Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 11 - CHAPTER 9

Chapter 11 - CHAPTER 9

Kakatapos lang namin ngayon sa pagtake ng exam nandito kami sa may karinderya malapit sa school nagugutom na kami 1 na rin kasi kami natapos at talagang ginutom kaming lahat sa pagsasagot. Habang kumakain napag usapan namin yung about sa exam.

"Ano mahirap ba?" Tanong ko.

"Super." Sagot ni Lala

"Hindi naman ganoon kahirap e." Sagot naman ni Ange

Syempre siya lang naman ang super duper ultramega magaling sa amin kaya basic lang sa kaniya.

"Sus, madali talaga buti nagreview ako kahit paano." Sagot ni Anna

"Kayo na nagreview ako na yung hirap na hirap leche kasi bakit ko pa kasi naisipan na fashion designer ang kuhanin hirap na hirap tuloy ako sa exam." Kunwaring pagdadrama ko. Nag iinarte lang talaga ako pero yung totoo hindi ako nagsisi sa course ko.

"Ikaw pa galing mo kaya makakapasa ka tiwala lang." Sabi ni Lala

Pero sa isip isip ko talaga hindi ako sure feeling ko kasi hindi ko mapapasa kasi yung iba hindi ako pamilyar kaya hula hula na lang ginawa ko sana makapasa ako Lord. Nagpatuloy na lang kaming mag usap about sa mga random topic.

Nakauwi na kami ngayon kaniya kaniya na kaming punta sa mga kuwarto at nagpahinga pare pareho dahil sa sobrang napagod kami physically and mentally.

Habang nandito ako sa kuwarto ko ay umupo muna ako sa may kama at nakatingin sa number ng lalaki na ka text ko yung alam ko na wrong call nilapag ko cellphone ko at tumayo para magbihis magtatanggal na ako ng damit ng magulat na lang ako ng magring ang cellphone ko tiningnan ko lang siya.

"Juskoo, sino na naman kaya ang caller haist." Sabi ko kay self

Naglakad na ako palapit sa cellphone ko nakita ko si abnormal na tarantado na wrong call buwisit na yan panira na naman ng araw e. Kahit naiinis ako ay kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag niya.

[Oh?]

[Grabe walang hello, pero okay lang yun, I have to tell you something.]

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

[Ano ba yun? mamaya kalokohan hindi ako interesado.]

Pagtataray na sagot ko

[Chill ka lang Jasmin Faith Lauro]

Natatawang sabi niya sa kabilang linya. Samantalang ako naman biglang nainis paano niya nalaman ang pangalan ko kaloka. Hindi agad ako nakapagsalita.

[Ano Jasmin? Paano ko ba nalaman secret.]

[Sino ka ba? Ano ba ang problema mo sa akin, tangina ka.]

Sigaw ko

[Chill, let say sa sarili kung paraan, you know me.]

[Tangina mo makita lang kita masasapak kita pakyu.]

Tapos pinatay ko na agad at nilapag sa may lamesa.

Hindi talaga siya nauubusan ng ikakainis ko block message siya sa 'kin taena naman kasi tumayo na ako at nag umpisa na maghugas para makatulog na naiinis agad ako.

-

The next day ay naging busy kami sa pamimili ng mga gamit namin para sa pasukan nalaman na rin namin ang result at natuwa talaga kami kasi pasado kaming lahat kaya ganoon na lang ang tuwa naming apat.

"Nakakapagod." Sabi ko

Kasalukuyan kaming nandito sa may starbucks para kumain pasado ala una na rin kasi ngayon wala pa kaming luch pero okay lang naman pagod lang talaga ang hindi namin kinakaya.

"Pero atleast hindi hassle yung pamimili natin, buti na lang talaga pag aari nila Maricar kaya nakadiscount." Sagot ni Annalyn

Isa sa mga kaibigan namin na kababata ni Annalyn parents niya may ari ng Mall kaya malaki ang discount na natanggap namin sa pamimili.

"Kaya nga e, by the way paano ang uniform?" Biglang tanong ni Ange

"Wala pa raw nakacivilian muna raw since first year tayo atsaka first day of school." Sagot ko

"Exciting yan masusuot ko yung binigay ni Kean." Sabi ni Lala

"Sino yun?" Tanong ko at ni Ange

"Kuya ko sa side ni mama, you know naman may half sister and half brother ako." Sagot niya

"Oo nga pala." Sagot ko

Nagpatuloy na lang kaming kumain habang nag uusap kaso sa hindi inaasahan na pagkakataon nakita ko yung ex ko na kasama yung kababata ko kaso dahil mang aagaw ay nasira lahat hindi ako nagpahalata sa kanila na nakita ko sila nagpatuloy na lang ako sa pakikinig sa usapan nila.

