Chereads / The Holocaust / Chapter 18 - Kabanata 16

Chapter 18 - Kabanata 16

"A-Ayos lang ako, D-Dashiell," sabi ko habang tinatapik ang likod niya, kumalas na rin naman siya sa yakap tsaka agad na nilibot ang kaniyang paningin sa buong paligid.

"Wala na siya, Dash. Nang makarating tayo rito, bigla na lang naglaho ang presensya niya," wika ni Harry habang nakatingin kay Dashiell, napaayos naman ako ng tayo nang pareho silang napatingin sa gawi ko.

Umaasa akong hindi nila mapansin na umiyak ako, baka kasi isipin talaga nilang may masamang nangyari sa akin lalo na't naramdaman nila ang presensya ng isang Prodigium—ang presensya ni Cassius.

"Ally, may kausap ka ba kanina?" tanong sa akin ni Dashiell tsaka inilabas ang Telum niya, umiling na lang ako bilang tugon, nangangamba pa akong magsalita, baka bigla akong pumiyok.

"Sigurado ka ba? Wala ka man lang bang napansin na may nagmamanman sa 'yo o kaya wala ka man lang bang narinig na ingay na maaaring magpahamak sa 'yo?" tanong naman sa akin ni Henry, tumikhim na muna ako bago ako tuluyang nagsalita.

"Wala namang kahina-hinala rito, tsaka ano ba ang nangyari sa inyo? Bakit kayo nagkakaganiyan?" Bumuntong-hininga naman si Dashiell tsaka inalis na ang Telum niya.

"May naramdaman kaming kakaibang presensya kanina, sigurado kaming presensya 'yon ng isang Prodigium, sigurado ka ba talagang wala kang nakita, Ally?" tanong na naman ni Dashiell, inirapan ko naman siya tsaka tiningnan siya nang diretso sa kaniyang mga mata para malaman niyang seryoso ako sa mga sinasabi ko.

"Oo, sigurado ako, wala namang lumapit sa akin o kaya nagtangka sa buhay ko kaya huwag niyo nang isipin 'yon. Wala namang nangyari sa akin e." Nakita kong magsasalita pa sana si Harry pero pinigilan na siya ni Dashiell.

"Sige, handa ka na bang mag-ensayo?" Tumango ako bilang tugon sa tinanong ni Dashiell, mabuti naman at napagdesisyunan niyang huwag nang ungkatin pa 'yung nangyari. Baka kasi madulas pa ako at ayokong mangyari 'yon.

"Pana ang Telum ko kaya matutulungan kita, nasabi sa akin ni Dashiell na dalawa raw ang kaya mong maipalabas na Telum. Pwede ko bang makita?" curious na tanong sa akin ni Harry, inilahad ko naman ang dalawa kong kamay at nilabas na ang espada at ang pana ko.

Ngumiti siya nang napakalawak tsaka pumalakpak na mukhang proud na proud sa ginawa ko. "Ang astig mo talaga, Ally! Kaya ka nagustuhan n—"

"Shut up, Harry!"

Tinaasan ko ng kilay ang dalawang lalaki na nasa harapan ko. Mukhang handa si Dashiell na patayin si Harry sa mga oras na 'to, inaasar kasi siya niyo. Potek, mag-aasaran na lang ba kami rito?

"Hoy, tumigil na nga kayong dalawa! Ang gulo niyong tingnan!" singhal ko, nakita ko ang pag-ayos nila ng tayo tsaka dali-daling tumango. Makakausap naman pala nang matino ang mga 'to, kailangan pa talaga akong pahirapan.

"Magsisimula na kami ni Harry mag-ensayo, at ikaw naman, Dashiell, huwag mo kaming iwan. Lagi mo kaming bantayan, ha?" sabi ko habang nakatingin sa mga paa ko. Hindi ko magawang tingnan si Dashiell sa mga mata niya, nahihiya pa rin ako sa ginagawa niyang pagyakap sa akin kanina.

"Sure. Nandito lang ako." Tumango na lang ako bilang tugon tsaka lumapit na kay Harry, hudyat na dapat magsimula na kaming mag-ensayo.

"Handa ka na ba, Ally?" tanong niya sa akin habang nakangiti, sinuklian ko naman 'yon. Mabait naman pala si Harry, hindi siya kasing pilyo ni Dashiell.

"Ready na ready na!"

"Okay!" natatawa niyang sagot, naging kulay turquoise na ang kulay ng mga mata niya. Inilabas niya na rin ang pana niya na kulay turquoise rin.

Itinapat niya sa akin ang pana niya kaya napako ang mga mata ko r'on.

"Lahat naman tayo ay alam na ginagamit ang pana bilang isang long-ranged weapon. It consists of long-shafted projectiles." Napatango-tango ako habang nakatingin sa pana ni Harry, tinuturo niya kasi 'yung iba't-ibang parte ng isang pana tsaka isa-isa itong pinapaliwanag.

"Una, kailangan mo munang ayusin ang stance mo, hindi ka makakagamit ng pana nang maayos kung hindi rin maayos 'yang tindig mo." Hinawakan niya ang mga balikat ko pati na rin ang aking mga kamay para gawing maayos ang tindig ko. "Stand firm."

