Ngayong araw ang pinakahinihintay ni Ara dahil may binabalak siyang sopresa para sa monthsary nila Josh. Hindi niya malaman ang kaniyang nararamdaman. Parang may kung anong kumikiliti sa kaniyang tiyan at hindi niya mawari kung bakit siya ay nakangiti nalang sa kawalan.
Plano niyang magluto ng spaghetti at ipag-bake ng cake ang kanyang nobyo. Kaya naman hinahanda na niya ang mga kasangkapan na kanyang gagamitin sa pagluluto.
Samantala, abalang-abala si Joshua sa kaniyang mga papeles na kailangan pirmahan. Napasapo na lang siya sa kaniyang noo dahil may meeting pa siya sa kaniyang business partner.
Ngunit ang kaninang pinagsakluban ng langit ang mukha ay napalitan ng ngiti nang maalala niya ang pinaplano niyang sopresa sa kanyang nobya.
Balak niya ito dalhin sa Haunted House para sa kanilang date mamaya. Napapangisi na lang si Josh sa naiisip niyang magiging itsura ni Ara kapag dinala niya ito sa Haunted House, alam niya kasi na matatakutin ang kanyang nobya sa madidilim na lugar.
Mula sa kanyang pag da-day dream, na gising siya sa kaniyang malalim na pag iisip nang may maramdaman siyang malambot na labi na dumikit sa kanyang pisngi, isang halik mula sa babaeng niloko siya. Naka ramdam siya ng inis nang nakita ang ex-girlfriend niya.
Nag-iigting ang kaniyang bagang sa tuwing naaalala ang mga pangloloko at panggagamit nito sa kaniya.
Nasa Elevator ngayon si Joshua at binabalak na gawin ang unang step sa plano niya. Sa kaniyang kanang kamay ay may isang bouquet na nag lalaman ng mapupulang bulaklak na siyang paborito ng kaniyang kasintahan. Habang sa kaliwang kamay naman niya ay isang malaking box na nag lalaman ng cake.
Tinahak niya ang pasilyo papunta sa unit ni Ara. Ngunit sa gitna ng kaniyang pag lalakad ay may narinig siyang hindi niya nagugutushan. May bigat sa kaniyang dibdib ang nag bibigay kaba sa kaniya. Nanlalamig ang kanyang palad at ang kaniyang mga paa ay tila ayaw nang tumuloy.
'Stop, self. Nothing's bad gonna happen.'
Nasa pinto pa lamang siya ng unit ng kaniyang kasintahan nang makarinig siya ng ungol. Sa sobrang kaba wala na siyang ibang naisip na dahilan ng ungol na iyon. Hindi niya lubos maisip na pag tataksilan siya ng kanyang kasintahan.
Ngunit kinalma niya ang sarili niya at nag isip ng ibang dahilan.
'Baka nanonood lang yun ng porn, Hahaha. Napakahilig talaga. Mahal niya ako at alam ko na hindi niya ako kayang lolokohin. Kailangan niya pakalmahin ang sarili niya kun'di, hindi na niya alam ang mangyayari.
Nagpakawala naman siya ng malakas na hininga bago binuksan ang unit ng kaniyang kasintahan. Dahan-dahan niya ito binuksan at lumantad sa kaniya ang nagkalat ng mga damit sa sofa. Dinampot niya 'yon at sa kaniyang pagkakaalam na pang-lalaki ang pantalon na 'yon. Mas lalo lumakas ang ungol nang tunguin niya ang pintuan nang kwarto ng kaniyang kasintahan.
Hindi naman nakalock ang pintuan kaya binuksan niya ito.
Natuod siya sa kaniyang kinatatayuan sa kaniyang nasaksihan. Galit at lungkot ang kaniyang nadarama. Kaya pala wala ng oras sa kaniya ang kaniyang kasintahan dahil nagpapasarap ito habang wala siya. Nagngingitngit ang kaniyang kalamnan, gusto niya ito saktan para iparamdam sa kaniya ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
He saw his girlfriend having an intercourse with an unfamiliar guy. Ang kaniyang mundo ay huminto na masaksihan yon. It hurts him when he saw his girl making love with another man.
Hindi sinasadya na nabibitawan niya ang kaniyang mga dala kaya napalingon ang dalawa sa kaniyang kinaroroonan. Ang pighati ay napalitan ng galit, nanginginig ang kaniyang mga kamay sa sobrang galit nadarama.
Mas lalo nag-alab ang kaniyang galit na hindi bakas ang pagsisisi sa kaniyang kasintahan sa pagtataksil na ginagawa, bagkus blangko lang siya nito tiningnan at pinagpatuloy ang kababuyan na ginagawa.
Napakuyom na lang siya ng kamao at dali-daling hinatak ang hindi pamilyar na lalaki. Sinuntok niya ito kaya ito natumba. Dali-daling niya ito sinakyan at pinagbubugbog.
"Josh, tama na!'' Akmang aawatin siya ng kaniyang kasintahan pero tinulak niya lang ito at napahiga sa kama.
Hindi na nakalaban ang lalaki dahil sa suntok na pinakawalan ni Josh. Halos mapuno ng pasa ang mukha ng lalaki na ani mo'y ginawang itong punching bag ng binata.
Sinakal niya ang kaniyang kasintahan dahil sa nag-aalab na galit na nadarama. Hindi niya lubos maisip na pinagtaksilan lang siya nito.
"H-Hindi ako makahinga," Mas lalong diniin pa ni Josh ang kaniyang pagkakasakal sa dalaga.
"Walang hiya ka! Kaya pala lagi ka nalang humihingi sa'kin ng pera! Para lang pala sa luho ng lalaking ito!" Umaalingawngaw na sigaw ni Josh sa dalaga. Pinagsasampal niya ang dalaga ng paulit-ulit kaya nagkapasa ang pisnge nito.
Hindi inalingtana ni Josh ang hubad na katawan ng dalaga. Mas nanatiling ang galit sa kaniyang puso. Hindi niya lubos maisip na hinuhuthutan lang siya nito.
Inalis niya ang pagkakasakal dito at baka mapatay lang niya ito ng wala sa oras.
Habol hininga ang dalaga at nanakit ang kaniyang pisnge at leeg dahil sa pagkakasampal at pagkakasakal ng binata.
Masamang niyang tiningnan ang binata pero walang ekspresyon lang ang ginanti nito sa kaniya.
"You don't have the right to hurt me!" Galit niyang ani habang dinuduro-duro ang binata.
"I have all the rights because I'm going to be the next mafia boss. Ano mang oras ay pwede kitang patayin. You're wrong that you betrayed me," wika ni Josh na may halong pagbabanta sa bawat pagbigkas ng kaniyang sinasabi.
Napalunok na lang ang dalaga dahil sa nakakatakot na boses ni Josh. Parang naiihi na siya sa sobrang takot na patayin siya nito.
Mahal ko pa ang buhay ko.
"I'm sorry, babe. Please forgive me. Magbabago na 'ko. Lasing lang kasi ako kaya hindi ko alam ang pinaggagawa ko," pagmamakaawa niya sa binata subalit blangkong ekspresyon lang siya tiningnan nito.
"Ako ba Lea ang pinagloloko mo? Sinong tanga ang maniniwala sa'yo? Hindi ka nga amoy alak. Piliin mo ang maloloko mo. Hindi na ako magpapaloko sa'yo," Tumalikod ito at akmang bubuksan ang pinto. Lumingon ito at inikutan niya ang dalaga habang pinapasadaan ng nakakamatay na tingin.
"By the way, tapos na tayo. At 'wag na 'wag kang magpapakita sa'kin. Ayaw ko makakita ng malandi at makating babae na kagaya mo," Tumalikod uli ito at pabagsak na binuksan ang pinto para lisanin ang lugar na nagbigay ng sakit at pighati sa kaniya.
Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang halikan siya nito sa kaniyang labi.
Wala pa rin pinagbago ang labi niya, it's still soft.
Erase! Erase! May fiancee ka na, Joshua.
Pilit siyang kumakalas sa pagkakahalik nito sa kaniya pero mas lalong idiniin ni Lea ang pagkakahalik sa kaniyang dating kasintahan.
I miss him.
I miss his kissable lips.
I miss everything.
Samantala, nagtataka naman si Ara na mukhang balisa at kinakabahan na makita siya ng secretary ni Josh.
"Hello, pwede ba ko pumasok?" Pagtuturo niya sa glass door ni Josh.
"Ah eh k-kasi ano."
"Are you ok, miss? Bakit parang balisa ka?" Nag-aalalang tanong niya sa secretary ni Josh.
"Okay lang po ako," mahinhin niyang sagot.
"Pwed--"
Hindi na natuloy ang kaniyang sasabihin na makarinig ng kalampag na nanggagaling sa loob ng opisina ni Josh.
Namamawis ang kaniyang kamay sa sobrang kaba na baka may masama na nangyari sa kaniyang nobyo.
