Nandito ako ngayon sa eskwelahan na medyo kilala sa buong probinsya namin, matagal na raw kasing nakatayo ang eskwelahan na ito, may aasikasuhin daw kasi si Mama dito, teacher kasi siya kaya napakarami niya talagang dapat gawin.
"Ma, dito na lang kaya ako sa motor? Parang ayoko pumasok diyan sa loob ng building eh," sabi ko pero hinawakan pa rin ako ni Mama sa aking pulsuhan at pilit na pinapasama sa kaniya sa loob ng building, hindi naman ako dito pumapasok sa eskwelahan na ito kaya hindi ako masyadong pamilyar dito sa paligid.
"Sumama ka na sa'kin, baka ano pa ang mangyari sa'yo, ikaw lang ang solong babae diyan." Napasimangot na lang ako dahil sa sinabi ni Mama, parang mawawala ako kaagad eh. Nandito naman ako sa loob ng eskwelahan at may guard din na nakabantay sa may gate, nakakatamad din kayang lumakad papunta kung saan-saan.
May apat pa naman na palapag ang building na'to, kung titingnan mo siya sa malayuan, aakalahin mo na maliit lang siya pero ghad, sobrang laki pala. Wala ba talaga silang planong magpagawa ng elevator? Sobrang lawak pa ng lupain, parang isang hacienda na eh, nahiya naman ang school na pinapasukan ko.
Medyo luma na rin ang mga buildings dito, marami ring mga puno kaya hindi naman medyo mainit.
"Diretso na lang po kayo sa ground floor, Ma'am. May ibibigay po sa inyong form and please fill it up afterwards," narinig kong sabi ng isang staff, ngumiti na lang din naman si Mama at kinuha 'yung resibo na binigay ng babae. Ground floor? So itong pinuntahan namin is 2nd floor na? Pero mukhang kapantay lang naman 'to ng parking lot.
Hinawakan na naman ni Mama ang pulsuhan ko at hinatak na naman ako papunta kung saan, medyo baha rin ang paligid dahil may dumaan na bagyo last week. Hindi pa ata nakapaglinis ang mga estudyante or 'yung mga janitor, private school sila eh.
Myghad, Cazzie, ang dami ko talagang reklamo.
Basa 'yung mga stairs pababa kaya dahan-dahan lang ang paglakad namin ni Mama, okay na sana kung basa 'yung stairs pero muntik na lang akong mapamura no'ng nakita ko ang sitwasyon ng ground floor. Baha iz real.
"Seryoso, Ma? Dito ka talaga pupunta? Kaunti na lang talaga iisipin kong ni-set up tayo ng babae doon at nasa horror film pala tayo," pagrereklamo ko. Natawa na lang nang kaunti si Mama habang hinahatak pa rin ako pababa sa stair at papunta doon sa baha na floor.
"Hindi naman natin masisi ang eskwelahan na'to, nagkaroon ng bagyo eh." Napangiwi na lang ako dahil sa sinabi ni Mama, nakakatakot naman talaga kasi ang ground floor na'to, pwedeng pwede nang mag-shoot para sa isang horror film.
Sararado ang lahat ng classrooms except do'n sa room na nasa pinakadulo.
"Ang creepy talaga ng paligid, Ma, baka mangkukulan ang nasa loob ng pinakadulong room na 'yon," pagmamaktol ko uli.
"Umayos ka nga, Ally. Wala namang mangkukulum dito sa eskwelahan na'to kaya h'wag kang OA, inaatake ka na naman ng kaadikan mo sa wattpad," saway niya sa akin at tuluyan na ngang pumasok do'n sa pinakadulong room. Bakit ba sumama pa ako rito? Gosh, nakakatakot, nilulumot na rin ang ibang parte ng pader, eskwelahan pa ba talaga 'to?
Umupo na lang ako do'n sa medyo mahabang upuan na sa tingin ko'y malapit na ring bumigay, malapit na atang masira ang halos lahat ng gamit dito sa eskwelahan na'to, sabihin nga nila sa'kin kung panahon pa ng mga kastila ginawa 'tong upuan na'to para naman makaiwas ako sa trahedya.