Naramdaman ko ang pag-ayos niya ng mga paa ko gamit rin ang kaniyang mga paa. "And feet at 90 degrees to the target."

May itinuro si Harry sa hindi kalayuan para ipakita sa akin kung ano ang dapat kong ipana, namilog ang mga mata ko nang nakita kong nakatayo r'on si Dashiell.

Fudge, huwag niyang sabihin na siya ang magiging target ko!

"Mukhang nagulat ka, Ally. Ang boring kapag kahoy lang ang target mo, mas maganda kung si Dashiell para exciting!" natatawang sabi ni Harry, binatukan ko siya gamit ang hawak-hawak kong pana pero tumatawa pa rin siya!

"Nahihibang ka na ba, Harry?! Paano kung matamaan ko si Dashiell?!"

"Oh, maganda nga 'yan e! Bull's eye!" Hinampas ko nang malakas ang braso niya kaya napaatras siya nang kaunti, akala ko titigil pa rin siya sa pagtawa pero hindi pa rin.

Dang it, bakit ba ako nakikipag-ensayo sa isang baliw?

"Hoy! Bilisan niyo na! Nangangawit na ako rito!" narinig kong sigaw ni Dashiell, nilingon ko naman siya at nakita ko ngang hinuhunat-hunat niya na ang mga paa niya. Ang arte naman ng lalaking 'to, ilang minuto pa lang naman siyang nakatayo e.

"Oh sige, sige. Tingnan mo muna kung ano ang gagawin ko, lagi kong ginagawang target si Dashiell simula no'ng nag-e-ensayo pa lang ako sa paggamit ng Telum ko kaya huwag ka nang mag-alala. Napaghahalataan ka na e!"

Hahampasin ko pa sana si Harry pero ginawa niyang pangsangga ang dalawa niyang kamay sa sarili niyang katawan para hindi ko siya matamaan. Huminga na lang ako nang malalim tsaka pinikit ang mga mata ko.

Happy thoughts, Ally. Happy thoughts.

"Tama na nga 'yan! Baka mapikon ka na sa 'kin at mag-walk out ka bigla," natatawa niya pa ring sabi, inirapan ko na lang siya. Parehong-pareho nga sila ni Dashiell, pinagsisihan kong pinagtanggol ko pa siya sa isip ko kanina.

Ibinaling niya ang kaniyang atensyon kay Dashiell na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa, nakita ko pa ang bahagyang pagtaas ng isa niyang kilay.

Napakataray talaga.

"Dashiell, alam mo na kung ano ang gagawin mo!" sigaw ni Harry, nakita ko namang tumango na lang si Dashiell bilang tugon, may mga pira-piraso siyang force field sa katawan niya, hindi ko alam kung bakit hindi niya pa 'yon ginawang kompleto para siguradong hindi talaga siya masasaktan ni Harry. Siguro gano'n na lang kalaki ang tiwala niya sa kakayahan ng kaibigan niya.

"Huwag mong masyadong galingan! Ayokong humanga sa 'yo si Ally!" natatawang sigaw ni Dashiell tsaka mabilis na tumakbo. Natawa na lang din si Harry sa sinabi niya, parang timang lang 'tong dalawa na 'to.

Umayos na ng tayo si Harry at itinutok ang kaniyang pana kay Dashiell na ngayon ay tumatakbo nang mabalis papunta kung saan-saan, nagsimula na ring magpaulan ng palaso si Harry.

Ilang segundo pa ang lumipas, tumigil na nga sa harapan namin si Dashiell, napanganga ako nang makita kong puno ng palaso ang force field na ginawa niya. Inalis na ni Harry ang Telum niya kaya naalis na rin 'yung mga palaso, kasabay no'n ang paglaho ng force field na ginawa ni Dashiell sa katawan niya.

Pumalakpak ako nang napakalakas dahil sa nakita ko.

These men deserve a big round of applause!

"Ang galing niyo naman!" Lumapit sa akin si Dashiell tsaka ginulo ang buhok ko na ikinatigil ko naman.

The fudge, simpleng paggulo lang 'yon ng buhok kaya dapat wala lang sa akin 'yon, pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon? Parang aalis na ito sa dibdib ko.

This is wrong. I shouldn't be like this.

"Kaya mo rin naman 'yung ginawa ni Harry kanina. Believe in yourself, okay?" nakangiting sabi ni Dashiell tsaka inalis na ang kanan niyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng ulo ko. Nginitian ko na lang din siya tsaka tumango.

Hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya. And I'm forcing myself to not talk too much! Baka masabi ko nang wala sa oras ang pinag-usapan namin ni Cassius. I guess, the most effective way to not be able to say it is forget about it whenever I'm with them. Mahirap na.

"Simula na natin ang pag-ensayo mo, Ally. Huwag kang mag-alala, madali lang naman 'to tsaka mabilis ka namang matuto," saad naman ni Harry, bumalik na si Dashiell sa dati niyang pwesto tsaka gumawa ng force field sa buo niyang katawan.

