Chereads / Semira Boys Series: Uno Emir (Completed, Book 2) / Chapter 9 - Kapitulo 8: Ang Rebelasyon

Chapter 9 - Kapitulo 8: Ang Rebelasyon

"Good morning Fifi." pagbati niya sa alagang ipis. Masayang gumalaw ang mga antenna nito nang marinig ang boses ng amo. "Ibibilad muna kita para may Vitamin D! Matagal ka ng hindi nakakalabas."

Lumingon-lingon siya upang siguruhin na wala sa paligid si Uno. Naisip niya na maaga pa naman at malamang ay tulog pa ito kaya walang problema kung ilalabas muna niya si Fifi. Iniiwasan kasi niya na makita ng iba ang baby pet niya at baka patayin din. Pinatong niya ang garapon sa may garden table at nagsimulang nagwalis.

Naaalala niya bigla na parang hindi pala niya natanggal ang saksakan mula sa plantsa kaya bumalik siya saglit upang makasiguro.

Pagbalik niya sa bakuran ay nawawala na ang garapon ni Fifi.

"Fifi!" pagtawag niya. Naghanap siya sa ilalim ng mga upuan at damuhan ngunit hindi niya makita ang alaga.

"Anong hinahanap mo?" pag-uusisa ni Uno.

"Nakita mo ba 'yun garapon dito?" maluha-luhang naitanong niya.

"Oo."

"Nasaan?" pagpa-panic na niya.

"Tinapon ko. Dumaan kasi 'yun nangongolekta ng basura kaya isinama ko na sa sako."

Halos himatayin siya dahil sa nagawa nito. Kahit na nanghihina ang mga tuhod niya sa pagkabigla ay pinilit niyang kumilos upang hanapin ang truck ng basura.

"Sandali!" pagpigil ni Uno sa kanya. "Saan ka pupunta?"

Dahil sa pagmamadali ay hindi na niya nasagot ito. Lumabas na siya ng gate para iligtas si Fifi.

Kinuha niya ang cellphone upang malaman kung nasaan ang ipis. Maswerte siya at nalagyan ng micro chip ito kaya na-trace niya kaagad kung nasaan. Nasa kabilang barangay na pala ang truck kaya kailangan niyang magmadali bago matabunan ang garapon ng iba pang mga basura.

Nakisakay pa siya sa motor ng kapitbahay upang makarating sa kinaroroonan ng trak. Hindi pa nakakapreno ang sinasakyan ay tumalon na siya at nagsisigaw.

"Mga manong!" pagpapatigil niya sa mga kolektor ng basura. "Wait lang po! May kukinin ako!"

Sumampa na siya sa tuktok ng trak at nagsimulang maghanap. Pinagkaguluhan pa siya ng mga naroon dahil sa ginagawa niyang kakatwa.

Wala na siyang pakialam doon dahil ang tanging nasa isip niya ay ang mahanap si Fifi.

Matagumpay niyang nakita ang ipis na hilong-hilo na dahil sa kakagulong sa kinalalagyan nito.

"Baby!" may luha ng kagalakan na niyakap niya ang garapon. "Sorry na."

Pagbaba niya ng sasakyan ay nagbulungan ang mga tao. Bakas sa mga mata nila ang pandidiri at pangungutya sa kanya.

"Baliw yata..." binulong ng isang pangit na babae sa dyowa niya na pangit din.

"Sayang, maganda pa naman..."

"Sino ba nasa katinuan ang mag-aalaga ng ipis?"

"Hahaha!"

Pinagtawanan na siya ng mga taong naroon. Ramdam niya na nanliit siya ng mga oras na iyon dahil sa panghuhusga na nararanasan niya.

Kung sa mundo niya ay mala-prinsesa ang trato sa kanya, ngayon ay para siyang pulubi na minamaliit ang pagkatao.

Sa ngayon ay hindi na niya alam kung tama ba ang desisyon niya na paglalayas.

Maayos pa rin sana ang kanyang buhay kahit na maipapakasal siya sa prinsipe na hindi naman niya mahal.

Marahil ay hindi naman ganoon kasama na matali siya sa fiance.

Kababata niya ito at maaruga rin naman.

Matitiis siguro niyang makisama rito habangbuhay.

Pero hindi talaga niya kayang ipagpilitan ang nararamdaman ng kanyang puso.

Hindi rin kasi para sa kanya ang buhay ng prinsesa dahil wala siyang kalayaan. Bawat galaw niya ay binabantayan at kaunting pagkakamali lang ay isang malaking kahihiyan na.

Dahil sa gulo ng kanyang isipan, humingi na siya ng sign sa Diyos kung ano nga ba ang nararapat niyang gawin.

Babalik na ba siya at magpapakumbaba sa magulang at papayag na sa nais nila?

O mananatili siya at ipaglalaban ang kalayaang inaasam-asam niya?

Naantala ang malalim niyang pag-iisip nang makilala ang busina ng sasakyan ni Uno. Nagmamadali itong lumabas at sinundo siya. Nagulat ito nang makita na yakap niya ang garapon. Nanginig sa takot si Fifi nang makita ang lalaki kaya mas niyakap ni Alfa ang bote ng mahigpit bilang depensa.

"Sumakay ka na. Uuwi na tayo." Pinagbuksan niya ito ng pinto at tinuro ang passenger's seat. Nag-alinlangan pa siyang pumasok dahil marumi at mabaho na siya. Hinawakan na ni Uno ang mga balikat nito upang sumakay na. "Tara na. Sumama ka na sa akin."

Tahimik lamang siya habang pauwi sa bahay. Nababagabag pa rin siya dahil sa muntikang pagkawala ng ipis na naging karamay niya noong mga oras na pinakamalungkot siya. Tinitigan niya ang insekto na umiikot-ikot sa garapon na tila ba tuwang-tuwa na makasama muli ang amo.

"Baby..." binulong niya rito.

"Hindi ko alam na alaga mo pala iyan." paninimula na ni Uno sa usapan dahil hindi na siya kumportable sa pagkabalisa ng kasama. "Pasensya na at akala ko ay kinatatakutan mo ang mga iyan kaya naitapon ko kaagad."

"Sa pinanggalingan ko, domesticated ang mga ipis." pagpapaliwanag niya. Napakunot ang noo ni Uno, pilit na iniintindi ang mga salitang nagmula sa kanya.

"Saan ka ba talaga nanggaling, Alfa?" pag-uusisa na niya dahil dudang-duda na siya sa pagkatao nito.

Natigilan siya dahil nadulas na ang kanyang dila.

Nagpasya na siyang umamin.

Kung ipagtatabuyan man siya ng binata, mas maganda na maaga pa ay magkaalaman na kung matatanggap ba siya nito o hindi.

"Huwag kang magugulat ha."

"Try me." paniniguro ng kausap.

"Nagmula ako mula sa Galaxy 100, 000, 007. Tumakas ako mula sa aking tahanan dahil sapilitan akong pinakakasal sa prinsipe ng aming bansa na Bow-wow. Ako rin ang may kasalanan ng nationwide brownout dahil bumangga ang aking spaceship sa tore ng kuryente. Maaaring isa nga akong alien pero tao rin ako katulad niyo na earthlings. May pagkakaiba tayo pero marami rin pagkakahawig." pag-amin na niya.

"OK." kalmadong reaksyon ni Uno.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Nagulat siya dahil tila ba wala lamang sa kausap ang rebelasyon niya. "Doble o higit pa ang lakas namin kumpara sa inyo."

"Bakit naman ako matatakot, Prinsesa?" pabirong tugon sa kanya. "Huwag mo lang ipapapugot ang ulo ko kapag nagalit ka."

Nakahinga ng maluwag si Alfa dahil tanggap siya nito. Ito na siguro ang "sign" na binigay ng langit sa kanya. Napatawa na siya at bahagyang tinapik ang braso ni Uno.

"Salamat sa pag-unawa." sinambit niya sa katabi na mas lalong napapa-ibig siya dahil sa angking kabutihan at pag-unawa. "Sorry dahil naglihim ako. Natakot kasi sko na baka ipahuli mo ako sa "Men in Black*".

(Isang Americam film na tungkol sa mga agents na nagbabantay sa mga extra terrestrial beings)

"Huwag ka ng mag-alala." paniniguro nito. "Ituring natin na normal din ang lahat. Friends na tayo, hindi ba?"

"Yes!" masayang kinumpirma niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang kasi siya nakatagpo ng kaibigan na kayang sakyan ang lahat ng ka-weirduhan niya kaya tuwang-tuwa siya.

"Nabanggit mo na may fiance ka?" pag-uusisa ng binata sa kanya. "Hindi mo ba talaga siya nagustuhan?"

"A. E...naku...mahabang istorya..." nag-alangan siyang sumagot. Nanatili siyang walang kibo at umiwas na ng tingin dito.

"Mukhang hindi ka pa ready na pag-usapan siya." pagdadahilan na ni Uno para sa kanya nang mapansin na bigla siyang nanahimik. "Sorry."

"Kababata ko siya." paninimula niya. "Pero kahit anong gawin ko, kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Napagkasunduan kasi ng aming mga magulang na i-engage kami kahit kontra ako. Dahil sa pamimilit nila ay naglayas na ako."

"Kung ako rin ang nasa sitwasyon mo ay tatakas din ako." pagsang-ayon ni Uno. "Kung ipipilit ang ayaw, magiging miserable lang ang buhay mo."

"Sa palagay mo ba, tama ang ginawa ko?"

"Oo naman."

"Kaso, medyo nangangapa ako sa lahat ng bagay dito sa Earth. Humihingi na ako ng pasensya dahil parang naging sponsor pa kita. Sorry na kung malakas akong kumain at uminom ng tubig, ha. Pangako, hindi ako magiging pabigat sa iyo."

"Inuulit ko, magkaibigan na tayo." paniniguro ng binata. "Huwag ka ng mag-alala dahil sagot kita."

"Talaga?" halos maiyak siya sa tuwa dahil sa narinig. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Kani-kanina lamang ay gulong-gulo na siya kung tama nga ba ang maging desisyon niya. Dahil sa pagsuporta ni Uno ay mas lumakas ang loob niya na panindigan ang mga plano niya. "Uhmm...may sasabihin pa ako..."

"Ano 'yun?"

Napakagat siya sa labi na tulad ng isang musmos dahil sa sobrang pananabik. Kahit na nahihiya ay kinapalan na niya ang mukha dahil naisip niya na ito na ang pagkakataon na humirit sa iniibig.

"Pwede bang maging best friend na kita? May BFF* ka na ba? Kung wala, pwede bang ako na lang?"

(Best friends forever)

Natawa ang binata dahil sa kakaiba niyang kahilingan. May mga kaibigan siya ngunit alam niya na sa good time lang niya maaasahan ang mga ito. Hindi niya inaasahan na ang magiging best friend niya ay babae at from outer space pa.

"Pwede." pagpayag niya. "Pero wala akong alam masyado sa girl stuffs. Kung pabibilhan mo ako ng napkin, OK lang. Sabihin mo lang sa akin kung may wings o wala."

"Yehey!" napatili si Alfa sa tuwa. "Narinig mo 'yun? May best friend na akong earthling!" pagbabalita niya kay Fifi na medyo nagseselos dahil may kahati na sa atensyon ng amo. Niyakap niya ang garapon at kilig na kilig na pinagmasdan ang one and only love.

"Uno, ikaw na ang best friend ko forever and ever!" sigaw ng kanyang alien na isipan.