"Sandali lang, Elliot, hindi talaga ako pwedeng sumama—teka!" panay ang aking reklamo habang hila-hila ng aking broken hearted na kaibigan.
Si Elliot Sandoval. Hindi ko nga maunawaan kung bakit maglalasing pa siya sa isang bar gayong sanay na sanay naman na siya sa break up. She's far from a slut, she's not a bitch either, she is a good friend, ngunit papalit-palit siya ng boyfriend at walang nagtatagal. Her longest relationship lasted for one month only, at ito nga ang pinakamatagal. Palagi niyang sinasabi na minahal niya talaga ang lalaking nakarelasyon niya ngayon at hindi niya matanggap na pinagpalit lang siya sa isang bruhildang babae. Hindi ko siya masisi, dahil una sa lahat ay hindi ko naiintindihan ang kaniyang nararamdaman dahil hindi ko pa iyon naranasan. I never had a boyfriend, hindi ko alam ang pakiramdam ng mayroong nobyo dahil alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa.
"Please Michaiah, ngayong gabi lang talaga." Pagpupumilit ni Elli. I just shrugged and the next thing I knew, we were driving away from her house going to a luxurious bar I don't even fit in. Wala akong nagawa kundi ang samahan ang aking kaibigan sa lugar na wala akong alam.
You may find it funny, but I was always scared of leaving Montanus, ang aming probinsya. Dahil natatakot ako sa malayang lugar ng syudad, ng Collis Sierra, hindi ako madaling makasabay sa malaya nilang mundo dahil isa lamang akong taong-bahay. In my eighteen years, I have never been to any bars and clubs, hindi pa nga ako nagabihan sa sentro ng aming barangay noon, maging sa sentro ng aming syudad, at hindi ko pa naiikot ang buong Montanus. Kaya naman takot ako sa maraming bagay, sa mga tao, at sa lugar na kinaroroonan ko.
Napadpad ako sa Collis Sierra ngayong bakasyon dahil magtatrabaho ako sa bahay ng mga Torrero upang mag-ipon ng pera. College na ako sa pasukan at kailangan ko ng sapat na pera upang huwag nang mahirapan pa sina Mama at Papa sa sakahan para matustusan kaming limang magkakapatid. Napakahirap ng buhay, maswerte pa rin kami dahil hindi kami nagugutom ngunit alam ko kung paano naghihirap ang aking mga magulang para lang mabuhay kami. Kaya naman nagsisikap ako upang makatulong. I went out of my comfort zone and embraced the wild life out of my cage.
Ngunit kahit na kinondisyon ko ang aking sariling maging handa sa buhay na paparating, naroroon parin ang takot dahil hindi ako sanay. Bukod sa hindi ko kabisado ang Collis Sierra dahil bago pa lang ako dito, wala rin talaga akong alam sa mga bar o club na pagdadalhan sa akin ni Elliot. Ayaw ko talagang sumama dahil unang-una ay magsisimula na ang aking trabaho kinabukasan, ngunit hindi ko rin naman maiwan ang kaibigan ko. Baka mapano pa si Elli, hindi madaling manahimik ang konsensya ko.
Magkaibang-magkaiba kami ni Elliot. Palibhasa'y lumaki ako sa bukid ay hindi ako sanay magsuot ng mga magagarang damit, nagsusuot lang ako no'n kapag may okasyon at bihira lang naman ito sa probinsyang pinanggalingan ko, sa Montanus. Masyadong maikli ang suot ni Elliot at naka crop top, kabaliktaran sa suot kong faded jeans, white shirt at denim jacket. Kung ako siguro ang magsusuot niyon ay hindi ko kaya. Conservative rin ako masyado, mas trip ko iyong mahahabang palda kahit magmukha akong manang. At mas lalo kong gugustuhing mag jeans na lang kaysa mag dress.
"Elli—" I held her shoulders, "Wala talaga akong alam sa lugar na ito, please wag kang maglalasing. Hindi ko alam ang daan pauwi…" nahihiya kong pakiusap.
Elliot just laughed and glanced at me while driving, "Hoy probinsyana girl masanay ka na. Hindi ka makakasurvive kung asal bukid ang bitbit mo dito." Sgot niya. Napayuko ako, kahit kailan talaga ay hindi marunong magdahan-dahan ng pananalita si Elliot, kung hindi lang kami magkaibigan at hindi ako nasanay malamang pababayaan ko na ang isang 'to.
Ganito ba ang nangyayari sa mga broken hearted?
Ganito ba ang ginagawa ng kabataan sa Collis Sierra kapag broken hearted? Tumatambay o naglalakad lakad sa gabi? Kung sa probinsiya ay hindi ko ito magagawa dahil hindi na ako pinapayagang lumabas pagsapit ng dilim. I really need to adjust as soon as possible dahil tulad nga ng sinabi ni Elliot ay wala akong patutunguhan kung asal bukid ang bitbit ko.
Kinapos ako ng hininga matapos masilip ang lugar na aming papasukan. Magulo ang ilaw doon, natatakot akong baka mahilo ako pagkapasok doon. May mga naghahalikan pa sa labas ng pintuan, ang iba'y nagyayakapan at ang iba'y lasing na lasing na habang pauwi.
"Elli, bakit dito?" tanong ko nang huminto kami. Nilamon kaagad ako ng takot matapos makita ang mga naglalakihang lalaki sa labas. Wala akong nagawa nang bumaba sa Elli, mabilis akong sumunod at sumabit sa kaniyang braso, "Elli, magpahinga nalang tayo… jusko Lord." Bulong ko nang hilahin niya ako papasok sa loob.
