Chereads / That Aggressive Girl / Chapter 26 - chapter 25

Chapter 26 - chapter 25

Albert's POV

Kasalukuyan akong nasa hardin na napapalibutan ng maraming mapupulang bulaklak na paborito ng aking asawa. Meron ding mga iba't ibang klase na halamang gamot ang itinanim rito.

Nilalanghap ko ang sariwang hangin para maibsan ang aking pangamba sa aking bunsong anak. Hindi ko lubos maisip na ako ang sinisisi ni Lea sa pagkamatay ng tunay niyang ina.

Anak ko si Lea sa ibang babae. Lubos akong nagsisisi na pumayag ako na magpakasal sa nanay ni Lea na si Kelly. Hawak ako sa leeg ni daddy, kung hindi daw ako magpapakasal ay mawawalang ako ng mana.

Nakipaghiwalay ako kay Loren para magpakasal kay Kelly. Sobrang akong nagsisisi na nakipaghiwalay ako sa taong lubos kong iniibig.

Kung sana hinayaan ko na lang na wala akong matanggap na mana ay hindi gugulo ang buhay ko at hindi kami magkakasira ng anak ko. Napaluha na lang ako, mahal na mahal ko si Lea. Wala siyang kasalanan sa alitan namin ng mommy niya.

Napaluha na lang ako sa tuwing naalala ang masasayang ala-ala naming ni Lea.

-

"Daddy, I want ice cream. Bili mo ko dati," nakangusong niyang turan sabay hila sa aking patungo sa ice cream vendor.

"Lea, dahan-dahan lang. Baka madapa ka," pagsisita ko dahil ang bilis nitong maglakad.

Nginusuhan lang siya nito kaya ginulo ko ang buhok niya.

"Stop it, daddy," naiiritang nitong saad habang nakakunot.

"Kuya, pabili nga pong ice cream." Inaabot ko ang bayad.

"Kuya, cheese flavor po ang gusto ko," masigla nitong ani.

"Sige, iha." Inabot sa kaniya ang ice cream na binili namin.

Tinungo namin ang upuan na gawa sa kahoy. Nasa park kasi kami ngayon para makapagbonding kaming mag-ama. Maraming mga bata na naglalaro dito. Mga kasing edaran niya.

"Daddy." Nilagyan ako ni Lea ng ice cream sa mukha.

"Ikaw ah." Nilagyan ko rin siya kaya napatawa kami sa isa't isa. Ang lalagkit na mukha namin.

-

Napaigtad ako nang may tumawag sa 'kin mula sa likuran.

"Love?" Nanginginig akong lumingon sa taong sinaktan ko noon. I don't deserve her. Masyado siyang mabait para saktan.

"Love, are you okay?" Tanong nito na may halong pag-aalala.

Hindi ko ito sinagot. Ayaw ko na madamay siya sa problema ko. Siguro karma na 'to, kaya hindi ako mapatawad ni Lea dahil sa pang-iiwan ko kay Loren.

Hinawakan ni Loren ang magkabila kong pisngi. "Love, why are you crying?" May bahid na pag-aalalang tanong niya sa 'kin.

Umiling ako dito at tumalikod. Nakakabakla man isipin pero hindi ko mapigilan na lumuha sa nangyayari. Walang magulang na hindi kayang tiisin ang kanilang mga anak, pero may anak ba kaya na kayang tiisin ang mga magulang?

"Love, look at me." Hindi ko ito nilingon bagkus ay naglakad lang ako papalayo sa kaniya. Hindi ko siya kayang tingnan. Ayokong makita niya na mahina ako. Naturingan pa naman akong padre de pamilya. Dapat ako ang mag-aalaga at magpapatahan sa kanila pero hindi e, mahina ako, ang hina ko.

Hinila ako ni Loren kaya napaharap ako sa kaniya.

"Love, what is your problem? Spill it now!" mariin nitong pagkakasabi na halatang inis na sa 'kin.

Umiling ako at akmang aalisin ko na ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso ngunit mas diniin niya lamang ito.

