Chereads / That Aggressive Girl / Chapter 23 - Chapter 22

Chapter 23 - Chapter 22

Nagdiwang si Chai dahil nakalaya na siya mula sa pagkakakulong.

May malaking ngiti sa kaniyang labi habang bumabyahe siya papunta sa mansyon na kanyang titirhan dahil dito muna sya pansamantalang manunuluyan.

Makalipas ang ilang oras, narating na niya ang mansion ng kaniyang tiyahin. Malawak ang espasyo nito. Meron mga iba't ibang bulaklak na nakadisplay sa labas ng mansyon na mas lalong nagpapaganda sa bahay. Sariwang hangin ang sumalubong sa'kin.

Pagkapasok niya sa mansion ay sinalubong siya ng mga security guards at maid, nagbigay ito ng galang sa kaniya. Hindi na niya napansin ang mga paggalang nila sapagkat na toon ang kaniyang atensyon sa pagmamasid sa bawat sulok ng mansion.

Kumislap ang kaniyang mga mata sa kaniyang nasaksihan. Nakakasabik manirahin sa mansyon na ito na tila malapalasyo ang disenyo. Malawak ang espasyo rito. Merong champagne, may mga paintings ng mga kilalang gangster at mafia sa buong bansa, may malawak na swimming pool at may garden din.

"Welcome home, Chai," nakangiting salubong ni Vernice kay Chai sabay yakap nito sa kaniya nang mahigpit. Kumalas naman agad sila sa pagyayakapan.

"Pinaayos ko na ang magiging kwarto mo, hija. Sana mag-enjoy ka sa paninirahan mo dito," malambot na boses nitong sabi habang ginugulo ang buhok ko.

"Diyan ka muna matutulog," malambing na sabi ni Tita sabay turo sa kulay pink na pintuan at agad itong lumisan.

Dali-daling binuksan ni Chai ang kaniyang magiging kwarto at lumantad sa kaniya ang kulay pink na paligid, may mga champagne, may mini table at may nakalagay doon na laptop, at sa tabi ng maliit na sopa ay may pinto kung saan ang banyo at kulay rosas na queen-sized bed."

Lumundag si Chai sa kama dahil sa sobrang pagod na nadarama. Pero nawala ang lahat ng kaniyang saya sa tuwing naalala si Ara, ang taong nagpahirap sa kanya.

Nakatulala si Chai sa kawalan. Pinag-iisipan niya ang mga gagawin niya kay Ara para mapabagsak ito. Sa hindi inaasahan, napaluha si Chai dahil hindi niya lubos maisip ang mga sarili niyang magulang ay tinakwil siya at tanging si tita lang niya ang maaasahan niya sa mga panahon na ito.

'How did they do this to me? Anong klaseng magulang sila para gawin 'yon sa'kin?'

Nagising si Chai sa malilim na ilusyon. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha na dumadaloy sa kaniyang mga mata.

Napakuyom na lang siya ng kamao. Nang dahil daw kay Ara kaya nasira ang tahimik niyang buhay.

Naalala pa niya ang mga panahon na pananakit ng mga ibang preso sa kanya.

"Hoy! Babae! Hilutin mo nga likod ko!" Maawtoridad na utos na isa sa mga kakusa niya.

"Hilutin mo mag-isa, bitch!" Masungit naman na pagkakasabi ni Chai sa babae.

"Aba! Ang kapal ng mukha mo para sagutin ako ng pabalang! Bago ka lang dito! Kaya kilalanin mo muna kung sino kinakalaban mo! Ayuko pumatol lalo na sa bata!" Singhal naman nito sa kanya.

"As if naman na natatakot ako sayo! Duhh,"sagot naman ni Chai na may halong pagkasarkastiko.

"Aba! Namumuro ka na sa'kin!" Naiinis nitong sabi kay Chai.

"Master, mukhang hinahamon ka oh. Patikimin mo nga!" Maangas na pagkakasabi ng isa sa mga preso na mukhang naman unggoy.

Inirapan lang sila ni Chai at babalik na sana sa kaniyang pagtulog na saksakin siya ng isa sa mga kapreso niya sa tagiliran.

"A-ahhh!" Napahiyaw sa sobrang sakit.

"Ganyan ang napapala ng mga kumakalaban sa'kin! Wala ako pinipili! Matanda man o bata kaya kong patayin!" Malademonyong niyang pagkakasabi sabay gabot sa buhok ni Chai at kinaladkad siya nito papunta sa banyo. Paulit-ulit siya inilublob sa inidoro na may ihi.

