Chereads / The Holocaust / Chapter 6 - Kabanata 4

Chapter 6 - Kabanata 4

Tuluyan na nga kaming pumasok ni Dashiell, binitawan niya na ang kamay ko para naman hindi malaman ng mga kalaban na may kasama siya. Napatingin ako sa stairs no'ng narinig ko ang ilang yabag ng mga paa. Tama nga si Dashiell, marami sila, nasa 15 ata ang bilang nila habang si Dashiell ay iisa lamang, nag-aalala ako para sa kalagayan niya, baka kung ano ang mangyari sa kan'ya.

"A Bellator?" malalim na sabi ng isang boses, hinanap ko kung saan ito nanggaling at muntik na nga akong mapasigaw no'ng nakita kong nasa likod ko na pala ito. Nakuha kaagad ng pula nilang mga mata ang atensyon ko, nakasuot silang lahat ng itim na shirt, mukhang tao lang naman sila, hindi mo aakalain na mga kalaban sila. Nakakatakot din pala, malay ko bang may nakakasama na rin pala akong tulad nila.

"Prodigiums," nakangising sabi ni Dashiell, nagliliwanag ang kulay ng mga mata niya dahil sobrang dilim sa buong paligid, nakakatakot silang tingnan, mukhang mapapasabak talaga sila sa isang madugong labanan.

"What brings you here, peasant? As far as I know, we didn't do anything to you, we're just minding our own business so you should too," sabi no'ng isa sa mga Prodigiums, mukhang siya rin ang leader sa kanila.

"I can't do that, fool." Natawa na lang ang mga prodigiums dahil sa sinabi ni Dashiell, mukhang hindi nila siya sinseseryoso.

"I guess we can't do anything about that, we just have to kill you, ey?" Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig dahil sa sinabi niya, hindi man lang sila nagdalawang-isip sa mga sinasabi nila.

"Not if I kill you all first." Lumiwanag ang kanang kamay ni Dashiell, lumabas dito ang isang kulay turquoise na espada, napatingin ako sa gawi ng mga kalaban no'ng nakita kong nag-iiba na ang anyo nila, parang unti-unti silang nagmumukhang mga halimaw. Lumabas din ang totoo nilang anyo, kinakabahan tuloy ako kung kaya ba talaga ni Dashiell na taluhin silang lahat.

Umatake na ang ilan sa mga kalaban, napakabilis nila, kaunti na lang ay hindi ko na talaga sila makikita. Humanda rin si Dashiell at mabilis na sinugatan ang mga Prodigiums gamit ang kan'yang espada, naging abo bigla ang mga ito at naglaho na lang.

"Nice. Hindi ka naman pala kasing hina tulad ng inaakala ko," nakangising sabi ng leader ng mga kalaban, pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na makisalo sa mga palitan nila ng salita, mas mapapahamak kasi si Dashiell kapag ginawa ko 'yon, imbes na kalagayan niya lang ang iniisip niya, dadagdag pa 'ko.

Hindi na lang sumagot si Dashiell, patuloy pa rin siya sa pagpatay sa mga prodigiums, mas nakakatakot siyang tingnan ngayon dahil nakangiti lamang siya habang isa-isa niyang pinapatay ang mga kalaban. Mabilis siyang kumilos, kung kanina ay kinakabahan akong matatalo siya, ngayon naman ay sigurado akong wala lang sa kan'ya ang mga prodigiums na'to.

"Ito lang ba ang magagawa niyo?" tanong ni Dashiell, napatay niya na ang siyam na mga prodigiums, tanging lima na lamang ang natitira para protektahan 'yung nakasagutan niya. Lalong umiilaw ang mga mata ni Dashiell, ramdam ko rin ang tensyon sa pagitan niya at sa mga kalaban, ganito pala ka-intense ang laban ng mga tulad nila. Nakakatakot, paano na lang kaya kung isang simpleng tao lang ang kaharap nila ngayon? Sigurado akong walang pag-asang mabuhay ang tao na 'yon.

"Ano ba ang nais mong patunayan?" tanong ng isa sa kanila habang tumutulo pa ang kan'yang laway. Nakakadiri, mukhang hindi pa siya nagsipilyo dahil sa hitsura ng mga ngipin niya.

"Wala," kalmadong sagot ni Dashiell, hanga na ako sa galing niya, makakalabas kami ng buhay dito! Magwagi!