"Hindi kita titigilan hangga't hindi mo nasasabi sa 'kin ang problema mo. My god! Albert! Asawa mo 'ko. Para saan pa na nagpakasal tayo kung hindi mo naman sinasabi sa 'kin ang problema mo. Asawa mo 'ko, Albert! Problema mo ay problema ko rin," naiinis nitong saad.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Panigurado akong hindi ako titigilan nito hangga't hindi ko nasasagot ang katanungan niya.

''Love, inaalala ko lang si Lea. Kung kailan niya ako mapapatawad. Miss na miss ko na 'yung anak ko. Miss ko na ang mga yakap niya at ang mga lambing niya." Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya sa pag-agos.

"Mahal ka ng anak mo, love. Baliktarin man natin ang mundo, ikaw pa rin ang ama niya. Hndi magbabago 'yun. Mapapatawad ka rin n'on sa tamang panahon. Hayaan mo munang lumipas ang galit niya na ikinikimkim niya sa kaniyang puso.'' Pinunasan niya ang mga natuyong luha na natira sa aking pisngi.

Nakakabakla man na babae ang nagpapatahan sa akin pero hindi ko mapigilan e. Hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki ang umiyak. Mas tunay kang lalaki kapag hindi mo kinikimkim ang mga emosyon mo. Baka 'pag ikinimkim, sa huli ay parang bombang sasabog.

"Tahan na, love. Ako ata ang nagmumukhang lalaki. Ako pa ang nagpapatahan sa 'yo. Gusto mo ata dumede sa'kin," natatawang biro niya.

Napailing na lang ako sa inasal niya. Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang biro mo.

"Oo. Gusto ko dumede." Pilyo akong ngumiti kaya napalunok siya. "Hindi lang yon." Lumapit ako sa kaniya, samantalang siya ay paurong nang paurong. "I want you.'' Palapit na ako nang palapit sa kaniya hanggang sa wala na siyang maurungan. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mapupulang labi.

Nagulantang ako sa pilyo niyang ngiti.

"You want me?" Malandi nitong tanong at minamasahe ang matitipuno kong dibdib.

Aba! Palaban ah.

Napadaing ako nang sinipa niya ang pagkalalaki ko kaya napakawalan ko siya mula sa pagkakacorner ko.

"A-ahhh!" mahinang daing ko.

"Diyan ka na nga, maniac! Mabaog ka sana!" Naiinis nitong ani at papadyak na umalis.

Napailing na lang ako at minasahe ang alaga ko. Wala pa rin siya pinagbago, aggresibo pa rin.

Lea's POV

Nandito ako sa hide out ng De Chavez Mafia Organization. Nanginginig ang mga kamay ko na pinagsasaksak ang mga litrato na nakadikit sa dingding.

Napakuyom na lang ako ng kamao. Labis kong kinamumuhian si Papa. Nang dahil sa kaniya ay inatake sa puso si Mama kasi pinagpalit niya kami sa walang kwenta niyang pamilya.

Napaluha ako sa tuwing naaalala ang mga pangyayari na naging dahilan nang pagkawala ni mama na wala akong nagawa.

-

"Albert! Saan ka naman ba galing!? Lagi kang hinahanap ng anak natin! Lagi ka na lang wala!" Umaalingawngaw na sigaw ni mama kay papa.

Napaluha na lang ako sa aking nasaksihan. Kailan kaya matutuhang mahalin ni papa si mama? Kailan kaya kami sasaya?

"Galing ako sa anak ko na naaksidente." Blangkong ekspresyon na turan ni Papa habang nakapagsalikop ang dalawa niyang braso. At may kung anong kinukuha sa kaniyang bag.

Napakuyom na lang ako ng kamao. Wala ba talagang halaga kami ni Mama kay Papa? Lagi na lang siyang nangdoon sa lintek na pamilya niya! Hindi pa ba kami sapat?!

Napaluha ulit ako sa mga katanungan na bumabagabag sa isipan ko. Pagod na 'kong umiyak! Pagod na 'kong lumuha pero hindi ko na kayang pigilan...