Napapayuko na lamang ako kapag dumidikit ang aking katawan sa mga naroroon samantlang balewala lamang iyon kay Elliot. HUminto kami sa isang guwardiya. Nang magtama ang paningin namin ng itim na guwardiyaý halos mapaatras ako sa gulat at takot, "I.D" baritonong saad nito at pinasadahan ako ng tingin. Agad namang nagbigay si Elliot ng identification card, "She's just with me." Saad niya at itinuro ako.
Nagsitayuan ang mga buhok ko sa katawan nang pasadahan pa ako nito ng tingin, kunot noo ang mukha ng malaking lalaki habang nakatingin sa aking kabuuan. Tahimik akong nagsisi na sumama pa sa aking kaibigan, hindi sana ako ninerbyosin ng ganito ngayon. The guard glanced at Elliot, to the card, to Elliot and back to me. Dumadagundong ang aking puso sa tuwing sa akin tumitingin iyong guwardiya at napapansin iyon ni Elli dahil dumidiin ang hawak ko sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag nang magbigay ito ng daan at tuluyan kaming pinapasok.
Mabilis kaming pumasok, at hindi nga ako nagkamali nang isipin kong maingay at nakakalula ang lugar. Kulang nalang ay sumapi na ako kay Elliot dahil sa pagkakadikit ko sa kaniya. Dumeretso kami sa isang table na sa tingin ko'y may nauna na.
"Elli, may alak na dito—"
Elliot cut me off, "Hush, just enjoy Michaiah," aniya at itinulak ako paupo. Gumiling pa siya bago tuluyang naupo sa aking tabi, napatawa na lamang ako dahil sa ginawa ng aking kaibigan. Mangha kong inilibot ang aking paningin. Ito ang pinakaunang pagkakataon na nakapasok ako sa isang bar, at bilang isang inosenteng tao ay naiintindihan ko na kung bakit dito madalas pumunta ang mga broken upang makalimot. There's so much pleasure here you wouldn't ask to come, they'll come and sit with you.
"Oh shh—" muntik pa akong mapamura nang may biglang naghalikan sa harapan ko mismo. Ang lalaki at babaeng naupo sa harapan namin ay deretsong naglapaan kaya naman hysterical akong napatayo at lumayo, "Elli—" tawag ko sa kaibigan na agad na tumatawa akong hinila deretso sa dance floor. Luminga linga ako sa paligid, bagong-bago talaga sa akin ang lahat. I am 18 years old but I had never been to any wild places like this, ni hindi nga ako nagpapagabi sa lakwatsa ko doon sa probinsya. Kaya naman hindi ko maiwasang mamangha sa mga ilaw na umiikot ikot, mahilig rin ako sa music kaya naeenjoy ko kahit papaano ang malakas na pagdagundong ng bass.
Napakaingay ng bar, mas maingay pa ito sa sayawan na napuntahan ko. Sumisigaw sigaw ang DJ, pagkatapos ay sasagot ang mga tao sa dancefloor, sisigaw at sasayaw. Naroon parin, naghahalikan ang magkasintahang iniwan namin sa table. Nabubunggo ang aking katawan ng mga nagsasayawang tao sa dance floor habang si Elliot ay masiglang gumigiling habang kumukuha ng alak sa mga server na dumadaan. Napapanganga ako sa tuwing ginagawa iyon ng mga naroroon, namamangha akong hindi iyon natatapon at basta-basta na lamang na nakukuha.
"Micha, you should get one too!" Sigaw ni Elliot sa akin habang sumasayaw, "Come on, enjoy!" Ani pa at nilagok ang hawak niyang baso.
"Omy!" Napasigaw ako at napahalakhak dahil sa pagkamangha. Tumango ako at nag-abang ng server na paparating, kinakabahan kong inihanda ang aking sarili at itinaas ang aking kamay upang mag-abot ng alak.
"Go love, kaya mo yan," Elliot cheered, nilingon ko siya at nginisihan.
Nang mapansin na paparating na ang server ay itinaas ko ang aking kamay at inabot ang isang baso. Ngunit hindi koi yon nakuha dahil isang kamay ang nauna at mabilis na kumuha ng basong aabutin ko sana. Tila gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa hiya. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong kumuha ng isa pang baso dahil agad ring nawala sa paningin ko iyong server.
Napalingon ako sa taong umagaw ng aabutin kong alak. Napaatras ako at tahimik na naghabol ng hininga nang magtama ang aming paningin. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang paraan ng kaniyang pag-ngisi, tila ba nanalo siya sa isang hamon na hindi pinag-usapan at kami lamang dalawa ang nakakaakam. He won, he got my whiskey. Bumagal ang aking hininga kasabay ng pagbagal ng kilos ng bawat isa, ang ilaw na tumatama sa kaniyang mukha ang nagbibigay detalye kung gaano siya kaaya-aya, at sa oras na iyon ay wala na akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang kaniyang anyo.
I just met a handsome man. Napaatras ako nang lumapit ito sa akin, nabubunggo ko na ang mga tao at nawawala na ang presensya ni Elliot sa tabi ko ngunit patuloy parin ako sa pag-atras habang siya ay patuloy na lumalapit.
"You want whiskey?" He asked and gave me a sweet smile any girl could scream for in delight. Nagliwanag ang mukha ko. Ibibigay niya ba sa akin iyong whiskey? Mabilis akong tumango kahit na nahihiya, ngunit sa oras na iyon ay muli ko na namang hiniling na lamunin na lamang ng lupa matapos niyang inumin ang alak sa kopitang kaniyang hawak.
"Better luck next time, baby girl."