"Talaga? Sigurado kang wala?" Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig no'ng naramdaman ko ang isang mainit na hininga sa batok ko. Sinubukan kong lumakad papalayo pero hindi ako makagalaw. "Diyan ka na lang, h'wag ka nang lumayo."

Napatingin ako bigla sa mga kamay ko, hindi na pala ako invisible!

"F*ck!" mura ni Dashiell no'ng nakita namin ang isang malaki at nakakatakot na aso sa likuran ko, akala namin wala silang kasamang hayop, mukhang may ginawa sila para hindi ito malaman ni Daered. Posible bang trap ang lahat ng 'to? Pero mukha ring hindi, masyadong maliit ang dami nila para maging trap ito, nagkataon lang ba talaga ang lahat?

Natuon ang atensyon ko kay Dashiell no'ng may lumabas na kulay torquoise na apoy mula sa espada niya. Tumakbo siya papalapit sa akin pero hinarangan siya kaagad ng natitira pang anim na prodigiums, kasama na 'yung pinuno nila kuno.

"Mukhang importante siya sa 'yo, ano ba ang meron sa babaeng 'to? Iniibig mo ba siya?" Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, naramdaman ko na rin ang pagbagsak ng mga pawis ko. Kinakabahan ako, natatakot ako na baka hindi na ako makalabas dito.

"Wala kang pakialam," seryosong sabi ni Dashiell, lalong umilaw ang mga mata niya, tuluyan niya nang pinaslang ang natitirang limang prodigiums, tatamaan niya na sana 'yung pinuno nila ngunit nakaiwas siya at tuluyang tumakbo papalayo sa amin.

Lumapit sa akin si Dashiell, inalis niya 'yung apoy sa espada niya at itinapat ito sa kamay ko, naramdaman ko ang hapdi rito, lumabas na ang dugo ko at tuluyan na nga akong nakagalaw. Sinipa pa niya nang napakalakas 'yung aso, kakagatin pa sana nito si Dashiell ngunit naunahan niya na ito, pinugutan niya na kaagad ito ng ulo. Naging abo na ito kaya lumapit na uli siya sa akin.

"Are you okay?" Sa tingin ba ng lalaking 'to ay magiging okay ako sa lagay ko ngayon? Ayos din 'to e.

Hindi ko na lang siya sinagot at tsaka kinuha ang panyo ko sa bulsa ng jacket ko. Itatali ko na sana iyon sa sugat ko pero inunahan na ako ni Dashiell.

"I'm sorry, kailangan ko 'yon gawin para makagalaw ka na, kung natagalan ka pa, siguradong kukunin na ng aso na 'yon ang kaluluwa mo," sabi niya. "H'wag kang mag-alala, okay na 'yan mamaya."

"Maraming salamat, paano 'yung isa pang natitira na kalaban? Kailangan natin siyang habulin!" Umiling na lang siya bilang sagot. May pag-asa pa kaming mahabol 'yung natitirang kalaban, mabilis naman siyang tumakbo e.

"Hindi na natin siya mahahabol, hindi tayo makakapasok sa Eldarmar."

"Saan naman 'yon?" tanong ko sa kan'ya, malay ko ba kung saang bansa 'yung sinasabi niyang Eldarmar na 'yan.

"Mundo ng mga prodigiums. Marami ka pang kailangang malaman, pero sa ngayon, kailangan na muna nating bumalik sa bahay niyo, malapit nang lumiwanag, baka hanapin ka ng magulang mo." Halos mamilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, tiningnan ko 'yung cellphone ko, malapit na mag 5 am, malapit nang magising si Mama. Kailangan na naming makabalik sa bahay bago siya magising, siguradong mahihirapan ako ngayon mag-isip ng palusot kung sakaling madadakip niya kami.

"Tara na," pag-aaya ko sa kan'ya, hinawakan muli ni Dashiell ang espada niya, bigla na lang itong naglaho pero hindi pa rin nawawala ang kulay ng kan'yang mga mata. Lalakad na sana ako papalabas ng hospital pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Kahit ano man ang mangyari, hinding-hindi ko hahayaan na mapahamak ka," nakangiti niyang sabi, ramdam kong parang nakuryente ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, nanatiling nakatikom lang ang bibig ko. Binibigyan ko na ng malisya ang mga ginawa ni Dashiell para sa 'kin, responsabilidad niya naman na protektahan ako, gagawin din ni Vera ang ginagawa ngayon ni Dashiell kaya dapat h'wag akong malisyosa.

Napakalandi ko talaga!

Napansin niya 'ata na wala na akong maisasagot sa sinabi niya kaya tumakbo na lang siya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko, malapit nang lumabas ang araw kaya naman kailangan na talaga naming magmadali. Baka pektusan ako ni Mama pagdating na pagdating ko sa bahay. Myghad, ang sakit pa naman n'on, iniwas-iwasan ko 'yon no'ng bata pa ako tapos mangyayari sa 'kin 'yon ngayon? Hindi ako papayag!

"Bilisan natin!" Lalong binilisan ni Dashiell ang takbo niya kaya nakarating na kami sa tapat ng bahay namin pakatapos ng isang minuto. "Tara sa loob." Hihilahin ko na sana si Dashiell papasok sa pintuan pero umiling s'ya, niyakap niya ako ng napakahigpit at tumalon ng napakataas sabay pasok sa bukas na bintana ng kwarto ko.

"Hurry up, humiga ka na sa kama mo," nagmamadaling utos sa akin ni Dashiell, agad ko namang sinunod ang utos niya, sakto namang pumasok na si Mama sa loob ng kwarto ko. That was close!

"Ally? Gising ka na ba?" Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bahagyang kinusot-kusot pa ito para naman mas maging realistic na kakagising ko pa lang, dapat galingan ko mag-acting!

"Opo, Mama." Pasimple kong itinago ang mga paa ko sa loob ng kumot, shemay, suot ko pa pala 'yung sapatos ko! Legit na lagot talaga ako nito kapag nakita ni Mama na nakasapatos ako, sigurado akong maghihinala siya. Ano naman ang irarason ko? Nag-jogging ako sa loob ng kwarto ko dahil nilalagnat ako? Myghad!

Tuluyan nang lumapit sa akin si Mama, ipinatong niya ang kamay niya sa noo ko at napahinga na lang nang malalim.

"Mabuti nga at hindi ka na masyadong mainit, may gumugulo pa ba sa 'yo? Gusto mo bang papuntahin ko na rito si Father at sabihan na basbasan 'tong kwarto mo? At bakit ka nga pala nakasuot ng jacket?" Halos mapasapo na lang ako sa noo ko, inaakala niya talagang may nakikita akong masamang espirito. Well, hindi naman masamang espirito si Dashiell, masama lang talaga ang ugali niya minsan pero mapagkakatiwalaan naman siya. Pinagkakatiwalaan ko nga siya sa buhay ko e.

"Ahm, medyo nilalamig lang po kasi ako, at tsaka h'wag na po, Ma, kailangan ko lang po talaga ng sapat na pahinga." Tumango si Mama at nagsimula nang lumakad papalayo sa akin.

"Magpahinga ka muna, ha? H'wag kang gagalaw nang sobra para maging maayos kaagad ang pakiramdam mo."

Ngumiti na lang ako at tsaka tumango bilang sagot, maalagain talaga si Mama kahit kailan, nagtataka nga ako kung bakit nagawa pa siyang iwan ni Papa. Wala ng kulang kay Mama, mabait, maganda, matalino, madiskarte at maaalahanin. Nasa kan'ya na ang lahat pero iniwanan pa rin siya ng taong mahal na mahal niya.

Parang binunutan ako ng napakalaking tinik sa lalamunan ko no'ng tuluyan nang lumabas si Mama sa kwarto ko, hinubad ko na ang jacket at ang mga sapatos ko, muntikan na talaga ako d'on.

"You forgot to take off your jacket and your shoes." Inikutan ko na lang ng mata si Dashiell dahil sa sinabi niya.

"Mabuti nga at hindi tayo nabuking e, wala pa naman akong naisip na palusot," sabi ko, natawa naman siya nang kaunti at umiling-iling, mukhang may ipagyayabang na naman s'ya. Hay nako.

"Talo talaga kita, may naisip na kaagad akong paraan para makatakas tayo sa sitwasyon na 'yon." Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay kung ano ang naisip niya. "Magpapakita ako sa kan'ya at tatakutin ko s'ya hanggang sa mawalan siya ng malay. Tapos kapag nangyari 'yon, ipapahiga natin siya uli sa kama niya at iisipin niya na panaginip lang ang lahat ng 'yon. Oh diba."

Pumalakpak ako nang pumalakpak na para bang nanalo siya sa pagiging mayor, pero medyo hininaan ko lang dahil baka marinig ako ni Mama, baka isipin niya na naman na may nakikita akong isang masamang espirito.