"Tama na po. Hindi na po mauulit," pagmamakaawa niya subalit bingi ang mga ito at ipinagpatuloy ang pagpapakahirap sa dalaga.

Napaluha na lang si Chai sa tuwing naalala ang lahat ng hirap na naranasan niya sa kulungan.

'I will make sure that you will pay for this!'

Nagwala si Chai sa kaniyang kama. Pinagsusuntok niya ito, hanggang sa lumabas ang mga bulak ng kaniyang unan. Inawat naman siya ng kaniyang tita.

"Demonyo silang lahat! Mas magiging demonyo ako para sa kanila! Nang dahil sa kanila kaya nasira ang buhay ko! Ginawa nila akong demonyo pwess itong demonyo na 'to ang papatay sa kanila!''Singhal ni Chai sa kawalan dahil sa sobrang galit nadarama

Lumukot ang mukha ni Vernice na masilayan ang paghihirap ng kaniyang anak. Hindi niya lubos maisip na mali ang desisyon niya na ipaampon ang kaniyang nag-iisang anak sa kaniyang kapatid. Lubos siyang nagsisisi sa kaniyang desisyon. Salat siya sa pera ng mga panahong 'yon kaya napilitan siyang ipaampon ito sa kaniyang kapatid.

Pinapangako niya sa kaniyang sarili na babawi siya sa anak at tutulungan niya itong mapabagsak ang nanakit dito.

Sa kabilang banda, uminom ng malamig na tubig si Chai para pakalmahin ang kaniyang sarili. Huminga siya nang malalim para maisagawa na ang kanyang plano laban kay Ara. Tumawag siya sa kaniyang telepono para sa tawagan ang kaniyang personal private investigator. Nag-ring muna ito ng tatlong beses bago ito sagutin.

"Hello, how can I help you?" Seryosong tanong ng kaniyang personal private investigator sa kabilang linya.

"Any news about Ara? Is she already found? Who was the person behind it?" Seryosong tanong ni Chai sa kaniyang private investigator

"According on the records, the police haven't found any information yet," seryosong naman nitong sagot.

Napangiti na lang si Chai sa kanyang nabalitaan. Tuwang-tuwa siya na sa wakas na may magiging kakampi na siya sa pagpapabagsak at pagpapahirap kay Ara.

'Finally! Ang matagal ko hinihiling na mawala si Ara ay nagkatotoo na.'

Napabalik siya sa realidad nang magsalita ang kausap niya sa telepono.

"Anything else ma'am?" Malumanay nitong tanong kay Chai.

"Nothing. Thanks for the information," seryosong sagot ni Chai at pinutol ang linya.

Ngiting tagumpay ang makikita mo sa labi ni Chai.

"Watch me, my dearest ex-bestfriend," she said  while laughing like an evil demon.

Sa kabilang dako, nasa secret room si Leo. Magulo at madilim ang lugar. Walang sinuman ang makakarinig sa usapan nila, kahit magsigawan pa ito. Kinakausap niya ang kaniyang mga tauhan para utusang ipapatay si Chai.

"Inuutusan ko kayo na patayin si Chai. Palabasin ninyo na aksidente ang nangyari. Dapat walang makukuhang ebidensya na laban sa'kin. Is that clear?" Maawtoridad niyang pagkakasabi sa kaniyang mga tauhan at sabay bigay ng kapirasong litrato na pinaprint lang niya kahapon.

" Opo," sabay-sabay nilang sagot na tilang sumasaludo sa amo.

Sinuri naman ng kaniyang mga tauhan ang naturang litrato na para bang kinikilala nila ito. At dali-dali sumakay ng van ang kaniyang mga tauhan para isagawa ang kaniyang inuutos.

'Handa kong dungisan ang buong pagkatao ko para sa ikakasaya mo, mahal ko.'

Sa kabilang banda, nakaramdam ng gutom si Chai kaya naisipan niyang pumunta sa mcdo na malapit lang sa mansion. Inaayos niya ang kaniyang sarili at kinuha ang kaniyang pitaka sa mesa. Umalis kasi papuntang trabaho ang kaniyang tita kaya mag-isa lang siya sa mansion, maliban lang sa mga security guards at maid. Ayaw naman niya magpaluto sa maid dahil ayaw niya ang mga putahe na niluluto nito. Hindi na siya nagpapasama sa mga bodyguard dahil ayaw niya na may bumubuntot sa kaniya palagi. Nasa garahe pa lang siya ng mansion ay nakaramdam siya ng kaba na tilang may nakamasid sa kaniya. Pinagsawalang-bahala na lang niya ang kaba na nararamdaman at buong loob na naglalakad sa tabi ng kalsada.

Nasa tapat na siya ng pedestrian line para tumawid pero marami pang dumadaan na mga sasakyan. Naghintay siya ng ilang minuto para maging green ang traffic light na sensyales na pwede na tumawid. Napansin niya na wala siya kasabay tumawid, bagamat mag-isa lang siya nakaabang sa pedestrian lines.

Habang tumatawid siya sa pedestrian lines, nakaramdam siya ng takot at kaba, hindi niya alam kung bakit. Napabalikwas siya nang may parating sa kinaroroonan niya ng dalawang itim na van. Malayo-layo pa ang kaniyang lalakarin papunta sa kabilang kalsada. Binilisan pa niya ang kaniyang pagtakbo para makarating sa ligtas na lugar pero huli na ang lahat dahil tumilapon na siya sa lupa, magkasunod na van ang bumundol sa kaniya.

Dumudugo ang kanyang ulo. Namanhid ang kanyang katawan dahil sa lakas ng impak nang pagkakabundol sa kaniya.

'This can't be. Hindi pwede ito maging katapusan ko. I need to revenge sa mga taong nagpahirap sa'kin.'

Pakiramdam niya na nabali ang kanyang mga buto dahil hindi man lang niya magawa bumangon.

Pinipilit ni Chai na bumangon pero lalo lang sumakit ang kaniyang mga kalamnan. Pilit niyang nilalabanan ang antok na kaniyang nadadarama pero hindi niya ito kinayanan.

Sa kabilang dako, nagwawala sa galit si Vernice nang madatnan ang kaniyang anak sa ospital na wala nang buhay. Napakuyom na lang siya ng kamao sa taong pwede gumawa sa kaniyang anak ay walang iba ang mortal nitong kaaway na si Ara.

'Hindi man lang ako binigyan ng pangalawang pagkakataon na makabawi kay Chai. Buhay ang kinuha nila sa'kin kaya buhay din ang nararapat na kapalit'

Napabalikwas siya na may tumawag sa kanya. Dali-dali naman niya ito sinagot

"Kayo po ba ang tita ni Chai?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"Ako nga ho. Sino po sila?" Malumanay naman na tanong pabalik ni Vernice.

"Mga pulis po kami. Nahuli na po namin ang mga taong sumagasa sa pamangkin ninyo. Kailangan ninyo po pumunta sa'min para sa pagsasampa sa kanila ng kaso," seryosong nitong sagot sa kaniya.

"Papunta na po," tipid niyang sagot pabalik at pinutol niya ang linya.

Hinaplos ni Vernice ang buhok ng kaniyang anak.

"I will promise to you na magbabayad ang taong nagpapatay sa'yo," gigil nitong sabi habang hinahaplos ang malamig na katawan ng kaniyang anak.

Kumaway muna si Vernice sa kaniyang anak at agad nitong nilisan ang morge.

Habang nagmamaneho si Vernice papuntang Police Station. Paulit-ulit niyang sinusuntok ang kaniyang manibela dahil sa matinding galit nadadarama. Gusto pa niyang makabawi sa pagkukulang niya sa kaniyang anak pero nawala na ang natitirang pagkakataon na 'yon dahil kay Ara. Sinisisi niya si Ara sa pagkawala ni Chai.

Hindi niya inaasahan na nakarating na siya sa Police Station. Pagkapasok niya sa entrance ng Police Station, sinalubong siya ng mga police.

"Kayo po ba si Ms. Vernice Elcano?" Seryosong tanong ng isa sa mga police habang may sinusulat.

'Feeling close! Hindi ba niya ako nabobosesan. Anong klaseng pulis 'to? Mga pulpol!'

"Ako nga. Where are the suspect?" Tanong ni Vernice habang nakataas ang kanyang kaliwang kilay.

"There," sabi nito sabay turo sa kulungan.

Nagdilim ang paningin ni Vernice kaya dali-dali niyang pinuntahan ang kulungan, pinagsusuntok ang tatlong preso na kakalabas ng kulungan. Agad naman siyang inawat ng mga pulis.

