Chai's POV
Nandito ako sa aking sariling condo. Mag-isa lang ako dito dahil nasa ibang bansa sina Mama at Papa para magpalipas ng sama nang loob sa'kin. Masama kasi ang loob sa'kin ng mga magulang ko dahil sinira ko daw ang image nila sa school. Tanging si tita lang ang nagmamalasakit sa akin. Minsan nga dinadalaw ako ni tita dito para dalhan ng mga pagkain.
'That fucking image!'
Imahe lang ba talaga nila sa ibang tao ang mahalaga sa kanila? Paano naman ako na sariling anak nila? Pakiramdam ko hindi nila ako mahal. Never ko 'yong naranasan sa buong buhay ko.
Napaluha na lang ako sa mga katanungan na pumapasok sa utak ko. Anak ba talaga nila 'ko? Pakiramdam ko, hindi eh. Kasi never nila pinaramdam sa akin na mahalaga ako. Lagi kasi nila pinaramdam sa akin na wala akong kwentang anak.
Naalala ko nga nung mga panahong minsang bumagsak ako sa exam, pinagalitan nila ako at hindi pinakain.
Napabuntong-hininga na lang ako sa aking naalala. Hindi ako pwedeng maging mahina. Lalo na at buhay si Ara, ang taong sumira sa buhay ko. Kaya nagkagalit kami ni Mama dahil sa impaktang 'yan. Kailangan kong makagawa ng mas magandang plano para mapatalsik si Ara. Naalala ko ang nangyari kagabi, kinuha ang tauhan ko at pinagbabaril kami. Pinagtataka ko lang, sino ang may pakana nito?
Nagising ako sa malalim kong ilusyon nang may biglang nagdoorbell sa pinto.
Pinunasan ko muna ang mga luha ko sa aking mga mata. Naglagay muna ako ng pulbo sa aking mukha para hindi halata na namamaga ang mga mata ko.
Nagtaka naman ako kung sino ang kumakatok, wala naman akong inaasahan na bisita. Dali-dali kong tinahak ang hagdanan, baka masira pa ang aking doorbell na kakaayos lang dahil paulit-ulit nagdodoorbell ang kung sino mang impakta na kumakatok. Nanginginig ako habang binuksan ang pintuan dahil sa kabang nararamdaman, pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.
Pagkabukas ko ng pinto ay lumantad sa'kin sina Josh at Ara na nakangisi habang nakacross-arm na tila nang-aasar, may kasama pang mga pulis.
"Anong kailangan ninyo?" Mataray kong tanong habang nakataas ang aking kaliwang kilay.
"May warrant of arrest kami sa salang pagpatay kay Precious Ara Ongcuangco. May karapatan kang kumuha ng abogado o kung hindi mo kaya, ipagkakaloob sa iyo ng ating gobyerno," wika ng pulis sabay bigay ng papel.
"This is fake! I'm innocent highschool student. Wala ako alam diyan!" Mariin kong sabi habang pinupunit ang papel.
That bitch! Namumuro na talaga ito sa'kin.
"Really, Chai? You are innocent? Pinapatawa mo ba ako? Kailan pa naging inosente ang isang demonyo? You're traitor! I will make sure that you will suffer," malademonyong pagkakasabi ni Ara sabay halakhak.
"You don't have solid evidence para ipakulong ako. Bakit hindi ang abnormal na 'yan ang ipakulong ninyo? See? Pinagbantaan niya pa 'ko," maarte kong sabi.
I need to get out of this!
"Hindi ako lalantad sa impyerno mong condo para lang mag-aksaya ng panahon. I have solid evidence na pinapatay mo ako," mariin na pagkakasabi ni Ara sabay hagis sa akin ng mga papel.
Naglalaman iyon ng salaysay ng aking pesteng tauhan. Damn! He is traitor, I will make sure magbabayad siya sa paglaglag sa akin. Napakuyom ako ng kamao dahil sa galit na nararamdaman.
"Oh! Chai, ba't parang napatahimik ka? Guilty?" Tanong ni Ara na may halong pang-aasar.
Agad kong pinunit ang mga walang kwentang papel.
"This is fake! I think gumamit ka ng tao para ipabagsak ako. Inggit ka lang sa akin, dati p---" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang bigla niya akong sampalin.
Namanhid ang pisnge ko dahil paulit-ulit niya akong sinampal.
"How dare you?!" Akmang susugurin ko siya nang biglang hawakan ako ng mga pulis.
"Let me go!"
" Ako?! Maiingit sa'yo?! Baka ikaw ang naiingit sa'kin?! Sinira mo nga ang tahimik kong buhay! Kahit kailan talaga napakasinungaling mo, Chai!" Umaalingawngaw na sigaw niya sa'kin.
Akmang susugurin niya ulit ako nang pigilan siya ni Josh.
"Watch your words, Chai! Baka pagsisihan mo sa huli! Hulihin ninyo 'yan," Maawtoridad na utos nya sa mga pulis.
"Let me go!" Pagpupumiglas ko sa mga pulis.
"I will make sure that you will pay for this. Sa lahat ng ginawa mong pagsira sa buhay ko!" Gigil niyang sabi habang dinuduro ako.
"Hindi pa tayo tapos, Ara! Babalikan kita!" Singhal ko habang sinasakay nila ko sa pulis car.
"Hindi pa nga tayo tapos dahil nag-uumpisa pa ako sa pagpapahirap sa'yo. I will make sure that I will end this war," mariin niyang sagot.
Habang nasa byahe ako papuntang police station, napakuyom na lang ako ng kamao dahil sa galit na nararamdaman. Humanda ka sa pagbabalik ko, Ara. Sisiguraduhin ko na ako ang tatapos ng sinimulan ko.
If you don't ask, My name is Charlene Mae Mendoza. I'm the famous queen of our campus.
