Chapter 10 - Chapter 9

Bella's POV

Nasa isang exclusive subdivision ang bahay na iniregalo ng kanyang byanan sakanila. Isang 2 storey house na moderno ang pag kakadisenyo merong itong swimming pool sa gilid at may garden sa harap ng bahay malapit sa car park. Fully furnished na ang loob at kumpleto narin sa mga appliances at furniture.

Isang matandang babae na satingin nya ay nasa sitenta na ang idad ang dali daling sumalubong sakanila. Maliit lamang ito medyo may katabaan, maikli ang hangang tenga na buhok nito. Mabait ang bukas ng mukha nito. Nakangiti itong sumalubong sakanila.

"Aba señorito bakit napaaga ata ang inyong pag dating ang akala ko'y sa makalawa pa kayo eh. Ako tulo'y ay hindi nakapag handa ng mahahapunan" anito sakanila.

"Kumain na ho kame sa reception Nanang Bini" nakangiti ring sagot ni Nicklaus at pasalampak na naupo sa L shape na sofa. nanatili naman siyang nakatayo sa tabi ni Nanang Bini.

"Ay sya gay'on ba" siya naman ang binalingan nito "are ba ang señorita? ay kagandang bata naman ho ninyo" magiliw na sabi naman nito na ikinapula ng mukha nya.

"Salamat po" nahihiyang pasasalamat niya.

"Psh" palatak naman ng lalaki at inirapan pa sya nito isip bata talaga binaliwala nya na lamang ito.

"Malinis na ang masters bedroom maari na kayong mag pahinga doon ako na ang bahalang mag panhik ng mga gamit nyo" nangingiting sabi ni Nanang bini.

"Hindi po ka-" gusto sana nyang sabihing gusto nyang hiwalay sila ng silid ng asawa pero na pigil iyon ng biglang mag salita si Nicklaus.

"Ah sige ho nanang, andyan pa ho ang driver ni daddy sa labas para tulungan kayo. Aakyat na ho kame ng asawa ko. Saan ho ba ang masters bedroom?" Mabilis na sabat ng lalaki na pinandilatan pa siya ng mata saka mahigpit na hinawakan sa kamay nya. gusto sana nya pumalag pero inabot na sya ng hiya sa matanda.

"Oh siya sige, yung pangalawang pinto sa kanan ang masters bedroom" anito.

Hinila na siya ni Nicklaus paakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto na tinukoy ng matanda.

Maganda at malaki ang loob ng kwarto sa gitna nito ay may malaking kama na merong dalawang lampshade sa mag kabilang gilid sa kaliwa ay may mahabang sofa na may maliliit na throw pillow meron ding pabilog na lamisita sa harap nito, sa kanan naman ay ang built in cabinet sa tabi nito ay may dresses at katabi naman non ang banyo.

Bumuntong hininga muna sya bago binalingan ang lalaki na ngayon ay nag huhubad na ng damit kaya agad nyang iniwas ang mata saka tumalikod at lumapit sa bintana tanaw doon ang garden pero hindi na masyadong kita dahil madilim na sa labas. "Sa guest room ako matutulog"

"Hindi pwede" matigas na sabi nito.

"At bakit?"

"Dahil baka mag sumbong ang Nanang kay mommy na mag kahiwalay tayo ng kwarto. Susugod yon dito"

Nilingon nya ito, upang matigilan lang dahil wala na itong pang itaas kitang kita nya ang makinis at malapad nitong katawan pati ang abs nito parang kay tigas. May kakaiba syang nararamdam pero pilit nyang iwinawaksi napako ang paningin nya ng hinubad din nito ang pantalon at boxer nalang ang natira. Bakat na bakat ang harapan nito na parang gustong kumawala sa loob ng boxer ng asawa. Napalunok sya. 'Shit! Help me god! Mayaman nga ang napangasawa ko. Apaw na apaw eh!'

"Enjoying the view Misis?" Tumas taas pa ang kilay nito habang nakangisi sakanya na parang pinagyayabang pa na nahuli sya nitong nakakatitig sa katawan nito.

"Err..." nawiwindang siya at kinaiinis nya yon dahil mukang tuwang tuwa ang asawa niya na pinag pipyestahan ng mga mata niya ang katawan nito.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag