Chereads / My Love Next Door / Chapter 23 - Spin the Bottle

Chapter 23 - Spin the Bottle

"Let's get this party started!!!"

Sumigaw si Emari habang binubuksan ang isang bote ng wine. Naghanda rin ng bote ng tequila at dalawang case ng beer si Arvin. Abala naman sa pagse-setup ng music si Zein. Naging maingay ang buong bahay nina Emari.

"EMARI!" pasigaw na tinatawag ni Sandy ang kaibigan dahil sa lakas ng music. "WALA BANG IBANG TAO DITO? BAKA MAKADISTURBO TAYO."

"WAG KANG MAG-ALALA! NAGPUNTA NG ILOILO ANG PARENTS KO!" sagot naman ni Emari.

Buong gabing nag-inuman ang magbabarkada maliban lang kay Sandy. Nang maisipan ni Arvin na maglaro ng "Spin the Bottle", kumuha ito ng empty bottle at niyaya ang lahat na pumasok sa kwarto ni Emari.

"To make this night more fun, why not we spin the bottle?" pambungad ni Arvin. Nagreklamo naman ang mga kaibigan niya dahil napaka-childish daw ng naisipan niyang laro. "Anong childish? Ang sabihin niyo takot lang kayo at KJ!"

"Sige na, sige na! Pagbigyan na lang natin. Nandito na rin naman tayo." Batid ni Inigo na siyang naunang umupo sa sahig.

Sumunod na rin ang iba sa pag-upo sa sahig. Nakaupo sa tabi ni Inigo si Arvin at Sandy. Kaharap naman niya si Ramsha. Tumabi naman si Zein kay Ramsha na napapagitnaan nila ni Emari.

"Bakit may laman 'tong bote ng tequila dito? Di ba walang laman ang ginagamit na bote sa spin the bottle?" tanong ni Ramsha nang mapansin niya ang mga bote ng tequila sa ilalim ng mesa.

Tumayo si Arvin upang magpaliwanag. "Actually, props yan para sa laro natin. This is how we play the game. We spin the bottle, then kung sino ang ituturo ng bote gets to choose between truth or dare. If you refuse to answer the question or do the dare, you'll be punished by drinking a glass of tequila. Okay ba yun?"

"OK CALL!" sabay-sabay na sagot ng lima.

Kinuha ni Arvin ang empty bottle para paikutin ito. Habang umiikot ang bote, kinakabahan sila na baka sa kanila ito huminto. Maya-maya ay huminto sa kakaikot ang bote at nakatutok kay Ramsha.

"Ako talaga ang nauna, noh?" sarkastikong ngumiti si Ramsha habang nagbunyi ang iba na hindi sila ang napili.

"Truth or Dare! Truth or Dare!" nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat para kay Ramsha.

"Okay fine! Sige! Dare!"

"Oooooh! Daring!" pang-aasar ni Inigo. Napakasexy ng boses niya nang sabihin niya yun at ang mga mata niya ay nang-aakit ng tingin sa chinita.

"Awryt! I'll give the dare." Nagrepresenta si Arvin. May pananabik sa kanyang boses nang sabihin niya ang dare ni Ramsha. "Take off your jacket in a sexiest way."

Sinapak ni Emari si Arvin sa ulo si Arvin dahil sa inis. "Manyak ka ba? Kanina mo pa pinagnanasahan yang si Ramsha ha."

Hinimas-himas ni Arvin ang ulo niya. "Aray ko naman, Em! Jacket lang naman ang pinapahubad ko ah!"

"Di ka man lang nahiya." Galit na galit ang mukha ni Emari.

"Okay lang, Em! Jacket lang naman, eh!"

"Sigurado ka?"

"Yeah!" Confident na ngumiti si Ramsha kay Emari. Saka tumayo ito upang gawin ang dare.

Dahan-dahan niyang hinubad ang leather jacket niya, at kasabay nang pagtatanggal ng suot ay ang kaakit-akit na paggiling ng katawan niya. Napalunok naman si Zein at Inigo na walang kurap na nakatitig sa makinis nitong balat. Unang dumapo ang mga tingin nila sa maputing leeg nito. Dahil maluwang ang suot niyang crop top, bumaba ang tingin sa kanyang dibdib na halos kita ang cleavage. Patuloy sa pagsasayaw si Ramsha. Inikot-ikot niya ang jacket sa ibabaw ng kanyang ulo. At dahil nakaangat ang kanyang kamay, kitang-kita nila ang balingkinitan nitong katawan at ang pusod niya na malinis naman.

