Third Person's POV
Nasa mall ang binata at dalaga para bumili ng kanilang susuotin sa kasal at mga souvenir para sa bisita.
Maraming disensyo pinagpipilian ang dalaga. Meron floral gown na mukhang dyosa ang dating at meron shiny gown na mala-cinderella ang dating.
Mas nagustuhan ng dalawa ang floral gown dahil mahilig ito sa mga bulaklak.
Samantala, sobrang saya ang naramdaman ng binata nang makita ang kanyang minamahal na masaya. Tumitibok ang kanyang puso sa sobrang excited na maikasal sa taong minamahal.
"Josh, tara? Bili na tayo ng susuotin mo sa kasal," wika ng dalaga sa kanyang nobyo.
Tumango naman ang kanyang nobyo. Magkahawak-kamay nilang tinahak ang escalator para makapunta sa men's cloth.
Sinamahan ng dalaga na pumili ng damit na susuotin ng kanyang nobyo.
"Sweetheart, bagay sa'yo 'to," wika ng dalaga sabay pakita ng kulay blue na tuxedo ng tinernohan ng kulay black na slacks.
Agad naman sinukat ng binata ang tuxedo na pinakita ng kanyang nobya.
Lumabas ito sa fitting room para ipakita ang kanyang suot sa kanyang nobya.
Tumigil ang mundo ni Ara na makita ang kanyang nobyo na suot ang tuxedong kanyang inalok. Bumabagay ito sa kanyang postura na mas lalong kinagwapo ng binata.
"Sweetheart, bagay ba?" Tanong ng binata sa dalaga habang inaayos ang kwelyo ng tuxedo.
"B-bagay na bagay," sagot ng dalaga na muntikan na mautal.
Napangiti na lang ang binata dahil hindi makatingin nang diretso sa kanya mata ang kanyang nobya.
"Are you okay?" Nakangiting tanong ng binata sabay hawak sa magkabilaang pisnge ng dalaga.
Mas namula ang dalaga sa tensyon na nagaganap. May kung anong paru-paro na kumikiliti sa kanyang tiyan, sa tuwing hinahawakan siya ng binata.
"I-im okay. Tara? Punta na tayo souvenir store," pag-aaya ng dalaga na iniiwasan niya mautal.
Napangiti naman ang binata na mapansin na kinikilig si Ara. Pumunta si Josh sa fitting room para tanggalin sa kanyang katawan ang kanyang sinukat na damit, pinalit niya ang kanyang suot na pang-alis.
"Tapos ka na ba?" Naiinip na tanong ng dalaga sa binata.
"Malapit na," sigaw ng binata sa dalaga para marinig ang kanyang sagot.
Lumabas ang binata sa fitting room. Lumantad sa kanya ang mukha ni Ara na nakakunot. Napangiti na lang ang binata na mukhang inip na inip na ang dalaga sa kahihintay sa kanya.
"Ang tagal mo naman. Tara na? Baka gabihin tayo," wika ng dalaga habang nakabusangot.
Magkaakbay nilang tinungo ang souvenir store habang hawak ni Josh ang basket na naglalaman ng kanilang pinamili.
Pumili sila ng souvenir para ibigay sa bisita. Maraming disensyo ang nakadisplay. Nakakuha ng pansin nila ang souvenir na cake, nakatayo doon ang mag-asawang magkahawak-kamay. Kinuha nila 'yon at nilagay sa basket.
Dali-dali nila tinahak ang counter para makapag bayad. Malaki ang siningil sa dalawa dahil napakamahal ng floral gown.
Nakaramdam ng gutom ang dalawa kaya dali-dali nilang tinungo ang Chowking para umorder. Pinatake-out nila ang kanilang mga inorder dahil malapit na mag-gabi.
Naiihi ang binata kaya nagpaalam siya sa kanyang nobya na pupunta siya sa banyo. Bagong iwan ng binata ang dalaga sa parking lot ay niyakap niya ito ng mahigpit sapagkat nakaramdam ng kaba si Josh na para may masamang mangyayari.
Sa kabilang banda, may nakaabang na sasakyan na malapit sa parking lot, balak kidnaping ang dalaga.
"Maghintay ka lang dito, babalik ako," wika ng binata sa dalaga sabay halik sa pisnge ng kanyang nobya.
Nakaramdam ng kilig ang dalaga dahil sa inasal ng binata. Pakiramdam ni Ara na parang mahihimatay sa sobrang kilig nadarama.
Napabalikwas na lang ang dalaga na may humintong kulay black na van sa kanyang harapan. Masama ang kutob ng dalaga sa sasakyan na ito kaya kinapa niya sa kanyang bag ang kanyang baril para ipagtanggol ang kanyang sarili.
Lumabas sa sasakyan ang tatlong armadong naglalakihan lalake na may hawak na baril.