"How dare you to do that?! Mas inuuna mo pa 'yang kabit mo kaysa sa tunay mong pamilya--"

Napaigtad ako nang sampalin ni papa si mama. Nanginginig ang mga kalamnan ko sa'king nasaksihan. Paano nagawa ito ni papa kay mama? Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nakita na sinaktan ni papa si mama. Oo lagi silang may alitan pero nakakagulat na ngayon.

Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na lumabas sa pinagtataguan ko. Baka kung ano pa ang magawa ni papa kay mama. At iyon ang hindi ko hahayaang mangyari. Mahal ko silang dalawa pero hindi na tama ang ginagawa niya kay mama.

"Ma? Pa? Tama na po yan. Nagkakasakitan na kayo," maluha-luhang kong saad.

Nagulantang ako sa nakakatakot na awra ni papa nang tumingin kay mama. Nakayuko lang si mama habang sumisinghot na halatang umiiyak ito.

"You don't have fucking rights to insult her! Siya ang mahal ko! Hindi ni kailanman kita mamahalin! 'Wag ka nang mangarap! Wake up, Kelly! Sa matindi mong ilusyon!" mariin na pagkakasabi ni papa habang dinuduro si Mama.

Napaluha na lang kami ni mama. Ngayon ko lang nakita na galit si papa. Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang papa ko. Parang ibang tao na siya.

"Maghiwalay na tayo," walang ekspresyon nitong sabi kay mama at sabay abot ng isang brown envelope.

"Please don't do this to me. I'm begging you. I'll do everything you want, just don't leave me. Mahal na mahal kita," pagmamakaawa ni mama kay papa sabay luhod sa harapan nito.

"Really? You'll do everything?"

Naluluhang tumango si mama. Awang-awa ako sa nangyayari ni mama. Matinding galit ang nararamdaman ko kay papa sa lahat ng sakit dulot niya kay mama. Hindi na siya ang papa ko na minahal ko.

"Then, sign this fucking devorce paper!" Maawtoridad na utos ni papa kay mama.

"I can't. I'm begging you." Hinawakan ni mama ang magkabilaang-hita ni Papa. Habang si papa ay blangkong ekspresyon lang itong tiningnan.

"You look desperate, woman! Remove your fucking hand in my feet!" naiiritang saad ni papa habang tiningnan ito na nakakadiri.

Napalingon naman si papa sa 'kin kaya biglang lumambot ang awra nito.

"Lea, simula ngayon sa 'kin ka na titira." Hinila ako ni papa kay mama.

"Ayokong sumama sa 'yo. Hindi na ikaw ang papa ko na mahal na mahal kami." Pilit akong nagpupumiglas kay papa ngunit madiin itong nakahawak sa braso ko.

"I don't have fucking care kung ayaw mo. Basta sumama ka sa 'kin. Hindi ko hahayaang nasa babaeng 'yan ikaw lumaki," mariin nitong pagkakasabi. Samantala ako ay todo ang pagpupumiglas. Subalit mas dumiin ang pagkakahawak ni papa sa 'kin kaya napadaing ako sa sakit.

Nagulantang kami nang biglang sumigaw si Mama habang hawak-hawak ang dibdib nito.

"A-albert!" Napaluha akong na mawalan ng malay si mama.

Dead on arival na siya bago sinugod sa ospital.

-

Napaluha na lang ako sa tuwing naalala lahat ng sakit na naranasang namin ni mama.

Hindi kailanman akong humingi ng tulong kay papa na pangsuporta ko sa pag-aaral. I don't need him.

"Wag kang mag-alala, Mama. Ipaghihiganti kita! I will make them beg!" mariin kong pagkakasabi sabay saksak sa litrato ng Pamilyang Ongcuangcos.

"Lalo ka na, Ara! Hindi ko hahayaan na sumaya ka! Inaagaw mo sa amin si daddy kaya aagawin ko din sa 'yo ang taong mahal mo! Mark my word, sis!" Nagyosi ako at parang dragon na binuga ang apoy.