"Ano ang nangyari? Bakit wala siyang malay?"
"Kinailangan namin siyang patulugin, hindi niya na-control ang Imperium niya."
"Siya ba ang Fortem? Ang ganda niya."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, no'ng unti-unting naglinaw ang aking paningin, nakita ko ang mga mukha nina Vera at Dashiell, may isang matanda rin at isang babae na hindi ko kilala.
Umupo ako mula sa pagkahiga at inilibot ang paningin ko sa buong paligid, may mga dahon at ugat ng puno akong nakikita. Napansin ko rin na mga bulaklak pala ang hinihigaan ko ngayon kaya naman napakabango sa buong paligid.
"Gising na ang Fortem," bulong ng babaeng hindi ko kilala, sinaway naman siya ng matanda na ngayon ay nakatingin din sa akin. Tumikhim muna ako bago tuluyang nagsalita.
"Ano ang nangyari? Nasaan ako?" tanong ko sa kanila, ngumiti 'yung matandang lalaki at inilahad ang kan'yang kanang kamay sa akin.
"Magandang gabi sa iyo, Fortem. Ako nga pala si Mang Heriberto, ang manggagamot dito sa Alhesia. Maayos na ba ang pakiramdam mo? May mga sugat kang natamo dahil sa bubog na tumama sa katawan mo, ngunit h'wag kang mag-alala, nagamot ko na ang mga iyon." Sinuklian ko ang napakatamis niyang ngiti at itinanggap ang kamay niya.
"Maraming salamat po, Mang Heriberto," pagpapasalamat ko sa kan'ya. Tiningnan ko ang katawan ko at may maliliit nga akong sugat sa aking braso at binti. Hindi ko inaasahan na magagawa ko ang bagay na 'yon, dapat pala huminahon muna ako.
"At ako naman si Grace! Apo ako ni Lolo Heriberto!" nakangiting sabi sa akin ng babaeng hindi ko kilala kanina.
"Ally na lang po ang itawag niyo sa 'kin," sabi ko tsaka tiningnan sina Vera at Dashiell. Seryoso lang silang nakatingin sa akin, mukhang malaking gulo ang ginawa ko kanina.
"Oh sige, Ally. Kukuha muna kami ni Grace ng makakain mo, siguradong nagugutom ka na," paalam sa akin ni Manong Heriberto, tumango na lang ako bilang tugon.
Nang nakabas na sina Mang Heribeto at Grace, nakita kong sinenyasan ni Dashiell si Vera na umalis na muna. Hindi na lang ako nagreklamo at hinayaan na lang sila, siguradong papagalitan ako ni Dashiell, seryosong-seryoso kasi ngayon ang mukha niya.
Umupo si Dashiell sa tabi ko at huminga nang malalim, habang ako naman ay nanatiling nakatingin sa mga paa ko. Hindi ko kayang tingnan siya ngayon sa mga mata niya. I feel so guilty, sinaktan ko siya e.
"Hindi ka man lang ba magsasalita?" Napalingon ako kay Dashiell nang nagsalita siya, bumuntong-hininga ako at muling tumungo.
"I-I'm sorry, hindi ko sinasadya ang lahat. Nawala ako sa sarili ko," paumanhin ko habang hindi pa rin nakatingin sa kan'ya.
Sobrang tahimik ng paligid, hindi ako sanay sa ganito. Sanay ako sa busina ng mga sasakyan at sa ingay ng mga chismosa naming mga kapitbahay. Hindi rin ako sanay na hindi marinig ang ingay ni Mama at ng mga kapatid ko.
Ang pamilya ko... dahil sa 'kin, kinuha na sila ng mga kalaban. This is all my fault, I wasn't strong enough to protect them.
"Why are you crying, Ally?" tanong sa akin ni Dashiell, pupunasan ko na sana ang mga luha ko pero naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. Nagdulot ito ng kaba sa buo kong katawan.
Dahan-dahan niya akong pinatingin sa kan'ya at pinunasan ang mga luha ko. Pinagmasdan ko ang kulay brown niyang mga mata, punong-puno iyon ng pag-alala.
"I'm sorry for what I did a while ago," sabi ko nang tuluyan niya nang binitawan ang pisngi ko, sumilay naman sa labi niya ang isang napakatamis na ngiti at tumango.
