Chereads / The Holocaust / Chapter 13 - Kabanata 11

Chapter 13 - Kabanata 11

Tiningnan ko ang sarili ko mula sa salamin, tapos na akong ayusan ang sarili ko. Mabuti na lang at pinahiram naman ako ni Vera ng mga make ups niya na binili niya sa mundo namin.

Tumayo na ako tsaka tiningnan ang kulay gintong gown na tinahi para sa akin ni Manang Estelle, kahit na kaunti lamang ang oras niya para matahi ito, naging maganda pa rin ang kinalabasan. May slit ito sa kaliwang parte ng legs ko at ang dulo nito ay sapat na para sumayad sa sahig.

Mukhang mamahalin din ang mga ginamit na beads sa damit na 'to. Fudge, kailangan ko pa bang magtaka? Si Pinuno Ephraim ang nag-utos kay Manang Estelle na gawin ang damit na 'to kaya dapat asahan kong bongga talaga ang gagawin ni Manang Estelle.

Nang nasuot ko na ang gown, sunod ko namang tiningnan ang gintong sandals na ibinigay ni Manang, regalo niya na raw ito sa akin. Nahihiya pa nga akong kunin pero inisip kong wala naman pala talaga akong magagamit ngayong gabi kung hindi ko tatanggapin ang sandals, hindi naman pwedeng nakapaa lang ako.

Umupo ako sa kama ko at isinuot na 'yung sandals, mataas ang takong nito, mabuti na lang at gumagamit din ako ng heels noon kaya medyo keri ko na ang mga ganitong bagay, dahil kung hindi? Jusko, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa gabing 'to, baka palagi akong nakakapit kay Dashiell.

"Ally! Handa ka na ba?" narinig kong tanong sa akin ni Dashiell mula sa labas ng kwarto, muli ko munang tiningnan ang sarili ko sa salamin. Tiningnan ko kung may dumi pa ba sa mukha ko o ano, nakaayos lang sa isang messy bun ang makapal kong buhok, may ilang buhok na tumatakip sa mga mata ko pero hinayaan ko lang 'yon.

Nang makita kong maayos na rin naman ang pagmumukha ko at parang nagmukha na rin naman akong diyosa, ipinikit ko na ang mga mata ko at huminga nang malalim.

Keep slayin', Ally!

Binuksan ko na ang mga mata ko at kinuha na 'yung maliit na shoulder bag na binigay din sa akin ni Vera. Fudge, kailangan ko na talagang bumili ng mga sarili kong gamit para naman hindi na ako manghihiram kay Vera, nakakahiya na rin kasi. Tsaka bago ko 'yan isipin, kailangan ko munang malaman kung paano magkaroon ng pera rito, paano ba nila binabayaran ang mga gamit na binibili nila?

"Ally! Ano na?!" sigaw uli ni Dashiell, atat na atat naman ang lalaking 'to, hindi makapaghintay e. Dapat alam niyang matagal talaga mag-ayos ang mga babae, lalo na sa mga ganitong okasyon.

Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko at lumabas na, muli ko itong sinara tsaka hinarap si Dashiell. Nakatingin lang siya sa akin habang nakaawang nang kaunti ang kan'yang mga labi, nakasuot siya ngayon ng tuxedo na talaga namang bumagay sa pangangatawan niya. Nakaayos ang kan'yang buhok paitaas kaya kita ko ngayon ang makinis niyang noo.

Mapula-pula rin ang kan'yang labi at amoy ko hanggang sa kinatatayuan ko ang panglalaki niyang pabango.

D*mn, how can he look so perfect?

Nang makalapit na ako sa kan'ya, maingat niyang kinuha ang kanan kong kamay at hinalikan ito. Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko 'yon pinakita, ayokong isipin niyang binibigyan ko ng malisya ang ginagawa niya sa 'kin.

"You look stunning." Nginitian ko siya at ipinulupot na ang aking kamay sa kan'yang braso.

