Naka-focused lang ang mga mata ko kina Dashiell at Harry na ngayon ay mabilis na tumatakbo papunta kung saan-saan. Sinubukan kong tamaan sila ng palaso ngunit tanging damplis lamang ang nagawa ko.
Shemay! Sobrang bilis kasi nila! Kaunti na lang, hindi ko na sila makikita.
"Mas bilisan mo ang galaw mo, Ally!" narinig kong sigaw ni Harry, huminga ako nang malalim at nagsimula na ring tumakbo, kahit gumagalaw ako, kailangan ko pa rin silang tamaan. Mahirap pero kailangan kong gawin.
Takbo pa rin sila nang takbo, kinakabahan na ako pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Naramdaman kong mas uminit ang katawan ko, ginawa kong dalawa ang aking palaso tsaka sabay na pinakawalan iyon, saktong magkalapit na sina Dashiell at Harry kaya pareho silang natamaan.
Akala ko, magpapatuloy pa rin sila sa pagtakbo pero napatakbo na lang ako papunta sa direksyon nila nang makita kong pareho silang bumagsak sa lupa.
Pareho silang namimilipit sa sakit, natamaan si Dashiell sa kanan niyang balikat habang natamaan naman si Harry sa kaliwa niyang binti. Inalis ko na ang Telum ko kaya naglaho na rin ang mga palasong nakatusok sa kanila.
Fudge, dapat hindi sila nasaktan! They have force fields as their armors for pete's sake!
"D-Dashiell, Harry! Huwag kayong mag-alala, tatawag ako ng tulong!" sabi ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na manginig dahil sa tindi ng takot na nararamdaman ko ngayon.
Nasaktan ko silang dalawa at mukhang malubha ang mga ito, kailangan kong makapunta kina Vera at Manang Estelle para makahingi ng tulong bago sila parehong maubusan ng dugo.
Aalis na sana ako pero naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Dashiell. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na iyon naituloy nang makita kong biglang lumiwanag ang mga kamay ko, itinapat ko 'yon sa sugat ni Dashiell at unti-unti na nga 'yong humihilom. Nararamdaman kong may lumalabas na enerhiya sa katawan ko, 'yon siguro ang ginagamit ng katawan ko para magkaroon ako ng kapangyarihan na makapaggamot.
"A-Ally," nauutal niyang tawag sa akin, gusto ko pa sanang magsalita pero parang hindi ko na kaya. Kailangan kong tipirin ang lakas ko para mahilom ko rin ang sugat ni Harry.
Nang nakita kong tuluyan nang nagsarado ang sugat ni Dashiell, agad akong pumunta kay Harry para gamutin din ang sugat niya sa binti. Nararamdaman kong nanghihina na ang katawan ko pero hindi pa rin ako tumitigil, kailangan ko siyang magamot. Ako ang dahilan kung bakit nagkasugat silang dalawa. Nawalan na naman kasi ako ng control sa sarili kong kapangyarihan.
"Sorry, Ally. It looks like we underestimated your strength," mahinang sabi ni Harry, umiling na lang ako bilang tugon. Wala ng lumalabas na boses sa bibig ko kaya mas pinili ko na lang na tumahimik.
Hindi ko rin inaasahan na masisira ng mga palaso ko ang force fields nila. Mukhang kailangang mas tatagan pa nila ang proteksyon nila sa kanilang mga sarili para hindi na sila masaktan uli sa tuwing nag-e-ensayo kami.
Napahinga ako nang maluwag nang nakita kong wala na ang sugat niya. Ramdam ko ang labis na panghihina ng katawan ko, kung meron lang sana akong katulad ng mga singsing ni Manang Estelle, mas mapapadali sana ang sitwasyon namin ngayon. Kung meron ako n'on, 'yon ang gagamitin ko mismo para makapaggamot, kaso sarili kong lakas ang ginamit ko kaya talaga namang nanghihina ang katawan ko.
Sinuportahan ko ang aking sarili gamit ang magkabila kong kamay, naramdaman ko ang paghawak ni Dashiell sa mga balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya.
Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko pero kitang-kita ko pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Lumapit pa siya sa akin lalo tsaka inilapat ang kaniyang hinlalaki sa may ilong ko. Namilog ang mga mata ko nang may nakita akong dugo sa daliri niya.
Fudge, nosebleed.
"Ally! D*mn!" Halos hindi ko na marinig ang sigaw ni Dashiell, nawawala na ang pandinig ko.
Hinawakan ko ang bibig ko tsaka umubo, may dugo na namang lumabas...
Tiningnan ko si Dashiell at nakita kong nakatayo na rin si Harry. Mabuti naman at nagawa kong gamutin silang dalawa.
