Chapter 6 - Chapter 5

Bella's POV

Kumatok muna ng tatlong beses si Bella bago binuksan ang pintuan ng study room ng daddy niya. Pinatawag siya nito kanina pag dating nya galing sa school.

"Dad.." tawag nya sa ama na naka yuko sa binabasang papeles. Nag angat ito ng tingin at ngumiti sa kanya.

"Sit down bella" mwestra nito sa upuan na kaharap ng study table nito.

Pero naupo sya sa sofa na nasa sulok ng study room. Tinignan nya ang ama matikas parin ang tindig nito pero mataas na ang hairline sa noo. May mga mangilan ngilan naring puting buhok na tumutubo dito nasa late 50's na ito.

"May ipag uutos po ba kayo?" Tanong nya dito. Alam nya na kapag pinatawag sya ng ama ay may ipagagawa nanaman ito sakanya.

Sumeryoso ang mukha nito. Tumayo ito at lumapit sa filing cabinet na nasa kaliwang bahagi ng study room. Sinusundan nya ng tingin ang bawat kilos nito. May kinuha itong itim na envelope mula sa cabinet.

Nag lakad ito papunta sakanya at naupo sa single sofa na katapat nya.

"I want you to deliver this" anito sabay abot ng envelope sakanya.

Kinuha nya ito at binuksan, sa loob ay may isa pang mas maliit na kulay pulang envelope na kasing laki ng isang notebook at may kasama itong maliit na puting papel kung saan nakasulat ang address nang pag dedeliveran ng package. Sinara nya na uli ito saka humarap sa ama.

"May update na ba sa pinapahanap ko sayo, dad?" Baling nya dito na blangko ang ekspresyon.

Tumikhim muna ito bago nag salita "Wala pa." Sabi nito. Pero napansin nya na parang nailang ito, naging malikot din ang mata nito feelling nya may itinatago ito sakanya o may ayaw sabihin.

'may nalaman na kaya sya at ayaw nya lang ipaalam sakin?'

Napakuyom sya ng kamay. Ramdam nya na may itinatago ito sakanya. nakaramdam sya ng galit para dito. Alam nya kung gano ito katuso hindi rin lingid sa kaaalaman nya ang mga maruruming gawain ng ama. Pero lahat ng iyon ay binalewala nya dahil sa utang na loob dito at sa isang tao na ipinangako nitong tutulungan syang mahanap.

May pakiramdam syang may nalaman na ito pero ayaw lang sabihin para sundin nya ng sundin ang pinag uutos nito. Hindi sya tanga alam nya kung kelan pinapaikot na sya pero wala siyang magagawa kundi ang mag hintay dahil sa ngayon wala pa syang kakayahang kumilos mag isa.

Tumayo na sya at nag paalam na rito.