"You too," sagot ko, ngumiti siya nang napakalawak at nagsimula na nga kaming lumakad papalabas sa bahay. Akala ko, maglalakad na lang kaming dalawa papunta sa kastilyo dahil medyo malapit lang naman ito pero mukhang hindi 'yon ang gagawin namin ngayon dahil tumambad sa akin ang mukha ng isang puting kabayo.

May kalesa palang nakahanda para sa amin, may nakita rin akong isang lalaki na may itim na bigote, katulad ng suot niya ang mga damit na sinusuot ng mga butlers, mukhang siya ang magiging kotsero namin ngayon. Dati, napapanood ko lang ang mga ganitong senaryo sa mga teleserye, usually sa mga mayayaman na pamilya, pero ngayon, nangyayari na rin 'to sa 'kin. Ang sosyal pala talaga sa pakiramdam.

Tinulungan ako ng kotsero na makasakay sa kalesa, gano'n din ang ginawa ni Dashiell, at nang makasakay na kaming dalawa, nagsimula nang gumalaw ito. Magkatabi kami ngayon ni Dashiell, mabuti na lang at hindi kami magkatapat dahil maiilang talaga ako. Maliit pa naman ang espasyo rito sa loob ng kalesa.

Narinig ko ang pagtikhim ni Dashiell kaya napalingon ako sa kan'ya, nakita kong nakatingin siya ngayon sa hikaw na suot ko... hikaw na binigay niya.

"Sabi na e, bagay talaga sa 'yo ang hikaw na 'yan," komento niya. Ngumiti naman ako nang napakalawak tsaka hinawakan 'yung hikaw, maganda naman talaga ang hikaw na binigay niya. Simple lamang ito pero nakakaiba pa rin ang gandang taglay nito.

"Maganda 'yung hikaw, kahit kaninong babae mo pa 'to ibigay, magiging bagay talaga siya," wika ko naman, nakita ko ang biglang pag-iba ng ekspresyon ni Dashiell, kumunot ang noo niya at tinaasan niya rin ako ng isang kilay.

Mukhang may hindi siya nagustuhan sa mga sinabi ko, may sinabi ba akong mali? "Bakit gan'yan ang mukha mo?"

Inirapan niya ako tsaka umiwas ng tingin sa 'kin. 

"Maganda ang hikaw na 'yan pero mas maganda kapag ikaw ang nagsuot, at kahit na bagay pa 'yan sa ibang babae, sa 'yo 'yan pinakabagay at wala ng iba dahil hindi ko na 'yan ibibigay sa iba kundi sa 'yo lang."

Naramdaman ko ang biglang pag-init ng magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya, naramdaman ko rin ang unti-unting pagbasa ng mga kamay ko. Fudge, pasmado pa naman ako.

Ano ba ang dapat kong sabihin sa kan'ya? Ang awkward naman kasi ng sinabi niya! Alam ko namang maganda ako pero hindi ako sanay sa mga ganitong compliments.

Huminga na lang ako nang malalim tsaka tumungo, hindi ko kayang tingnan siya ngayon nang diretso sa kanyang mga mata.

"S-Salamat, h'wag kang mag-alala, iingitan ko 'tong regalo mo sa 'kin," mahina kong sabi pero alam ko namang sapat na 'yon para marinig niya, hindi na siya nagsalita muli.

Pakalipas lamang ng ilang segundo, narinig ko na ang malalakas na tunog ng trumpeta, hudyat na dumating na kami sa kastilyo. Tumigil na rin naman ang pagglaw ng kalesa, binuksan na ng kutsero ang pintuan, unang lumabas si Dashiell para alalayan akong makababa sa kalesa, dahan-dahan lang ang galaw ko dahil ayokong matapilok ako sa harap ng napakaraming tao.

Nang makababa na ako, ipinulupot ko na uli ang kamay ko sa braso ni Dashiell, siya ang partner ko ngayon kaya kahit na medyo nahihiya akong dumikit sa kan'ya, kailangan ko pa ring gawin, at ayokong mahalata niyang apektado ako sa mga sinabi niya kanina.

