Third Person's POV
Nakatulala si Leo sa kawalan habang umiinom ng kape, hindi niya lubos maisip na kaya gawin 'yon ni Ara sa kanya. Mahal na mahal ni Leo ang dalaga. Handa niya tanggapin ang buong pagkatao nito. Ang masakit lang isipin na hindi siya kaya mahalin pabalik nito. Napabuntong-hininga na lang siya sa sakit na nararamdaman. Namamaga na ang kanyang sugat sa magkabilaang braso na binaril ni Ara. Hindi ininda ni Leo ang nararamdaman sapagkat mas masakit na ang taong mahal mo ay kaya kang patayin. Parang tinutusok ng sampung karayom ang kanyang damdamin sa sakit na kailanman hindi na siya kaya patawarin ni Ara. Napaluha na lang ang binata sa sakit na nararamdaman.
Kahit patayin pa siya ni Ara ay hindi siya natatakot.
"Ang kamatayan ay hindi ang pinakamalaking kawalan sa buhay. Ang pinakamalaking kawalan ay kung anong namatay sa loob natin habang nabubuhay tayo," bulong ni Leo sa kawalan at hindi napigilan tumulo ang kaniyang luha.
Napabalikwas na lang si Leo nang may biglang kumatok sa pinto ng kaniyang pinto. Kaya pinunasan muna niya ang kanyang mukha na may luha para hindi halata na umiyak siya. Binuksan niya ang pinto at lumantad sa kanya ang isang sa mga tauhan na inutusan niyang ipapatay si Joshua. Duguan ito at hindi makalakad ng maayos.
"Did you already killed Josh?" Mariin na tanong ni Leo sa kanyang tauhan.
"H-hindi po. L-Lumaban po siya at m-marami po siyang mga tauhan na mukhang miyembro ng gang," nahihirapan na sagot ng kanyang tauhan at nawalan na ito ng buhay.
Napakuyom na lang ng kamao si Leo sa nabalitaan. Pinaghahagis niya ang mga napupulot niya sa kanyang paligid. Pati flower vase na kabibili lang niya ay hindi niya pinalagpas. Gustong magwala ng binata dahil sa kanyang nalaman. Habang nabubuhay pa ang kanyang karibal ay hindi siya matututunang mahalin ni Ara. Dumudugo na ang kanyang kamao at sugat sa braso pero hindi niya ininda. Magkahalong takot at galit ang nararamdaman ni Leo na baka iwan siya ni Ara dahil buhay pa si Josh.
"You fucking josh! You won't get Ara from me as long as I'm alive and kicking! Sisiguraduhin ko bukas na hindi ka na sisikatan ng araw!" Singhal niya sa kawalan habang nakakuyom ang kamao.
Sa kabilang banda, nagdidiriwang si Chai dahil bukas ay makakawala na siya sa kulungan. Sobrang saya niya dahil nabalitaan niya na may dumukot kay Ara. Napaisip siya na maaari niyang maging kakampi ang nasa likod ng pagkawala ni Ara.
Sa sitwasyon naman ni Leo ay kumalma na ito dahil inawat na siya ng mga tauhan niya. Pumunta ang binata sa kwarto ng dalaga. Pinagmasdan niyang natutulog ang taong kinasasabik niya. Dahan-dahan niya itong hinaplos sa buhok.
"For the sake of your happiness, Ara, I am willing to kill Chai for you. So you would learn to love me," mahinang sabi ni Leo kay Ara habang natutulog sabay halik nito sa noo ng dalaga.
Naalimpungatan si Ara dahil naramdaman niya na may humalik sa kaniya. Pagmulat ng kaniyang mga mata, lumantad sa kaniya ang nakangiti na si Leo. Napakuyom siya ng kamao sa tuwing naaalala na ipapatay niya si Josh.
"Kumain ka na, Ara. Kanina ka pa kasi hindi kumakain. Baka magkasakit ka niyan," may halong pag-alala na pagkakasabi ni Leo kay Ara sabay abot ng burger.
Napansin ng dalaga na may bandages ang kamay ni Leo. Nakaramdam siya ng saya na nakikita nahihirapan ang taong kinasusuklaman niya.
"Wala ako ganang kumain," walang ekspresyon na sagot ng dalaga sa binata.
Nanlumo si Leo dahil nag-aalala na siya sa inaasal ni Ara. Nag-aalala ito na baka magkasakit ang dalaga dahil hindi man lang ito kumain kahit kaunti lamang.
Huminga nang malalim ang dalaga para pakalmahin ang sarili. Iniisip niya kung paano siya makakatakas dito. Bigla niya naalala ang isa sa mga tinuro sa kanya ni Josh.
"Alamin mo ang kahinaan ng kaaway. Pag-isipan mo ang mga desisyon mo para hindi ka mapahamak. Sa larangan ng digmaan, walang pakinabang kung gaano ka kagaling sa suntukan. Dapat malakas ang loob mo. Alisin mo ang lahat ng galit at takot na namumuo sa puso't isipan para mautakan mo ang mga kalaban," seryosong sabi ni Josh sa dalaga habang inaalayan ito tumayo.
Tumango na lang ang dalaga sa paalala ni Josh.
Napabalik sa realidad si Ara na maramdaman na paalis na si Leo dala ang tray na naglalaman ng pagkain.
"Leo?" Tawag ni Ara sa binata.
Napalingon ang binata sa pagtawag ng dalaga sa kaniyang pangalan.
"May kailangan ka? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo, gagamutin natin," may halong pag-alala ni Leo.
Lihim na napangiti na lang ang dalaga. Mukhang alam na niya ang kahinaan ni Leo.
"Akin na iyong pagkain. Bigla akong nagutom," pekeng ngiti na pagkakasabi ni Ara kay Leo.
Labis na saya ang nararamdaman ni Leo na sa wakas kumain na ang kanyang babaeng pinakaminamahal.
"Wala ba itong lason?" Masungit na tanong ni Ara kay Leo.
Natawa na lang si Leo sa inasal ni Ara. Wala pa rin siya pinagbago, masungit pa rin. Mas gumaganda siya lalo 'pag nagsusungit.
"May nakakatawa ba?" Tanong ng dalaga sa binata habang nakataas ang kaliwa niyang kilay.
"Nothing. Don't worry, wala iyang lason. Hindi ko kayang gawin 'yon sa'yo," malambing na pagkakasabi ni Leo kay Ara.
"Siguraduhin mo lang," masungit nitong sabi sabay kagat ng burger.
Pinagmasdan ni Leo habang kumakain ang dalaga. Natawa na lang ang binata dahil tuloy-tuloy ang subo ng dalaga sa kanyang kinakain kaya nagkaroon ito ng catsup sa bibig.
Lihim na napangiti ang dalaga na mukhang nakukuha na niya ang loob ni Leo. Ito lang ang naiisip niyang paraan para makatakas. At alamin ang kalagayan ni Joshua na kaniyang sinisinta.