Jasmin Point of view
Kahit inaatok pa ako ay no choice ako kung hindi ang bumangon at maghanda ng almusal dahil toka ko ngayon sarap pa naman matulog pero mas masarap kapag magkabati kami ng mga kaibigan ko. Pababa na ako ng makarinig ako ng pagbuhos ng tubig ewan ko feel ko may gising na sa aming apat.
Pagbaba ko nakita ko si Ange na nagpupunas ng mukha niya ilang sandali lang ay nakita niya rin ako naisip ko bigla natulog ba siya.
"Goodmorning." Bati ni Ange sa akin
Kahit talaga naloloka ako sa kaniya sa maagang paggising niya.
"Goodmorning, anyway ang aga mo nagising." Sagot ko sa kaniya
"Maaga naman talaga kanina pa di ba? remember kumain pa ako." Sagot pa niya
"Ehh!?" Gulat na sabi ko.
"Bakit?"
"Kanina pa yun na 2am hindi ka natulog?"
"Hindi na ako natulog, later na lang siguro. Anyway may goodnews ako pero mamaya na kapag kumpleto na tayo. Sige na magluto ka na at doon na muna ako sa sala at magbabasa." Sabi niya pa tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot.
Pero yung totoo na weweirduhan talaga ako sa kaniya ewan ko ba bakit siguro ganoon lang talaga ako haist makapagluto na nga lang muna. Habang nagluluto ako andami ko na naman iniisip about sa past ko paano kaya kung kami pa ngayon masaya pa rin ba kami? Haist ewan ko ba may part sa akin na gusto mayroon din naman ayaw na kasi masakit na juskoo.
Kakatapos ko lang sa paghahanda ng makita ko nagbabaan na yung dalawa.
"Goodmorning." Bati ko sa kanila
"Morning." Sagot ni Lala at Anna
"Tulungan niyo na kaya ako ng makakain na tayo di ba." Pagtataray ko ngumiti na lang sila.
"Aga aga g na g agad Jaja,kalma lang tayo." Sabi ni Anna
Hindi ko na lang sila pinansin pa at nag ayos na lang kami na hindi nag uusap, pagkatapos namin ay nag kaniya kaniya na kaming upo sa mga puwesto namin at kaniya kaniyang sandok ng makakain namin sinangag lang naman tapos tuyo at hotdog ang ulam namin kaya wala na silang choices well hindi naman kami maarte itong si Anna lang talaga ang maselan palibhasa lumaki sa marangyang buhay kaya ayan hindi nasanay hayaan niyo nasasanay naman kahit papaano tinuruan namin siya e.
"So ano nga yung sasabihin mo Angelica?" Tanong ko habang nag uumpisa kaming kumain.
"About that, nakatanggap ako ng tawag galing sa Star Mist natanggap daw nila yung email ko kaya pinapapunta tayo sa kanila on Monday for the enrollment." Walang kahirap hirap na sabi niya nagkatinginan na lang kami ni Anna.
"Ehh!? wow! naman so cool. Ano sabay sabay na tayo punta." Sabi ni Anna
"Syempre, hindi puwedeng mawala kayo roon at mahiwalay ka sa amin." Sabi ko
"May magagawa pa ba kami, nanalo na kayo e." Nakasimangot na sabi ni Lala tapos kumain na lang ulit hindi na lang ako umimik pa pero yung totoo nag aalala ako kay Lala lately kasi ang rare niya sa amin ewan ko kung ako lang ba ang nakakapansin o pati mga kasama ko.
Buong kain namin walang imik si Lala kami lang ni Anna ang nag uusap at kung minsan nakikisingit si Angelica pero madalas kami lang talaga ni Annalyn ang nag oopen ng topic.
Pagkatapos kumain nag ligpit na kami si Lala ang maghuhugas ngayon hindi naman siya nagsasalita o kahit magsabi wala rin kaming natatanggap. Habang si Lala naghuhugas kaming tatlo nandito sa may sala at siya ang pinag uusapan.
"Pansin niyo si Lala ang tahimik, kung sasagot napaka konti lang." Biglang sabi ko
"Obvious te." Sabi ni Anna
"Kaya nga e, hindi naman nagbabahagi ng problema sa buhay." Natatawang sabi ni Ange.
"Hayaan na lang muna natin siguro baka naman magkuwento yan kapag ready na baka need ng time." Sagot ni Annalyn
Kaya naman hindi na lang namin siya pinag usapan pa at nag usap na lang sa ibang bagay, habang busy sa pag uusap hindi namin namalayan na nandito na pala sa tabi namin si Lala na walang ka reaksyon sa buhay kaya naman nagkatinginan kaming tatlo.
"Ano na naman yung tingin na yan." Sabi ni Lala
"Wala naman, ikaw baka may gusto ka sabihin sa amin?" Tanong ko
"Wala naman mayroon ba dapat?" Sabi niya
"Ewan, wala siguro." Sagot ni Anna
Tumango na lang siya sa amin kaya naman hindi na namin siya pinansin pa at nagpatuloy na lang kami sa pag uusap naming tatlo.
"May pambili na kayo ng mga gagamitin?" Tanong ko.
"Magpapadala pa lang si mama sa akin baka next week siguro pasukan na rin kasi e." Sagot ni Anna
"Sana lahat." Sabi ni Lala
"Anong sana lahat pupunta tayo sa inyo, hihingi ka kasama kami." Sabi ko.
Paano ba naman si Lala wala na yung mga parents niya tatay niya iniwan siya buntis pa lang nanay niya sa kaniya tapos si Mama niya naman nasa ibang bansa naging independent tuloy siya noong nakilala namin siya. Ako si Angelica at Annalyn lang may matinong pamilya naawaa nga kami pero mahal namin yan si Lala subukan lang siya awayin kami makakalaban nila.
Pagtapos namin sa pag uusap ay tumayo na kaming apat at pumunta na sa mga kuwarto namin ako pagpasok pa lang umupo na agad ako sa may kama hindi ko rin kasi alam anong balak ko e, nakakatamad rin kasi ang panay gala inaantok ako sa ganoon kaya matulog na lang ako rito sa bahay.
"Hirap talaga kapag hindi ka masyadong galang tao, wala ka kaalam alam sa gawain, tapos wala ka rin talent sa mga bagay bagay hirap talaga self." Sabi ko sa sarili ko
Nagulat na lang ako ng magring ang cellphone ko hindi kasi ako nag eexpect ng tawag dahil mga kaibigan ko lang ang kilala at close ko bukod roon ay wala na kasama mga relatives ko na nasa province ngayon.
Pagkakuha ko sa cellphone ko nagulat na lang ako kasi wala sa mga name of contacts ko kahit naman masungit ako ay hindi naman ako ganoon kasama kaya naman sinagot ko ang tawag.
[Yes, Hello Who's this? Do I know you po.]
Mataray na tanong ko.
[Hi babe, miss you na talaga kailan ka ba free para naman makapag bonding tayo.]
Sabi sa kabilang linya na naging dahilan para uminit ang ulo ko, what the hell lalaki tapos tatawagin akong babe kapal ng mukha nito.
[Babe, I'll pick you up later, see you love and get ready para sa pagbisita ko, namiss lang talaga kita.] Malandi pa na sabi niya
Kakaloka naman talaga, gusto pala ng laro neto at landian pagbigyan ko nga bawal mafall hindi ako matatalo.
[Sure babe, I miss you too I love you bye.]
[See you soon.]
Pagsabi niya nun pinatay na niya, samantalang ako natawa na lang ewan ko ba siguro wrong call yun tapos ganoon na lang kalakas ang magkamiss sa syota kaya hindi nagdouble check ang gago tanga niya bahala siya riyan akala ba niya.
Nilapag ko na yung cellphone ko at nag ayos, balak ko na tuloy magpunta sa Mall at bumili ng libro patungkol sa mga prank call na kung saan araw araw ako tatawag sa kaniya tapos prank ko lang. Siguro masaya yun at nakaka excite kaya bet ko yun. Nagmadali na ako sa paghahanap ng masusuot at nagmadali na sa pagpasok sa banyo.
Paalis na ako sa bahay ng marinig ko boses ng mga kaibigan ko.
"Saan ka pupunta Jaja?" Boses ni Lala
"Sa may mall, may titingnan lang ako roon bakit?" Sagot ko
"Bili ka na rin ng mauulam natin matagal ka ba roon?" Tanong ni Anna
"Hindi naman sandali lang, akin na ako na bibili." Sabi ko sabay harap sa kanila
"Sayong pera muna be, wala na rin kaming pera dito e utang na lang muna." Sagot ni Ange
"Haist, sige na nga ako na bahala wag kayo magrereklamo sa bibilihin ko na ulam." Sabi ko
"Oo na sige, ingat ka." Sabi ni Lala
Nagpaalam na ako sa kanila at tuluyan ng naglakad palabas ng bahay, kasura 'tong mga kaibigan ko nalaman pupunta sa Mall inutusan pa ako tapos utang pa talaga just like wow lang talaga tapos wala ng mababalik na pera sa akin ganoon talaga siguro kapag mga kaibigan mo kasama mo e.
