Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 12 - CHAPTER 10

Chapter 12 - CHAPTER 10

Larryl Point of view

Inaantok pa talaga ako kaso nag alarm na yung clock ko kaya no choice ako kung hindi ang tumayo at patayin ang alarm clock masyado ng maingay. Tumayo na ako at dumeretsyo na sa banyo ginagawa ko para mawala antok ko biglaan ko na lang binubuhusan mukha ko ng tubig para magising ang diwa ko.

Pababa na ako ng marinig ko ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko hindi na ako sumagot kasi pababa naman na ako e.

Naabutan ko sila na nakaupo na sa may hapag kainan.

"Kaya pala hindi sumasagot pababa na pala e, kain na para maaga tayo." Sabi ni Ange

"Sige." Sagot ko

Napansin ko na si Ange at Anna lang wala si Jaja nasaan na naman kaya siya.

"Tapos na siya kaya umakyat na sa kuwarto niya." Sabi ni Anna

Tumango na lang ako at kumain ulit kasi nahuhuli ako well tapos naman na rin ako kaya okay lang kahit mabagal ako kumain.

Pagkatapos ay sabay sabay kami sumakay sa service namin oo naka service lang talaga kami, mga magulang namin ang may kagustuhan mas okay naman kasi sa amin ang ganito atleast hindi na hassle sa aming mga magkakaibigan. Habang nasa biyahe kami ay nag uusap muna kami about sa mangyayari sa first day.

"May kaklase kaya ako na gwapo." Sabi ko.

Nakita ko na lang ang kunot noo na si Ange at Anna.

"Wala naman masyadong mahilig sa pagluluto Larryl, as if trip nila." Natatawang sagot ni Angelica

"Malay mo lang naman di ba? Taena panira ka talaga e, sinusumpa ko hindi ka na sana magkaroon ng lovelife." Sabi ko kay Ange

"As if din naman trip ko magkaroon, dagdag stressed lang yun e." Sagot niya pa.

Kapag talaga siya ang kausap nakakabobo pati joke sa kaniya seryoso kakainis.

"Makikita mo na naman yun kausap mo nung nakaraan Jaja." Sabi ko

"Tarantado, issue na naman kayo e." Sabi niya

"Bunganga niyo, laging mga nagmumura e." Sabi ni Annalyn

Hindi ako nakapagsalita pati rin si Jaja kasi naman e. Habang nasa biyahe tahimik lang kami hindi na ulit kami nakapag usap paano ba naman may binabasa si Ange at Anna habang may earphone sa tainga samantalang si Jaja ay naglalaro ng Ml oo naglalaro siya kakaloka nga e, samantalang ako nakatingin lang sa mga dinadaanan namin may mga students din ako na napapansin na naglalakad siguro di afford charot lang yun.

Makalipas lang din ang ilang minuto ay sa wakas nakarating na kami sa aming pupuntahan na paaralan sa bagong buhay na tatahakin namin ng magkakasama, isa isa na kaming bumaba at nagpaalam kay Manong.

"So paano text na lang us kapag luch break juskoo. Swerte ni Ange at Anna kasi may mga subject na same kayo." Sabi ni Jaja

"Okay na yun nakakahiya ang solo e, mahiyahin kami e." Sabi pa ni Anna.

"So kapag walang kasama makapal mukha, grabe ka naman sa amin ni Jaja." Sagot ko

"Ikaw nagsabi niyan, sige na tara na para makalanghap ng aircon." Sabi ni Ange

"Parang walang aircon sa bahay, patay gutom lang be." Sabi naman ni Jaja

Natawa na lang kami sa kaniya, ilang minuto lang din ay lumakad na kaming apat papasok sa School habang naglalakad nag uusap lang kaming apat. Ilang oras din kami magkakahiwalay juskoo mamimiss ko pagmumukha nila kahit nakakasawa.

Pagkakuha ng mga schedule namin ay isa isa na kaming naglakad papunta sa mga kaniya kaniya namin na room dahil sa bago lang din naman ako dito ay nakapagtanong na agad ako sorry naman di ba malawak mahirap na mapahiya first day naman ngayon e. Lumapit ako sa lalaki na nag uusap siguro hindi naman sila masungit atsaka baka 2nd year sila kasi naka uniform e.

"Excuse me po, pwede magtanong?" Sabi ko

"Ano ba yun Miss, anyway newbie." Sabi pa niya habang nakangiti shet boy hunting is real thank you lord sa isang gwapong nilalang sa harapan ko.