Kahit pinipigilan siya ng sekretarya ay patuloy niya pa rin binuksan ang glass door. Ang kaniyang mundo ay napahinto nang masaksihan iyon.
She had felt that her body was dead. Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ni Josh. Her tears that she was controlling starts to fall. Parang bombang sasabog ang kaniyang puso dahil sa kaniyang nasaksihan.
She saw her loving fiance kissing with an unfamiliar girl.
Parang hiniwa ng isang libo ang kaniyang puso dahil sa sakit na dinulot nito. She can't believe na magagawa sa kaniya ni Josh na lokohin siya. She felt as though her soul and energy were being absorbed by the deception it had inflicted on her.
Ang kaninang sakit na kaniyang nadarama ay napalitan ng galit.
He doesn't deserve any of my tears. I'm Precious Ara Ongcuangcos, I'm not the mafia queen for nothing. Hindi dapat nila makita na mahina ako. I'm not the old Ara na mahina.
Ang kaninang pighati na nararamdaman ni Ara ay napalitan ng nag-aalab na galit, anumang oras ay gusto niya manakit para iparamdam ang sakit nang kaniyang nararamdaman sa mga oras na 'yon.
Napakuyom niya ang kaniyang kamao kaya nabitawan niya ang kaniyang dalang cake at spaghetti na naging sanhi ng ingay. Napalingon ang dalawa sa kaniya na kapwang nagulat.
"Happy anniversary my ex fiance. Thank you for your wonderful surprise for me. I really appreciated it," blangkong ekspresyon na pagbati ni Ara na may halong pagkasarkrastiko.
"Who are you, bitch?" Tila napantig ang tenga ni Ara na tawagin siyang bitch ng lintang 'yon.
"I'm your darkest nightmare na hindi mo malilimutan," malamig nitong sagot at akmang bubuksan ang door glass pero agad hinatak ni Josh ang kaliwang kamay ni Ara kaya nauntog ito sa matigas na dibdib ng binata.
"Let me explain," mahina niyang usal.
"Wala ka ng kailangan ipaliwanag," walang ekspresyon nitong sabi at akmang lalabas na siya ng pinto pero hinila parin siya ni Josh kaya napasubsob ito sa matipunong dibdib ng binata.
Tila namanhid ang pisnge ni Josh na nakatikim siya na malakas na sampal na pabalik-balik.
"Let me go, jerk," mariin nitong saad kaya binitawan niya ang kamay ng dalaga.
Padabog na nilisan ni Ara ang opisina ni Joshua.
Nagwala si Josh dahil matinding kaba na nararamdaman na baka hindi na siya balikan ni Ara. Pinaghahagis niya ang mga gamit niya na nakalagay sa mesa. Pati mga papeles na dapat niya pirmahan ay hindi niya rin pinalagpas. Wala siyang pake na mawala sa kaniya lahat, 'wag lang ang pinakaminamahal niya si Ara.
Halos nasira na niya ang lahat ng gamit niya sa kaniyang opisina. Pati ang mga trophies ng papa niya ay hindi niya pinalagpas.
This can't be!
Napasabunot na lang siya sa kaniyang sariling buhok dahil sa matinding frustration na nararamdaman.
Nagtangis-bagang siya na mapabaling ang kaniyang tingin sa babaeng sumira ng relasyong nila ni Ara.
"You! You ruined everything!" Umaalingawngaw na sigaw ni Josh habang nanlilisik ang kaniyang mga mata dahil sa galit.
"You're mine, Josh. I'm ready to be a criminal, mapasa'kin ka---"
Hindi na natapos ang kaniyang sinabi na nakatikim siya ng malutong na sampal galing kay Josh.
Hindi ininda ni Lea ang sakit dahil sanay na siya masaktan ng paulit-ulit.
"Leave! I said leave! Now!" Nagpupuyos sa galit na sabi ni Josh.
Natakot naman si Lea sa boses ni Josh. Tagaktak ang kaniyang pawis sa noo dahil sa kaba. Kahit labag sa kalooban ay nilisan niya ang opisina ng dating kasintahan.
Samantala, nasa rooftop si Ara ng hide out nila sa Mafia habang may dalang isang case ng alak. Matatanaw dito ang mga ibon na tahimik na lumilipad. Ang mga naglalakihang building na pinagmamay-ari ng mga kilalang tao sa buong bansa.
Dali-dali niyang tinuga ang isang bote ng beer para maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman.
