Chereads / The Holocaust / Chapter 19 - Kabanata 17

Chapter 19 - Kabanata 17

Pareho kami ni Harry na hindi nakapagsalita dahil sa sinabi ni Dashiell, nakaawang lang ang mga labi ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. Mukhang nagulat din siya sa mga lumabas sa bibig niya.

Understandable naman e, sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa sinabi niya?!

"J-Joke! Bawi ko 'yon sa inyo dahil kanina niyo pa ako inaasar!" pasigaw na sabi ni Dashiell tsaka tumawa, inakbayan niya si Harry kaya tumawa na lang din ito.

Mukha silang ewan, hindi ko maintindihan kung bakit sila natatawa r'on, e wala namang nakakatawa.

"Bakit ba kasi gano'n ang joke mo, Dash? Muntik na kaming maniwala," nakangising sabi ni Harry, hindi naman nakalampas sa paningin ko ang pasimpleng paghigpit ng hawak ni Dashiell sa balikat ng kaibigan niya.

"Ano bang sinasabi mo? Gano'n naman talaga ako mag-joke, diba?" nakangiti niyang sabi kay Harry. Huminga na lang ako nang malalim tsaka umiling-iling, kaunti na lang talaga, iisipin kong pinagbabantaan niya na ngayon si Harry.

Hay nako, kawawang Harry.

"Ewan ko nga sa inyo. Harry, tara na, mag-ensayo uli tayo. At ikaw naman, Dashiell, bumalik ka na uli r'on para naman gawin uli kitang target. Kung ayaw mong matamaam uli 'yan, tumalikod ka na lang," mataray kong sabi. Hindi na ako makatingin sa mga mata niya dahil nakaramdam na ako ng inis, gusto kong sabihin sa sarili ko na wala lang naman 'to pero hindi ko na kayang itanggi ang nararamdaman ko sa sarili ko.

Kikiligin na sana ako e, tapos 'yon pala, biro lang. Fudge, hindi ko dapat 'to maramdaman. Wala naman akong karapatan magalit.

Unti-unti na akong nagkakagusto sa kaniya. I have a crush on Dashiell, but I don't want it to go too deep. Harmless crush lang dapat, at wala ng iba. Hindi ko dapat i-focus sa kaniya ang atensyon ko dahil nasa kapahamakan pa rin ang pamilya ko. Kailangan mong mas tuonan ng pansin ang pagsagip sa pamilya ko, hindi 'tong nararamdaman ko kay Dashiell.

"Ally, tama na muna ang training natin ngayon. Baka sumakit na ang katawan mo," sabi ni Harry, nararamdaman ko ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya ngunit umiling ako.

May oras pa naman at hindi pa rin naman lumulubog ang araw kaya dapat magpatuloy pa kami sa pag-e-ensayo, kapag mas madali naming matatapos 'to, mas mapapadali rin ang pagkuha ko sa pamilya ko at ang pagbalik ko sa mundo namin, at sa oras na maging maayos na ang lahat, kailangan ko nang iwan ang Alhesia; kailangan ko nang iwan si Dashiell.

"At napapansin kong madalas na rin ang pagiging tulala mo. Mas maganda talaga kung magpahinga ka na muna ngayong hapon, nakapag-ensayo ka na rin naman at alam mo na rin naman kung paano gumamit ng pana, iilan na lamang ang mga bagay na kailangan mong matutunan," sabi pa ni Dashiell, huminga na lang ako nang malalim tsaka nagkibit-balikat.

Well, wala na rin naman akong magagawa, hindi naman ako makakapag-ensayo nang mag-isa.

"Oh sige, siguro kailangan ko na nga rin naman talagang magpahinga," saad ko. Ngumiti nang napakalawak ang dalawang lalaki na nasa harapan ko tsaka sabay na tumango.

"Tara na!" excited na sabi ni Harry, kumunot pa ang noo ko dahil sa naging reaksyon niya.

Mukha kasing excited na excited siyang makauwi sa tinutuluyan niya para makapagpahinga, napapaisip tuloy ako kung gano'n ba ako kahirap turuan.

"Mukhang may maisip ka na namang nagpalungkot sa 'yo ah." Napatingin ako kay Dashiell dahil sa sinabi niya, naglalakad na kami ngayon pabalik sa bahay, medyo mabilis ang lakad ni Harry keysa sa lakad namin kaya medyo nauuna na siya sa amin ngayon.

