Chereads / That Aggressive Girl / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Ara's POV

In the morning.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumama sa aking mukha. Ang panibagong araw ay kaakibat ng panibago kong plano.

Dali-dali ako pumunta sa banyo para maligo dahil mahuhuli na ako sa klase.

Matapos ang ilang oras ay tapos na ako maligo.

Nagsuot ako ng uniforms na longsleeve with neckties at tinernuhan ng kulay blue na palda, long socks at black shoes. Naglagay rin ako ng kaunting kolorete sa aking mukha para hindi naman ako maging mukhang bangkay.

Dali-dali kong tinahak ang hagdanan para makita muli ang lalakeng pinakaminamahal ko.

Nakita ko si Josh na naghahanda ng mga pagkain sa lamesa. Napangiti na lang ako sa tuwing naalala ang mga araw ng aming unang pagkikita. Natatandaan ko pa ang mga araw ng pagsusungit ko sa kanya. Mahal na mahal ko talaga ang lalakeng 'to. Gagawin ko ang lahat para sa ikakaligaya niya kahit buhay ko pa ang maging kapalit. Alam na nina Mama at Papa ang tungkol sa'min ni Josh at sinsuportahan naman nila kami.

Nagising ako sa aking malalim na pag-iisip nang halikan ako ni Josh sa labi pero smack lang.

"Are you taking advantage on me?" Wika ko na may halong pagtataray habang nakataas ang aking kaliwang kilay.

"Of course not, sweetheart. Nag-aalala  ako sa'yo kasi kanina ka pang tulala. May problema ka ba?" Tanong niya na may halong pag-alala.

"Wala," Sagot ko sabay irap.

"Bakit ang sungit mo ngayon? Siguro meron kang dalaw 'no?" Tanong ni Josh sabay ngisi.

Namula naman ako dahil sa kahihiyan na sinabi niya.

"Joshua Seth Montenegro!" Wika ko sa pangalan niya na may halong pangbabanta.

"Totoo nga?" Tanong niya sabay tawa ng malakas na parang wala ng bukas.

"Bwiset ka! Josh." Naiinis kong saad sabay hampas sa kanyang dibdib.

"Wow! Ang sweet naman ng mga anak natin, pre. Mga anak, tigilan ninyo na 'yan baka magkasakitan na kayo." Pagsasaway sa amin nina Tito at Papa.

Tinigil ko na ang paghampas kay Josh pero si Josh ay nagpipigil parin ng tawa, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Dali-dali kaming umupo sa hapag-kainan para simulang kumain. Ang ulam namin ngayon ay adobong baboy, fried chicken at sinigang na bangus na ang aking paborito.

Matapos namin kumain ay nagpaalam kami kina Tito, Mama at Papa na may pupuntahan kami ni Josh pagkatapos ng klase.

Sumakay kami sa Montero car at si Josh ang nagmamaneho.

Namumula ako sa tuwing naaalala ang sinabi nina Daddy at Tito.

"Ma? Pa? Tito? Magpapaalam sana po kami na aalis kami kasi may pupuntahan po kami ni Josh pagkatapos ng klase." Wika ko sabay inom ng tubig.

"Sige, anak. Mag-ingat kayo ah."Wika ni Mama sabay yakap sa akin.

"Mahal, hindi na bata ang anak natin kaya huwag mo ng baby-hin," wika ni dad sabay subo ng kutsara.

"Wala kang pake! Baby ko pa rin si Ara kahit dalaga na siya." Naiinis na saad ni Mama sabay walk-out.

Nagtawanan naman sina Tito at Papa dahil sa inasal ni Mama.

"Pre, may dalaw ba yung misis mo? Kaya masungit." Natatawang tanong ni Tito sabay inom ng kape.

"Hayaan mo na 'yon. Bad mood lang ata," sagot ni Dad sabay inom ng juice.

"Josh, ingatan mo si Ara huh. Baka mabuntis mo yan," Natatawang saad ni Tito kay Josh na ikinapula ko.

"Wag muna, iho. Ayaw ko maging Lolo ng maaga," Nagtatawang saad ni Papa na ikinapula ko lalo.

"Papa!" Nahihiya kong sita.

Tinawanan lang nila ako.

"Pa? Tito? Hindi ko po mapapangako 'yan sa inyo. I can't loss my temper." Wika ni Josh na nakangisi sabay kindat sa'kin.

"Josh!" May halong pangbabanta kong tawag sa pangalan niya.

Tinawanan lang ako ng loko.