Habang nasa may National Book Store tumitingin ako sa mga couple na nadadaanan ko noon kasama ako sa mga couple na yan ngayon isa na ako sa mga nanonood sa kanila gaano sila ka sweet pagkatapos ay mapupunta rin sa isang hiwalayan charot lang stay strong sa kanila.
Pagkapasok sa National Book Store ay pumunta na agad ako sa mga books section at naghanap nang mga mabibili naisipan ko na Hopeless Romantic o di kaya libro ni Marcelo Santos kukunin ko na dapat ng magulat na lang ako ng may nagsalita sa may likod ko.
"Broken ka Miss." Sabi pa niya na kinagulat ko at pagtigil ko sa pagkuha ng libro ni Marcelo Santos
"Hmm, do I know you?" Sabi ko sa kaniya na hindi nakatingin sa boses pa lang alam ko na lalaki siya e.
"Nope, concern lang ako ayoko kasi nakakakita ng mga babae na broken e." Sabi pa niya kaya naman umayos ako at humarap sa kaniya nagulat ako kasi matangkad siya sa akin.
"Well, sana lahat ng lalaki katulad mo di ba, kaso hindi e." Sabi ko
"Well, iniwan din naman ako kaya alam ko ang pakiramdam ng maiwan I feel you." Sagot naman niya
"I know, anyway samahan mo akong bumili ng books dahil kinausap mo na rin naman ako may kasama ka ba?"
"Wala solo rin ako katulad mo."
"Good, stalker ba kita?"
"No! nagkataon lang assuming ka rin beshy."
"Hindi naman prangka lang talaga."
Hindi na ako sumagot sa kaniya at nagpatuloy sa paghahanap ng mabibili na libro hindi naman talaga ako mahilig sa books nagkataon lang talaga na may taong nagprank sa akin kailangan lang talaga na ready ako mahirap na di ba. Atsaka gusto ko siya sakyan sa trip niya e.
"Atsaka bago ko makalimutan, libre mo ako may bayad makipag usap sa akin." Sabi ko na nakatingin lang sa nilalakaran ko magbabayad na kasi kami ngayon e.
"Okay, buti mabait ako kahit papaano."
"Well, no comment."
Hindi na siya sumagot pa tapos ay nagsimula na lang kami pumila para bayaran yung binili namin siya rin kasi bumili book lover din atsaka certified wattpader lover rare lang ako makakita ng nga wattpader na lalaki siguro kung si Anna o kaya si Ange ito matutuwa pa sila baka pa nga maging marupok pa well hindi ko sila kaparehas.
Nandito kami ngayon sa Mang Inasal bente minuto din ang tinagal bago ulit kami makakain gutom pa naman ako ng bonggang bongga.
"Dahan dahan naman masyado ka naman nagmamadali." Sabi niya
"Sorry, gutom lang talaga ako e." Sagot ko
"Halata naman kasi hindi ka na halos makausap e." Natatawang sagot pa niya
"Tse, bahala ka basta nagugutom talaga ako ngayon, magkuwento ka na lang diyan makikinig na lang ako sa'yo." Sagot ko
Nakita ko na lang din na nag uumpisa na siya sa pagkain habang nagkukuwento about sa past niya.
"1 year ago, masaya pa lahat maayos pa lahat at wala naman problema kaso may mga panahon talaga na magkakaroon ng problema na ang tanging solusyon lang ay hiwalayan." Biglang sabi niya napahinto ako sa pagkain at uminom na muna sandali.
"Unexpected things happen on unexpected time sa ganoon paraan mas masusukat gaano ka katatag sa buhay." Sagot ko
"Tama ka riyan, by the way Miro Kester Fernandez Mike for short and you are?"
"Jasmin Faith, Jaf na lang para unique." Sabi ko tapos abot ng kamay ko sa kaniya.
The truth hindi ko nn ang Jaf mema ko na lang yun pero cute naman siya eh Ja for Jasmin and F for Faith astig di ba. Nagpatuloy na lang kami na kumain habang nag uusap sa kung ano anong mga kaganapan sa amin.