Bigla na naman tuloy bumilis ang tibok ng puso ko nang sumagi sa isip ko na magkatabi kami ngayon habang naglalakad.

"Hey, Ally. May problema ba? May masama bang nangyari?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Dashiell, huminga naman ako nang malalim tsaka binigyan siya ng isang napakatamis na ngiti para hindi niya mahalata na may nangyayaring hindi kaayon-ayon.

"Ayos lang ako, Dashiell. Tsaka wala naman akong problema kaya huwag ka nang mag-alala, ang alalahanin mo ay kung paano mo ako matuturuan sa paggamit ng espada, kailangan mo na akong maturuan para naman mas mabilis akong matuto," sabi ko. Ngumisi naman siya tsaka pinagpagan na naman ang magkabila niyang balikat.

Mukhang magyayabang na naman ang isang 'to. Jusko, hindi pa ba ako nasanay?

"Ano ka ba? Hindi mo pa ba ako kilala, Ally? Ako kaya 'to. Si Dashiell Miller, easy lang 'yan para sa akin." Sinasabi ko na nga ba, paano ba ako nagkagusto sa mayabang na lalaki na 'to?

"Ang yabang mo talaga 'no?" Tumawa na lang siya bilang tugon at gano'n din ang ginawa ko.

Gumaan bigla ang loob ko, alam kong ginawa niya 'yon para mapagaan nang kaunti ang nararamdaman ko.

"Hindi ako mayabang, Ally, sadyang sinasabi ko lang talaga ang totoo," dagdag niya pa habang nakangisi, muli kong nagkibit-balikat tsaka itinuon ang aking atensyon sa pagsipa ng maliliit na bato na nadadaanan namin.

"Sabi mo e."

Patuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating na nga kami sa bahay, akala ko, magpapaalam na si Harry sa amin para makapunta na rin siya sa bahay niya pero nagkamali ako dahil diretso siyang pumasok.

Tumigil siya sa may pintuan tsaka humarap sa amin. "Bilisan niyo namang dalawa! Mamaya na kayo mag-moment!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dashiell dahil sa sinabi ng kaibigan niya, inirapan ko naman si Harry. Inaasar niya na naman kasi ako, dapat hindi niya malaman na gusto ko si Dashiell. Alam ko kasing mas aasarin niya pa ako kung sakaling malaman niya 'yon.

Sa ngayon, mas okay an sa akin na ako na muna ang nakakaalam ng nararamdaman ko para kay Dashiell, hindi 'to dapat malaman ng kahit na sino dahil baka iba ang isipin nila.

"Shut the hell up, Harry!" sigaw ni Dashiell at tuluyan na nga kaming pumasok sa bahay, akala ko, kaming tatlo lang ang nasa loob pero nabigla ako nang makita ko sina Vera, Patrick, at si Manang Estelle.

"Surprise!" sabay-sabay nilang sigaw, napansin kong maraming pagkain ang nasa lamesa. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang salo-salo na 'to ah.

"Ano ba ang meron?" tanong ko sa kanilang lahat. Ngumiti naman sila nang napakalawak, namilog ang mga mata ko tsaka tiningnan si Dashiell nang may sumaging isang bagay sa isip ko. "Don't tell me... birthday ngayon ni Dashiell?!"

Nagtawanan sila, napahinga na lang ako nang malalim nang umiling si Dashiell.

Akala ko pa naman birthday niya, hindi ko naman kasi alam. Gusto ko na rin sanang malaman para mabati ko man lang siya at mabigyan ng regalo dahil nakakahiya rin kung hindi ko man lang gagawin ang mga 'yon para sa kaniya. Marami na rin naman kasi siyang nagawa para sa akin.

"Walang may birthday ngayon, Ally. Nandito kaming lahat para i-congratulate ka sa pag-e-ensayo mo," nakangiting sabi ni Manang Estelle tsaka lumapit sa akin para magbeso, ngumiti naman ako nang napakalawak tsaka niyakap siya.

