Chereads / The Holocaust / Chapter 14 - Kabanata 12

Chapter 14 - Kabanata 12

Tiningnan ko nang diretso sa mga mata si Vera, sobrang tingkad ng mga mata niya ngayon, natatakot na tuloy ako dahil sa pagiging seryoso niya.

Hinahabol ko ang hininga ko habang iniisip kung ano ang maaari niyang sunod na gawin sa 'kin, nakahanda lang ang dalawa kong kamay para protektahan ang sarili ko kung sakaling aatake uli siya siya sa akin.

"What's the matter, Ally? Are you trying to figure out what I'm trying to do?" nakangisi niyang tanong sa akin, gusto kong magalit sa kan'ya pero dapat maging kalmado lamang ako, 'yan ang isa sa mga turo sa 'kin ni Vera.

Dapat sa lahat ng bagay, maging kalmado lang ako, h'wag dapat akong mag-panic dahil hindi ako niyan makaka-isip nang maayos. Kailangan kong kumalma para masolusyunan ko kaagad ang problema.

Nanatili lang akong nakatingin sa mga kamay ni Vera, susugod na sana ako ngunit agad ko 'tong pinagsisihan dahil nasuntok niya ang balikat ko.

"Diba, sabi ko, h'wag kang tumingin sa specific parts ng body ng kalaban mo? Kailangan mong makita ang buong katawan niya, o kaya sa mata ka tumingin, h'wag sa kamay!" paalala sa akin ni Vera tsaka muling sumugod sa 'kin, agad ko itong iniwasan at sinubukang suntukin ang tagiliran niya ngunit mas mabilis pa rin siya sa 'kin.

Hiningal na kaagad ako pero parang hindi man lang siya napagod sa labanan namin, pinapawis na siya pero hindi alintana sa kan'ya ang pagod.

"Suko ka na ba?" Inayos ko ang aking tayo at huminga nang malalim, nararamdaman ko pa rin ang init na dumadaloy sa katawan ko. Kailangan kong gamitin ito para matutunan kong mapabagsak si Vera, hindi 'yon magiging madali dahil talo niya ako sa experience, pero kailangan ko pa rin itong gawin.

Inayos ko ang tayo ko at tiningnan siya nang diretso sa kan'yang mga mata, napangisi siya dahil sa ginawa ko at inayos na rin ang kan'yang posisyon. "Hinding-hindi ako susuko."

Sumugod siya sa 'kin, umiwas naman ako at tinamaan ang likod niya gamit ang aking kanang kamay na naging dahilan kung bakit tumagilid siya. Alam kong hindi naman gaanong masakit ang tama ko sa kan'ya pero at least napatunayan ko sa sarili ko na hindi naman imposible na matalo ko siya. May pag-asa pa rin ako.

"Nice move," nakangisi niyang sabi, nagkibit-balikat na lamang ako at tumakbo papalapit sa kan'ya, pinaulanan ko siya ng suntok ngunit lahat 'yon naiwasan niya. Hinawakan niya ang isa kong kamay kaya napako ako sa kinatatayuan ko, no'ng susuntukin niya na sana ako, pinilit ko ang sarili ko na makawala sa hawak niya para hindi ako matamaan ng paparating niyang suntok.

Hindi naman ako nabigo ngunit nawala ang balanse ko at natumba ako sa lupa, babangon na sana ako ngunit naramdaman ko ang hapdi sa aking pulsuhan, fudge, mukhang masyadong napilipit ang kamay ko kanina. Hindi ko magawang suportahan ang sarili ko kaya agad na nakalapit sa akin si Vera, umatras ako ngunit lumalapit pa rin siya sa akin.

Napapapikit na lamang ako nang nakita kong isang dangkal na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Shemay, magkaibigan kaming dalawa pero bakit parang pakiramdam ko, katapusan ko na?

"Tapos na ang oras natin, Ally. Your training is done for today." Iminulat ko ang mga mata ko nang narinig ko ang sinabi niya, nakita kong nakangiti na siya ngayon habang nakalahad ang isa niyang kamay.

Fudge, nakakahiya, akala ko pa naman kung ano na ang gagawin niya sa 'kin.

Ikinalma ko ang sarili ko at tinanggap na ang kamay ni Vera, tinulungan niya akong makatayo nang maayos. Nakita kong napatingin siya sa pulsuhan ko, pinagmasdan niya 'yon at napabuntong-hininga na lamang.

"Sorry, hindi ko sinasadya, namamaga tuloy ang pulsuhan mo." Nakita ko ang sincerity sa mga mata ni Vera kaya ngumiti na lamang ako at mahinang tinapik ang kamay niya.

"Okay lang, parte 'yon ng training. Gusto kong maging malakas kaya ayokong nagdadalawang isip ka sa pag-atake sa akin," saad ko. Tumango naman si Vera bilang tugon, nandito kami ngayon sa training field. Halos dalawang linggo na rin akong nag-e-ensayo kasama si Vera, marami na akong natutunan sa kan'ya, katulad na lamang ng pagtitipid ng enerhiya ko sa laban at ang tungkol sa mga kahinaan ng katawan ng isang Prodigium.

Natutunan kong dapat sa ulo at sa puso ko na agad sila saksakin para naman hindi na sila magkaroon ng tiyansa na mabuhay pa, tinuruan niya rin ako ng martial arts dahil magagamit ko raw ito sa paglaban ko.

"Uminom ka muna ng tubig, pupunta raw dito maya-maya si Dashiell," wika ni Vera sabay lahad sa akin ng isang bamboo na tubigan, tinanggap ko naman 'yon para mapawi na ang uhaw na nararamdaman ko.

Umupo kaming dalawa sa malaking bato at pinagmasdan ang paligid, may iilan ding mga Bellator at Virago na nag-e-ensayo para mas lalo pang lumakas ang kakayahan nila, ginaganahan akong mag-training kapag nakikita ko ang mga tulad nila. Tumataas kasi ang determinasyon kong maging malakas para pagdating ng panahon, matatalo ko na ang mga tao sa Eldarmar at maibabalik na ang katahimikan sa sa Alhesia, pati na rin ang tahimik na buhay namin nina Mama.

"Ally." Nilingon ko si Vera nang narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Ano 'yon?" tanong ko tsaka iniyakap ang sarili kong mga tuhod.

"Napag-alaman kong nakapasok ka na sa pinto ng nakaraan, ano ba ang pakiramdam?" Napatingin ako sa mga paa ko dahil sa tanong niya. Halo-halo ang mga emosyon na naramdaman ko noon, lalo na't hindi ko naman nakita ang lahat ng nangyari sa nakaraan ko dahil hindi na kinaya ng katawan ko.

"Sa totoo lang, marami akong naramdaman pero nanaig noon ang takot at ang kagustuhan kong mabalik ang pamilya ko. Doon ko nakita nang maayos ang papa ko, hindi ko siya masyadong nakakausap noon dahil tahimik siya at focused siya sa trabaho, hangga't sa isang gabi, iniwan niya na lang kami. Hindi ko alam kung saan siya pumunta o kung ano ang nangyari sa kan'ya. Pero malakas ang pakiramdam kong may koneksyon ito sa kinuha niyang pinaghalong dugo ng isang Prodigium at ng isang Virago."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, siguro na-stress din siya dahil sa mga sinabi ko, hindi ko naman siya masisisi dahil nakaka-stress naman talaga ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko.

"Ang komplikado naman, siguro maraming tanong ang nasa isip mo ngayon. Alam mo na ba kung sino ang nagbigay no'n sa papa mo?"

Umiling ako. Hindi pinakita sa nakaraan ko kung sino ang nagbigay no'n, hindi rin sinabi ni papa kung saan niya 'yon nakuha, hindi ko nga sana malalaman na may kakaiba pala sa 'kin kung hindi ko nakita sina Dashiell at Vera e.

"Imagine, mangyayari ang Holocaust sa mundo namin at sa mundo niyo, at ikaw ang inaasahan ng buong tao. Sobrang bigat siguro ng nararamdaman mo," malumanay niyang sabi, ramdam ko na naman tuloy ang bigat ng puso ko.

"Sinabi mo pa."