"Hang in there, Ally!" sigaw ni Dashiell, isang matamis na ngiti na lamang ang itinugon ko bago tuluyang nandilim ang aking paningin.
° ° °
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, nakita ko ang pamilyar na kisame ng kwarto ko sa bahay namin ni Dashiell. Uupo na sana ako galing sa pagkahiga pero may may isang kamay na pumigil sa akin.
"Hindi pa maayos ang pakiramdam mo, Ally, huwag mong pilitin ang sarili mo... please." Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya, pansin din ito sa tono ng kaniyang pananalita.
Medyo maayos na rin naman sana ang pakiramdam ko, pero mukhang iba ang nararamdaman ngayon ni Dashiell, mukhang puyat na puyat siya.
"Kaya ko na, Dashiell. Ano ba ang nangyari sa akin?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya, hinunat niya naman muna ang mga kamay niya bago ako tuluyang sinagot.
"Nawalan ka ng malay. Muntik ka nang mamatay dahil sa ginawa mong paggamot sa amin ni Harry. Alam mo ba kung ilang araw kang walang malay, Ally?" Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at hinintay na lang na ipagpatuloy niya ang kaniyang pagsasalita. "Tatlong araw, Ally. Tatlong araw kang walang malay."
Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Fudge, tatlong araw... marami na sana akong nagawa kung hindi lang ako nahimatay. Malamang, nag-e-ensayo na ako sa paggamit ng espada ko ngayon, kaso hindi e. Tatlong araw ang sinayang ko. Tatlong araw ang nawala sa akin.
Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng sulok ng mga mata ko, hindi dahil sa pagbago ng kulay ng mga ito ngunit dahil sa mga luhang hindi ko na napigilan pang lumabas.
Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako ngayon pero 'yon ang gusto kong gawin, sobrang disappointed ako sa sarili ko. I should've been better than this.
"Hey, Ally. Why are you crying?" narinig kong tanong sa akin ni Dashiell, hinawakan niya ang baba ko at pilit na pinatingin ako sa mga mata niya.
Nagtagpo ang mga paningin namin, kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata, kahit na mukhang puyat na puyat siya, maganda pa rin ang mga mata niya at hinding-hindi ako magsasawa sa kakatingin ng mga ito.
Pinunasan ko ang mga luha ko tsaka siya nginitian. Ayokong mag-alala pa siya sa akin, palagi ko na lang siyang inaabala tapos dadagdagan ko pa.
"Huwag mo nang isipin pa 'yon, ayos lang ako. Ikaw ang mukhang hindi maayos, kailangan mo nang magpahinga," sabi ko pero umiling lamang siya, mas linapit niya ang mukha niya sa mukha ko na naging dahilan kung bakit mas bumilis ang tibok ng puso ko.
Shemay, muntik nang magtama ang mga ilong namin, mabuti na lang at naisipan niyang lumayo na.
Parang nakahinga ako nang maluwag dahil sa ginawa niyang paglayo sa akin, muntik ko na ngang makalimutang huminga kanina.
"Iyan ang sinasabi ng bibig mo pero hindi naman 'yon ang pinapakita ng mga mata mo. Ally... bukod sa pagiging tagabantay at guro mo, isa rin ako mga kaibigan mo kaya pwede mo namang sabihin sa akin ang mga bagay na nangangambala sa 'yo. Gusto ko pang makilala ka, Ally, at sana naman, hayaan mo ako." Umupo siya sa may paanan ng kama ko habang hindi pa rin pinuputol ang paningin niya sa akin.
Potek, parang nabuhay ang isang zoo sa loob ng tiyan ko dahil sa sinabi niya. He wants to know me more...
Huminga ako nang malalim tsaka tumungo. Sa mga kamay ko na lamang ako titingin dahil hindi ko na kayang tumingin pa sa mga mata niya, baka kasi hindi lang ang problema ko ang masabi ko sa harapan niya, pati na rin ang totoong nararamdaman ko at ang nilalaman nitong puso ko.
Potek, ang corny ko.
"Ang totoo niyan, Dashiell, disappointed ako sa sarili ko. Nakakalungkot na wala akong malay sa loob ng tatlong araw na 'yon, sayang ng oras at mukhang mas naabala pa kita dahil sa pagkawalan ko ng malay. Hindi lang sarili ko ang pinahirapan ko, pati na rin kayo, at ayoko ng gano'n." Namumuo na naman ang mga luha ko pero pinipigilan ko ito, ayoko nang umiyak sa harapan niya.
Nakakahiya, siguradong pulang-pula na ngayon ang mga mata at ilong ko.