Kinabahan ang dalaga dahil hindi niya makita sa kanyang bag ang kanyang armas.
"Sumama ka sa'min nang maayos para hindi ka masaktan," maawtoridad na utos ng isang lalake na kulay blonde ang buhok.
Unti-unting lumapit ang dalaga sa kanila at hindi iniinda ang kaba nararamdaman. Inaagaw ng dalaga ang baril sa lalaki. Nagtagumpay naman niya ito agawin.
"Si---"
Hindi na natuloy ang sasabihin ng dalaga na may panyo tumakip sa kanya at nawalan siya ng malay.
Sa kabilang banda, may isang lalaki na nakatitig sa isang babaeng mahimbing natutulog. Mahal na mahal ng lalaki ang dalaga, handa niyang gawin ang lahat para sa ikakasaya ng kanyang minamahal.
Nagtangis-bagang ang lalaki sa tuwing naalala si Josh na laging kasama ng babae nasa harapan niya. Napakuyom nang kamao ang lalaki sa tuwing naiisip na magkahawak-kamay na magkasama sina Ara at Josh.
Tumawag ang lalaki sa kanyang mga tauhan para ipapatay si Josh na sagabal sa pagmamahal niya kay Ara.
Sa kabilang banda, nagising si Ara dahil sa sigaw na narinig. Nilibot niya ang kanyang paningin, kulay blue ang lugar at may aquirum sa gilid. Napagtanto niya na wala siya sa condo kundi nasa lungga siya ng isang demonyong lalaki na sumira sa buhay niya. Mas napakuyom ng kamao ang dalaga na may kausap ito sa telepono at balak ipapatay ang lalaking pinakaminamahal niya.
Dali-daling dinampot ng dalaga ang baril na nakalagay sa higaan at tinuktok sa lalaking kinamumuhian niya.
Sa kabilang banda, napangiti ang lalaki na sa wakas mawawala na rin ang karibal niya sa dalaga. Napabalikwas na lang ang lalaki nang may kung ano dumiin na bagay sa likod niya. Nilingon niya ito at lumantad sa kanya ang masamang awra ng dalaga na may hawak na baril na nakatutok sa kanya.
"Put down your gun!" Seryosong sabi ng lalaki habang nakataas ang dalawa niyang kamay.
"Wag mo ipapatay ang taong mahal ko," maluha-luhang saad ng dalaga.
Nanlumo si Leo nang makita umiiyak ang dalaga para kay Josh. Napatanong na lang ang lalaki sa kanyang isipan, ano bang meron kay Josh na wala ako?
Napabalikwas si Leo nang binaril siya ng dalaga sa braso. Napadaing siya sa sakit, hindi dahil sa bala kundi dahil ang pinakaminamahal niya ang bumaril sa kanya.
"You're mine, Ara. I'm willing to kill fucking dozens of people who can possibly be my rivals for you to be mine," mariin na pagkakasabi ni Leo sa dalaga na mas lalong kinagalit ng dalaga.
"Kahit mawala pa si Josh, hindi kita mamahalin! Hindi ako magmamahal ng isang demonyo." Singhal ng dalaga kay Leo na may halong pout at galit.
Sumikip ang dibdib ni Leo dahil sa masasakit na salita na sinabi ng kanyang minamahal.
"Ako ang una mong minahal diba? I will make sure na ako rin hanggang dulo," mariin na pagkakasabi ni Leo sa dalaga.
"Dati lang 'yon! Hindi na mauulit ang isang pagkakamali na minahal kita! 'Yong ang huling beses na magmamahal ako ng isang demonyo! Kapag pinatay mo ang lalaking pinakaminamahal ko! Bumalik ka na sa sinasapunan ng nanay dahil papatayin kita! Hayup ka!" Singhal ni Ara kay Leo na may halong pagbabanta.
"Kilala kita, Ara. Alam ko hindi---"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Leo na barilin siya ng dalaga sa kabila niyang braso, napadaing siya sa sobrang sakit nararamdaman. Magkasabay na sakit ang nararamdaman ni Leo, pisikal at emosyonal.
"Im not the old Ara that you know. Im not fucking weak and loser like before," singhal ng dalaga kay Leo, babarilin sana ulit ng dalaga si Leo pero tinurukan siya ng pampatulog ng tauhan ni Leo kaya nawalan ito ng malay.
"Don't worry, Ara. You'll forget that bastard someday," mariin na pagkakasabi ni Leo sa dalaga na natutulog at dahan-dahan hinihimas ang buhok nito.
"Boss, okay lang po ba kayo?" Tanong ng tauhan ni Leo sa kanya.
"Ano sa tingin mo!? Mukha ba ako okay!? Tanga ka ba!? Kumuha ka nga ng gamot! Baka kung ano pa magawa ko sa'yo!" Singhal ni Leo sa kanyang tauhan.