"Alam mo? Napakayabang mo."

"Inggit ka lang," sagot niya at tumabi na sa kama ko. "Hindi ka man lang ba magtatanong sa 'kin tungkol sa mundo natin?"

"Correction, mundo niyo. Hindi ko mundo 'yon." Tao ako, hindi sila tao, kaya obvious na obvious naman 'ata na hindi magkapareho ang mundo na kinagagalawan namin. Like duh, ang weird kaya nila, ang creepy din minsan, lalo na no'ng nakita ko kung paano patayin ni Dashiell ang mga prodigiums na 'yon.

"Mundo natin, katulad ka na namin kaya h'wag kang ano." Ang taray naman ng lalaking 'to, kanina ang sweet tapos iba na naman ang timpla niya ngayon. Ang labo lang e.

"Fine. Ano ba ang dapat kong malaman tungkol sa mundo natin?" Ngumiti siya nang napakalawak, mukhang proud na proud talaga siya sa pinaglalaban niya, papasa na siya sa pagiging lawyer.

"Alhesia ang tawag sa mundo nating mga warriors." Muntik na akong matawa dahil sa sinabi niya.

"Warrior? Shemay, ang corny ng part na 'yan, Dashiell. Seryoso ka ba?" natatawa pa rin na sabi ko, tinaasan niya na naman ako ng kilay kaya itinigil ko na ang pagtawa ko. Natakot ako bigla, baka kasi bigla niya na lang hugutin ang espada niya at itutok ito sa akin. Scary! "Sorry, continue na."

"Alhesia ang tawag sa mundo nating mga warriors. Iba ang tawag sa lalaki at babaeng warrior, ang tawag sa lalaking warrior ay Bellator, ang tawag naman sa babaeng warrior na katulad ni Vera ay Virago. Nahahati sa apat na tatlong klase ang mga tulad natin, the regulars, the B-rank and the A-rank, lahat ng 'yan ay nakadepende sa lakas at kakayahan mo." Napatango-tango ako, sinusubukan ko pa rin na i-absorb ang lahat ng sinasabi niya.

"Kung gano'n, anong rank ka? Anong rank ni Vera?"

"Vera's a B-rank, I'm an A-rank," nakangisi niyang sabi, napakayabang talaga. Ghad.

"Oh sige, continue na uli tayo. Baka lumakas bigla ang hangin dito sa loob ng kwarto ko dahil sa kahanginan mo e."

"Prodigium ang tawag sa mga kalaban natin, ang tawag naman sa mundo nila ay Eldarmar. Walang pwedeng makapasok sa Eldarmar, kahit tayo, depende na lang kung isa kang Prodigium, gano'n din sa Alhesia, hindi makakapasok ang isang natural na tao at ang isang Prodigium sa mundo natin. Ang tawag naman sa kapangyarihan na taglay natin ay Imperium, ang mga regular ay magaling sa pakikipaglaban ngunit ang tanging Imperium na meron sa kanila ay ang armas o Telum, meron naman lahat tayo no'n. Ang B-rank naman ay magaling din sa pakikipaglaban, malakas sila at nakaka-control sila ng mga bagay-bagay. Ang A-rank naman ay mabilis at malakas, espesyal ang mga armas namin na tinatawag naming Telum, nagiging invisible rin kami at marami pa kaming pwedeng gawin na hindi nila kayang gawin. Malalaman mo kung anong rank ang isang tao sa pamamagitan ng kulay ng mga mata nila. Ang mga regular ay mayroong chestnut brown na mga mata, violet sa B-rank at turquoise naman sa amin."

Grabe, ang hirap namang intindihin ng mundo nila, masyadong maraming terms ang ginamit nila na hindi ko naman alam at maintindihan. Mas nakaka-stress pa 'to keysa sa chemistry subject ko.

"Teka, kung B-rank si Vera, A-rank ka, ano naman ang rank ko?" Mukhang natigilan siya dahil sa sinabi ko, huminga siya nang malalim at tsaka tiningnan ako nang diretso sa aking mga mata. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa paraan ng pagtitig niya.

"You're a Fortem, Ally." Kumunot ang noo ko. Fortem? Hindi niya naman nabanggit 'to kanina.

"Ano 'yan?"

"A Fortem is a rare kind of Virago or Bellator, that's why we need you, Ally... we badly need you."

- - -

John 15:13

Greater love has no one than this: to lay down one's life for one's friends.