"You don't have to be sorry, I should be the one saying that. I should've known better. Hindi ako naging handa sa pag-e-ensayo natin, dapat may pasigurado na akong gamot dahil alam ko naman sa sarili ko na kakaiba ang lakas mo, kaso hindi ko pa rin nagawa. Palpak ako, at ang matindi pa n'on, hindi lang sarili ko ang naapektuhan sa ginawa kong kapalpakan. Nadamay pa si Harry at... ikaw."
Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Nakikita ko sa ekspresyon na pinapakita niya na labis niyang sinisisi ang sarili niya. Laging tama ang mga sinasabi niya sa akin, pero sa ngayon, maling-mali siya.
"Hindi ka ganiyan, Dashiell. Marami kang naitulong sa akin, marami kang nagawa para sa akin. Lagi kang nandiyan para sabihin sa akin kung ano ang tama, lagi ka ring nandiyan para pakalmahin ako sa tuwing nawawalan ako ng kontrol sa sarili kong mga emosyon, at sa tingin ko'y napakalaking tulong 'yon. Hindi ka palpak, Dashiell, at hinding-hindi ka magiging gano'n," saad ko habang nakatingin nang diretso sa kaniyang mga mata, nakita ko pa ang bahagyang pagbilog ng mapupungay niyang mga mata.
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto ko kaya rinig na rinig ko ngayon ang kabog ng puso ko, at mas nadagdagan pa nga iyon nang nakita kong nakatingin din sa akin si Dashiell.
Lumapit siya sa akin tsaka hinawakan ang aking kanang pisngi. "I value you, Ally."
Naramdaman ko ang biglang pag-init ng magkabila kong taenga dahil sa sinabi niya. Was that an indirect confession?!
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, parang nawala ang boses ko dahil sa sinabi niya sa akin. I can't find the words to say!
"Magpahinga ka muna riyan, tatawagin ko lang sina Mang Heriberto at si Grace para tingnan ka," paalam niya sa akin, lalabas na sana siya sa pintuan pero pinigilan ko siya. Dang it, I have to say something!
"D-Dashiell!" Nilingon niya ako tsaka diretso akong tiningnan sa aking mga mata.
"Yeah?"
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko na naman ang boses niya, potek, para akong timang. Kailangan ko pa talagang ipunin ang lahat ng lakas ko para lang makausap siya, para akong isang elementary student na nahihirapang makipag-usap sa crush niya!
"A-Ahm, n-nandito sina Manong Heriberto at Grace?"
Potek, ano bang klaseng tanong 'yon?! Kakasabi niya pa lang na nandito sila e!
"Oo, pinatawag sila ni Pinuno Ephraim nang malaman niyang nawalan ka ng malay. Hindi ka naman kasi magagamot ng mga kaliskis ng mga isda rito sa Alhesia dahil hindi ka naman nasugatan physically," paliwanag niya sa akin. Tumango-tango na lang ako bilang tugon. "Sige, tatawagin ko lang sila."
Napasapo na lang ako sa aking noo nang tuluyan nang nakalabas si Dashiell sa kwarto ko.
Parang timang lang e, hindi man lang ako nakasagot nang maayos sa sinabi niya. I feel so bad because of it! Pero kung tutuusin, hindi niya naman sinabi sa akin na gusto niya talaga ako. He said, he values me. Pwede rin namang ibang klaseng value 'yon, maybe he values me as a friend? Or is it more than that? Dang, I don't know!
"Allllllyyyyyy!" Namilog ang mga mata ko sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko, iniluwa n'on sina Vera, Harry, at Patrick. Muntik na akong matawa sa hitsura ni Harry dahil parang iiyak na siya sa tuwa nang makita ako.
Tatakbo na sana siya papunta sa akin pero pinigilan siya ni Vera. "Huminahon ka nga, Harry, dahan-dahan lang dapat ang paglapit natin kay Ally, baka hindi pa maayos ang pakiramdam niya."
Nakita ko ang pagnguso ni Harry dahil sa sinabi sa kaniya ni Vera, natawa na lang ako dahil sa ginawa nila. Nakakatuwa dahil nandito sila para bisitahin ako at para na rin malaman kung maayos lang talaga ang pakiramdam ko, at least, kahit na hindi ko kasama ang pamilya ko sa mga ganitong oras, may mga kaibigan pa rin akong tunay na nag-aalala sa akin.
"Tama na nga 'yan. Baka mas lalong sumama lang ang pakiramdam ni Ally dahil sa ginagawa niyong dalawa," narinig ko namang saway ni Patrick sa kanilang dalawa, tumigil na rin naman sina Harry at Vera sa pag-asaran nila sa isa't-isa at tuluyan na ngang lumapit sa akin.