Nakaramdam ng kakaiba si Inigo. Pakiramdam niya ay para siyang nanigas sa kanyang pinapanood.

"TAMA NA!" sigaw nito. Napatingin ang lahat sa kanya. "Okay na! Umupo ka na!"

"Inigo naman eh!" dumaing si Arvin. "Ang ganda na ng performance ni Ramsha, eh!"

Sinapak ulit ni Emari si Arvin. "Ang manyak mo!"

Kinuha ni Emari ang bote at pinaikot ito. Sa pagkakataong ito, huminto ang bote kay Inigo. Naghiyawan silang lahat ng Truth or Dare

"Truth!"

"Ako ang magtatanong!" anunsyo ni Emari. "Uhm, na-inlove ka na ba? Kailan at kanino?"

Nagkamot ng ulo si Inigo habang iniisip ang tanong. "Mmm… when I was ten, I met this weird-looking girl. Makapal ang glasses, parang Dora ang buhok, naka-braces. Hindi siya physically attractive but I find her very cool. Masarap kausap at nakakatuwang kasama. I can't call it love kasi ilang oras lang naman kaming nagkasama. BUT, I can tell that I really like her a lot."

Namangha ang lahat sa kwento ni Inigo. Hindi nila inakalang may ganung klaseng kwento pala ang kaibigan nila.

"Anong pangalan niya?" tanong ni Sandy.

"Hindi ko natanong, eh. After that, hindi ko na siya nakita ulit."

"Gawa-gawa mo lang yata yan, eh!" pagdududa ni Emari.

Sumang-ayon naman si Arvin sa kanya. "Oo nga! Baka nga! Imposible namang di mo natanong ang pangalan."

Tumawa si Inigo sa komento ng dalawa. "Tama kayo! Gawa-gawa ko nga lang yun HAHAHA!"

"Aye naku! Wala kang kwentang kausap, Inigo!" inis na inis si Emari. Tawang-tawa naman si Sandy.

"Dahil diyan, may parusa ka." Kinuha ni Arvin ang baso at pinuno ito ng tequila. "Oh! Inom!"

Tinanggap naman ito ni Inigo na walang reklamo. Yumuko si Ramsha at niyakap ang sarili habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakatingin naman sa kanya si Zein.

"Alright! Next round!"

Inikot ni Arvin ang bote. Huminto ito kay Emari at pinili niya ang truth. Itinaas ni Sandy ang kamay niya at nagboluntaryo na magtatanong.

"Uhm, mmm… what is your most embarrassing moment?"

Namula si Emari sa tanong ni Sandy. Nagtawanan naman ang tatlong lalaki na tila alam na nila ang sagot.

"Ano ba!" inis na inis si Emari sa pang-aasara ng magkakaibigan.

Nag-alala naman si Sandy. Mukhang hindi komportable si Emari. "K-kung di ka komportable, wag mo na lang sagutin. O-ok lang naman!"

Kinuha ni Emari ang baso at pinuno ito ng tequila. Sumandal ito sa kama at nakasimangot. Hindi pa rin tumigil sa kakatawa ang tatlo. Upang magpatuloy ang laro, kinuha ni Sandy ang bote at pinaikot ito. Huminto ito kay Arvin.

"Okay, dare ako!" matapang na sinabi ni Arvin.

"Ayos! Sige! Ako ang magdi-dare." sabi ni Zein.

Kinabahan si Arvin. "Huy, Zein! Ayusin mo yang dare mo ha."

"Okay! Arvin, I dare you to spell your full name Arvin Kyle Abellanosa with your butt!" Ngumiti si Arvin at naisip na napakadali lang ng dare ni Zein. Sarkastiko namang ngumiti si Zein nang sabihin "Na walang pantalon!"

Nandilat ang mga mata ni Arvin at napanganga. "What! That's so embarrassing, pare!"

Tiniklop ni Inigo ang mga braso niya at inudyok si Arvin. "Don't tell me pipiliin mong uminom na lang na tequila? Ano ba yan! Ang boring!"

"Okay fine! 'Eto na!"

Tumalikod si Arvin at hinubad ang pantalon. Hinanda naman ni Zein at Inigo ang cellphone nila para kunan ng video si Arvin. Nagsimula ng ispelengin ni Arvin ang buong pangalan niya gamit ang kanyang pwet. Tawang-tawa naman ang lahat sa kanya.