"Tapos na ba kayo, let's go na pagod na talaga ako e." Sabi ko

"Wait lang te punta muna ako sa banyo, tapos uwi na tayo." Sagot ni Ange wala na akong nagawa kasi tumayo na siya paalis.

Taena baka makita na ako nito rito e kahit naman anim na buwan pa lang bitter pa rin ako haist laban lang malalagpasan ko 'to.

Habang naglalakad kami ay nagulat na lang ako kasi hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa sahig.

"Anong ganap?" Naguguluhan na tanong ko

"Wala ka na naman sarili mo te hindi mo ba alam na masasagasaan ka na my God!." Sabi ni Anna

"Sorry, hindi ko alam e." Sabi ko

"Ano ba kasi ang problema mo te magkuwento ka kaya kanina ka pa namin pinag uusapan tapos ikaw nakatulala lang." Sabi ni Ange

"Papakamatay ka ba talaga, juskoo naman e. Wag ngayon hindi pa kami handa." Sigaw ni Anna

Nabalik ako sa reality, hindi ko alam bakit ganito pa rin ako pagdating kay Karl dapat okay na ako pero bakit hindi pa rin talaga ako ayos may bakas pa rin ng sakit. Malakas pa rin yung impact niya sa akin.

Nagulat na lang ako ng mauna sila at naiwan ako na nakaupo sa sahig at nakatingin sa kanila. Anong ginagawa ko sa sarili ko hindi ko balak mamatay ng maaga may gusto pa akong matapos at may pangarap ako sa buhay na kailangan ma achieve.

Tumayo na lang ako at naglakad papunta sa bahay pag punta ko roon naabutan ko na wala na sa baba yung tatlo siguro na badtrip sila sa ginawa ko hindi ko naman ginusto yun hindi ko alam na mangyayari ito naulit na naman ulit tangina nakakainis naman kasi. Dumeretsyo na agad ako sa may kuwarto ko at nag umpisa na umiyak.

"Tangina naman self nag papakatanga ka pa rin sa past, natapos na naka move on na sila ikaw ano balak mo sa buhay mo ungkatin pa rin yung past." Sabi ko sa sarili ko

"Tanga ko pagdating sa love pero kapag academic ang talino ko bakit ba ganoon, minsan talaga hindi talaga tayo perfect almost perfect na ako e sa lovelife lang talaga ako bokya. Kainis naman kung darating yung para sa akin make sure magstay naman para hindi naman masakit." Sabi ko pa sobra na yung pag iyak ko hindi ko na talaga kinaya.

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto siguro kailangan ko ng space kay self naglakad ako papunta sa may Park umupo ako sa may damo at doon kinausap ko ang sarili ko habang sinasariwa ang hangin.

"Self, bakit ang tanga mo pagdating sa love. Suwerte mo sa family, friends and other pero sa right person na mamahalin mo malas ka, hindi siguro pantay ang mundo." Sabi ko sa sarili habang nagbubunot ng damo.

"Lord, kung hindi pa darating yung para sa akin please lang layo niyo si ex masakit pa rin po kasi magbigay rin po kayo ng sign kung darating na si the one para handa po ako." Sabi ko pa nagulat na lang talaga ako kasi may tao.

"Siguro darating din siya, on the way na traffic lang sa dinaanan niya." Sabi ng lalaki sabay upo sa tabi ko napakunot na lang ang noo ko.

"Who you?" Pagtataray ko

"Nakuha mo pa magtaray sa kabila ng pag iyak mo bipolar talaga mga babae e tssk." Sabi niya pa

"Feeling ka talaga e." Sabi ko

"Okay lang yan, yung akin nga nakarating na kaso hindi pa tamang panahon e." Sabi niya

Napatingin ako sa kaniya na nagtataka.

"Sml" sabi ko

"Grabe ka naman sa akin." Sabi pa niya

Infairness hindi obvious na feeling close siya.

"Ewan ko sa'yo, wala ako sa mood makipagpilosopo sa'yo." Sabi ko tapos balik ulit sa pag eemote.

Nagulat na lang talaga ako kasi iniabot niya sakin ang panyo nakatingin lang ako rito.

"Gagawin ko riyan?" Tanong ko

"Kainin mo baka makain mo di ba." Sabi niya

"HAHAHAHAHA nakakatawa na ba yun." Sabi ko

"Syempre anong gagawin diyan ipunas mo sa mukha mo umiiyak ka na riyan deny pa rin. I feel you." Sagot pa niya

"Okay fine." Sabi ko tapos tinanggap na yung panyo at pinunas sa may mukha ko oo naiiyak na naman ulit ako tangina hindi na matapos 'tong iyak na 'to.

"Magkuwento ka na makikinig ako wag ka mag alala, atsaka kung gusto mo umiyak go lang nandito pa rin ako sa'yo." Sabi niya pa

Wala na lang akong nagawa kung hindi ang umiyak na lang sa kaniya nararamdaman ko yung paghimas niya sa likod ko feel ko okay na ako kahit paano.

"Ano iiyak ka lang wala ka ba balak magshare ng problema? Makikinig ako wag ka mag alala. Seryosong usapan seryoso rin ako." Sabi niya pa

"Okay na ako kasi nagstay ka sa tabi ko salamat." Sagot ko tapos tumahan na sa pag iyak.

"By the way Jaja nga pala." Pakilala ko tapos abot ng kamay

"Jm." Tipid na sagot niya.

Tapos ay tumayo na ako sa pagkakaupo.

"Uuwi ka na agad, ayos ka na ba?" Tanong niya sa 'kin

"Yup, pero hindi pa ako uuwi pupunta na muna ako sa Ministop samahan mo naman ako roon." Sabi ko

"Sige ba basta libre mo." Sabi pa niya

"Wag na pala kaya ko na pala pumunta mag isa." Sabi ko

"Joke lang yun, tara na nga takot manlibre e." Sabi pa niya tapos ay tumayo sabay hila sa akin.

Oo hindi talaga kami close kung makahila siya sa akin wala pa naman ilang oras kami nagkakakila tapos kung hawakan ako na walang permiso akala mo close ko talaga.

"Ang sakit, baka gusto mo bitawan di ba." Pagtataray ko

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko at sumabay na lang sa paglalakad sa akin.

"Ano ba kakainin natin doon, nag dinner ka na ba?" Tanong niya

"Nope, kakauwi ko lang talaga pero hindi pa naman ako gutom e." Sagot ko.

"Hmm, ano bibilihin natin sa may Ministop?"

"Ice cream atsaka chocolate, comfort food ko after ko umiyak." Sabi ko

"Sige bili na rin ako ng dinner ko roon para may kakainin din ako."

Tumango na lang ako sa kaniya at nagpatuloy na lang kami maglakad habang hindi nag uusap wala naman na rin kasi masabi kaya tumahimik na lang talaga kaming dalawa.

Nasa may loob kami ni JM habang kumakain kami ay nagkukuwentuhan kami kumakain siya ng kanin na may ulam tapos ako ice cream at chocolate.

"May pinagtitripan kasi ako na babae masyadong g na g  kapag kausap ko siya. As in talaga kaya I like her." Sabi niya pa habang natatawa.

"Grabe ka sa kaniya parang yung lalaki na nalaman name ko juskoo anlakas lagi mangtrip." Sabi ko pa.

"Hala! weh? anong ginagawa sa'yo?"

"Tatawag tapos mambubwisit lagi na lang tapos kanina nalaman pangalan ko kaya naman naiinis ako sa kaniya." Sabi ko pa sabay kain ng ice cream.

"Okay lang yan, parang kung tinawagan ko ambilis din mainis." Natatawang sagot niya

Hindi ko na siya sinagot pa at kumain na lang ng ice cream.

"Kung sino man yun nako siguro asar na asar na parang ako lang din siya e." Sabi ko

"Tama pakilala kita sa kaniya minsan stalk muna sa facebook."

"Gege, maiba tayo kuwento ka naman about sa ex mo." Sabi ko

"About her, nakipaghiwalay lang ng walang reason masakit pero no choice move on ang kailangan kasi kung magpapa apekto ako wala rin naman milagro na babalik siya atsaka isa pa pinagpalit na ako kaya hinayahan ko na lang." Sagot niya

"Masaya ka na ngayon?" Biglang sagot ko.

"Noong una hindi pa pero nung makilala ko yung babae na inaasar ko super saya ko kasi everytime na aasarin ko siya napapangiti niya ako kapag naiinis siya." Nakangiti na sabi pa niya.

"Well she's lucky kasi naiinis siya tapos ikaw napapangiti niya, congrats." Sagot ko

"Mahahanap mo rin siya siguro na traffic lang talaga siya." Sagot pa niya

Ngumiti na lang ako sa kaniya at nagpatuloy na lang ulit sa pagkain ng ice cream at chocolate juskoo ko hindi ko namalayan tunaw na pala siya sana mahanap ko na siya makita ko na siya at higit sa lahat dumating na siya at hanggang sa huli kami na ang para sa isa't isa.