that is why I never had second thoughts on dating you. As expected, you're way much, much larger in life." paglalahad nito sabay kindat sa kanya.
"I'm...flattered." nahirapan pa siyang magsalita ng maayos dahil pakiramdam niya ay mapipisa na ang kanyang "egg waffle" dahil sa pagmamasahe ng babae. "Excuse me, I need to go to the comfort room."
"Would you like me to go with you?"
"Nope. I'll be back soon." mabilis na pagtanggi niya. Halos kumaripas na siya ng takbo upang makalayo kay Ivanna. Sinara pa niya ang pinto ng cubicle at nagbalak pa na tumakas sa maliit na bintana na malapit sa may kisame. Imposible siyang makaalis dahil nakabantay pala ang mga bodyguards ng tagapagmana.
Tinawagan niya si Luis na nag-setup ng date upang humingi ng saklolo.
"Hello!" masayang pagbati ng pinsan. Natigilan ito bigla nang marinig na humahangos ang kausap. "Bakit hinihingal ka? Mamaya ka na tumawag kapag tapos na kayo! Privacy naman, P're!"
"Gag*! Ilabas mo ako rito!"
"Bakit? Maganda naman si Ivanna a. Match na match nga kayo."
"'Langya! Harassed na harassed na ako!" pagrereklamo niya. "Kung saan-saan umaabot ang paa niya! Akala ko, ahas!"
"Relax. Maki-ride-on ka lang hanggang maihatid mo sa bahay! Pwede mo na rin pagbigyan kung higit pa sa hatid ang gusto niya. Naka-ready ka ba?"
"Higit sa hatid? Sasapakin kita kapag nagkita tayo!" nanggagalaiti sa inis na pinagbantaan niya si Luis. "Tandaan mo itong gabi na ito!"
"OK. Bye! Hahaha!" pinutol na naman nito ang linya kaya naiwan sa ere si Uno.
"Bye? Sandal-"
"Babe?" narinig niya na tumatawag si Ivanna mula sa may pintuan ng banyo. "Is everything alright?"
"Yes. Just give me a second." Binuksan na niya ang pintuan at lumabas. Kaagad na kumapit sa braso niya ang katagpo.
"Let's go to my place instead. I hate the crowd. They're taking pictures of me." pagsusumbong ni Ivanna.
"Let me take you home, then."
"I'd love to." may paglalanding pagsang-ayon nito.
Hinatid niya na ang ka-date sa penthouse nito.
"So, good night..." pamamaalam na niya rito.
Imbis na bumitiw ay mas humigpit ang kapit sa kanya. Sumandal pa sa balikat niya si Ivanna. "I feel cold. Would you like to go inside and warm me up?"
"I can't..."
"Why?" gulat na naitanong ng heiress dahil ito ang unang pagkakataon na aayawan naman siya ng lalaki. Nasanay kasi siya na nakukuha ang lahat ng matipuhan.
"I..." nag-isip na siya ng magandang excuse. Sasabihin na sana niya na nag-LBM siya nang may umistorbo sa usapan nila.
"Dad?"
Nagsitaasan ang balahibo niya mula sa talampakan hanggang anit dahil sa pamilyar na boses.
"Daddy!" pagyakap ni Mike sa kanya. "I'm in big trouble! Help me!"
"Anong ibig sabihin nito?" sinikap niya na hilain palayo sa baywang ang nakababatang pinsan ngunit magmistula itong koala bear sa higpit ng pagkakapit sa kanya.
"The Principal wants to meet you tomorrow." pagdadrama nito. "I'm sorry if I've flunked my exams. I promise to do better next time! Please don't ground me!" Pasikreto itong kumindat pagkatapos ay nag-emote muli.
Sa wakas ay na-gets na ni Uno ang pag-arte ni Mike.
"Oh my Gosh!" hindi makapaniwala si Ivanna sa nasaksihan. "You're a dad! A very young dad!"
"Yes." masama sa loob na pagsisinungaling niya dahil hindi katanggap-tanggap na ang magiging anak pa niya ay si Mike. Sana man lang ay naghanap ng mas bata at maganda ang itsura kumpara sa mukhang kabute na anak-anakan niya ngayon.
"I came all the way here only to find out that you're a father?" nanlalaki ang mga mata niya na napabulalas.