"Well, h'wag kang mag-alala, kapag natapos na ang lahat ng 'to, makukuha mo na ang sagot sa mga tanong mo," nakangiting sabi ni Vera.

"Sana nga."

"Mukhang ang lalim ng pinag-uusapan niyo ah." Napatingin ako sa likuran ko nang narinig ko ang boses ni Dashiell, tumayo na kaming dalawa ni Vera tsaka pinagpagan ang mga pang-upo namin.

"Hindi naman, kanina ka pa nandiyan?" tanong ko sa kan'ya habang inaayos ang mga gamit ko. Nakabili na rin ako ng mga sarili kong gamit kaya hindi ko na kinailangan pang humiram kay Vera, sagot na ni Pinuno Ephraim ang lahat ng kakailanganin ko rito kaya nagpapasalamat talaga ako sa kan'ya nang sobra.

"Nope, kakarating ko lang. Medyo natagalan ako sa pagpunta ko rito dahil may inutos pa sa 'kin ang pinuno. Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Dashiell, tumango naman ako tsaka isinabit na ang brown kong shoulder bag sa aking balikat, ginamit ko 'to para lagyan ng mga gamit ko sa tuwing kailangan naming mag-ensayo ni Vera.

"Oo nga pala, Ally. Dalawang linggo lamang ang tagal ng pag-e-ensayo mo sa 'kin, magdadalawang linggo na tayo sa susunod na raw, at sa araw na 'yon, kailangan mo 'kong pabagsakin." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Vera, naramdaman ko rin ang pagtaas ng mga balahibo ko sa buo kong katawan.

The fudge, ako? Papabagsakin si Vera? Kaya ko ba 'yon? Hindi ko nga siya magawang masugatan o kaya matamaan man lang nang malubha e!

"P-Paano kung hindi ko magawa 'yon?"

Ipinakita niya sa 'kin ang napakalawak niyang ngiti, tinapik niya ang balikat ko at tiningnan ako nang diretso sa aking mga mata.

"H'wag mong isipin 'yan, dahil kahit anong mangyari, kailangan mo 'kong mapabagsak." Napalunok na lang ako, fudge, kakayanin ko ba? "Oh sige na, may kailangan pa akong gawin, may aasikasuhin na naman kasi ako sa kabilang bayan. Mag-ingat kayong dalawa."

"Sige," maikling sagot ni Dashiell, nginitian ko na lamang si Vera at kinawayan. "Para kang nawalan ng dugo sa buo mong katawan dahil sa sinabi ni Vera."

Tiningnan ko nang masama si Dashiell at malakas na tinapik ang balikat niya na naging dahilan kung bakit siya napadaing.

"E sino ba naman ang hindi kakabahan na makalaban siya?" nakataas-kilay kong tanong habang naglalakad patungo sa bahay namin.

Nakita kong sumilay na naman ang nakakaloko niyang ngisi. Shemay, mukhang may naisip na namang kalokohan ang mokong. "Sino nga ba naman ang hindi kakabahan na makalaban si Vera? E syempre, ako!"

"Ang hangin mo!" singhal ko tsaka binilisan ang paglalakad ko habang siya naman ay tawang-tawa na.

Palagi niya na lang akong inaasar, kapag ako talaga nagkaroon ng pagkakataon na makabawi sa kan'ya, susulitin na susulitin ko na 'yon. Lagi na nga akong pinagtitripan, napakahangin pa.

Nang makarating na kami sa bahay, agad akong umupo sa upuan at isinandal ang ulo ko rito.

Grabe, parang nahihilo na ako dahil sa tindi ng pagod na nararamdaman ko. Parang susuko na ang katawan ko pero hindi ito hinahayaan ng utak ko, nasa isip ko pa rin ngayon ang pamilya ko. Hindi ko inaalis sa isipan ko ang kalagayan nila, kapag sumuko ako rito, parang sinukuan ko na rin ang sarili kong pamilya.

"Mukhang pagod na pagod ka, gusto mo bang sabihin ko muna kay Vera na hindi ka muna mag-e-ensayo bukas?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Dashiell, umiling na lang ako bilang tugon, kailangan ko pa rin mag-ensayo. Paano ko matatalo si Vera kung titigil ako sa pagmasid sa mga galaw niya? "Ally, inumin mo 'to, at akin na 'yang kamay mo."

Umayos ako ng upo at tinanggap ang inihandang tsaa ni Dashiell, kinuha niya ang kamay ko at may pinulupot sa pulsuhan ko, pakalipas ng ilang segundo, hindi ko na maramdaman ang hapdi.

Isa na naman 'ata 'yon sa mga alam niyang gamot.

"Maraming salamat, Dashiell, pasensya na rin." Medyo nahihiya na rin kasi ako sa kan'ya dahil palagi na lang siyang nand'yan para sa 'kin, palagi niya na lang akong inaalagaan.

"Ayos lang 'yon. Sigurado ka bang hindi ko na sasabihan si Vera? Maiintindihan niya naman ang kalagayan mo, responsabilidad ko ang kalagayan mo, Ally."

Huminga ako nang malalim at binigyan siya ng napakatamis na ngiti.

"Kaya ko, Dashiell. At pagkatiwalaan mo si Vera, alam kong may gagawin siya para sa akin."

"Well, you can say that."

Nagkibit-balikat na lamang ako at itinuon na ang aking atensyon sa iniinom kong tsaa. Naniniwala ako sa kakayahan ni Vera, alam kong makakaya niyang mailabas ang totoo kong kakayahan, kailangan ko lang siyang pagkatiwalaan.

Kinabukasan, sinabi sa akin ni Vera na hindi raw kami mag-e-ensayo ngayon sa training field, kundi sa ilog. Sa una, hindi ko na-gets kung bakit kailangan pa naming pumunta sa ilog para makapag-ensayo, kasi ano naman ang gagawin namin d'on? Wala namang malawak na lupain d'on na pwede naming gawing lugar para makapag-ensayo.

"Handa ka na ba bukas?" Nabalik ako sa aking wisyo dahil sa tanong ni Vera, inilapag niya na ang kan'yang mga gamit sa lugar kung saan hindi ito mababasa ng tubig, gano'n din ang ginawa ko bago ko sinagot ang tanong niya.

"Hindi ko alam e, marami akong natutunan sa 'yo pero hindi ako sigurado kung sapat na ba 'yon para matalo kita." Matamis na ngumiti si Vera at pumunta d'on sa ilog, namilog ang mga mata ko nang nakita kong nakakalakad siya sa ibabaw ng tubig.

Fudge, dapat hindi na ako nagugulat e, natural ang lahat ng 'to rito sa Alhesia.

Naging kulay violet na ang mga mata niya, inilabas niya ang kan'yang Telum at pumikit, umilaw ang Telum niya at nagsilabasan nga ang maliliit na mga bulaklak, lumipad ang mga ito sa paligid ni Vera. Nakita kong may binunot siyang mga needles sa kan'yang bulsa at isa-isang tinamaan ang mga bulaklak kahit na nakapikit siya.

Shemay, paano niya 'yon nagawa? Hindi siya nakakita at maliit naman ang mga bulaklak pero natamaan niya pa rin ang lahat ng 'yon. She has the speed and the accuracy!

Iminulat na ni Vera ang kan'yang mga mata at lumapit sa 'kin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kaya niyang gawin, ilang taon ba siyang nag-ensayo para magawa lang 'yon?!

"P-Paano?"

"Simple lang naman, Ally. You just have to feel everything around you. Clear your mind, 'yan ang pinaka-importanteng bagay sa pakikipaglaban. Ngayong ready ka na physically, kailangan mo namang maging ready mentally," nakangisi niyang sabi. Potek, hindi ko alam kung paano ko 'yon gagawin.

"Paano mo ba 'yon ginawa?"

"You have to control everythi—"

"Vera, pinapatawag ka ni Pinuno Ephraim." Hindi na naituloy ni Vera ang sasabihin niya dahil biglang sumulpot si Dashiell sa harapan namin, nakasuksok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

Napasapo naman si Vera sa kan'yang noo at  lumapit sa akin, binigay niya sa akin ang mga needles niya pagkatapos. "Alam kong kaya mo 'to, Ally, kayang-kaya mo 'kong talunin. Tandaan mo lang ang lahat ng itinuro ko sa 'yo. Read between the lines, and expand your ideas."

