Chapter 7 - Chapter 6

Pag kalabas ay dumeretso na sya sakanyang kwarto itinapon nya ang hawak na envelope sa kama saka lumundag ng higa dito.

"Aalamin ko kung anong tinatago mo sakin" mahinang bulong nya sa sarili.

Isang taon na mula ng lumapit sya sa ama upang makiusap na tulungan syang hanapin ang kapatid pumayag naman ito pero kapalit noon ay ang pag deliver nga ng package na hindi nya alam kung ano ang laman pero may kutob sya na illegal ang mga iyon.

Dose anyos sya ng matagpuan sya ng mga ito sa gilid ng highway isang gabi na umuulan. Nagising siya na nasa ospital na sya at nag mulat na nasa tabi niya ang Mommy Amanda nya kinupkop siya nito ng malamang ulila na sya at ang tanging pamilya ay ang kapatid na hindi nya alam kung nasaan na dahil nag kahiwalay sila ng tumakas sila sa mga kumidnap sakanila pero hindi nya sinabi sa mga ito ang totoo sinabi nya sa mga ito na palaboy sila sa lansangan. Makalipas ang isang taon pamamalagi sa piling ng mag asawa inadopt sya ng mga ito legally dahil wala namang anak ang mga ito.

Napabuntong hininga sya ng maalala ang kapatid. Anim na taon na ang lumipas ng huli nya itong makita "Asan kana ate..?"

Hindi na niya napigilan ang mga luhang nakakawala sakanyang mga mata.

Hangang ngayon napapanaginipan nya pa din ito kung pano nito itinaya ang buhay para lang maitakas sya at ang mga kasama nilang mga bata na nakidnap sa isang bodega sa gitna ng gubat. Hindi na nya alam kung saan na nag takbuhan ang mga kasama nilang tumakas dahil sa sobrang taas ng lagnat nya ng araw na iyon. Parang ilog na tuloy tuloy na umagos ang mga alaala nya ng gabing iyon.

"Bamos Ara! takbo!" Halos kaladkarin na siya ng kapatid habang tumatakbo sila sa gubat.

Masakit at pagod na ang katawan nya idagdag pa ang panginginig ng kanyang kalamnan dahil basang basa na sya sa lakas ng ulan. Malabo narin ang kanyang paningin dahil sa nag halong luha at ulan na tumatabing sakanyang mata.

Tinignan nya ang kapatid na nakahawak sa braso nya at halos kaladkarin na sya sa pag takbo. Isang malaking puting tshirt ang suot nito basang basa narin sa ulan kaya nasisiguro nyang nilalamig na rin ito lagaya nya. pero hindi sila pwedeng huminto kailangan nilang makalayo.

Marumi na ang damit nito may tumatagas din na dugo sa kaliwang balikat nito wala itong sapin sa paa kaya puro sugat na

"A-ate h-hindi k-ko na kaya" daing nya dito

"Malapit na tayo Ara konting tiis pa nakikita ko na ang kalsada" sabi nito na patuloy parin sa pag takbo

Napasalampak sya ng makarating sila sa high way latang lata na ang katawan nya

Naupo sa tabi nya ang kapatid

"Kailangan nating mag patuloy Ara, hindi tayo pwedeng huminto baka maabutan nila tayo"

Tinignan niya ang magandang muka nito nakikita nya ang pagod at pag kahapo pero nandon padin ang determinasyon na makatakas para mabuhay sila.

pareho silang napalingon ng makarinig ng sasakyan na paparating

Bigla syang hinigit patayo ng kapatid ngunit huli na dahil huminto na sa harap nila ang itim na sasakyan bumaba doon ang isang matipunong lalaki.

Naramdaman nyang nanigas ang katawan ng kapatid bumadha din ang takot at galit sa mukha nito

"V-vaughn..." tukoy ni to sa lalaking bumababa sa sasakyan na ngayon at galit na papalapit sa amin.

Nanlalabo na ang paningin nya pero pinilit nyang niyakap ang mga nanginginig na kamay sa bewang ng kapatid

"Where do you think youre going" mapanganib na sabi ng lalaki madilim ang anyo nito habang dahan dahan na lumalapit samin. Hinila nito ang braso ng kapatid nya palayo sakanya . "You are mine katharina!"

"Let me go!" Nag pupumiglas ang ate nya sa lalaking tinawag na Vaughn "please let us go"

"No! I own you! And I will never let you go out of my life" malakas na sigaw nito at kinaladkad na ang kapatid papunta sa sasakyan

"A-ate.." sa nanghihinang katawan ay pinilit nyang tumayo para habulin ito

"Ara! Ara! " Sigaw ng kanyang kapatid at pilit pumipiglas sa hawak ng lalaki pinilit nitong lumaban pero malakas ang lalaki nakita niya pa ng may nilabas itong panyo at agad na itinakip sa bibig ng ate niya "A-Arabella.." tawag nito sakanya bago ito mawalan ng malay

"A-ate katharina" unti unting lumabo ang paningin nya hanggang sa maging madilim na ang lahat.

Nagising sya sa tunog ng cellphone nya. Di nya namalayan na nakatulog na pala siya. Napabuntong hininga sya bago dinampot ang cellphone na nasa bedside table. ang mommy nya ang tumatawag.

"Mom..?"

"Hija, hindi ako makakauwi dyan ngayon dito na ako matutulog kina Tita Aimee mo kaya ikaw nalang ang mag recieve ng wedding dress mo bukas na ang dating non" malambing na sabi nito

"Noted mom" walang ganang sagot nya dito saka pinutol na ang tawag

Two weeks nalang pala at ikakasal na sya and worst sa manyak pa na nakita nya sa elevator. Napabuntong hininga na lang sya uli.