"Okay lang 'yon, bilib nga ako sa 'yo dahil nagawa mo 'yon sa 'kin. At mabuti na rin 'yon, dahil do'n sa ginawa mo, alam ko na kung paano ka tuturuan na kontrolin ang Imperium mo," sabi niya. Nakangiti na siya ngayon pero hindi pa rin nito naaalis ang guilt na nararamdaman ko, hindi ako sanay na manakit ng ibang tao. "Look at the bright side sometimes, Ally. Hindi naman pwedeng palagi ka na lang nakatingin sa mga maling ginawa mo, minsan, kailangan mo ring tingnan ang mga advantages no'n para matulungan mo naman ang sarili mo at para na rin hindi ka magmukhang nagpapaawa lang."
Parang sinaksak ako ng isang libong kutsilyo dahil sa sinabi ni Dashiell. I hate to admit it, but he's right.
"Nasa Alhesia ba tayo?" pagbabago ko ng usapan, tumango naman siya bilang tugon, ibang-iba ang ihip ng hangin dito sa totoong mundo, parang bumalik kami nakaraan kung kailan ayos pa ang lahat. Wala pang technology at hindi pa masyadong komplikado ang mga bagay-bagay.
"Bukas kita ililibot sa Alhesia, bukas din magsisimula ang training mo kaya dapat magpahinga ka nang maayos ngayong gabi. Pagkatapos mong kumain, ihahatid na kita sa sarili mong tirahan," sabi niya. Maganda rin na makapagsimula na kami kaagad bukas para naman mapadali ang pagkuha ko kina Mama, Andrew, at Andrei mula sa mga kalaban. Kapag may nangyaring masama sa kanila, hindi ko papatawarin ang sarili ko. Hindi rin ako papayag na hindi sila magbayad sa mga ginawa nila.
Huminga ako nang malalim at muling yumuko, nakita ko 'yung bracelet na binigay nila sa akin dati. Naalala ko na naman 'yung sinabi nila na kapag suot-suot ko 'tong bracelet, hindi ako masasaktan ng mga Prodigiums, pero ano ang nangyari kanina?
"Dashiell, akala ko ba tutulungan ako ng bracelet na 'to kapag nalagay ako sa kapahamakan? Bakit parang walang nangyari?" tanong ko sa kan'ya habang pinagmamasdan 'yung bracelet. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"'Yon nga ang pinagtataka ko, dapat may bumalot sa 'yong pula na force field kapag na-sense niyang nasa panganib ka. Iniwan kita para tulungan si Vera dahil alam kong may gagawin ang bracelet kung sakaling may mangyari sa 'yong masama. Hindi ko inaasahan na kaya nilang labanan ang epekto niyan, ibig sabihin, alam na rin nila ang sikreto niyan," nag-aalalang sabi ni Dashiell. Nakakapangamba nga kung gano'n ang sitwasyon.
Siguradong napakalaking disadvantage ang gano'ng bagay, alam na ng mga Prodigiums kung paano tumatakbo ang mga bagay dito sa Alhesia, sinabi talaga ng traydor sa hukbo nila ang lahat-lahat para malaman nila kung paano kami labanan. Kapag nagpatuloy 'yon, wala na kaming pag-asang manalo sa darating na digmaan, wala na akong pag-asang makita muli ang mga mukha nina Mama at ng mga kapatid ko, at anim na milyong tao pa ang mamamatay. We need to improve ourselves, kailangan naming mag-ensayo at gumawa ng mga bagong bagay na hindi pa nila alam.
"Napakalaking disadvantage 'yan, Dashiell. Kailangang baguhin ang pamamalakad sa Alhesia kung gano'n."
"Oo nga, pero h'wag kang mag-alala, nasisimulan na 'yon ng pinuno, bukas, kailangan nating pumunta sa kan'ya. Ipapaayos natin ang bracelet mo." Tanging tango na lamang ang itinugon ko sa kan'ya. "At h'wag kang mag-alala, kukunin natin mula sa kanila ang pamilya mo. Hindi ko binabali ang mga pangako ko, at isa na d'on ang pangako ko sa 'yo."
Tiningnan ko si Dashiell at sumalubong nga sa akin ang kulay brown niyang mga mata. Tila kumikintab ito dahil sa sobrang ganda, matangos din ang kan'yang ilong at kasing pula ng mga rosas ang kan'yang labi. Napakaganda ng kurba nito, maganda rin ang kutis niya, 'yung tipong ganda na parang hindi man lang tinubuan ng tigyawat sa buong buhay niya.
How can this man be so... handsome?
"Ally, why are you staring at me?" nakangisi niyang tanong sa akin, namilog naman ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko na rin ngayon ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi.
Umiwas ako ng tingin at itinuon na lang ang aking atensyon sa mga paa ko. Fudge, bakit ko siya tinitigan nang gano'n katagal?! Nakakahiya!
"Uhh, nothing. Maraming salamat, aasahan ko 'yang pangako mo," casual kong sabi. Sana hindi niya mahalata na nahihiya ako dahil sa ginawa ko. I don't want to be awkward towards him.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napatingin ako sa kan'ya, binigyan niya ako ng isang napakatamis na ngiti tsaka tumango.
"You're always welcome, Ally."
° ° °
Huminga ako nang malalim nang naramdaman ko ang sinag ng araw sa aking mga mata. Dito ako natulog sa isang maliit na bahay na gawa sa malalaking dahon, malalaking bulaklak at sa mga kahoy. Ang ganda nga sa pakiramdam dahil parang naglalaro lang ako ng bahay-bahayan.
Ikinusot ko ang aking mga mata at binuksan ang bintana, napakatahimik ng buong paligid, tanging ingay ng mga ibon ang maririnig. Hindi ako sanay sa ganitong lugar.
Dahil dito sa Alhesia, parang bumalik ako sa panahon kung kailan hindi pa sinakop ang Pilipinas, hindi pa uso ang teknolohiya. Masarap sa pakiramdam, pero hindi 'yon ang pinunta ko rito, kailangan kong maging malakas para maligtas ko ang pamilya ko.
Kagabi ko pa sila iniisip, iniisip ko rin kung ipapaalam ko ba kay Kuya ang lahat ng 'to, hindi ako sigurado kung maniniwala ba siya sa akin, pero kahit na gano'n, kailangan ko pa ring sabihin sa kan'ya kung ano ang nangyayari sa amin ngayon. Kailangan niya na lang talagang maniwala sa 'kin, kukumbisihin ko rin siya na h'wag nang umuwi rito sa Pilipinas dahil baka mas madamay lang siya sa gulo. Kaya ko na 'to.
Nabalik ako sa aking wisyo nang narinig kong may kumatok sa pintuan. Pumunta ako doon at binuksan 'yon, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Vera, may dala-dala rin siyang mga tela na sa tingin ko'y mga damit. Hindi ako sanay na simple lamang ang suot niya ngayon, wala rin siyang make up. I guess, first impressions really do last.
"Magandang umaga, Ally. Kumusta ka na? Nakatulog ka ba nang mahimbing?" tanong niya sa 'kin, binigyan ko naman siya ng isang napakatamis na ngiti at tumango.
"Pumasok ka muna," sabi ko. Pagpasok na pagpasok niya, inilapag niya na 'yung mga damit sa mahabang upuan at muling tumingin sa akin habang nakapameywang.
"Ayan ang mga damit mo, humanda ka na dahil maya-maya, pupunta na rito si Dashiell para samahan ka. Hindi ako makakasama sa inyo ngayon dahil may inutos sa akin ang pinuno," sabi ni Vera habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata.
"Maraming salamat, Vera," pagpapasalamat ko sa kan'ya, itinagilid niya ang kan'yang ulo at pinagmasdan ako.
"What's wrong? Nagugutom ka ba?" Umiling ako bilang tugon.
"Nah, binabagabag lang ng isip ko kung kailangan ko pa bang ipaalam sa nakakatanda kong kapatid ang sitwasyon ngayon. Ayokong mag-alala siya, pero sa tingin ko, kailangan niya pa ring malaman ang lahat dahil parte pa rin siya ng pamilya namin," malumanay kong sabi, ngumiti naman si Vera at mahinang tinapik ang balikat ko.
"H'wag kang mag-alala, hindi gumagalaw ang oras sa mundo ninyo. Bago pa namin malaman na ikaw ang nawawalang Fortem, planado na ang pagpunta mo rito, hindi maaapektuhan ng mga bagay na ginagawa mo rito ang kabilang mundo." Parang binunutan ako ng tinik dahil sa sinabi niya, hindi ko naman pala kailangang mag-alala, kailangan ko na lamang mag-pokus sa pagpapalakas ko para mailigtas ko na kaagad ang pamilya ko at makabalik na kami sa mundo namin.