"Yes, tanong ko lang sana ang room 201. Hindi ko kasi alam e." Sabi ko kailangan wag tayo papahalata na marupok mahirap na maloko sa panahon ngayon.

"What? Culinary students ka?"  Gulat na tanong niya OA lang kuya.

"Yup, ikaw ba?"

"Destiny, culinary rin ako so sabay na tayo. Nahiwalay ako sa mga tropa ko e." Sabi niya pa.

Share mo lang, jokas lang naman yun.

"Ehh, buti naman may makakausap na ako rito." Sabi ko

"Tama, tara na baka mahuli tayo mga terror ang prof dito Miss." Sabi pa niya.

Bigla na lang ako napanganga seryoso ba yun walang halong joke kakaloka first day pa naman kinakabahan agad ako ng bongga.

Habang naglalakad kami ay kinapalan ko na rin ang mukha ko na magtanong sa kaniya akala ko 2nd year college na siya.

"Alam mo na ba ang about dito? Ang lakas ng loob niyo pumasok dito." Sabi niya

"Bakit hindi, may narinig lang kami na magulo at walang respeto ang mga students siguro the reason bakit terror ang teacher." Sagot ko paakyat kami ngayon sa may second floor walang elevator or even eskelator hagdanan lang talaga ang mayroon hindi daw nila inallowed dahil walang ingat ang mga students na nag aaral dito karamihan pa ng mga maingay ay ang mga babae daig pa mga lalaki.

"Sikat kami kasi alam niyo agad ang issue pero bakit dito kayo nag aral? Alam niyo na ganoon ang issue tapos dito pa rin kayo nag aral?" Tanong niya pa

Bumuntong hininga muna ako sandali.

"Siguro kasi bilang babae mas gusto namin nachachallenge kami, sa past school namin andami namin nakakaaway siguro kaya gusto namin sa school na magulo." Sagot ko

"Good, hindi kayo maapi."

"As if naman magpapaapi kami no way! may kasabihan kaming magkakaibigan. Lahat ng mga magaganda na katulad namin ay hindi maaapi hindi lang kami sa academics magaling pati sa pakikipag away." Nakangiting sabi ko

"Iba rin ganyan talaga dapat ka confidence."

Hindi na ako nagsalita pa kasi hindi na namin namalayan na nandito na kami sa room nakatingin sa akin ang mga students napansin ko kasi na ako lang bukod tangi na transferee bahala sila ang mahalaga mahal ako ni mama at papa at mga nag ampon sa akin. Anong linya ko sa buhay laban lang ng laban, wag ka susuko.

Habang wala pa ang prof namin ay tinawagan ko na muna si Jaja baka mamaya napaaway na yun sa personalities pa naman nun hindi na ako magtataka. Tumayo muna ako at naglakad palabas sa room dala ang cellphone ko, dinial ko ang number ni Jaja tatlong ring pa lang ng sagutin niya.

[Yes? ] Masayang sabi niya

[Kumusta? Wala ka ba nakaaway, alam ko na every first day of school may kaaway ka.] Natatawang sabi ko narinig ko na lang tumawa siya.

[Wala malamang, tarantado nagbago na ako college na rin e, atsaka be matured enough post ng mga kabataan.] Natatawang sabi pa niya

[Abnormal, sige na may kausap ka ba riyan?]

[Opo, si Mike kaklase ko siya sa isang subject tapos the rest hindi na be, ikaw ba? ]

[Mayroon, gwapo te.]

[Hindi ka niya type. Sige na nandiyan na yung prof namin later na lang mwaps.]

Hindi pa ako nakakapagpaalam ay nagulat na lang ako kasi pinatay niya bastos talaga eh.

"Sino yun?" Nagulat ako kaya muntik ko na maihagis ang cellphone ko.

"Kakagulat ka naman e, kaibigan ko." Sagot ko

"Pasensiya nagulat kita, by the way Gladymier but you can call me Mier." Sabi niya sabay abot sa kamay naalala ko magkausap kami pero hindi namin kilala ang isa't isa.

"Larryl Ann Lar na lang." Sabi ko tapos nakipaghandshake sabay bitaw.

"Ang kyut din ng name mo."  Natatawang sabi pa niya so.. pangalan ko lang hindi ako ganern.

"Ikaw ang kyut mo bagay sa pangalan mo." Sabi ko

"Tsskk, kyut ka nagbibiro lang ako kanina." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"Wag yung buhok ko, ayoko ginugulo sapakin kita e." Sabi ko

Natawa na lang siya sa 'kin sabay gulo ulit.

