"Ang hirap namang intindihin ng lahat ng sinabi mo," pagrereklamo ko at mahinang minasahe ang ulo ko, parang bumalik ang lagnat ko dahil sa mga sinabi niya. Mas natatandaan ko pa 'yung mga terms na ginamit ko sa isang fantasy story na ginawa ko, hindi katulad ng ganito. Kung pwede ko lang takasan ang lahat ng ito, kanina ko pa ginawa, ayokong dumagdag pa ang responsabilidad ko sa buhay. Pagod na nga ako tapos dadagdagan ko pa ang pagkakapagod ko?
"Parang may iniisip ka na naman." Tumingala ako sa kan'ya at bumuntong-hininga. "You're doubting yourself again, hindi naman namamadali ang lahat e, kailangan mo pa ring mag-ensayo para naman tuluyan ka nang makapasok sa Alhesia."
Tumayo siya at tsaka pumunta sa bintana.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. Ngumiti naman siya habang diretsong nakatingin sa akin, naging kulay turquoise uli ang kulay ng mga mata niya. Napakaganda.
"Kailangan ko munang bumalik sa Alhesia, magpahinga ka na muna, babalik na lang ako kapag magsisimula na tayong mag-ensayo. Maging handa ka lang palagi, mag-iingat ka rin dahil hindi mo malalaman kung prodigium ba ang kasama mo o kaya simpleng tao lamang, pinoprotektahan ka ng bracelet mo kaya h'wag na h'wag mo 'yan aalisin," paalala niya, ngumiti ako at tumango.Ganito rin ang kuya ko no'ng umalis siya para magtrabaho, d'on ko talaga nalaman kung ano ang totoong ibig sabihin ng pagiging responsable.
"Sige." Lumabas na rin naman si Dashiell sa bintana kaya may oras na naman ako para isipin ang lahat ng mga bagay na nangyayari ngayon sa buhay ko. Akala ko imposible ang lahat ng 'to, siguro tama nga 'yung sinasabi sa akin ng mga madre noon. With God, nothing is impossible.
Matagal-tagal na rin pala no'ng huling simba ko, hindi ko man lang nagawang bisitahin Siya dahil sa dami ng mga ginagawa ko, masyado akong busy sa school noon at masyado na rin akong pagod para manalangin bago matulog, diretso kasi ako tulog kapag humiga na ako sa kama ko.
Sa huli, napagdesisyunan kong pumunta sa simbahan, hindi naman ito masyadong malayo kaya pwede ko naman itong lakarin lang. Hindi nga sana ako papayagan ni Mama pero pinilit ko talaga siya, gusto kong pumunta sa isang mapayapang lugar kung saan ang lahat ng problema ko ay naaalis.
"Mag-ingat ka, Ally. Gusto mo bang isama ang isa sa mga kapatid mo para naman may kasam ka?" tanong ni Mama, umiling naman ako.
"H'wag na po, Ma, okay lang po ako, hindi na rin naman po masakit ang ulo ko," sagot ko at lumabas na sa bahay, hindi pa naman masyadong mataas ang sikat ng araw dahil maaga pa, sabado ngayon kaya hindi naman masyadong marami ang mga tao sa loob ng simbahan.
Pakalipas ng sampung minuto, nakarating na ako sa tapat ng simbahan, may mga nagtitinda pa rin ng sampaguita at ng mga kandila, may ilan ding kakanin. Naalala ko tuloy no'ng panahon na nandito pa si Papa, lagi siyang bumibili ng kendi, paunahan kami sa pag-ubos ng kendi dahil ayaw ni Mama na may kinakain kami sa loob ng simbahan. Manantatili na lang talaga 'atang alaala ang lahat ng 'yon.
Dumiretso na lang ako sa loob ng simbahan at tsaka lumuhod at nagsimula nang manalangin.