"I g-gave my heart to you, m-my all to you. P-pero bakit gano'n? Niloko mo parin ako. Kailan ba ako sasaya? Kailan? I trusted your promises and your words full of hopes pero lahat nang binitawan mong salita ay hindi mo tinupad,'' Natumba si Ara sa kaniyang kinatatayuan dahil hinang-hina na siya.
Biglang kumulimlim ang kalangitan na tila nakikisabay sa pighati na nararamdaman ni Ara.
Binato ni Ara ang walang lamang bote ng alak sa pader ng rooftop kaya nakalikha ito ng ingay.
Nanginginig na kumuha uli siya sa case ng isang pang alak at tinungga 'yon. Napaso ang kaniyang lalamunan dahil sa sobrang pait ng lasa nito.
"I hate you, Josh! I hate you! But at the same time I still love you," Unting-unti bumuhos ang malakas na ulan na tila nakikiramay sa sakit na nararamdaman ni Ara. Hindi alintana ni Ara ang basang katawan dahil sa sakit na nadarama.
Nakarinig siya ng tugtog sa kabilang building na tilang naaapektuhan siya sa musika na kaniyang naririnig.
"You're the only one I wish I could forget,
The only one I love to not forgive,
And though you break my heart,
You're the only one~"
Nanghihina siyang tumayo pero dahil sa tama ng alak ay natumba nalang siya. Namumula na ang mukha ni Ara dahil sa tindi ng epekto ng alak sa kaniya. Her heart swelled in pain, so strong that her eyes can't help but tear up
Her eyes widen, "No! this can't be!" She held onto her chest, the pain was unbearable.
It was more horrible than any injury.
"And though there are times when I hate you 'cause I can't erase,
The times that you hurt me and put tears on my face,
And even now while I hate you, it pains me to say,
I know I'll be there at the end of the day~"
Naninikip ang kaniyang dibdib dahil sa pagod na kakahagulgol.
"Kakapal ng mukha nila! Sumakit dibdib ko, mas masakit pa kaysa sa kahit anong sugat," naluluhang sigaw niya sa kawalan.
"P-pagod na ako. H-hindi ko na kaya," nanghihina niyang saad.
"Ganun nalang yon? Susuko ka nalang? Napakahina mo, Ate," Napalingon si Ara sa kaniyang likuran kung saan nanggagaling ang boses na 'yon.
"H-hindi ibig sabihin na sumuko ako ay mahina na ako. T-tao rin ako nasasaktan at napapagod. Hindi ako parang robot na manhid. I need to rest. Gusto ko lang ipahinga ang puso kong na winasak niya. Kailangan kong sumuko para hindi na masaktan muli," nanginginig niyang sagot.
"Pero ate, parte ng pagmamahal ang masaktan. Hindi ka nagmamahal ng totoo kung hindi ka masasaktan. It just a challenge. Binibigyan lang kayo ng pagsubok para mas mapatibay ang pagmamahalan ninyo."
Napabalik sa katinuan si Ara dahil sa sinabi ni JM.
Does he deserve a second chance?
"Gaya ng robot, kahit nauubusan siya ng battery ay lumalaban pa rin siya para sa taong binibigyan niya ng kaligayahan.''
"Robot. Nagpapahinga rin sila diba? Napapagod? Pero ginagawa nila ang lahat para maging malakas. Kaya ikaw ate magpalakas ka."
He's right, pero natatakot ako baka saktan niya ulit ako. Ayoko na masaktan. I'm tired.
"Pag-usapan ninyo po ang problema ninyong dalawa. Hindi maayos ang alitan kung hindi mapapag-usapan. Halika na po, ate. Iuwi na kita para may lakas kayo mapag-usap bukas," Itinayo ni Jm si Ara at inalayan bumaba ng rooftop.
I do everything para maayos ang relasyon namin. Kung sinong mang linta ang lumapit kay Josh ay kakalbuhin ko.
"Sa gwapo naman ni Kuya Josh, imposibleng walang maghabol na babae do'n," humahagikgik niyang saad.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Ara kaya nagpeace sign lang si Jm.
Napaigtad ang dalawa na makarinig siya ng bagong kanta na ngayong lang narinig.
"Kung gusto mo kayo ay magkabati,
humanap ng tiyempo, humanap ng tiyempo, at pag-usapan. Break it down yow~"
"Ate, pinariringgan ka ng rapper ng kapitbahay," humahagikhik niyang saad.
Hindi nalang niya ito pinansin, bagkus tulala lang ito at pinag-iisapan ang mga sinabi ni Jm.