"Maraming salamat po, Manang Estelle, pero hindi na rin naman po kailangan e. Kailangan ko naman po kasing mag-ensayo nang todo para mailigtas ko ang Alhesia, at para na rin po walang may masaktan sa inyo," sagot ko, sunod ko namang nilingon si Vera nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Alam naming ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo para maisalba ang Alhesia at kitang-kita naman namin 'yon, kaya pagbigyan mo naman kami ngayong gabi, Ally. Alisin mo muna sa isip mo ang lahat ng mga bagay na nagpapaaalala sa 'yo at hayaan mo na muna ang sarili mong maging masaya." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin nang napakahigpit si Vera dahil sinabi niya.

She really is a good friend. Masayang-masaya ako dahil nakilala ko ang isang tulad niya.

"Maraming salamat, Vera," pagpapasalamat ko tsaka kumalas na sa yakap, nginitian niya naman ako.

"Tama na nga ang drama! Kainan na!" sigaw ni Harry sabay kuha ng inaalok na plato ni Manang Estelle, natawa na lang kaming lahat at nagsimula na ring sumandok ng pagkain.

"Ally, maraming salamat at nandito ka ngayon sa Alhesia para tulungan kaming matalo ang mga kalaban." Napatingala ako nang marinig ko ang sinabi ni Patrick, hindi ko man lang napansin na nandito na pala siya sa tabi ko dahil masyado akong focused sa pagkuha ng mga pagkain.

"Wala 'yon, Patrick," sagot ko, magsasalita pa sana siya pero hindi ko na 'yon natuloy nang biglang pumagitna sa amin si Dashiell.

"Excuse me, kukuha lang ako ng mangga," pasimple niyang sabi habang kinukuha 'yung mansanas. Pinalo ko ang braso niya tsaka siya tiningnan habang nakataas ang isa kong kilay.

"Bastos ka talaga, Dashiell, nakita mong nag-uusap kami ni Patrick e. Tsaka hindi mo ba alam kung ano ang hitsura ng mangga? Alam mo bang mansanas 'yang kinukuha mo? Batukan kaya kita." Tinaasan din ako ng kilay ni Dashiell habang hawak-hawak pa rin ang plato niyang punong-puno na ng pagkain.

Fudge, mauubos niya pa ba 'yan?

"Bakit? Sinabi ko bang mangga lang ang kukunin ko? Una kong nakita 'yung mansanas kaya huwag kang ano," ganti niya naman sa akin habang hawak-hawak ang pinakamamahal niyang mansanas, napatingin naman ako kay Patrick nang matawa siya dahil sa ginagawa namin ngayon ni Dashiell.

"Bahala na nga kayong dalawa riyan. Kumain muna kaya kayo bago kayo mag-away, gugutumin niyo lang ang mga sarili niyo e," sabi niya tsaka muling kumuha ng pagkain. Hindi ko na lang siya pinansin at muling ibinaling ang atensyon ko kay Dashiell.

"Oh, sige, kung alam mo kung alin diyan ang mangga, kunin mo nga!" Nakita kong nasindak si Dashiell dahil sa sinabi ko.

Lagot 'tong bata na 'to, mas okay sana kung inamin niya na lang na hindi niya alam kung ano ang mangga!

"S-Sige ba! Baka mapahiya ka lang!" singhal niya tsaka muling humarap sa lamesa, nakita kong pumipigil na ng tawa sina Vera, Harry at Patrick habang si Manang Estelle naman ay mukhang inaabangan din kung ano ba talaga ang kukunin ni Dashiell.

Shemay, alam kong magaling talagang magluto si Dashiell, mukhang mas magaling pa nga siyang magluto keysa sa akin e at nire-respeto ko naman siya, pero tatawanan ko talaga siya nang bongga kung sakaling hindi niya alam kung ano ang mangga.

Nakita ko ang pagdadalawang-isip ni Dashiell sa mga prutas na nakahain ngayon sa mesa, mukhang hindi niya alam kung ano ang dapat niyang piliin.

"Go, Dash, kaya mo 'yan," pagchi-cheer ni Harry habang kumakain. Natatawa na ako pero pinipigilan ko lang. Mukha kasing ewan ngayon si Dashiell, mukhang kabadong-kabado siya na para bang nasa isa siyang sitwasyon na hindi talaga dapat siya magkamali.

"F*ck this, bahala na nga," narinig kong bulong ni Dashiell sa kaniyang sarili. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at kumuha ng kahit na anong prutas sa lamesa, nakangisi siyang humarap sa akin tsaka inilahad sa akin ang inaakala niyang mangga.

What the fudge?!

Nagtawanan na silang tatlo nang makita kung ano ang kinuha ni Dashiell, pati nga si Manang Estelle ay hindi na rin mapigilan na matawa.

Tinaasan ko siya ng kilay tsaka tiningnan siya habang nakangisi. "Alam mo pala kung ano ang mangga ah, e bayabas kaya 'yang kinuha mo!"

Namilog ang mapupungay na mga mata ni Dashiell tsaka umiwas ng tingin sa akin.

"P-Pareho lang ang lasa n'on! Sa pangalan lang naman sila nagkaiba!" Mas lalong tumawa sina Vera dahil sa rason ni Dashiell, nakisama na rin ako sa kanila sa pagtawa dahil hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang sarili ko!

Fudge! I can't believe this, ito pala ang tinatagong kahihiyan ni Dashiell!

Mukhang maiiyak na si Dashiell sa tindi ng pag-aasar namin sa kaniya kaya lumapit sa kaniya si Manang Estelle tsaka tinapik ang kaniyang kanang balikat.

"Ayos lang 'yan, ijo. Isipin mo, isa kang kagalang-galang na Bellator, ngunit hindi mo alam kung ano ang pangalan ng iba't-ibang prutas at mga gulay, ika'y nakakaiba! Nakakatuwa, diba?" Lalo kaming natawa dahil sa paraan ng pag-comfort ni Manang Estelle kay Dashiell.

Potek! Sumasakit na ang tiyan ko kakatawa habang malapit na ring matapon ni Vera ang sarili niyang pagkain.

"Manang Estelle naman e!"

Natatawa pa rin kami kay Dashiell pero mas pinili naming ituon na lang ang atensyon namin sa kinakain namin, baka kasi mapikon na sa amin ang lalaking 'to at bigla siyang mag-walk out.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin kami sa pagkain, napagdesisyunan ng mga lalaki na mag-bonfire tsaka tumugtog ng gitara para naman daw masulit namin ang gabi. Tuwang-tuwa nga ako dahil hindi ko pa naranasan mag-bonfire kahit na may mga kaibigan naman talaga ako, masyado kasi akong focused sa pag-aaral at sa pamilya ko.

Nagse-set up na ang mga lalaki sa likuran habang kami naman ni Vera ay tinulungan muna si Manang Estelle sa mga pinagkainan namin, nakakahiya naman kasi kung iiwan lang namin siya ritong mag-isa.

"Vera, Ally, pumunta na kaya kayo r'on sa likod para naman makapagsimula na kayo. Ako na ang bahala rito, sanay ako sa mga gawaing bahay," suwestiyon ni Manang Estelle pero sabay kaming umiling ni Vera.

"Okay lang kami rito, Mama, tsaka pakiramdam ko, hindi pa naman tapos mag-set up ang mga lalaki sa likod. Matagal ang mga 'yon kumilos kapag usapang gawaing bahay," natatawang sabi ni Vera, natawa na lang din ako habang binabanlawan ang mga platong ginamit namin.

Ganito rin ako sa bahay namin, kaming dalawa lang ni Mama ang maiiwan sa kusina dahil manonood na agad ng tv sina Andrei at Andrew pagkatapos naming kumain. Tapos magkukuwentuhan kami ni Mama tungkol sa mga ginawa ko sa school, kung may crush na raw ba ako o ano.

Nakakalungkot. Miss na miss ko na ang pamilya ko, gusto ko na silang makita, kahit nahihirapan kami minsan dahil sa hirap ng buhay, nakakayanan pa rin namin ang lahat basta sama-sama kami.

"Ibabalik ko na lang naman 'tong mga plato, kutsara't tinidor kaya pumunta na kayong dalawa r'on, pangit naman tingnan kung silang tatlo lang ang nando'n, sigurado akong hihintay na nila kayo," saad ni Manang Estelle, nagkatinginan naman kami ni Vera.

Tinatanong namin sa isa't-isa kung ayos lang ba talagang iwan na namin dito si Manang Estelle, kung sabagay, halos tapos na rin talaga kasi ang mga gawain.