Inilibot ko na ang paningin ko sa buong paligid, sobrang dami ng tao at lahat sila ay nakasuot ng pormal na mga damit. Iba talaga ang mga kakayahan nila, kahapon lang sinabi na may salo-salo ngayon gabi pero mukhang matagal na nila itong pinaghandaan.

May nakita pa akong iilan na kalesa, siguro sa mga kalesa rin na 'yon nakasakay ang mga may matataas na estado rito sa Alhesia. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa langit nang makita ko ang mga lumulutang na lanterns, sobrang ganda nitong tingnan kasama ang mga kumikislap na bituin.

Umagaw din sa pansin ko ang napakahabang red carpet papunta sa may stage, mukhang napagdesisyunan ni Pinuno Ephraim na sa labas na lamang isagawa 'tong salo-salo.

"Ally, tara na, mamaya ka na mag-sightseeing," bulong sa akin ni Dashiell, tumango na lang ako bilang tugon at lumakad na nga kaming dalawa sa red carpet, kinailangan pa naming dumaan sa stage kaya nakita kami ng napakaraming tao.

Medyo binilisan ko ang lakad dahil nahihiya na ako, nahihiya akong tingnan ng napakaraming tao. Fudge.

"Formal party 'to, Ally, hindi parade." Tinaasan ko ng kilay si Dashiell dahil sa sinabi niya, nagsisimula na naman siyang mang-asar, akala mo hindi ako ni-compliment kanina e.

"Alam ko naman, ayoko lang tingnan ako ng maraming tao. Nakakahiya," bulong ko sa kan'ya habang naglalakad kami papalapit sa napakahabang table. Nakita ko d'on si Pinuno Ephraim, si Patrick, si Harry, si Vera, at may iilan din na hindi pamilyar ang mukha sa akin.

Mukhang ito 'yung table kung saan uupo ang mga taong malapit kay Pinuno, ang elegante nilang tingnan, mabuti na lang at maganda ang ayos ko ngayon, kailangan ko na lang ayusin ang kilos ko para naman pwede na akong makipagsabayan sa kanila.

"Maligayang pagdating sa 'yo, Ms. Anderson," salubong sa akin ng isang lalaki, kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan ito, naalala ko tuloy kung ano ang naging reaksyon ni Dashiell no'ng ginawa rin sa akin 'to ni Harry, mabuti na lang at mukhang hindi niya naman 'yon gagawin sa lalaking kaharap namin ngayon.

Kulay brown ang buhok niya at may pula rin itong highlights, bumagay ito sa pulang necktie na suot niya ngayon.

"Ako nga pala si George, ang namumuno ngayon sa kabilang bayan." Grabe, mukhang hindi naman nalalayo ang edad niya sa akin pero namumuno na siya ngayon? Nakakahanga naman.

"Ally na lang ang itawag mo sa 'kin," nakangiti kong sabi, ngumiti naman siya at binitawan na ang kamay ko. Ibinaling ko na ang atensyon ko kay Pinuno Ephraim na ngayon ay sobrang ganda talaga ang suot, para siyang isang hari na namumuno sa napakaganda niyang kaharian.

"Magandang gabi po, Pinuno Ephraim," pagbabati ko sa kan'ya, ngumiti naman siya at hinalikan din ang kamay ko.

"Magandang gabi rin sa iyo, Ally. Napakaganda mo ngayong gabi, bagay na bagay kayong dalawa ni Dashiell," saad niya na naging dahilan kung bakit namilog ang mga mata ko, narinig ko pa ang bahagyang pagtawa ng mga iba pang guests na nakatayo na pala ngayon at nakatingin sa akin. Medyo nag-bow sila nang nagtama ang mga paningin namin.

"Maligayang pagdating, Fortem," bati nila sa akin, ngumiti naman ako at nag-bow din nang kaunti bilang paggalang.