Nagising ako sa malalim kong pag-iisip nang tapikin ako ni Josh sa braso.

Napagtanto ko na nasa school na pala kami.

Dali-dali akong bumaba ng kotse baka mahuli pa kami sa klase.

Nasa entrance pa lang kami ay samo't saring bulungan na ang aming narinig.

"Diba siya 'yon? yung babaeng trending sa internet?" Wika ng babaeng sobrang payat.

"Ang kapal naman ng mukha niya na lokohin si bebe Leo ko." Wika ng babaeng sobrang kapal ng make-up.

Edi sa'yo na ang Leo mo.

"She's aggressive girl." Wika ng isang gwapong lalake pero mas gwapo parin ang boyfriend ko.

Nang makarating kami sa classroom ay lumantad sa'min si Leo na masamang awra na nakatingin sa'min.

Mas kumuyom lalo ang kamao ni Leo nang halikan ko si Josh mismo sa harap niya. Tumugon naman si Josh sa bawat halik ko.

"You think that I'm a slut?, I'll show you who truly Am I." Nakangising kong sabi sa'kin isipan.

"Good morning, class. My name is Sir Homer Reymundo. I'm your Esp subject teacher." Nakangiti niyang pagbati sa'min.

"Good morning Sir Homer Reymundo." Pagbati namin sa kanya pabalik sabay tayo.

"Take your sit." Tipid niyang saad.

Agad naman naming sinunod.

"Our topic is about revenge. Paano kung may isang tao na malapit sayo ay pinagtaksilan ka? Maghihiganti ka ba?" Seryosong tanong ni Sir Homer sa'min

Agad naman ako nagtaas ng kamay para sumagot.

"Depende po, kung sobrang sakit na talaga ang ginawa niya sa akin. Lalo na kung tinuring ko siyang kaibigan. Halimbawa po, nalaman ko na lang na pinapatay niya ako. Wala pong kapatawaran 'yon."Seryoso kong sagot sabay tingin kay Chai na nakatingin din sa'kin.

"Anong gagawin mo kung nangyari sa'yo 'yon?" Seryoso tanong ni Sir pabalik sa'kin.

"Ipapakita ko sa kanya na mali na pinili niya ko bilang kaaway." Mariin kong sagot sabay tingin kay Chai na sensyales na pinariringgan ko siya sabay upo.

Marami pang idiniscuss sa'min ang mga ibang guro. Daming tanong parang hindi na sila nagtuturo. Parang kinukuha lang nila sa'min ang sagot.

Matapos ang mahabang boring na discussion ay tumunog na ang bell na hudyat na recess na.

"Jm, kain na tayo." Pag-aaya ko sa kanya.

"Sandali lang, pupunta pa akong banyo. Wika niya habang hindi kami tinapunan ng tingin.

Ano nangyari sa kanya?

Dali-dali kami pumunta sa canteen para kumain. Napansin ko lang na parang iniiwasan ni Jm si Josh. Bat hindi siya sumunod sa'min para kumain? Ang tagal niya eh. Nag-away ba sila Josh? Bahala nga sila.

Si Josh na ang pumila para mag-order ng kakainin namin.

Matapos ang mahabang pila, natanaw ko na si Josh na may dalang tray na may pagkain. Ang gwapo parin niya kahit malayo kaya mahal na mahal ko ito eh.

Nilapag niya sa mesa ang tray na may lamang ng mga pinamili niya. Naglaway ako dahil mukhang masarap ang mga pagkain. Ang binili niya ay burger, juice at spaghetti. Kinuha ko ang spaghetti dahil ito ang aking paborito.

Napabalikwas na lang ako ng may nambuhos sa'kin ng napakalamig na juice na may kasamang yelo. Hinarap ko ang pinaggagalingan ng baso para malaman kung sino ang nambuhos sa'kin. Lumantad sa'kin si Chai habang nakangisi na tilang inaasar ako.

"Long time no see, my dearest ex-bestfriend. Ang ganda naman ng pa-welcome mo sa akin. Dapat ako meron din pawelcome sa iyo. Hindi naman ako mabait na kaibigan kung wala." Wika ko na may halong pagkasarkastiko sabay buhos sa kanya ng spaghetti na dapat ay kakainin ko.

"Omg! My expensive uniform." Maarte niyang saad.

"You can't do this to me." Naiinis niyang saad.

"I can do what ever I want." Wika ko habang nakangisi na tila inaasar siya.

Akmang sasampalin niya ko pero agad kong nasalo ang kamay niya.

