Chereads / That Aggressive Girl / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

Ara's POV

Natawa na lang ako sa'kin isipan sa tuwing naalala ko ang itsura ni Leo na parang hindi makapaniwala na ang babaeng minahal niya ay ang babaeng kinadidirian niya noon.

Napakuyom ang kamao ko sa tuwing naalala ang lahat ng pasakit na pinaranas nila sa akin. Lalo ka na Charlene Mae Mendoza- my dearest ex bestfriend. Ikaw na, Chai ang susunod na papahirapan ko. Hanggang sa hilingin mo na lang sa'kin na wakasan ko ang buhay mo.

Someone's POV

"Maam, buhay pa po si Precious Ara Dela Cruz. May kumakalat po sa social media na video na nag-aaway sina Leo, Ara at Josh sa coffee shop. Nakalagay din po sa video na umaamin si Ms. Ongcuangco na siya at si Ara Dela Cruz ay iisa." Wika ng aking tauhan sabay pakita sa'kin ng video.

Napakuyom na lang ako sa'kin kamao dahil sa galit na malaman na buhay pa ang mortal kong kaibigan.

"May sa pusa ka talaga, Ara. Wag kang mag-alala kung kailangan kita ipapatay ulit ay gagawin ko. Nang dahil sa'yo nasira ang buhay ko. Humanda ka sa hagupit ng isang Mendoza." Mariin kong sabi sa'kin isipan habang may hawak na kutsilyo na nakasaksak sa litrato ni Ara.

Ara's POV

Nandito ako sa kwarto nakatulala sa kawalan, patuloy ko naalala ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Josh kahapon.

"Josh, huwag ka nga magalaw. Ang hirap kaya gamutin ang sugat mo." Naiinis kong sabi habang naglalagay ng betadine sa bulak.

"Pwede ba magtanong?" Seryosong niyang tanong.

Nagtatanong na nga siya eh. Naghihingi pa ng permisyon. Baliw talaga ang lalakeng 'to.

"Oo naman, ano bang itatanong mo?" Nagtataka kong tanong pabalik sa kanya habang dinadampian ko ng bulak na may betadine ang kanyang mga sugat.

"May nararamdaman ka pa ba kay Leo?" Mahina niyang tanong pero sapat na para narinig ko.

Nagtaka naman ako kung bakit niya 'yon natanong. Napansin kong may halong sakit ang mga salitang binibitawan niya.

"Hindi na," tipid kong sabi at pinagpatuloy ang ginagawa.

"May pag-asa pa ba ako?" Mahina niyang tanong habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Anong ibig niyang sabihin? May gusto ba siya sa'kin?" Sunod-sunod kong tanong sa'kin isipan.

"What do you mean?" Nagtatakang kong tanong sa kanya sabay tigil sa paggagamot ko sa kanya.

"I love you, Ara. Simula ng pinakilala ka sa'kin ng mama. Na-love first sight ata ako sa'yo. Nahihiya ako umamin sa'yo dahil sa tingin ko hindi ka pa handa magmahal ulit." Mahina niyang sabi habang hindi makatingin sa'kin ng diretso.

"Gusto rin kita pero tama ka hindi pa ako handa magmahal ulit." Seryosong kong sabi at tinuloy ang paggagamot ko sa kanya.

Napansin ko na namumula ang tainga niya. Siguro, epekto ng pagkakasuntok sa kanya ni Leo.

"Bat namumula ang tenga mo? May masakit ba?" Tanong ko na may halong pag-alala.

"H-hindi m-masakit." Pautal-utal niyang sagot.

"Bat siya nauutal? May lagnat ba siya?" Tanong ko sa aking isipan sabay hipo sa kanyang leeg para tingnan kung may lagnat siya pero mas pumula lalo ang tenga niya na ipinagtaka ko.

Napabuntong-hininga na lang ako baka pagod lang si Josh kaya namumula ang tenga niya.

"Pwede ba akong manligaw?" Seryosong niyang tanong.

Tumitibok ang puso ko na kay bilis dahil sa tanong niya. Parang may mga paru-paro na naglalaro sa aking tiyan.

"I'm sorry, hindi pa kasi ako hand---

Hindi na natuloy ang aking sasabihin na magsalita siya.

"It's okay. I'm willing to wait the right time." Nakangiti niyang sabi habang ginugulo ang buhok ko na parang bata.

Napabalikwas ako na may kumakatok sa pinto.

"P-pasok!" Sigaw ko para marinig ng kumakatok.

