Third person's POV
Nanginginig sa takot si Chai dahil sa kanyang nasaksihan. Walang kalaban-laban ang kanyang tauhan sa mga armado na gusto silang patayin. Napaluha na lang siya dahil sa kaba nang kunin ng mga armado ang kanyang tauhan. Namamawis ang kanyang kamay dahil sa sobrang kaba na baka isunod siya nito.
Sa kabilang banda, nandito ang binata at dalaga sa kanilang underground para paaminin ang naturang lalaki. Binuhusan ni Ara ng malamig na tubig ang lalaking na nakaposas na taong nagtangka sa kanyang buhay para ito ay magising. Poot at galit ang nararamdaman ng dalaga sa tuwing nasisilayan ang lalaking sumira ng buhay niya.
"Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa'kin? Parang awa ninyo na, wag ninyo ko patayin. May anak pa po akong binubuhay," Pagmamakaawa ng lalaki.
Mas lalong napakuyom ng kanyang kamao ang dalaga sa tuwing naaalala ang pagmamakaawa niya sa lalaki dati pero hindi siya nito pinansin.
''Noong mga panahon ba na nagmakaawa ako sa'yo na huwag mo akong patayin, pinakinggan mo ba?! Hindi diba?! Ang tahimik ng buhay ko noon, tapos sisirain mo lang?!'' Mariin kong sabi na may diin sa bawat salita sabay saksak sa kanyang braso ng kutsilyo.
''A-ahhhh!'' Daing niya dahil sa sobrang sagad ng pagkasaksak ko.
''Ara, tama na! Baka mapatay mo siya. Kailangan nating kumuha sa kanya ng mahalagang impormasyon laban kay Chai.'' Pagpapakalma ng binata sa dalaga.
Huminga nang malalim ang dalaga para pakalmahin ang kanyang sarili. Nababalot nang matinding galit ang kanyang puso na kailanman na pwedeng sumabog.
''S-sino ka? A-anong atraso ko s-sayo?'' Hirap na tanong ng lalaki.
''Sino ako? Ako lang naman ang babaeng pinagtangkaan mong patayin,'' Seryosong sabi ni Ara na may diin sa bawat salita na binitawan niya.
'' I-ikaw ang b-batang pinatay ko? P-paano kang nabuhay?'' Nahihirapan niyang tanong na may pagkagulat.
''Yes, the one on only. Sino nag-utos sayo na ipapatay ako? Si Chai ba?'' Tanong ng dalaga na may halong sigaw.
''Wala. Sarili kong plano 'yon para kumita,'' hirap na sabi ng lalaki.
Napakuyom ng kanyang kamao ang dalaga dahil mukhang nagsisinungaling ang lalaki.
''Sinungaling ka!'' Singhal ng dalaga sabay diin niya sa namamagang sugat ng lalaki.
''A-aray!'' Daing niya.
''Hindi ka talaga aamin?'' Umaalingaw-ngaw na sigaw ng talaga habang dinidiin ang sugat ng lalaki.
''Ara, tama na!'' Pag-aawat ng binata sa dalaga.
Hindi pa rin nagpatinag ang dalaga sa binata at ipinagpatuloy parin ang pagpapaamin sa lalaki.
''Ang swerte naman ng amo mo sayo. Handa mong ialay ang buhay mo para sa kanya. Kung patayin ko kaya ang anak mo para lang umamin ka,'' Malademonyong pagkakasabi ng dalaga habang pinupunasan ang kanyang kutsilyo na may dugo at sabay halakhak.
''W-wag mo idamay ang anak ko. Ako na lang ang patayin mo.'' Pagmamakaawa ng lalaki.
''Aba! Inuutusan mo pa ako. Mas lalong mo pinapainit ang ulo ko na patayin ang anak mo,'' gigil na pagkasabi ng dalaga.
''W-wag mo idamay ang anak ko. A-aaamin na a-ako kung sino nag-utos na ipapatay ka,'' hirap niyang sagot.
''Sino ang demonyong nag-utos sa'yo?'' Mariin na tanong ng dalaga sa lalaki.
''k-kilalang-kilala mo siya,'' Hirap na pagkakasagot ng binata.
''Si Chai ba?'' Umaalingaw-ngaw na sigaw ng dalaga sa kanilang underground.
''O-oo,'' Hirap na sagot ng lalaki.
Napakuyom ng kamao ang dalaga sa kanyang narinig. Mas lalong kinamumuhian ng dalaga si Chai sa kanyang nalaman.
''Sisiguraduhin ko na pagbabayarin mo sa pagsira sa buhay ko,'' gigil na sabi ng dalaga sa kanyang isipan.
Habang umaamin ang lalaki sa kanyang kasalanan ay palihim na kinukuhaan ng video ang lalaki ng binata.
''Pumunta tayo sa pulis at aminin mo lahat ng kasalanan mo,'' malumanay na sabi ng dalaga habang ginagamot ang sugat ng lalaki.
''H-hindi po pwede akong makulong. Kailangan ko protektahan ang pamilya ko kay Chai. Delikadong tao si Chai,'' hirap na sabi ng lalaki sa dalaga na may halong takot sa bawat pagbigkas ng salita.
'' Ako ang bahalang magprotekta sa pamilya mo kaya sumuko ka na. Ipapakulong ko rin si Chai,'' Pagpapalakas ng loob ng dalaga sa lalaki habang nilalagyan niya ng benda ang sugat ng lalaki.
''Ako magtitiwala sayo? Muntikan mo na nga akong patayin,'' Seryosong sabi ng lalaki na may halong takot.
''Pinatay ba kita? Hindi diba?'' Mataray na sabi ng dalaga habang nakataas ang kaliwa niyang kilay.
''K-Kailangan mo rin m-makulong dahil sa pagtotorture mo sa'kin,'' Saad ng lalaki na may halong takot.
Napatawa na lang ang dalaga sa sinabi ng lalaki.
''Hindi ako makukulong. I have many connection to defend myself. May magandang dahilan ako kaya ko ito ginagawa. Kaya kong paikutin ang batas sa mga kamay ko para makamtan ang hustisyang gusto kong makamit.'' Pagmamalaki ng dalaga sa kanyang sarili.
''Mas mapapababa ang kaso mo 'pag ikaw ay sumuko,'' Seryosong pagkakasabi ni Josh.
''Susuko na ako para sa kaligtasan ng pamilya ko,'' Seryosong sagot ng lalaki.
Napangiti na lang ang dalaga dahil sa wakas makakamtam na niya ang hustisya na matagal na niyang inaasam.
''Makakaasa ka na iingatan namin ang pamilya mo,'' Seryosong sabi ng binata.
Tumango na lang ang lalaki bilang pangsang-ayon.
Papunta na sila sa pulisya. Habang nasa byahe, gumagalak ang puso ng dalaga sa saya na sa wakas na mabibigyan na rin ang hustisya ang pagpapahirap sa kanya.
Makalipas ang mahabang byahe ay nakarating na sila sa Police Station.
Umamin na ang lalaki sa lahat ng kasalanan niya at kung sino ang may pakana ng lahat nang ito. Gumawa ng arrest warrant ang mga police para arestuhin si Chai.
''Heto na ang simula ng pagpapahirap ko sa'yo. Hindi man kita maparusahan pero ang mismong batas ang magpapataw sa'yo ng parusa,'' Wika ng dalaga sa kanyang isipan sabay sumilay nang tagumpay na ngiti sa kanyang labi.