"Don't you ever land your dirty hands in my beautiful face," wika ko na may halong panglalait.

"Let me go!" Pagpupumiglas niya dahil hindi ko pa rin binibitawan ang kanyang braso.

"Hindi mo na ako masasaktan ulit. Nagtagumpay ka man noon na ipapatay ako pero ngayon hindi na." Wika ko na may halong pagbabanta sabay bitaw sa kanyang braso.

Nakita ko naman napalunok siya.

Nag-walk out si Chai kasama ang mga alipores niya dahil pinagtitinginan na kami.

Inabutan ako ng panyo nina Leo at Josh. Tinanggap ko naman ang panyo ni Josh na ikinadilim ng awra ni Leo. Natawa na lang ako sa inasal ni Leo. He looks like a desperate man.

Hindi na ako nakinig pa sa napakaboring na discussion ng mga professor. Alam ko naman na lahat ng tinuturo nila. Madali lang 'yon.

Makalipas ang mahabang boring na discussion ay tumunog na ang bell na hudyat na pwede ng umuwi.

Kanina ko pa hindi nakikita si Jm. Simula na magrecess. Baka nauna na 'yon umuwi.

Dali-dali kaming sumakay ni Josh sa sasakyan para simulan na ang pagsasabutahe kay Chai. Si Josh muna ang nakaassign na magmaneho.

Hinihintay namin ang pagdating ng sasakyan ni Chai palabas sa parking lot.

Habang naghihintay kami, nagpalit muna kami sa sasakyan ng civilian cloth at naglagay kami ng mask sa mukha para hindi makilala. Kung anuman ang iniisip ninyo, nakatalikod si Josh habang nagbibihis ako ganun din naman ako sa kanya.

Makalipas ang ilang segundo naming paghihintay ay lumabas na ang sasakyan ni Chai galing sa parking lot.

Dali-dali naman namin 'yon sinundan.

Tumigil ang sasakyan ni Chai sa isang liblib na lugar at may kinatagpo na isang pamilyardong lalake.

Unting-unting tumulo ang luha ko sa tuwing naaalala ang mga sakit na pinaranas sa'kin ng lalaking 'yan. Wala ng duda na may kinalaman si Chai sa pagtangkang pagpatay sa'kin.

"Okay ka lang, sweetheart? Bat ka nanginginig?" Tanong ni Josh na may bahid ng pag-aalala.

"I'm fine. Nakita ko na siya, siya ang lalaking pinagtangkaan akong patayin. He will pay for this." Mariin kong sabi at dahan-dahan bumaba ng kotse. Sumunod naman si Josh sa'kin.

Aakmang papasok na sila ng sasakyan ng pinigilan namin sila sabay tutok ng baril.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa'kin? Pera ba?" Sunod-sunod na tanong ni Chai na bakas sa kanya ang takot.

"Hindi naming kailangan ng pera mo.  Ang kailangan namin ay may mamatay na isa sa inyo." Malademonyong sabi ni Josh sabay tawa na nakakataas ng balahibo.

Dali-daling pumasok si Chai sa sasakyan dahil sa takot. Naagaw ng lalake ang baril kay Josh kaya napataas siya ng dalawang kamay.

"Try to shoot him. I will kill you!" May halong pagbabanta kong sabi.

Aakmang gagalawin na niya ang gantilyo pero nabaril ko siya sa braso kaya nabitawan niya ang baril.

Agad naman namin siyang tinutukan ng baril.

"W-wag ninyo ako p-patayin.. M-may anak pa akong binubuhay." Pagmamakaawa niya habang nakataas ang dalawang kamay.

Akmang ibaba sana namin ang baril na nakatutok sa kanya pero pinatid niya si Josh ng dalawang paa niya kaya nadapa ito.

Agad ko naman binaril ang hita niya kaya agad siyang napahiyaw dahil sa sakit.

"Dalhin 'yan sa sasakyan." Maawtoridad kong utos kay Josh.

Inalalayan na ni Josh ang lalake, habang ako ay nakatutok pa rin ang baril sa lalake. Baka manlaban ulit.

Tumingin ulit ako kay Chai na naluluha dahil sa takot. Napangisi na lang ako sa aking nasaksihan.

"That's my first revenge for you, Chai. Patikim pa lang yan, takot ka na? Paano kung patayin kita?" Wika ko sa'kin sarili habang nag-iisip.

"Hey?" Tawag ni Josh sa'kin.

Agad naman akong sumunod patungo sa sasakyan.