Nicklaus POV
Kaharap nya ngayon sa dining table ng mga Sta.Ana ang babaeng tumuhod sa alaga nya a month ago.
Pinag mamasdan nya ito habang kumakain.
Napakaganda talaga nito, wala atang pangit na angulo sa dalaga. Maganda rin ang hubog ng katawan at kitang kita nya kanina kung gano kaputi at kakinis ng mga hita nito. Parang gatas ang kutis at pupusta sya na napakalambot ng balat nito.
Alam nya na naalala sya nito base sa gulat na reaksyon nito kanina. Gusto nyang matawa ng mawalan ng kulay ang muka nito ng dilaan niya ang kamay nito.
"Nicklaus hijo ayaw mo ba sa pag kain ? May gusto kabang kainin para mapahanda ko ." Napukaw ang pag iisip nya ng balingan sya ni Tita Amanda ng mapansin nitong hindi nya ginagalaw ang pag kain nya. Nag angat din ng mata ang kaharap nyang dalaga kaya nag tama ang mga mata nila.
"Ahm.. hindi po tita actually tinititigan ko palang mukang masarap na" sabi niya na hindi inaalis ang mata sa dalaga. Kinindatan pa nya ito. Namula ang mukha nito pero inirapan lang sya at ibinalik na uli ang atensyon sa pag kain. Nakaramdam naman sya ng pag iinit ng katawan ng makita ang pamumula ng mukha ng dalaga "fuck lalo syang gumaganda pag namumula"
Nasamid naman ang kanyang ama at binigyan sya ng masamang tingin na nag sasabing mag behave sya pero baliwalang nag kibit balikat lamang sya at binaling na sa pag kain ang atensyon kahit panaka naka na tinititigan parin ang dalaga na ni hindi na sya tinapunan pa ng tingin.
Ipinag patuloy naman ng mga magulang nila ang pag uusap tungkol sa nalalapit nilang kasal.
"Gusto ko sanang sa susunod na buwan na ikasal ang mga bata, alam nyo naman na magiging busy na ako sa pangangampanya kaya hangat wala pa sana ang campaign period eh maikasal na ang mga bata" napalingon sya sa sinabi ni Tito Raul saka tumingin uli sa dalaga wala parin ito ekspresyon para bang tangap na tangap na nito ang pag papakasal sakanya.
"Well.. wala namang problema samin iyon kumpadre" sagot ng daddy nya.
"Hindi ba gagahulin sa preparasyon?" Ani ni tita Amanda.
"Don't worry Amanda I will take care about it. Meron akong kilalang trusted na wedding coordinator na sanay mag handle ng mga biglaang weddings" excited na sagot naman ng mommy niya.
"Saan naman titira ang mga bata after the wedding?" Tanong uli ni Tita Amanda.
Nakita nya pa ng natigilan ang dalaga sa narinig at mukhang nag aantay din ng sagot.
"Well.." tumikhim muna ang daddy niya bago nag patuloy.
"Gusto ko sanang mag transfer si bella sa school na pinapasukan ni Nicklaus at dun narin sila tumira sa bahay na pinagawa ko para sakanila sa manila na malapit sa school na pinapasukan ni Nicklaus"
Sumangayon naman si Tito Raul at Tita Amanda kahit parang gustong tumutol ng huli.
Well atleast kahit papano may maganda namang nangyari sa kasunduang ito makakaganti na siya sa babaeng to. Isang lingo rin nyang ininda ang pag tuhod nito sakanya sa takot na baka nabalda na ang alaga niya. Pumunta pa siya sa ospital ng araw na yon para ipa check kung buo pa ba pa dahil piling nya nadurog ang alaga niya sa ginawa nito buti nalang at walang namang naging masamang epekto pero isang lingo parin syang napahinga sa sex tangina!