"Sige po, Manang Estelle," sabi ko habang pinupunasan ang mga kamay ko gamit ang isang bimpo, gano'n din naman ang ginawa ni Vera.

Tumango na lang si Manang Estelle bilang tugon at lumabas na nga kami ni Vera para pumunta r'on sa likuran ng bahay namin. Malaki naman ang espasyo rito kaya maganda talagang mag-bonfire. Feel na feel ko ang moment.

Nakita naming naka-set up na ang lahat at nagtatawanan na rin ang tatlong mga lalaki, may mga ilang pirasong malalaking bato na nakapalibot sa apoy para gawin naming upuan. May mga nakita rin akong bote ng wine at mga baso, pati na rin ang mga mani at iba pang mga kakanin. Malamig na ang simoy ng hangin pero natatabunan ito ng init ng apoy na malaki na rin, nagdudulot din ito ng liwanag sa buong paligid kaya nakakagaan talaga ng pakiramdam.

"Oh, nandiyan na pala 'yung dalawang babae e," salubong ni Patrick sa amin habang kumakain ng mani. Umupo na rin naman kaming dalawa ni Vera, katabi ko siya sa kaliwa ko habang katabi ko naman sa kanan si Dashiell. May hawak-hawak siyang baso na may lamang wine, nanatili lamang siyang nakatingin sa lumalaking apoy at hindi nagsasalita.

Mukhang malalim ang iniisip niya.

"Naiisip niyo rin ba... paano kung hindi tayo magtagumpay? Paano kung matalo tayo ng mga Prodigiums at muling maulit ang pinakamalalang trahedya sa buong kasaysayan?" pagbabasag ni Harry sa katahimikan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Vera sa tabi ko.

"Huwag mo ngang sabihin 'yan, Harry. Mape-pressure lang tayong lahat, lalo na si Ally. Maraming umaasa sa kaniya at isa na r'on si Pinuno Ephraim, pinapalala mo lang ang sitwasyon e," saad niya tsaka kumuha rin ng maiinom.

"Sa tingin ko, mas maayos ngang napag-uusapan natin ang maaaring mangyari para naman maging handa na tayo sa hinaharap," sabat naman ni Patrick.

Pareho kami ng iniisip, para sa akin, mas mainam na hindi ko inaalis ang posibilidad na matatalo ako, ayokong alisin 'yon pero dapat kong iwasan na mangyari 'yon.

"Ayos lang naman sa akin na pag-usapan ang mga ganitong bagay, pakiramdam ko nga, nakatutulong ito sa akin para mas mapaghandaan ko pa ang nalalapit na labanan." Kukuha na sana ako ng baso at sasalin ng wine pero may isang kamay ang pumigil sa amin, nilingon ko kung kaninong kamay 'yon at tumambad nga sa akin ang mukha ni Dashiell.

"Umiinom ka ba? Baka hindi mo makayanan, ayokong malasing ka nang sobra," nag-aalalang sabi sa akin ni Dashiell, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang nakangising mukha ng tatlo naming kaibigan kaya inalis ko ang pagkahawak niya sa akin tsaka tumango.

"Okay lang ako, kaya ko naman."

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya pero hindi ko na 'yon binigyan pa ng kahulugan, ayokong mag-isip pa ng kung ano-ano. "Tama na nga ang drama na 'yan, magkantahan na lang tayo!"

Kinuha ni Harry ang gitara mula sa likuran niya tsaka binigay 'yon kay Dashiell. "Oh, Dash, ikaw na ang mag-gitara dahil hindi naman ako marunong niyan."

Natawa kami nang kaunti dahil sa sinabi niya, ang lakas kasi ng loob niyang mag-aya ng kantahan tapos hindi naman pala siya marunong.

Itinuon ko ang atensyon ko kay Dashiell nang makita kong ipinuwesto na niya ang gitara sa kaniyang katawan, sinigurado niya pang nasa tono talaga ito. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang umiinom nang paunti-unti nang nagtagpo ang mga paningin namin.

Agad akong umiwas ng tingin tsaka nagkunwaring kukuha ng mani para naman hindi niya mapansin na iniiwasan kong magkatinginan kaming dalawa. Lalo kasing bumibilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako na baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masabi ko na sa kaniya ang totoo kong nararamdaman.

Nang nakita kong nakatingin na siya ngayon sa gitara niya, bumalik na ang tingin ko sa mukha niya. Nagsimula na rin siyang tumugtog at kumanta.

All I want is nothing more

To hear you knocking at my door

'Cause if I could see your face once more

I could die a happy man, I'm sure

When you said your last goodbye

I died a little bit inside

And I lay in tears in bed all night

Alone without you by my side

Muntik nang mamilog ang mga mata ko dahil sa ganda ng boses niya, ang galing niya ring tumugtog ng gitara. Sobrang gwapo niyang tingnan, lalo na't sinabayan pa ng maliwanag na buwan at ng mga kumikinang na bituin ang napakaganda niyang boses.

But if you loved me

Why'd ya leave me?

Take my body

Take my body

All I want is

And  all I need is

To find somebody

I'll find somebody

Nakapikit ang mga mata niya at mukhang damang-dama niya talaga ang bawat salita ng kanta, nakakatuwang isipin na alam niya pala ang kanta na 'yan. All I want by Kodaline.

Akala ko no'ng una, wala silang hilig sa iba't-ibang bagay bukod sa pakikilaglaban, pero nagkamali ako. Katulad lang din ng mga tao ang mga Bellator at ng mga Virago.

May mga kapangyarihan sila, pero para pa rin silang mga normal na tao. Nakikipagtawanan, nakikipagkaibigan, nagagalit din, nalulungkot... at nagmamahal.

Like youuuu, ohhhh, ohhhh

Ohhhhhh, ohhh

Youuuuu

Like youuuu

Simple lang din ang pamumuhay nila, may sarili rin silang pamilya at pinapahalagahan din nila 'yon nang sobra. Ngayon, nararamdaman ko na rin ang takot na nararanasan nila araw-araw, paano na lang kung mapatay sila ng isang Prodigium sa labanan? Paano na lang kung mapahamak ang pamilya nila?

So you brought out the the best of me

A part of me I'd never seen

You took my soul and wiped it clean

Our love was made for movie screens

Napunta ang paningin ko sa nakapikit niya pa ring mga mata, ang kapal ng kilay niya at bumagay ito sa mapupungay niyang mga mata, mahaba rin ang eyelashes niya, magkasing haba 'ata ito ng akin o mas mahaba pa sa kaniya. Matangos din ang ilong niya at bumagay ito sa mapupula at mukhang malambot niyang labi. Kitang-kita ang panga niya.

He looks so perfect. Para siyang isang greek god na bumaba mula sa Olympus.

But if you love me

Why'd ya leave me?

Take my body

Take my body

All I want is

And  all I need is

To find somebody

I'll find somebody

"Hinay-hinay, baka matunaw na si Dash sa titig mong 'yan." Muntik ko nang mabitawan ang inumin ko nang marinig ko ang binulong sa akin ni Vera, nilingon ko siya tsaka agad na umiling.

Fudge, nakakahiya! Nahuli niya akong nakatingin kay Dashiell, hindi lang tingin, kundi titig.

Nagkibit-balikat na lang si Vera habang ako naman ay huminga nang malalim tsaka muling itinuon ang aking pansin kay Dashiell, natigilan ako nang makita kong nakatingin din siya sa akin kaya nagtagpo ang mga paningin namin.

Kahit hindi kulay turquoise ngayon ang mga mata niya, sobrang ganda pa rin ng mga ito, kasing kintab ng mga mata niya ang kumikinang na mga bituin sa langit. Parang hinihigop ako nito papunta sa mundong hindi ko alam kung saan.

But if you love me

Why'd ya leave me?

Take my body

Take my body

All I want is

And  all I need is

To find somebody

I'll find somebody like you.

Muling tumahimik ang buong paligid nang ibinigay na ni Dashiell ang gitara kay Harry, tumingin siya sa akin tsaka binigyan ako ng isang napakatamis na ngiti.

The fudge, hindi ko magawang ngitian siya pabalik, dahil ginagambala ako ngayon ng lakas ng tibok ng puso ko.

Ginagambala ako ng nararamdaman ko para sa 'yo, Dashiell.

— — —

2 Corinthians 5:7

"For we live by faith, not by sight."