"Maraming salamat po sa inyong mainit na salubong," pagpapasalamat ko sa kanila, humatak ng isang upuan si Dashiell kaya umupo na ako d'on, sinigurado niya na munang komportable ako sa inuupuan ko bago siya umupo sa tabi ko. Nasa kanan ko si Dashiell habang nasa kaliwa ko naman si Pinuno Ephraim.

Napatingin din ako kay Vera na ngayon ay nasa harapan ko, sobrang ganda niya ngayon, kulay violet ang suot niyang gown at pinapakita nito ang magandang kurba ng katawan niya. Nang nagtagpo ang mga mata namin, binigyan ko siya ng isang napakalawak na ngiti.

"Thank you pala, Vera. Marami ka ng ginawa para sa 'kin." Sinuklian niya ang ngiti ko na nagpagaan sa loob ko.

"Wala 'yon, ang mga babae, dapat nagtutulungan. Kailangan nating tulungan ang isa't-isa, lalo na't napapalibutan tayo ng mga lalaki," natatawa niyang sabi, natawa na lang din ako. Natutuwa ako dahil  magkaibigan na kami ngayon, may babae na akong makakausap tungkol sa mga problema ko na tanging kapwa ko babae lamang ang makakaintindi. Katulad na lamang ng nararamdaman kong awkwardness kay Dashiell, minsan lang naman 'yon mangyari pero ginagambala pa rin nito ang isip ko.

Naituon namin ang mga atensyon namin kay Pinuno Ephraim nang bigla siyang tumayo at kinuha ang baso niyang may alak, itinaas niya iyon at nag-iba na nga ang kulay ng kan'yang mga mata. Naging kulay puti ito.

Mukhang hindi naman nasabi sa akin ni Dashiell na may Bellator o Virago na kulay puti ang mga mata.

"Ang isang pinuno lamang ang nagkakaroon ng gan'yang kulay na mata, kaya malalaman mo talaga kaagad na taglay niya ang pagiging pinuno," bulong sa akin ni Dashiell habang nakatingin pa rin kay Pinuno Ephraim, tumango na lang ako bilang tugon.

Mukhang nabasa niya na naman ang nasa isip ko.

"Magandang gabi sa inyong lahat—mga mamamayan ng Alhesia! Nagtitipon-tipon tayo ngayon para sa isang napaka-espesyal na anunsyo! Nandito na ang tagapagligtas ng ating mundo, alam ko at alam niyo rin na hindi sapat ang kapangyarihan ko para kalabanin ang lahat ng mga Prodigiums sa Eldarmar kaya nandito na ang ating Fortem para tulungan tayo, para bigyan tayo ng pag-asa." Tiningnan ako ni Pinuno Ephraim at sinenyasan ako na tumayo, ngumiti naman ako tsaka sinunod ang gusto niyang mangyari.

"Alam kong labis kayong natatakot dahil sa pagbabanta ng traydor ng Alhesia, sinabi niya sa atin na muling mangyayari ang nakakatakot na trahedyang nangyari na noon sa ating kasaysayan, ang ganitong pagbabanta ay hindi lamang dapat isabahala sapagkat unti-unti na nating nararamdaman ang paglakas ng mga kalaban. Kapag hindi natin sineryoso ang lahat ng 'to, mamamatay tayong lahat, hindi lang ang mga Bellator at Virago rito sa buong Alhesia, ngunit pati na rin ang mga normal na tao."

Nanahimik ang lahat ng tao dahil sa sinabi ni Pinuno Ephraim, tila nawalan ng boses ang lahat ng Bellator at Virago dahil sa takot. Naiintindihan ko naman sila, takot din akong mamatay, marami pa akong gustong gawin kaya hinding-hindi ko hahayaan na manaig ang kasamaan.

"Pero h'wag kayong mag-alala, sapagkat nandito na ang itinakda na magliligtas sa Alhesia. Nandito na ang itinalaga ng kasaysayan." Napatingin ang lahat ng tao sa akin, kitang-kita ko sa mga mata nila ang takot, ang saya, ang pangangamba, pati na rin ang galit.

Muli kong naramdaman ang pag-init ng buo kong katawan, alam kong nagbago na ang kulay ng mga mata ko dahil gulat na gulat na silang nakatingin sa 'kin ngayon.

"Siya nga ang Fortem. Walang duda, 'yan ang kulay ng mga mata ng nilalang na may dugong mamamayan ng Alhesia at ng Eldarmar."

"Ito na ang simula ng digmaan ng Alhesia at ng Eldarmar. Siya ang magbibigay sa atin ng kapayapaan."

"Kalokohan. Hindi ako maniniwala sa kan'ya hangga't sa makita mismo ng mga mata ko ang totoo niyang lakas."

Rinig ko ang mga bulungan nila, dahil nailabas ko na ang Imperium ko, mas tumalas ang aking paningin, pandinig, at ang aking pang-amoy.

Hindi ko mapigilan na madismaya dahil meron pa ring iilan na hindi naniniwala sa akin. Kailangan kong pagtrabahuhan ang tiwala nila sa akin, naiintindihan ko naman na gan'yan ang mga reaksyon nila dahil kung ako ang nasa sitwasyon nila ngayon, gan'yan din ang gagawin ko.

Huminga uli ako nang malalim at inilibot ang paningin ko sa kanila.

"Alam kong nagdadalawang isip kayo sa kakayahan ko, hindi nga naman kayo sigurado kung kaya ko ba talagang taluhin ang mga Prodigiums sa Eldarmar, pero isa lang ang masisigurado ko sa inyong lahat, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para iligtas ang anim na milyong madadamay sa Holocaust. Utang ko ang buhay ko rito sa Alhesia, dahil kung hindi ako nagkaroon ng ganitong kakayahan, siguro hindi na rin ako humihinga ngayon. Ano ba ang seguridad na hindi ko kayo tatraydurin? Hawak ng mga Prodigiums ang pamilya ko r'on sa Edlarmar, wala akong kasiguraduhan kung ano ang ginagawa nila ngayon. Katulad ninyo, may pamilya rin ako, at katulad din ninyo, gagawin ko rin ang lahat ng makakaya ko para protektahan sila. At h'wag kayong mag-alala, dahil simula sa araw na 'to, tinuring ko ng pamilya ang buong Alhesia."

Natahimik silang lahat, akala ko wala nang magsasalita ngunit may isang Bellator na tumaas ng kan'yang kanang kamao.

"Mabuhay ang Fortem!" sigaw niya na naging dahilan kung bakit muling nabalot ng ingay ang buong paligid.

"Mabuhay ang Fortem! Mabuhay! Mabuhay!"

Uminit bigla ang buo kong katawan nang makita ko ang saya sa kanilang mga mata at ang ngiti sa kanilang mga labi. Tumindi rin ang kulay ng kanilang mga mata, mga halo-halong kulay. May chestnut brown, may violet, at meron ding kulay turquoise.

Napakalawak ng ngiti ko ngayon, hinding-hindi ko sila bibiguin. Tatalunin ko ang pinuno ng Eldarmar.

"Ally," narinig kong tawag sa akin ni Pinuno Ephraim, nilingon ko siya at agad na nadapo ang tingin ko sa bracelet na hawak niya. "Suotin mo 'to, tutulungan ka nitong maging malakas."

Kukunin ko na sana 'yung bracelet na binibigay niya pero may isang kamay na inunahan akong kunin 'to.

"Ako na po ang magsusuot sa kan'ya, Pinuno," wika ni Dashiell, ngumiti naman si Pinuno Ephraim tsaka tumango. Hinayaan ko na lang si Dashiell sa gusto niyang mangyari dahil nakakahiya naman kung tatanggi pa ako.

Nang naisuot niya na ang bracelet sa pulsuhan ko, tiningnan niya ako nang diretso sa aking mga mata tsaka ngumiti.

"I will always support you, Ally."

— — —

1 Corinthians 13:12

For now, we see only a reflection as in a mirror; then we shall see face to face. Now I know in part; then I shall know fully, even as I am fully known.