Gusto kong maalis ang takot dito sa puso ko, takot akong mabigo sa mga bagay na ginagawa ko, para bang hindi ko kakayanin kapag may ginawa akong isang pagkakamali. Ayokong ma-disappoint ang mga tao sa 'kin kaya ayokong malaki ang responsabilidad na hawak ko. Takot na takot akong maging disappointment, hindi ko alam kung bakit. Maybe I'm just fooling myself, hindi naman talaga ako magaling, ang kaya ko lang 'atang gawin na 'yung tipong hindi ako kinakabahan ay ang pagsusulat, pakiramdam ko malaya ako sa tuwing nagsusulat ako. Walang manghuhusga sa 'kin dahil iba-iba naman ang opinyon ng mga tao, depende na lang 'ata kung hindi maintindihan ng tao na 'yon ang takbo ng buhay.
Muli akong napahinga nang malalim bago tuluyang umupo sa upuan.
"Miss, ito ang panyo." Bigla akong napalingon sa tabi ko no'ng narinig ko ang tinig ng isang lalaki. Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi, basa na pala ito, hindi ko man lang napansin na umiiyak na pala ako. Nakakahiya.
"Okay lang, meron naman akong panyo," pagtatanggi ko at tsaka kinuha ang sarili kong panyo, nakita kong ngumiti siya kaya lumabas 'yung maliit niyang dimple sa kaliwa niyang pisngi. May hitsura naman pala s'ya, but the point is, hindi ko naman s'ya kilala kaya bakit siya nandito?
"Nagtataka ka siguro kung sino ako, 'no?" nakangiti niyang tanong, hindi na lang ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kan'ya. "Ako si Cassius Smith, and you are?"
"Ally Anderson." Inilahad niya ang kamay niya sa akin, kinuha ko naman 'yon at tsaka ngumiti, mukha naman siyang mabait kaya hindi naman masamang makipagkaibigan sa kan'ya.
"Nice to meet you, Ally. Mabuti naman at tumigil ka na sa pag-iyak, your eyes don't deserve those tears," nakangiti niyang sabi. Medyo na-awkward ako, is he flirting with me? Akala niyo siguro madali lang akong makuha, like duh, hindi ako easy to get.
"Salamat, I think I need to go. Medyo marami pa akong gagawin sa bahay." Tumayo ako at aalis na sana ngunit bigla niya akong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko. Mabilis ko naman iyong binawi mula sa kan'ya.
Aba, feeling close rin pala.
"Look, I appreciate na nandiyan ka para patahanin ako, but hindi kita kilala. I don't talk to strangers, I'm sorry." Aalis na sana ako, pero pumunta siya sa harapan ko para harangan ako.
Papansin din pala ang lalaking 'to. Sayang, gwapo sana.
"Hindi mo na rin naman maco-consider na stranger ako dahil alam mo na ang pangalan ko," nakangisi niyang sabi. Ipinikit ko naman muna ang mga mata ko sabay hinga nang malalim, napapansin ko rin na may ilang mga tao na tinitingnan na kami.
"Look, kahit alam ko ang pangalan mo, hindi pa rin kita kilala. Ibang-iba ang dalawang 'yon kaya isaksak mo 'yan sa kukote mo. Hindi kita kilala, hindi ko alam kung paano ka magalit at kung paano ka makitungo sa ibang tao, at gano'n ka rin sa 'kin, hindi mo rin ako kilala, kaya please lang, lubayan mo na 'ko. H'wag kang feeeling close," sabi ko habang tinitingnan siya nang diretso sa kan'yang mga mata. Nakikita ko ang lungkot sa mga ito, pero hindi naman pwedeng pagkatiwalaan ko siya kaagad. Sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko malalaman kung kaya ko ba siyang pagkatiwalaan.
"Hindi mo na ba talaga ako naaalala?" nasasaktan niyang sabi, tiningnan ko na lang siya habang nakakunot ang aking noo. Hindi ko naman maalala na nag-cross na ang mga landas namin. Sigurado naman akong wala pa akong na-encounter na Cassius ang pangalan. Sosyalin ang pangalan niya, kaya sigurado akong wala. Kung nakilala ko na siya dati pa, naalala ko sana ang maganda niyang pangalan, kaso hindi.
"No. We haven't met before, so please stop acting like we already did." Akmang aalis na ako, pero muli siyang nagsalita.
"Ako 'to... ako si Bonong." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala, ito na si Bonong?!
"Bonong?!"
"Shh!" Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid, nakatingin na pala sa amin ang mga tao sa loob ng simbahan. Nakakahiya! Ghad, baka kung ano ang isipin nila. Hinila ko siya papalabas sa simbahan para naman makapag-usap kami nang maayo at para na rin wala kaming maistorbo.
"Ikaw si Bonong? 'Yung childhood friend ko noon?" nagtataka kong tanong sa kan'ya. Ngumiti naman siya nang napakalawak at dali-daling tumango.
"Sino pa nga ba?"
"Then why did you ask my name in the first place?" tanong ko uli sa kan'ya.
"I just want to make sure kung ikaw ba talaga 'yon, by the way, bakit ka nga pala umiiyak no'ng nakita kita?" tanong niya naman sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay. Huminga na lang ako nang malalim at tsaka umiling.
"Nah. H'wag mo nang isipin 'yon." Magsasalita na sana si Bonong pero hindi niya na ito naituloy no'ng biglang umilaw ang bracelet ko. Naramdmaan ko rin ang init na lumalabas mula rito.
Fudge, bakit ba 'to naging ganito? May masama bang nangyari?
"Bakit gan'yan ang bracelet mo? Ano ang meron?" Mapakla na lang akong tumawa dahil sa tanong ni Bonong, hindi niya dapat malaman ang tungkol sa 'min.
"Nako, h'wag mong intindihin 'to. Ganito lang talaga 'to, nabili ko kasi 'to sa Quezon City last month, umiilaw talaga siya paminsan-minsan." Napatango-tango na lang din naman siya, nako, mabuti nga at naniwala naman siya kahit papano. "Oh sige, kailangan ko nang umalis, kita-kits na lang tayo. Bye!"
Hindi ko na hinintay na magsalita pa muli si Bonong, dali-dali akong tumakbo papunta sa likod ng isang lumang tindahan, walang namang tao kaya pwede ko nang tawagin si Dashiell o kaya si Vera.
"Kailangan mo 'ko?"
"Ay tortang talong na bulok!" Napatingin ako sa likuran ko no'ng narinig ko ang boses ng isang babae, si Vera lang naman pala. Akala ko kung sino na e, muntikan na ako do'n. Myghad, Cazzie.
"Grabe ka ah, ngayon, alam mo na ba kung ano ang dapat mong ga-"
"Vera!" sigaw ko no'ng biglang tumilapon si Vera papalayo sa akin, lalapitan ko na sana siya ngunit may biglang humalbot sa akin at tsaka sinakal ako, umangat ako sa lupa habang hawak-hawak pa rin ng lalaki sa harapan ko ang aking leeg. Pilit kong inalaalis ang mga kamay niya pero hindi ko magawa.
"L-Let me g-go!" Tumawa nang napakalakas 'yung lalaki at tsaka binitawan ako, sumakit pa ang pwet ko dahil masyadong mataas 'yung pagkaangat niya sa 'kin. Pilit ko pa ring hinahabol ang hininga ko tsaka tiningnan si Vera, wala pa rin siyang malay.
"Ikaw pala si Ally, papatayin kita!" Biglang may lumabas na malaking espada na kulay pula sa kamay niya, dali-dali ko namang hinarang ang dalawa kong kamay kahit alam ko naman na hindi 'yon sapat para protektahan ang sarili ko.
Nanatili lang akong nakapikit ng ilang segundo habang hinihintay ang tindi ng sakit na dulot ng espada niya ngunit wala akong naramdaman. Iminulat ko ang mga mata ko at muntik na nga akong mapamura no'ng nakita ko ang kulay pul na pana na hawak-hawak ko.
Shemay, kailan ako nagkaroon ng ganito?!
— — —
Romans 8:28
And we know that in all things, God works for the good of those who love Him, who have been called according to His purpose.