"Walang hiya kayo! Anong kasalanan ng pamangkin ko sa inyo para patayin ninyo?!" Singhal ni Vernice.

"Lasing po kami nun," seryoso nitong sabi.

"Lasing? Ginagawa mo ba 'kong tanga? Naabutan ko ang pamangkin ko na lasog-lasog ang katawan at sasabihin ninyo lang na aksidente ang nangyari!" Gigil na pagkakasabi ni Vernice sa mga suspek at akmang susugurin niya ulit ito pero inawat uli siya ng mga pulis.

"Mawalang galang na ho, ma'am. Maaari po kayong makasuhan sa pananakit sa kanila," seryosong sabi ng isang babaeng pulis.

'She's asshole! Para pagbantaan niya ko ng ganyan. Baka hindi mo kilala kung sino kinakalaban mo.'

Hindi nalang ito kumibo, bagkus sinamaan lang niya ito ng tingin.

"Let me go!" Sabi niya sa mga pulis kaya agad naman nila ito binitawan.

Huminga nang malalim si Vernice para pakalmahin ang kaniyang sarili. At matapang hinarap ang mga pulis.

"I want to file a case for murdering my beloved child!" She exclaimed to the police.

Tumango naman ang mga pulis dahil sa sinabi nito. Kaya dali-dali niya nilisan ang police station bago pa magdilim ang paningin niya sa mga suspek.

Sa kabilang banda, dumating ang isa sa tauhan ni Leo para ibalita nito sa kaniya na patay na si Chai.

"B-Boss, patay na po si Chai pero nahuli po ang iba sa mga tauhan," kinakabahang pagkakasabi nito kay Leo.

"Siguraduhin mong hindi magsasalita ang mga 'yon laban sa'kin. Kung magsalita naman, patayin!" Mariin nitong sabi habang kinukwelyuhan ang kaniyang tauhan.

Dahan-dahan naman ito tumango at agad nilisan ang lugar.

Huminga nang malalim si Leo at dali-dali tinahak ang kwarto ni Ara para bisitahin.

Sa kabilang dako, may masamang pinaplano si Ara para kay Leo. Balak nitong akitin si Leo para makatakas mula sa pagkakabihag ng binata at makapagsumbong sa mga pulis.

Napabalikwas na lang ang dalaga nang bumukas ang pinto at lumantad sa kaniya ang nakangiting si Leo.

Huminga nang malalim si Ara para pakalmahin ang kanyang sarili at parang maisagawa ang kaniyang plano.

"How are you, love?" Malambing na pagkakasabi ni Leo sa dalaga.

Lihim namang napairap ang dalaga sa inasal ng binata.

"I'm fine, halika tabihan mo 'ko," pag-aaya ng dalaga sa binata na may kahalong pekeng ngiti.

Nagulat na lang ang binata sa inasal ng dalaga. Hindi niya inaasahan na magiging ganun ang pakikitungo sa kaniya ng dalaga.

"Really? Are you sure?" Masaya nitong tanong sa dalaga na may kahalong gulat.

"Oo, bakit? Ayaw mo ba?" Masungit nitong tanong sa binata.

"Hindi naman sa ganun," malambing na pagkakasabi ng binata sa dalaga at tinabihan niya ito sa kama.

Lihim napairap ang dalaga sa inasal ng binata binata.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ng binata. Pakiramdam niya, daig pa ang nanalo sa lotto dahil sa sobrang saya na kaniyang nadadarama. Nagulat na lang siya na may pumupot na maliit na braso sa kaniyang tagiliran at nilingon niya ito, lumantad sa kaniya ang nakangiti na si Ara. Mas nagulat siya na halikan siya nito sa labi, tumugon naman siya sa bawat halik nito. Kapwang Hingal na hingal kumalas sa pagkakahalik sila sa isa't isa.

"Good night," malambing na pagkakasabi sa binata at nagtalukbong ng kumot.

"G-good night din," muntik na mautal na sagot ng binata habang namumula ang magkabilang tenga sa sobrang kilig at dahan-dahan niyang pinikit ang kaniyang mga mata para matulog.

Lihim na pinunasan ng dalaga ang kaniyang labi dahil nadidiri siya sa kaniyang ginawa. Ito lang ang naiisip niyang paraan para makatakas siya sa binata.

'Sisiguraduhin ko bukas ay mapapasunod kita sa gusto ko, Leo.'

Pinikit niya ang kaniyang mga mata para may lakas siyang maisagawa ang panibagong niyang plano.