"Kumusta na ang kalagayan mo, Ally?" tanong sa akin ni Vera, kita ko rin ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Masasabi kong isa talaga siyang totoong kaibigan.
"Maayos na rin naman ang pakiramdam ko, pasensya na kayo, ha? Siguradong marami akong hindi nagawa na dapat nagawa ko na. I'm really sorry for that." Hinawakan ni Vera ang kamay ko tsaka binigyan ako ng isang napakatamis na ngiti.
"Huwag mo nang isipin 'yon, Ally. Wala ka namang kasalanan sa nangyari, dahil ang may kasalanan sa nangyari sa 'yo ay walang iba kundi sina Dashiell at Harry!" saad ni Vera tsaka itinuro si Harry, natawa naman kami ni Patrick nang dali-daling lumapit sa akin si Harry na parang naiiyak na.
Gusto ko siyang i-comfort at sabihin sa kaniya na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari pero masyadong nakakatawa talaga kasi ang mukha niya. Mukhang umiiral na naman ang kalokohan ko.
"Ally! Hindi ko sinasadya, sana patawarin mo ako! Makakayanan sana ng katawan mo kung si Dashiell lamang ang ginamot mo pero dumagdag pa ako, dapat mas tinatagan ko pa ang force field, dapat kasing tatag ng relasyon niyo ni Dashiell!"
Namilog ang mga mata ko dahil sa mga salitang lumabas sa bunganga niya. Anong relasyon ang pinagsasabi ng lalaking 'to?!
"W-Wala kaming relasyon ni Dashiell!" pagtatanggi ko sa kaniya, makahulugan naman akong tiningnan ng tatlo.
"Weh?" sabay na tanong nina Harry at Patrick, dali-dali naman akong umiling.
"Tama na nga 'yan, pumunta na lang kayong dalawa sa kusina at humanda kayo ng makakain ni Ally. Siguradong gutom na gutom na siya," pagsasaway ni Vera sa dalawang lalaki, wala na rin naman silang nagawa at lumabas na sa kwarto ko.
Grabe, kailangan ko talagang pasalamatan si Vera sa ginawa niya, hindi ako makakatakas sa pang-aasar ng dalawang lalaking 'yon kung hindi niya sila sinaway.
"Maraming salamat, Vera ah."
"Wala 'yon, maayos na ba ang pakiramdam mo? Nabalitaan kasi namin kay Dash na gising ka na kaya dali-dali kaming pumunta rito, sana hindi namin naistorbo ang pagpapahinga mo," ani Vera. Ngumiti naman ako tsaka umiling, parang hinahaplos ang puso ko dahil sa pinapakita nilang ibang klase ng pagkakaibigan.
"Maayos na ang pakiramdam ko, ano ba ang nangyari sa tatlong araw na wala akong malay?"
"Naalarma ang buong Alhesia dahil sa pagkawala mo ng malay, kaya naman agad ditong pinadala ni Pinuno Ephraim sina Manong Heriberto at Grace para gamutin ka. Alalang-alala sa 'yo si Dash, kung alam mo lang kung gaano katindi ang pag-aalala niya sa 'yo," saad niya habang bahagyang natatawa at umiling-iling. Nakuha niya ang buong atensyon ko nang binanggit niya ang pangalan ni Dashiell.
Napansin ko ngang mukhang kulang talaga siya sa tulog dahil matamlay siya, pero gusto ko pa ring malaman kung ano ang mga ginawa niya nang nawalan ako ng malay. "Bakit? Ano ang nangyari?"
"Alalang-alala siya sa 'yo, papalibutan ka pa sana kasi ng mga Bellator at nga mga Virago nang nakita nilang karga-karga ka niya pero alam mo kung anong ginawa niya? Sinigawan niya ang lahat ng tao at kapag may nagtangkang humawak sa 'yo na may masamang balak, papatayin niya," nakangiting sabi ni Vera habang itinataas-baba ang kaniyang mga kilay.
Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi dahil d'on. Fudge, akala ko ligtas na ako sa pang-aasar nang makaalis na sina Harry at Patrick, hindi pa pala.
"Baka magalit sa kaniya ang ilang Bellator at Virago dahil sa ginawa niya. Ayokong makakuha siya ng kaaway dahil lang d'on." Nakita ko ang pagkibit-balikat ni Vera bago siya tumingin sa kisame.
"Well, whatever the reason is, he's really willing to be hated by many just to protect you, Ally."
— — —
Psalm 23: 5–6
"You prepare a table before me in the presence of my enemies. You anoint my head with oil; my cup overflows. Surely your goodness and love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever."