Chereads / My Love Next Door / Chapter 26 - Just a One Night Stand

Chapter 26 - Just a One Night Stand

"Aaah! Ang sarap talaga ng ramen dito. Nakakawala ng hangover!"

Sa kabusugan, napahawak si Arvin sa kanyang tiyan at isang malaking ngiti ang nakapinta sa kanyang mukha. Mukhang natuwa at nasarapan nga siya sa inorder na ramen. Ganun din si Inigo at Emari na natatawa sa pagmumukha ni Arvin.

"Alam mo, Arvin! Kung di kita kaibigan, baka pinalabas na kita ng bahay kagabi." Wika ni Emari.

Natatawa namang nakikinig si Inigo kay Emari.

"Haha! Bakit, Em? Ano na naman bang ginawan niyan kagabi?"

"Aye naku! Ang sakit sa ulo, pramis! Umihi ba naman sa kama? Ang baboy mo talaga malasing, no? Ang lakas pang humilik. Gusto ko nga sanang takpan ng unan ang mukha niya para di na makahinga eh!"

Lumakas pa lalo ang tawa ni Inigo, samantalang sumimangot naman si Arvin.

"Ang harsh mo naman, Emari!" nakalabas ang nguso ni Arvin. Mas lalo namang nainis si Emari sa pagmumukha niya.

Agad namang lumapit si Ramsha sa mesa nila at tinanong kung may order pa ang mga ito.

"Ma'am, sir! Meron pa ba kayong gusting orderin?"

Tahimik lang na nakatitig si Inigo kay Ramsha na mukhang kalmadong-kalmado. Nagtataka ito dahil para bang walang bahid ng pagka-awkward sa mga kilos nito at normal na normal lang kumilos. Samantalang ramdam na ramdam niya ang ilang na tila di niya alam kung paano babatiin o kakausapin ang dalaga.

"May ice cream kayo dito?" tanong ni Arvin.

"Meron po. Meron kaming good for three."

"Ayos! Ok, kuha kami niyan. Yung rocky road, ha!"

"Alright, meron pa po bang iba?"

"Yung lang muna, Ram!" sagot ni Emari. "Mamaya na kami oorder ulit kapag nakarating na si Franco at Sandy."

"Okay! No problem! One bowl of ice cream na good for three coming up."

Umalis si Ramsha at ilang minutong nakalipas, bumalik ito na may dala-dalang isang bowl ng rocky road ice cream at tatlong kutsara. Puno naman ng pananabik si Emari at Arvin na parehong sweet tooth. Agad nilang kinuha ang kutsara at lumamon ng ice cream.

"Mukhang enjoy na enjoy kayo, ah!" batid ni Ramsha na nakangiti dahil tuwang-tuwa sa dalawa.

"Maupo ka muna, Ram! Bonding ka muna. Wala ka pa namang ibang costumer eh!" alok ni Emari.

"Di, okay lang. Wag niyo na akong pansinin." Sagot naman nito.

"Di ba sumasakit ulo mo? Ang dami mong nainom kagabi. Ba't di ka mag-ramen?" sa wakas ay nakapagsalita na rin si Inigo. Umaasa ito na maiilang sumagot si Ramsha sa kanya, pero tulad ng dati, bardagulan itong sumagot.

"Ramen ka dyan. Oh tapos ano? Kakaltas sa sweldo ko? No, thanks!"

"Mmmmm…" dinilaan muna ni Emari ang kutsara saka nagsalita. "Teka! Siguro nalasing ka rin kagabi. Paano ka nakauwi?"

Umubo si Inigo. Di niya inasahang may magtatanong tungkol dun.

"Hinatid ako ni Inigo." Confident na sagot ni Ramsha. "Pagkatapos niyang ihatid si Franco at Sandy, hinatid niya na rin ako."

"Aye, mabuti naman. Driver talaga ng mga lasing 'tong kaibigan namin."

Natawa naman si Ramsha.

"Pansin ko nga. Sige, balik na ako sa trabaho ko!" at umalis itong nakangiti.

Dumating na rin si Franco at Sandy. Binati nito si Ramsha at Tristoffe na nasa counter. At excited naman itong lumapit kay Emari upang kunin ang naiwang bag. Malaki naman ang ngiti ni Emari sa pagbati ni Sandy sa kanya at agad nitong inabot ang kanyang bag.

"Hnnng! Salamat, Emari!"

"Lasing na lasing ka kagabi, ah!"

Namula ang tisay na mukha ni Sandy nang ipaalala ni Emari ang nangyari kagabi.

"Nilaklak ba naman ang bote ng tequila? Tapos di naman pala umiinom." Dagdag ni Arvin.

"Ano ba kasing tinanong mo?" galit na tanong Franco.

Sinubukang alalahanin ng dalawa ang tanong kagabi ngunit sa kalasingan nila, di nila maalala. Kaya nagsiilingan na lamang sila ng ulo. Subalit si Sandy, alalang-alala niya ang gabi bago siya malasing. Hindi niya inasahang sa kanya hihinto ang bote at sa walang pag-aalinlangan, tinanong siya ni Arvin.

"Sino bang mas lamang sa puso mo? Si Inigo o si Franco?"

Hindi niya masagot. Mahirap magbitaw ng salitang hindi kaya panindigan, salitang maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan, o kaya naman ng pag-asa na wala naman. Kaya pinili niyang lumaklak na lang ng bote kesa sumagot pa siya na maaaring ikapapahamak pa niya.

"Hay naku! Napaka-isip bata mo talaga, Arvin!" komento naman ni Franco.

"Alam niyo, mag-order na lang kayo. Tapos na kaming kumain." Sabat naman ni Inigo sa pag-uusap.

"Di na! Alam ko naman na ramen lang din kakainin ng dalawang yan kaya hinanda ko na." sagot naman ni Ramsha na biglang lumapit sa kanila na may dala-dalang mangkok ng ramen.

"Thank you, Ram! Okay ka lang ba?" pag-aalala ng kaibigan.

"Wag mo kong alalahanin. Mas matibay pa 'to sa kalabaw."

Natawa na lang si Sandy sa kaibigang nakangiting umalis. Patuloy ito sa pagtatrabaho habang nakatitig pa rin sa kanya si Tisoy. Hindi niya mawari kung bakit ganun ang kinikilos ni Ramsha, na para bang wala lang ang lahat sa kanya.

"Teka, si Zein?" hanap ni Franco.

"Ayaw sumama. Umuwi na at natulog." sagot ni Emari.

Maya-maya ay nauna nang umuwi ang tatlo, samantalang naiwan pang kumakain ang dalawa. Naging pagkakataon rin iyon upang makausap ni Sandy si Franco na isang linggong hindi nauwi sa kanila.

"Kumusta ka nga pala? Halos isang linggo ka ring nawala, ah!"

"Miss mo ko?" biro ni Franco. Nang hindi nakasagot sa nakakagulat nitong banat, natawa si Franco sa pagmumukha ni Sandy. "Hahaha! Di mo ba ako namiss? Walang naghahatid-sundo sayo."

"Alam mo, hindi talaga! Napakatahimik ng buhay ko na wala ka."

Ah, talaga Sandy?

Isang pagkukunwari. Sa katunayan, araw-araw kumakatok si Sandy sa kwarto nito, nagbabakasakaling nakauwi na ang kapitbahay. Tsinitsek niya rin sa labas kung naroon ang motor niya. At bumibigat ang puso niya sa tuwing nalalaman niyang hindi pa rin ito nakakauwi.

"Pero sa'n ka ba nagpunta at bigla ka na lang nawala?"

Ngumisi lang si Franco.

"Saka na natin pag-usapan yan. Kumain ka na. Tsaka, baka mauuna na rin ako. May gagawin pa ako, eh!"

"Okay. Di rin tayo makakapag-aral ng Math ngayon dahil naiwan ko gamit ko sa bahay." At nagpalitan ng ngiti ang dalawa.

Lumipas ang hapon at sumapit ang gabi. Nagpaalam si Ramsha kay Sandy nang magpalitan na sila ng shift. Hindi na muna siya nag-overtime dahil hindi pa ito nakakabawi ng tulog. Paglabas niya ng shop, ramdam nito ang lamig ng hangin kaya niyakap nito ang kanyang sarili at muling naglakad pauwi. Nakatingin ito sa ulap at napansing madilim ang ulap at walang ni isang bituin.

"Mukhang uulan, ah!" kaya binilisan nito ang paglakad pauwi

Nang makarating ito ng bahay, laking gulat niya nang biglang may lumiwanag sa kanyang pintuan, isang liwanang na nagmula sa Ashton Martin na sasakyan. Tiningnan niya ang pinanggalingan ng liwanag at sumungaw itong suriin ang driver sa likod ng steering wheel.

Isang pigurang di niya mapagtanto kanino ang lumabas sa sasakyang yun. Hindi niya makita ang mukha dahil sa sobrang liwanag ng headlights. Nang mapalapit sa kanya ang binata, gulat na gulat itong makaharap si Inigo. May dalang pangamba rin ito dahil mukhang mabubuko na ang kanyang sekreto.

"So, dito ka nakatira? Damn! You are filthy rich, girl!" pamamangha ni Inigo nang suriin niya ang mansion ni Ramsha. "Kaya pala ayaw mong magpahatid, ah. Alam mo, sa tuwing napaparaan ako sa bahay na 'to, I always wonder who owns it. You know why? Dahil napakaganda ng bahay na 'to at napaka-ideal pa ng pwesto. A mansion on top of a hill kung saan kitang-kita mo ang buong San Carlos. And I would say that whoever lives this house must be living the life."

"Okay, tapos ka na? Now you know who owns this house. Congrats! Pwede ka nang umalis!" pagtataboy nito sa binata habang binubuksan ang pinto nito.

"Aren't we gonna talk about it?"

"Talk about what?" patay-maling sagot ni Ramsha na hindi man lang tinitingnan si Inigo. Abala pa rin ito sa pagbubukas ng pinto.

"How can you act like nothing happened last night? I'm pretty sure you enjoyed the night. But… the next morning, you were suddenly gone."

Nabuksan na rin ni Ramsha ang pinto at hinarap si Inigo. Wala pa ring nagbago sa ekspresyon ng kanyang mukha. Malamig pa rin itong tumingin.

"Yeah, I enjoyed the night. So?" hindi makasagot si Inigo. Hindi ito makapaniwala kay Ramsha. "Wait! Were you expecting something romantic, Mr. Rosales? Kasi for me… that was just a one-night stand. Sex without feelings!"

Mas lalong hindi makapaniwala si Inigo sa narinig niya kay Ramsha. Hindi niya rin maitago ang disappointment sa mukha dahil para sa kanya, ang gabing iyon ay di pangkaraniwan.

"One-night stand, huh?"

Napangisi si Ramsha sa disappointment na nakikita niya sa mukha ni Inigo at nang-aasar pa.

"Yeah! One-night stand lang. As if naman di mo ginagawa yan sa mga babae mo, di ba?"

Mukhang gumagana ang pang-aasar ni Ramsha kay Inigo dahil inis at irita ang nakapinta sa pagmumukha nito.

"How many times do I have to tell you? Hindi ako ganyang klase ng…"

"Alam mo, Inigo! Di pa ako nakakapagpahinga eh. Umuwi ka na, please. Wala na rin naman tayong kailangan pag-usapan. Di ba?"

Hindi na sumagot si Inigo at hinayaan na lang itong pumasok na ng bahay.

Agad namang isinara ni Ramsha ang pintuan at agad na natunaw, napasandal sa pader, at napapikit ng mata. Para bang nabunutan siya ng tinik at nakahinga ng malalim na nairaos niya ang komprontasyong yaon. Subalit, hindi man halata, nababagabag rin siya. Napapatanong sa sarili kung tama ba ang ginawa niya. Tama bang nagtatago siya? Tama ba na nagsisinungaling siya sa tunay niyang nararamdaman?

"Okay lang yan, Ramsha! Mas mabuting di niya alam ang tunay mong saloobin."

Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Maya-maya ay isang malakas na katok ang narinig nito sa pintuan. Nagtataka nitong binuksan at nagulat na naroon pa rin si Inigo na halos mabasa na sa lakas ng ulan.

"Di ka pa umuwi?" pasigaw nitong tanong na may halong pagtataka.

"Ayokong umuwi, eh. Can I sleep over?"

Natulalang nakatayo si Ramsha habang kaharap ang nang-aakit na binata. Ang akala niya tapos na ang paghaharap, may kasunod pa pala.