"Pumasok ka na sa loob, punta muna ako sa cr." Sabi niya tapos ay tumakbo na kaya naman ako naglakad na papasok kaso may nakaharang na babae.

"Excuse me." Magalang na sabi ko

"I smell something malandi sa room, bago pa lang nilalandi na si Gladymier." Sabi pa nung babae sa may pinto

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad may space naman na madadaanan e, hindi naman ako mataba para hindi magkasya e. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso kaya napatingin ako sa kaniya at napatingin ang mga kaklase ko.

"Kinakausap pa kita di ba, wag ka bastos baka hindi muna naisin na pumasok dito kasi magiging hell ang stay mo rito." Sabi pa niya

"Pwede ba I dont know you, hindi tayo close kaya wag mo ako hinahamon. Fyi i dont care kung maging hell as if naman matatakot ako sa'yo, mas maganda ako sa'yo tandaan mo yan." Sabi ko tapos bitaw sa braso ko kaya nabitawan niya wag niya ako hamunin kahit first day pa ngayon hindi ko siya uurungan.

"Ang kapal naman ng mukha mo sabihin na mas maganda ka, for your information nanalo ako as muse noong district meet baka wala ka pa sa kalingkingan ng ganda ko." Sabi pa niya

Ako talaga ang hinamon niya sa pakikipagdebate hindi niya alam palaban kaming magkakaibigan hindi ako papakabog.

"Maganda ka nga, ang tanong matalino ka ba? aanhin ang kagandahan kung boboo ka naman wala rin yan sense girl, kaya if I we're you sa facebook ka nababagay famous pero bobo naman." Natatawang sagot ko nakita ko na lang na nainis na siya balak na dapat niya ako sampalin kasi nakataas na ang kamay ng makita ko na nahawakan ni Mier ang kamay niya.

"Subukan mo sampalin, mapapaalis ka sa school na ito ngayon na mismo." Sabi pa niya.

"Nauna naman siya e, kinakausap ko tinatalikuran ako e." Sabi ni maganda wala naman utak.

"Kahit naman nakaharap at nakatalikod parehong pader e, pero wala kang karapatan awayin siya. Ako mismo magpapaalis sa'yo rito naiintindihan mo ba?" Sabi ni Mier

"Oo." Sabi ni bruha tapos ay tumaray at bumalik sa upuan niya.

Pinagtanggol nga ako ni baliw may kasama naman na bully tungkol pagiging pader ko kapal din talaga ng mukha nito e akala ko okay na kaso sinamahan pa ng pader wala na talaga finish na agad.

"Hindi ka ba nasaktan?" Tanong niya pagkaupo namin sa upuan namin.

"Nasaktan." Sabi ko habang nakapangalumbaba

"Bakit naman? bago ako dumating sinaktan ka ni Trisha." Sabi pa niya

"Hindi, nasaktan ako kasi sinabihan mo ako ng pader buwisit ka e." Sabi ko tapos hinampas siya sa braso.

"Totoo naman kasi e, hawakan ko pa yan e." Natatawang sabi niya.

"Manyakis ka rin e, bwisit ka mawala ka na sa paningin ko." Sabi ko

"Joke lang yun, tumigil ka na kakahampas kilitiin kita sige." Sabi niya

Tumigil na lang ako sa paghampas sa kaniya tapos ay yumuko na lang kailangan ko muna mag isip anong gagawin ko next day, hindi naman sa lahat ng pagkakataon kasama ko si Mier malamang sa ibang bagay ay may gagawin siya paano kapag madami sila paano ko makakaya, haist, bahala na si batman ang isipin ko ngayon kailangan wala akong record sa guidance madadamay mga kaibigan ko lalo na si Ange at Anna na sobrang umiiwas sa away.

Ilang sandali lang din ay nakarating na sa wakas yung prof na dapat sana ay hindi na dumating kasi nakahiya sa 30 minutes na lang siya rito mananatili hindi na lang kasi ginawang 2 hours na hindi pumasok para mas masaya naman haist nagiging bipolar na naman ako kainis.

"Sorry for being late, may meeting kasi kami e. Anyway since first day naman ngayon pakilala muna kayo kasi may transferee pero mauuna na muna ang transferee." Sabi ng prof.

"By the way I'm Rosemarie Escaño but call me Ms. Rose dalaga pa lang ako guys, anyway how to introduce yourself very simple say your name and give atleast information about yourself." Sabi ni Ms. Rose ako agad ang tinuro nasa may dulo na nga ako e, sa bagay ako lang din pala ang transferee pero okay lang laban lang.