Huminga ako nang malalim tsaka ngumiti. Mukhang mapapasabak na naman ako sa training ngayon.

"I will, Vera. Ingat ka!" sabi ko, kinawayan niya na lang ako at mabilis na umalis sa harapan ko. Nadapo ang paningin ko ngayon kay Dashiell na seryosong nakatingin sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.

Sinalubong ko ang mga titig niya at tinaasan din siya ng kilay. "Ano pa ang ginagawa mo rito? Pwede ka nang umalis, kailangan kong mag-focus sa pag-ensayo."

Kinuha ko ang mga bulaklak na ginamit kanina ni Vera at tinapon 'yon sa hangin, sinubukan kong tamaan ito gamit ang mga needles na hawak ko pero mukhang wala man lang akong natamaan kahit ni isa.

This is harder than I thought. Paano ba kasi 'to? Ang hirap!

"Wala si Vera, walang magbabantay sa 'yo, kaya ako na muna ang tutulong sa 'yo habang wala siya." Ibinaling ko sa kan'ya ang atensyon ko at pinaningkitan siya ng mata.

"I can handle myself. Wala namang mag-a-atake sa akin dito," sabi ko at muling sinubukan 'yung itinuro sa akin ni Vera.

Lahat ng parte ng katawan ko ay kailangan kong gamitin, I also have to pay attention to my surroundings. Fudge, how can I do those things at the same time?

"Hmm, may mga wild animals dito, meron ding mga Bellators at Viragos na nga kriminal, usap-usapan pa naman ngayon na may mga Viragos na namamatay, hindi namin alam kung bakit babae lamang ang target nila pero ang alam lang namin, napakabrutal ang paraan ng pagpatay nila." Parang nagsitayuan naman ang mga balahibo ko dahil sa kuwento ni Dashiell.

Fudge, seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? O tinatakot niya lang ako? Kung oo, effective!

"But well, sabi mo nga, kaya mo na rin naman ang sarili mo. Kaya mo na rin naman 'atang patayin ang mga wild animals na 'yon, at kaya mo na ring ipagtanggol ang sarili mo d'on sa mga kriminal na 'yon. Balitaan mo na lang ako kapag natalo mo na sila, well, kung makakabalita ka pa," nakangising niyang sabi sa harapan ko. Kinawayan niya ako tsaka tumalikod na sa 'kin.

Potek, ayoko pang mamatay! Kailangan ko pang maging malakas para maligtas ko ang pamilya ko!

Tumakbo ako papunta sa kan'ya tsaka hinablot mula sa likod ang kan'yang black v-neck shirt.

"Charot lang 'yon, Dashiell! Tulungan mo na lang pala ako sa pag-ensayo, ikaw na lang ang mag-control sa mga bulaklak para naman hindi ko na kailangan pang pulutin 'to" Hinarap niya ako tsaka tinaasan ako ng kilay.

"Akala ko ba, kaya mo na? Kaya mo na 'yan!"

"Dashiell naman e!" Humalakhak siya kaya hinampas ko ang dibdib niya, letse talaga ang lalaking 'to. Lagi na lang akong pinagtatawanan.

"Fine, fine, tutulungan na kita. Malapit ka nang umiyak e." Inirapan ko siya at kinuha uli 'yung mga needles.

Nakita kong naging turquoise na naman ang mga mata niya, ni-control niya ang mga bulaklak gamit ang kan'yang mga kamay, pinalutang niya na ito sa ere kaya naman ipinikit ko na ang mga mata ko.

I need to use every part of my body, I need to sense my surroundings. Kailangan kong maging matalas.

Inilagay ko ang mga needles sa gitna ng bawat daliri ko, itinapon ko na ito sa ere, akala ko may matatamaan man lang akong bulaklak kahit isa lang pero tanging isang daing lamang ang narinig ko.

Binuksan ko ang mga mata ko at tumambad nga sa akin ang masamang tingin ni Dashiell, may mga needles siya sa braso niya pero hindi naman ito dumudugo dahil bukod sa matigas ang pangangatawan niya, hindi naman gano'n kalalim 'yung pagkakatusok ng needles.

Lumapit ako sa kan'ya at inalis 'yon nang dahan-dahan, para naman makasigurado akong hindi talaga siya masaktan. "I'm sorry, Dashiell. Maglagay ka ng force field sa may direksyon mo para naman hindi ka na matamaan ng needles sa susunod."

"No, you have to think about this. Kapag hindi mo nagawa nang maayos 'tong ginagawa mo, lagi mo akong masasaktan." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

Seryoso ba siya? Handa siyang masaktan para lang maging maayos ang pag-e-ensayo ko? Is he out of his mind?

"Look, Dashiell, hindi mo naman kailangang masaktan pa."

"You should take the risk. Kapag wala kang iniisip na maaaring mangyari kapag hindi mo 'to nagawa nang maayos, baka hindi mo matalo si Vera. Ginagawa mo 'to para sa pamilya mo, diba? Alam kong hindi mo naman nakakalimutan 'yan kaya sapat na 'yan para maapektuhan ka, emotionally. Pero sa ngayon, ang pinapalakas natin ngayon sa 'yo ay ang pangangatawan mo, kaya naman you have to think of something that involves something physical. Katulad na lang ng suwestiyon ko."

Napatingin ako sa aking mga paa, hindi ko mapigilan na mapabuntong-hininga dahil sa sinabi niya, may punto nga naman siya. Ayokong masaktan si Dashiell dahil lang sa kapalpakan ko, pero kung ito ang mas makakabuti at kung ito ang sinabi niya, hindi naman siguro masama kung susubukan, diba?

"Fine. Pero hihinaan ko lang ang pagtapon ko sa mga needles, kapag nilakasan ko at baka matamaan ka, siguradong hindi magiging maganda ang kalagayan mo. Galing pa naman din 'to kay Vera."

"Use every part of your body, Ally. Every part," mariin niyang sabi, tumango naman ako bilang tugon at sinubukan uli, kaso wala pa rin akong natamaan kahit ni isa, ang iba naman ay hindi naman nakakaabot d'on sa mga bulaklak. Minsan, natatamaan ko rin si Dashiell, kinakain na tuloy ako ng konsensya ko. Kasalanan ko naman talaga kasi na lagi ko siyang natatamaan.

Napabuntong-hininga ako tsaka tumingin sa langit, malapit nang lumubog ang araw pero hindi ko pa rin 'to nagagawa. Paano ko matatalo si Vera sa kalagayan kong 'to?

"I think you should rest for 5 minutes, lalagyan ko lang ng apoy ang paligid para naman hindi madilim kapag nag-e-ensayo ka." Tumango na lang ako bilang tugon, inilabas na ni Dashiell ang Telum niya at gumawa na nga siya ng apoy gamit ito.

Shemay naman oh, I need to use every part of my body and I also need to pay attention to my surroundings, and obvioulsy, I'm not doing this right.

May mali akong ginagawa at dapat malaman ko kung ano 'yon. Lahat na rin naman 'ata ng parte ng katawan ko ay nagamit ko na, ginamit ko na rin naman ang utak ko, ang mga kamay ko, ang mga... paa ko?

Kinuha ko ang maliit na bato na nasa tabi ko at tinapon 'yon, nang tumama ito sa lupa, naramdaman ko ang pag-vibrate nito. Mahina lang ito ngunit naramdaman ko pa rin.

Mas mabigat ang bato keysa sa bulaklak, pero kung magfo-focus ako nang todo, kakayanin ko.

Tumayo na ako tsaka huminga nang malalim. Pumikit ako tsaka tinapon uli ang mga bulaklak sa ere, dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at muntik na nga akong mapasigaw nang makita kong tumusok 'yung isang needle d'on sa bulaklak.

"Dashiell!" Nilingon niya ako habang hawak-hawak pa rin ang Telum niya, tinuro ko 'yung bulaklak na may needle at napangisi na nga lang siya nang makita ito.

"Let's get it on, Ally."

— — —

Philippians 1:16

"... being confident of this, that he who began a good work in you will carry it on to completion until the day of Christ Jesus."