Mabuti nga at kompleto ngayon ang force field niya, dahil kung hindi? Jusko, sigurado akong masusugatan siya.

Huminga ako nang malalim tsaka inayos na ang tindig ko.

"Okay, nice stance. You already got it! And now, I want you to relax. Breathe in, breathe out, and keep a relaxed grip on the bow handle," malumanay na sabi sa akin ni Harry, gano'n naman ang ginawa ko. Ikinalma ko ang sarili ko at nakatingin lang ako ngayon sa target—kay Dashiell.

"Now, turn the bow in order for it to be horizontal and the arrow rest should be facing upwards." Pumunta sa may likuran ko si Harry tsaka inayos pa ang pagkahawak ko sa pana, hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa kaniya. "Always keep your eye on the target, Ally. Tingnan mo, mukhang papatayin na ako sa sama ng tingin sa akin."

Tiningnan ko si Dashiell at muntik na nga akong matawa nang makita ko ang mukha niya. Nakasimangot na naman kasi siya at mukhang sinusumpa niya na ang lahat ng masasamang tao sa buong mundo. Parang engot lang, bakit ba siya nakasimangot?

"Now, position your fingers like this."  Hinawakan niya ang mga daliri ko para ayusin 'yung pagkahawak ko, medyo malapit siya sa akin pero hindi ko naman 'yon binigyan pa ng malisya, hindi tulad kapag malapit sa akin si Dashiell.

"Ganito ba?" tanong ko habang pinapakita sa kaniya ang pagkahawak ko, ngumiti naman siya nang napakalawak tsaka tumango.

"Huwag mong diinan ang hawak sa arrow gamit ang mga daliri mo. Pull back the string using your back muscles, not your arm. Pull back the string. Malalaman mong tama ang ginagawa mo kapag ang index finger mo ay nasa baba mo at 'yung string ay tumatama sa ilong at mga labi mo.  Tumango-tango ako tsaka ginawa 'yung sinabi niya.

"Tama ba ang ginagawa ko?" tanong ko habang hindi nakatingin sa kaniya.

"Yep! You're doing it right. Then, using your dominant eye, look down the arrow and align it with the target." Ginamit ko ang kanang mata ko, muntik na akong matawa nang makita ko na naman ang mukha ni Dashiell.

Gusto kong isipin na may gusto siya sa akin kaya ganiyan na lang ang hitsura niya ngayon pero alam kong papaasahin ko lang ang sarili ko. Hindi niya naman ako gusto, siguro, nakasimangot siya ngayon dahil nangangawit na siya kakatayo.

"Lastly, relax your grip on the string and allow it to sleep from your fingers." Tumango na lang ako bilang tugon at mas tiningnan ang target ko sa katawan ni Dashiell, nakatingin lang din siya sa akin ngayon, alam kong nakatingin siya kaya pinipilit ko ang sarili ko na huwag tumingin sa mga mata niya. "Ally... release."

Unti-unti ko na ngang naramdaman ang pagdulas ng string sa mga daliri ko, dahan-dahan kong ibinaba ang pana ko at napangiti na lamang ako nang makita ko kung saan ko natamaan ang target ko, pati si Dashiell ay mukhang nagulat din kung saan ko siya natamaan.

"Bull's eye!" sigaw ni Harry habang bahagyang natatawa, tumama ang palaso ko sa... basta censored. Kusang lumaho ang pana ko sa mga kamay ko kaya naalis na rin ang palaso na tumama sa may ano ni Dashiell.

Agad siyang tumakbo papalapit sa amin, masamang-masama ang tingin niya sa amin ni Harry pero tawa pa rin kami nang tawa.

Fudge! His reaction is just so priceless!

"Bakit mo ginawa 'yon?! Tinuruan ka ba ni Harry ng gano'n?!" pasigaw na tanong ni Dashiell sa akin, pinigilan ko naman ang pagtawa ko tsaka nakipag-high five kay Harry.

"Hoy, Dash. Wala akong kinalaman sa plano ni Ally, siya ang kusang gumawa n'on!" natatawa pa ring sabi ni Harry tsaka itinaas ang magkabila niyang kamay na para bang nagsusuko siya sa isang nakakatakot na pulis.

Tiningnan ako ni Dashiell nang diretso sa aking mga mata. Pinilit kong hindi makalabas ang mga tawa ko dahil baka mas magalit pa sa akin ang lalaking nasa harapan ko.

"Tawang-tawa ka pa riyan! Paano na lang kung wala akong nilagay na force field?!" reklamo niya pa.

"E may force field ka naman, Dashiell e. Alam kong hindi ka masasaktan."

"Paano nga kung wala?!" tanong niya pa. Mukhang galit na si Dashiell pero tawa pa rin nang tawa si Harry sa katabi ko.

Grabe naman ang lalaking 'to, gano'n niya ba kamahal ang ano niya?

"Manalangin kang magagamot 'yan ni Manang Estelle kapag natamaan nga. Huwag kang mag-ala—"

"Paano kita mabibigyan ng anak?!"

— — —

Deuteronomy 31:6

"Be strong and be courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD, your God, goes with you; He will never leave you nor forsake you."