Makalipas ang sampung buwan.
Ara' s POV
Masaya na kami ng pamilya ko dahil sa wakas ay nabigyan na ng hustisya ang pagpatay sa'kin.
Today is my 21st birthday. Masayang-masaya na ako sa piling ni Josh.
Nandito kami sa sasakyan habang nakapiring ako. May sorpresa daw siya sa'kin.
Ano na naman ang pakulo nito?
Naramdaman ko na lang na tumigil na ang sinasakyan namin na sasakyan. Dahan-dahan ako inalayan ni Josh, pababa ng sasakyan. Nakarinig ako na may tumutugtog ng violin. May naamoy akong mabangong bulaklak.
Dahan-dahan niya tinanggal ang aking piring. Lumantad sa'kin ang mga tumutugtog ng violin, may mga petals ng bulaklak ang nakakabit sa mesa, may mga magagandang champagne na nagpapaganda lalo sa paligid.
"S-surprise!" Nakangiting sabi ni Josh.
"Thank you, Josh." Niyakap ko siya nang mahigpit na parang wala nang bukas.
"Welcome. Halika na, kain na tayo," nakangiti niyang sagot habang inaaya niya ko papunta sa mesa.
Wow! Napakadaming pagkain sa mesa. May lechon, cake, sinigang na bangus, bulalo, spaghetti, french fries, palabok, at lomi. Parang mapapadami na naman ang kain ko.
"Napakadami naman nito, Josh. Mauubos ba natin ito?" Nakangiti kong tanong.
"Ipasalubong na lang natin kung hindi maubos," nakangiti niyang sagot sabay pisil sa pisnge ko.
"Ouch!" Daing ko.
Tinawanan niya lang ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Makalipas ang ilang oras tapos na kami kumain.
Tumayo si Josh at inabot sa'kin Ang kamay niya na sensyales na gusto niya ako isayaw. Agad ko naman 'yong tinanggap.
Nilagay ko ang aking mga kamay sa magkabilaan niyang balikat, habang ang kanyang kamay ay nakalagay sa aking bewang.
Nagsimula na tumugtog ang violin at tilang sumasabay sa galaw ng aming katawan.
"Mahal mo ba ako, Ara?" Seryosong tanong ni Josh na ipinagtaka ko.
"Hindi," nakangiti kong sabi.
Napansin ko naman na nanlumo siya.
"Dahil mahal na mahal kita. You're my life, Joshua at hindi ako papayag na pati ikaw ay mawala sa akin," seryoso kong sabi sabay pisil sa pisnge niya.
Tumigil na ang pagtugtog ng violin. Nagulat na lang ako na bigla siyang lumuhod at may nilabas na maliit na box. Napatakip na lang ako ng aking bibig sa gulat na may lamang itong singsing.
"Marami na tayong pinagdaanan, Ara. Simula tinuturuan kita ng self defense. Ang sungit mo nga sa'kin noong, pakiramdam ko parang lagi ka may regla."
Napatawa na lang ako sa sinabi nya.
"Pero hindi 'ko aakalain na magmamahal ako ng isang tulad mo. Alam mo, natakot ako na mahalin ka dahil baka paasahin mo rin ako katulad ni Leo. Ipinagsantabi ko na lang ang kaba ng aking nararamdaman. Kailangan ko sumugal para sa pagmamahal ko sa'yo. Diba ganun naman ang magmahal? May parte na nasasaktan ka na? Pero laban pa rin. Mahal kita eh kaya hindi kita kaya bitawan. Handa ko isugal lahat ng bagay na meron ako para mahalin ka kahit ikawasak pa ng puso ko."
Napaluha na lang ako sa mga sinabi niya. Hindi ko inaasahan na ganun pala ang nararamdaman niya.
"Precious Ara Ongcuangco, Can you be my wife?" Naluluha niyang tanong.
Agad ko naman dinaluhan na tumayo at dahan-dahan hinalikan. Halik na punung-puno ng pagmamahal.
Naghabol hininga kaming kumalas sa isa't isa.
Pinatong niya ang kanyang noo sa aking noo.
"Yes," mahina kong sagot.
"Talaga? Payag ka?" Masaya niyang tanong.
Tumango na lang ako habang nakangiti.
Nagulat na lang ako na nasa gilid sina Mama at Papa na nakikinig pala sa'min.
"We are happy for you, anak," wika ni Papa habang nakangiti.
"Wala na akong baby," malungkot na saad ni Mama.
"Gusto mo gumawa tayo mamaya ng babe? para may bago ka ng babe" Nakangising tanong ni Papa kay Mama sabay kindat.
"Jerk!" Pinaghahampas ni Mama si Papa.
Nagsitawanan na lang kami dahil sa inasal ni Mama.
"Pwede ba ako maging ninang sa kasal ninyo?," masayang tanong ni Jm sa'kin.
"Oo naman," masaya kong sagot.
Heto na ang simula ng bago namin buhay. Wala na si Chai kaya wala na maglalakas-loob sumira ng buhay namin. Kung may magtangka, magkamatayan na bago nila masaktan ang pamilya ko.
Chai's POV
Bukas ay nasintensyahan na ako lumaya. Tanging si tita na lang ang maasahan ko ngayon. Wala na akong pake sa mga magulang ko na never nila ako tinuring bilang anak.
Nabalitaan ko kay tita na ikakasal ka na. Sisiguraduhin ko na hindi ka magiging masaya habang nabubuhay ako. If I need to kill million fucking people para magtagumpay sa plano ay gagawin ko.
You start me? I will end you.
Kung kailangan ko idamay ang pamilya mo para bumagsak ka ay gagawin ko.
Winasak mo ang pamilya ko. Pwess! Wawasakin ko rin sa'yo.