Pagkatapos ay dali-dali niyang isinuot ang pantalon. "Uy, guys! Wag niyo namang ipost yan sa social media! Nakakahiya!"

"May pang-birthday greeting na kami sayo!" tawang-tawa na pang-aasar ni Inigo.

"Grabe! Inigo naman!"

"Hay naku! Sige na! Paikutin na ang bote!"

Inikot ni Zein ang bote at huminto ulit kay Ramsha.

"Ako ulit?"

Nang-aasar ang mukha ni Zein. "Eh sayo huminto eh!"

Umirap lang si Ramsha. "Sige! Truth naman!"

"Tell us about your first love." Tanong ni Zein.

Nagulat si Ramsha sa sinabi ni Zein. Nagtagpo ang kilay niya sa gitna at tiningnan ng masama si Zein. Naghihintay ang lahat kay Ramsha, umaasa na magkukwento siya. Subalit mas pinili niyang uminom ng isang basong tequila.

"Napaka-secretive mo naman, Ramsha! Okay next round!"

Kinuha ni Arvin ang bote at pinaikot ulit. Kay Zein naman ito huminto.

"Dare!" panghahamon ni Zein.

"Do you like someone here? If meron, I dare you to kiss her."

Nagtinginan ang lahat kay Inigo. Nagulat sila kung bakit ganun ang dare.

"Bakit ganyan ang dare mo?" pagtataka ni Emari.

"Pwede namang uminom na lang siya kung di niya kaya, di ba?"

Tahimik na nag-iisip si Zein. Samantalang kinakabahan at pinagpapawisan naman ang mga kamay ni Sandy na di mapalagay habang bumubulong na sana'y hindi siya gusto ni Zein. Nakakatakot naman ang mga tingin ni Emari na parang bang handa nang manuntok.

Pagkatapos mag-isip ni Zein, lumingon siya sa kanyang tabi at hinarap si Ramsha. "Ayokong uminom, eh. So, I guess I'll just have to kiss you."

Napanganga silang lahat maliban kay Ramsha na hindi na nagulat.

"What?! Gusto mo si Ramsha? Kailan pa?" pang-iintriga ni Arvin.

Kahit si Inigo ay nagulat. Nag-alala naman ito para kay Ramsha.

Tumitig si Zein mapupulang labi ni Ramsha at dahan-dahang nilapit ang mga labi nito sa kanya.

"Wait!" umatras ng bahagya si Ramsha at nilagay ang kamay sa harap ng mukha ni Zein. "Paano kung ayoko?"

"You'll get a punishment." Bulong ni Zein habang nakatingin sa mga mata ni Ramsha.

"No problem! Isang baso ng tequila lang naman yan."

"No! You have to drink the whole bottle if you won't let me do the dare." Panghahamon ni Zein.

Sarkastikong ngumiti si Ramsha at matapang na kinuha ang bote ng tequila at nilaklak ang buong laman.

"Ram!" nag-alala ng lubos si Sandy.

"Aaaah! Ang sarap!" batid ni Ramsha sabay punas sa bibig. Maya-maya ay nakadama ito ng pagkahilo. Nang tumayo ito, muntikan na siyang matumba. Napatayo sa pag-aalala si Inigo at Sandy.

"Uy! Okay ka lang?" tanong ni Sandy.

"Labas muna ako. Pahangin lang!"

"Sasamahan na kita!" alok ni Sandy.

Ngunit hindi na hinintay ni Ramsha ang kaibigan at lumabas na nang tuluyan.

"Just stay here, Sands! Ako na ang bahala sa kanya."

Sinundan ni Inigo si Ramsha sa labas, samantalang naiwan naman na nag-aalala ang natira sa loob ng kwarto.

"Ano bang pumasok sa isip mo?" nagsimula ng mangaral si Emari. "Gustong-gusto mo talagang halikan yung tao? To the point na hahamunin mo siyang laklakin ang isang bote ng tequila? Baliw ka ba?"

"Lasing na ata ako!" pinikit ni Zein ang mga mata niya at sumandal sa pader.

Panghihinayang at inis ang kumukulo sa loob ni Zein. Hindi niya maalis sa isip niya ang kissable lips ni Ramsha. Inis na inis siya dahil akala niyang pagbibigyan siya ng dalaga.