Lumantad naman sa'kin si Jm.

"Ate, kumain na po kayo. Nakapagluto na po ako ng paborito niyong sinigang na baboy." Wika ni Jm sabay ngiti.

"Pababa na ako. Mag-antay na lang kayo sa hapag-kainan." Seryoso kong sabi.

Agad naman 'yon sinunod ni Jm.

Namamawis ang palad ko sa sobrang kaba na makaharap ulit si Josh. Natatakot ako na baka iwasan niya ako dahil hindi ako pumayag magpaligaw sa kanya.

Tinanong ko sa'kin isipan kung handa na ba ako magmahal? wala naman ako nararamdaman para kay Leo. Siguro pwede na ako magmahal ulit.

Tinahak ko ang hagdan para makarating sa hapag-kainan.

Nakita ko si Josh na nanonood ng action movie.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko na masilayan ko ulit si Josh.

"J-josh? P-pwede ba tayong mag-usap?" Kinakabahan kong tanong.

Mas lalong namawis ang aking palad na humarap siya sa'kin ng seryoso.

"Anong pag-uusapan natin?" Seryosong niyang tanong habang kinukumpas na sensyales na umupo ako tabi niya.

"P-payag na akong magpaligaw sa'yo." Pautal-utal kong sabi habang hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Talaga?! Hindi ka ba nagbibiro?!" Masaya niyang tanong na kulang na lang na tumalon siya sa sobrang saya.

"Oo naman. Bakit ayaw mo ba? kung ayaw mo edi wag na lang." Masungit kong sabi at aakmang tatayo na ako sa pagkakaupo na hilain niya ko pabalik sa sofa.

"Hindi naman sa ganun. Ang saya ko nga eh." Nakangiti niyang sabi habang hinahaplos ang pisnge ko.

Napangiti na lang ako na napasaya ko si Josh. Sa tuwing masaya siya, masaya na rin ako.

"Ehem! Baka naman may balak kayo kumain." Wika ni Jm habang nakataas ang kaliwang kilay.

Napatawa na lang kami ni Josh dahil sa inasal ni Jm.

Tinahak na namin ang hapag-kainan bago pa umusok ang ilong ni Jm dahil sa inis.

Tinikman namin ang luto ni Jm. Napangiwi kami ni Josh dahil sa sobrang asim ng sinigang.

"O, bat ganyan itsura ninyo?" Tanong ni Jm habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Wala, sobrang sarap kasi eh." Wika ni Josh na mukhang napilitan.

"Buti naman nagustuhan ninyo. Bukas magluluto ulit ako." Nakangiting sabi ni Jm.

Kaya nabilaukan kaming dalawa ni Josh kasi ayaw na namin makatikim na ganun klaseng lasa.

"Ako na lang magluluto bukas. Mukhang pagod ka na eh." wika ni Josh.

"Sige ba." wika ni Jm at hinugasan niya ang mga pinagkainan namin.

In the morning.

Nagising ako na may humahaplos sa aking buhok.

Unti-unting ko binuksan ang aking mata at lumantad sa'kin ang nakangiti nasa Josh. Napakagwapo niya talaga.

"Good morning." Malambing niyang pagkakasabi.

"Good morning din. Bakit ang aga mong gumising?" Inaantok kong sabi.

"Yayain sana kita mamasyal," nakangiti niyang sagot.

"Saan tayo pupunta?" Nakangiting kong tanong.

"Sa Tagaytay," tipid niyang sagot.

"Wow! punta kayong Tagaytay? sama naman ako," nakangiting sabi ni Jm.

"Si--

Hindi na natuloy ang aking sasabihin na magsalita si Josh.

"Hindi ka pwede sumama. Date namin 'yon ni Ara," Seryosong sabi ni Josh.

Namula naman ako sa sinabi ni Josh. May kaunting kilig ako nadarama.

"Ay! ang bad ninyo naman sa akin," may halong pagtatampo sabi ni Jm sabay alis.

"Bat hindi natin isama si Jm? ayan tuloy nagtampo." Natatawang ani ko kay Josh.

"Wag mong pansinin 'yon. May pagkaisip bata lang 'yon," seryosong niyang sabi.

Third person's POV

Dali-dali pumunta sa banyo ang dalaga para maligo dahil sabik na sabik na siya makasama ang manliligaw sa tagaytay.

Hindi mawala ang ngiti sa binata, habang inaayos ang kanyang sarili. Samantala, si Jm ay nakasilip sa pintuan ni Josh na tila nasasaktan sa tuwing may ibang kasama ang taong gusto niya.

Nagsuot ang dalaga ng dress na mabulaklak, bumabagay sa kanyang balat. Samantala ang binata ay sabik na makita ang kanyang nililigawan.

Naglagay ng kaunting kolorete sa mukha ang dalaga para maging mukhang maayos sa manliligaw.

Napaluha na lang si  Jm sa kanyang nasasaksihan. Isinaisip ni Jm na tigilan na niya ang nararamdaman niya para kay Josh kasi siya lang ang nasasaktan ng sobra.

Pinunasan ni Jm ang luhang tumutulo sa kanyang mukha na palabas na ng pinto sina Josh at Ara na magkahawak-kamay. Yumuko si  Jm para hindi nila makita ang namamaga niyang mata.

"Bye, Jm bibigyan na lang namin ikaw ng pasalubong. Ano bang gusto mong pasalubong?" Nakangiti tanong ng binata kay Jm.

Patuloy tumutulo ang luha ng dalaga. Lalo na makita niya na magkahawak-kamay ang dalawa.

"K-kahit ano na lang." Pinilit ni Jm na huwag pumiyok sa bawat bigkas ng salita.

"Mag-ingat ka dito ah," seryosong sabi ng binata sa dalaga.

"Oo naman, kaya ko na sarili ko." Pinilit ni Jm patatagin ang kanyang boses para hindi pumiyok.

Magkahawak-kamay lumabas ang dalawa.

Napakuyom ng kamao si Leo na makita na magkahawak-kamay sina Josh at Ara. Pakiramdam ng binata na paulit-ulit na winawasak ang kanyang puso dahil sa nasaksihan.

Tatlong buwan ang nakakalipas.

Papunta sina Josh at Ara sa cabalen. Balak na ng dalaga na sagutin ang kanyang minamahal na si Josh.

Tumitibok ng kay bilis ang puso ng dalaga sa kakaisip na kung ano magiging reaksiyon ng binata.

Sumakay ang dalawa sa Montero car ni Ara. Si Josh ang nagprisinta magmaneho dahil gusto niya pagsilbihan ang babaeng minamahal.

Makalipas ang mahabang biyahe, nakarating na ang dalawa sa kanilang destinasyon.

Sumenyas ang binata sa waiter para mag-order ng kanilang kakainin.

"1 piece of chicken with rice sa'kin, anong gusto mo, mahal?"Malambing sabi ng binata sa dalaga.

Namula naman ang dalaga sa malambing na pagkakasabi ng binata.

"1 slice of cake with mango shake." Mahinhin na pagkakasabi ng dalaga sa waiter.

Si Josh ang nagbayad ng amin order.

Habang hinihintay nila ang kanilang order. Hindi mapakali sa upuan ang dalaga dahil sa kaba na kung ano magiging reaksiyon ng binata sa kanyang sasabihin.

Napansin naman ng binata na hindi mapakali ang dalaga.

"Are you okay?" Tanong ng binata sa dalaga na may halong pag-alala.

Tumango naman ang dalaga bilang tugon.

"Josh, may sasabihin sana ako." Kinakabahan na saad ng dalaga.

"Ano yun, mahal ko?" Malambing na pagkakasabi ng binata sa dalaga.

"Sinasagot na kita," mahinhin na sabi ng dalaga na naging dahilan na kinatuwa ng binata.

"Talaga?! Hindi ka ba nagbibiro?! Tayo na?" Masayang tanong ng binata sa dalaga.

Nakangiti tumango naman ang dalaga bilang tugon.

"Woahh!" Sigaw ng binata dahil sa sobrang saya kaya nakaagaw sila ng atensyon sa mga kumakain.

Napatawa na lang ang dalaga dahil sa inasal ni Josh. Hindi niya inaasahan na magiging ganun ang reaksiyon ng binata.

Habang nagsasaya ang dalawa ay may dalawang tao na may magkaibang plano, may masamang binabalak para sa dalawa.

"Sulitin mo ang araw na ito, Ara. Bukas na bukas ay hindi ka na sisikatan ng araw." Mariin na sabi ng isang babae sabay tawa ng malademonyon.

"Papatayin kita, Josh. Kung 'yon lang ang solusyon para mapasakin si Ara ay gagawin ko." Gigil na pagkakasabi ni Leo habang madiin na nakahawak sa kutsilyo.