"You see, accidents do happen." pagpapaliwanag niya. "Just like that...poof! One day, I...what I meant is she...just woke up with morning sickness..."
"Stop!" Napatakip si Ivanna sa kanyang tainga at tuluyan ng nag-hysterical. "OMG! I like that!"
Nagulat silang mag-ama, este, magpinsan dahil sa naging reaksyon nito. Imbis na ma-turn off ay nasiyahan pa ito.
"Come in! Let's have some tea and talk for a while." pag-aya niya sa loob. "Fatherly men really amaze me! What's your name, Kid? You're awesome just like your daddy!"
"I'm Mike." pagpapakilala niya. "Nice to meet you, Miss Ivanna."
Pinagbigyan na nila ang imbitasyon nito. Mga ilang minuto rin silang nagkuwentuhan. Napag-alaman nila na mabait naman pala si Ivanna at hindi brat katulad ng pinalalabas ng media sa kanya.
Maya't-maya ay nagpaalam na rin silang umuwi. Dinahilan ni Mike na magre-review pa siya dahil may pagsusulit na naman kinabukasan at maaga pa sila sa Principal's Office.
"I'm really glad to know you." masayang nilahad ni Ivanna upang makipag-handshake sa kanila. "Friends?"
"Friends!" masayang inulit ng magpinsan.
"Well, if you like a second date, just call me." Lumapit siya may Uno at niyapos ito. Naglakbay ang kamay niya pababa sa katawan ng kayakap. "Ang maybe, we could already...you know...friends with benefits..." panunukso niya sabay palo sa puwet ni Uno.
"Let me think about it." pakikipaglaro niya rin ng landian kay Ivanna.
"I'll be waiting for you in my lingerie, hot daddy!"
Napatakip ng mata si Mike dahil sa kalaswaang nasasaksihan. Tumigil na si Ivanna sa pagcha-chancing kay Uno nang mapansin ang reaksyon ng inaakalang anak ng kayakap.
"Ooops, sorry! I forgot that there's a minor here." Kumalas na siya kay Uno at kumaway upang magpaalam. "See you around!" Nag-flying kiss muna siya bago isinara ang pintuan ng kanyang magarbong penthouse.
"Good girl naman pala si Ivanna!" sinambit ni Mike habang naglalakad patungo sa kotse ni Uno. "Ayaw mo ba sa kanya?"
"Pwede kaming maging kaibigan. Pero kung hihigit pa doon, hindi na maaari."
"Bakit naman, Dad?"
"Ungas, hindi mo ako tatay!" napatanggi kaagad siya sa tinuran ng pinsan.
"Ang sakit, Itay. Dinedeny mo ako!" napahawak pa si Mike sa dibdib dahil sa pagdaramdam.
"Ginawa niyo akong binatang ama! Nagkaanak ako sa edad na eleven. Ganoon pala ako kalandi!"
"Hindi ba maaga kang natuli? Kaya pwede ka ng magka-baby."
"Tinuro ba ng kapatid mo 'yan?" pagsusungit lalo ni Uno. "Nasaan ang kuya mo para masampal ko!"
"Ang bad mo. Ideya nga ni Kuya Luis na magpanggap ako na anak mo para maisalba ka. Buti na lang, nagkataon na malapit ako sa restaurant dahil bumili ako ng gamit sa project!" pag-amin na ni Mike. "Pinasundan ka pa niya sa akin kaya ang bait-bait ng kapatid ko!"
"Ganoon ba? Ituro mo pa rin siya sa akin nang mabatukan ko ng paulit-paulit bilang pasasalamat!"
Hindi pa rin niya mapatawad si Luis dahil sa palpak na matchmaking niya. Kung ba naman sana sariling lovelife na lang ang inasikaso at hindi na siya dinamay pa ay nasa bahay na sana siya at kapiling si Alfa.
"Si Alfa!" naalala niya. Tinignan niya bigla ang oras sa suot na wristwatch.
Mag-aalas dies na.
Dahil sa mga madugong pangyayari ay hindi na niya namalayan ang oras.
"Bilisan mo!" pag-aya niya kay Mike.
"Bakit, Kuya?" Pati siya ay napatakbo na rin upang masundan si Uno.
"Hinihintay ako ni Alfa!"