Myghad, Cazzie!
"Good afternoon, Class! Are you familliar with The Holocaust?" Kumunot ang noo ko no'ng may narinig akong nagsasalita sa isang classroom, tumayo ako mula sa upuan at tsaka sinubukang hanapin kung saang classroom nanggaling ang ingay na 'yon.
Christmas break naman kaya sigurado akong wala namang pasok kaya bakit may nagle-lesson? Ganito ba talaga sila ka-advanced?
"No, Ma'am."
"The word "Holocaust," from the Greek words "holos" (whole) and "kaustos" (burned), was historically used to describe a sacrificial offering burned on an altar. Since 1945, the word has taken on a new and horrible meaning: the mass murder of some 6 million European Jews (as well as millions of others, including Gypsies and homosexuals) by the German Nazi regime during the Second World War."
Namilog ang mga mata ko dahil sa narinig ko. 6 million?! Pinatay ang gano'ng karaming tao?! Hindi ko alam na may gano'ng bagay pala na nangyari no'ng unang panahon, hindi naman talaga kasi ako nakikinig sa mga teachers ko lalo na kapag history ang usapan, antukin pa naman ako sa klase.
Lalong kumunot ang noo ko no'ng wala na akong narinig na ingay do'n sa loob ng room, inilapat ko ang aking taenga sa pintuan pero wala na talaga akong narinig.
"Bakit kaya sila tumigil? Akala ko pa-- Mayghad, Cazzie!" Napasigaw talaga ako nang todo dahil bigla ba namang bumukas 'yung pintuan na sinasandalan ko! Walangjo!
"Who are you and what are you doing?" Napalunok naman ako at tsaka umayos ng tayo. Nakatingin sa akin ngayon ang isang babae na talaga namang nakakatakot dahil nakataas na ang isa niyang kilay sa akin, sinamahan pa ng kurba ng salamin niya.
"Uhm, ako po si Ally," pagpapakilala ko pero tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang sa aking paa. Grabe naman this girl, alam ko naman na hindi ako masyadong nakaporma dahil hindi naman 'to fashion show. Since na ginawa niya 'yon sa akin, syempre hindi ako magpapatalo! Tiningnan ko rin siya mula paa niya hanggang ulo.
Nakakahiya naman pala talaga ang hitsura ko sa hitsura niya ngayon, napaka-pormal niya kasing tingnan ngayon! Nakakahiya naman sa peslak ko.
"You're Ally. Ally what?" tanong niya sa akin habang nakataas pa rin ang kaniyang kilay. Binigyan ko naman siya ng isang napakalawak na ngiti, 'yung tipong ngiti na abot hanggang andromeda galaxy, para naman mabawasan din 'yang pagiging mataray niya. Sige siya, magiging matandang dalaga siya.
"Hindi po ako si Ally What, ako po si Ally Anderson. May kilala po pala kayong kapangalan ko? Kasing ganda ko rin po ba siya o mas maganda pa rin po ako?" Kininditan ko pa siya para naman maging close kami kahit kaunti lang pero tanging kunot lamang ng noo ang pinakita niya sa akin.
Ow-em-ji, don't tell me, di siya nagagandahan sa 'kin?! This can't be!
"I know someone whose name is Ally but she's way smarter than you. Your brain is empty. Pity." Did she just call me stupid?! Ano ang karapatan ng babae na 'tong tumangkad lang naman dahil sa kasing tangkad ng ruler niyang heels?!
"I didn't call you stupid, I used a different word for that," sabi niya habang walang emosyon na makikita sa kaniyang mga mata.
Teka, paano niya nalaman ang nasa isip ko? At ano bang klaseng teacher 'to? Aba, ma-attitude siya ah!
"Sorry po sa pag-istorbo ng klase niyo pero aalis na po ako dahil mukhang wala naman akong mapapala sa pakikipag-usap sa inyo," nakangiti kong sabi, ngingitian ko rin sana ang mga estudyante niya pero natigilan ako no'ng nakita kong wala namang ibang tao sa loob ng room na iyon kundi siya lang.
Maghad, saan sila pumunta? I swear, may narinig talaga akong mga ingay ng estudyante mula sa labas. Kung wala namang estudyante rito, saan naman nanggaling ang ingay na 'yon?
"Mukhang hindi mo nagugustuhan ang nakikita mo, Ally. Tama nga ang sinabi ni Ma'am Marie, matigas ang ulo mo, bakit nga ba ikaw ang pinili nila? Ano ba ang mayroon sa iyo na wala ang ibang tao?" tanong niya habang tinitingnan pa rin ako. Hindi ko rin talaga maintindihan ang mga pinagsasabi ng babaeng 'to, sino ba ang Ma'am Marie na 'yon? Wala naman akong kilala na may pangalan na Marie. Nakaka-stress naman ang mga pinagsasabi niya, magkakaroon pa ako ng pimples nito eh!
"Pasensya na po, Ma'am. Hindi ko po kilala kung sinong Marie man 'yan, aalis na po ako dahil siguradong papagalitan ako ng magulang ko kapag nakikipag-usap ako sa taong hindi ko naman kilala," sagot ko, ngumisi naman siya tsaka mahinang pumalakpak at lumakad papunta do'n sa teacher's table na nababasa na rin dahil baha rin pala ang loob ng classroom na ito. Napapa-isip tuloy ako kung paano nila lilinisin ang lahat ng kalat na ito.
"Matalas ang dila mo at matapang. 'Yan siguro ang nakita nila sa'yo na wala ang ibang tao, may lakas ka ng loob. Sabihin mo nga sa akin, kung sasabihin ko sa'yo na mamamatay ang anim na milyon na tao rito sa Pilipinas at ikaw lang ang tanging taong makakaligtas sa kanila, maniniwala ka ba sa akin?" tanong niya habang nakangisi. Ngayon ko lang napansin ang shade ng lipstick niya, ang ganda ah. Bet ko.
"Hindi, pero bago ako umalis, tatanungin ko lang kung gumagamit ka ba ng liptint? Super bet ko kasi ang taste mo sa fashion and ang ganda ng shade ng lipstick mo kaya kung sakaling may liptint ka, ano ba ang shade ng liptint mo? Gusto ko rin sanang bumili eh!"
Namilog ang mga mata ko dahil biglang umangat 'yung teacher's table at tumalipon iyon sa kabilang pader. Teka, paano niya nagawa 'yon? Pero grabe siya! Tinatanong ko lang naman kung ano ang shade ng liptint niya eh. Ang damot!
"Sa tingin mo ba... biro lang ang lahat ng sinasabi ko sa'yo?" Napaatras ako nang kaunti dahil sa tono ng pananalita niya, nakakatakot siya, parang kahit na anong oras ay mangkakain na kaagad siya ng tao.
"Ano ba talaga ang gusto mo sa 'kin? Wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo, anim na milyon? Paano ko naman magagawa ang lahat ng 'yon? Wala naman akong kapangyarihan at hindi 'yon nag-e-exist dito sa mundo namin. Ikaw? Sino ka ba? Paano mo nagawa 'yon?" nakakunot-noo kong tanong sa kaniya. Huminga naman siya nang malalim at tsaka pumikit nang kaunting segundo, kukunin ko na sana ang oportunidad na 'yon para tumakbo papalayo sa kaniya pero bigla ba naman siyang dumilat! At nag-iba pa ang kulay ng mga mata niya, from brown, naging kulay violet na ito.
Saan siya kumuha ng contact lense?!
Tatakbo na sana talaga ako pero parang napako ako sa kinatatayuan ko no'ng bigla siyang naging mabilis at sa isang iglap, nandito na siya kaagad sa tapat ko at tsaka hinawakan nang napakahigpit ang pulsuhan ko.
"Bitawan mo nga ako! Sino ka ba?! Tao ka ba talaga?!" Pinipilit ko pa ring alisin ang pagkahawak niya sa akin pero lalo niya lang hinigpitan 'yon.
Paano ako makakalaya sa pagkahawak ng babaeng 'to? Hindi ko nga 'to kilala e.
"Ako si Vera, ako ang gagabay sa'yo sa mga gagawin mo kaya sumunod ka sa'kin." Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sa mga bagay na gagawin ko, ano naman ang gagawin ko? Ililigtas ko 'yung anim na milyon na tao na 'yon? Nababaliw na ba siya?
"What should I do? Gusto mong iligtas ko ang anim na milyon na tao na 'yon? Bakit ko gagawin ang isang kalokohan na 'yon? Sino ako? Si Superman?" Tinaasan ko rin siya ng kilay para naman patas kami. Aba, kanina niya pa ako tinataasan ng kilay kaya unfair naman kung hindi ko siya taasan ng kilay, diba?
"Oo! Ililigtas mo ang anim na milyon na tao na 'yon at wala ka nang magagawa kundi sumunod na lang sa'kin!" Nababaliw na ba ang baknitang 'to? Ghad, nagiging haggard talaga ako dahil sa napaka-over niyang paghatak sa akin.
"Pa'no kung ayaw ko? Hindi ko naman kilala ang mga tao na 'yon eh," sabi ko pero lalo naman akong kinilabutan no'ng nakita ko ang ngisi siya. Nakakatakot talaga ang mukha niya ngayon, parang kakainin niya na ako ng buhay eh.
H'wag naman po, marami pa akong mga pangarap at gusto ko pang mabuhay nang matagal. Gosh.
"Paano kung sabihin ko rin sa'yo na kasama sa anim na milyon na 'yon ang pamilya mo?" Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig dahil sa sinabi ni Vera. Paano naman makakasama sa mga namatay na 'yon ang pamilya ko? Hindi naman sa Pilipinas nangyari ang trahedya na 'yon kaya sobrang imposible na masangkot kami doon.
Binitawan na ni Vera ang kamay ko at nanumbalik na rin ang kulay ng mga mata niya. Napahinga na lang siya nang malalim habang ako naman ay sumandal sa pader.
"Ano ba talaga ang nangyagari? Naguguluhan na ako," sabi ko. Tiningnan niya naman ako nang diretso sa aking mga mata at tsaka may kinuha sa bulsa niya. Isang bracelet.
"Ikaw ang may-ari niyan," saad niya at tsaka inilagay ito sa kamay ko. Hindi ko pa rin ma-digest ang mga nangyayari ngayon, parang nanaginip lang ako eh. Nag-take ba ako ng drugs na hindi ko nalalaman? Baka kaka-wattpad ko 'to.
"Masasagot ang lahat ng tanong mo sa tamang panahon. Tawagin mo lang ang pangalan ko." Tiningnan ko siya at tsaka tumango na lang bilang sagot, parang nawala ang boses ko eh. Kunwanri naiintindihan ko ang lahat ng sinabi niya para naman umalis na siya ngayon sa harap ko, natatakot na ako sa kaniya eh!
"Ally!" Napalingon ako kay Mama na ngayon ay tumatakbo na papalapit sa akin, tumingin uli ako sa harapan ko para tingnan kung nando'n pa ba si Vera pero wala na siya, bigla na lang siyang naglaho.
"Ma," tawag ko naman sa kaniya at tsaka inilagay sa bulsa ko 'yung bracelet.
"Ano ba ang ginagawa mo rito? Akala ko ba takot na takot ka, ha? May gana ka pa talagang mag-explore. Nako!" sermon na naman ni Mama. Napakamot na lang ako sa ulo ko at tsaka lumapit pa lalo sa kaniya.
"May nakita lang po akong pusa at sinundan ko po. Tara na po? Uwi na tayo?" pag-aaya ko kay Mama, ngumiti naman siya at tsaka tumango at nagsimula na nga kaming lumakad papalabas sa building.
Akala ko magiging okay lang ang lahat pero bigla akong kinabahan at nangangamba talaga ako sa pwedeng mangyari. Pa'no kung totoo ang lahat ng sinabi ng babae na 'yon. Ayokong mawala sa 'kin ang pamilya ko.
I won't let that happen.
— — —
Psalm 34:8
Taste and see that the LORD is good; blessed is the one who takes refuge in Him.