"Mabuti naman kung gano'n."
"Oh sige, aalis na ako, humanda ka na. Malapit nang dumating si Dashiell," saad ni Vera habang naglalakad papunta sa pintuan, ngumiti na lamang ako at tumango tsaka hinintay siyang makalabas nang tuluyan para makapagbihis na ako.
Nang nakalabas na siya, kumuha ako ng isa sa mga damit at pumasok do'n sa kwarto para magbihis. Naghilamos din ako gamit 'yung tubig na naipon do'n sa napakalaking dahon at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
Pakalipas ng ilang minuto, muli kong narinig ang katok sa pintuan kaya pumunta ako rito, binuksan ko iyon at nakita ko nga si Dashiell. Umatras siya nang kaunti para bigyan ako ng espasyo sa paglabas ko.
"You're up early," nakangisi niyang sabi, inirapan ko na lamang siya at huminga nang malalim. Tumama sa mukha ko ang preskong simoy ng hangin. Napakaganda sa pakiramdam.
"Tara na? Para makapagsimula na tayo," pag-aaya ko sa kan'ya. Ngumiti naman siya at nagsimula nang lumakad, sumunod naman ako sa kan'ya, may iilan akong mga taong nakikita, napapatingin sila sa gawi namin at nagbubulungan.
Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ngingitian ko ba sila o ano, may iilan din kasi akong nakita na masama ang tingin sa akin. May ginawa ba akong mali?
At may mga babae rin na masama ang tingin sa akin, sa tingin ko, may gusto sila kay Dashiell, chick boy din pala ang isang 'to. Ang gwapo masyado.
Patuloy lang kami sa paglakad ni Dashiell nang may mga batang humarang sa akin, tiningnan nila ako habang nakakunot ang kanilang mga noo, hahawakan ko sana sila ngunit bigla nilang tinapik ang kamay ko.
"Ikaw ba ang Fortem? Bakit hindi ka naman mukhang palaban?" tanong sa akin ng isang batang lalaki, hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Ayoko namang patulan ang isang batang katulad niya, naaalala ko kasi sa kanila ang mga kapatid ko.
"Hey, stop that. Bumalik na kayo sa mga magulang niyo," mariin na sabi ni Dashiell pero umiling ako, bata lang ang mga 'to, naiintindihan ko naman sila dahil hindi naman talaga ako mukhang malakas, at tanggap ko 'yon.
"Mukha kang lampa e!" nakangusong sabi naman ng batang babae, nginitian ko na lamang sila. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na ito naituloy nang may humarang na kulay turquoise na force field sa pagitan ko at ng mga bata. Matalim kong tiningnan si Dashiell pero hindi siya nasindak sa mga tingin ko.
Nakita kong nagulat din 'yung mga bata sa ginawa ni Dashiell, agad silang humarap sa kan'ya tsaka tumungo.
"Pasensya po, hindi na po namin uulitin," sabay-sabay nilang sabi, tumango na lamang si Dashiell bilang tugon kaya nagsimula na silang lumakad paalis, inalis na rin ni Dashiell 'yung force field. Lumapit ako sa kan'ya tsaka pinilipit ang kan'yang taenga.
Kailangan niyang maturuan ng leksyon!
"Aray! Let go of me, Ally!" Binitawan ko na siya at pinagpagan ang mga kamay ko, tiningnan niya ako nang masama habang nakanguso. Fudge, nakakaawa siya ngayon, para na siyang iiyak! "Bakit mo ginawa 'yon?!"
Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya.
"What do you expect? Pinatulan mo ang mga bata na 'yon, dapat hindi mo na lang pinansin. Alam mo namang curious lang ang mga 'yon, at ikaw naman 'tong mas matanda kaya dapat inintindi mo na lang." Umayos siya ng tayo at tiningnan ako nang diretso sa aking mga mata.
"Ininsulto ka nila. Hindi ko hahayaan 'yon," wika niya at nagsimula na namang lumakad papalayo sa akin, huminga na lamang ako nang malalim at sumunod sa kan'ya.
Fudge, alam kong mali 'yung pinatulan niya 'yung mga bata, pero bakit ang saya ko?
— — —
Romans 15:13
May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in Him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit.