Napalunok ako at nag-iwas ng paningin. Pakiramdam ko'y pulang-pula na ang mukha ko dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko na siya nilingon pa, hinanap ko si Elliot na sakto namang papunta sa akin at lumayo.
Elliot gripped my waist in excitement, "Omyghad, that handsome Torerro talked to you!" Bulalas niya.
Nangunot ang aking noo at inalis ang pagkakahigit niya sa aking baywang, "H-huh?"
Elliot screamed along the raging bass, "You are so lucky girl. Whiskey, huh," ngisi niya at hinila ako patungo sa isang sofa. Malayo iyon sa table na pinuntuhan namin kanina at talaga namang mas wild ang mga naroroon dahil halos wala ipasok ng mga lalaki ang kamay nila sa damit ng mga babae. Siguro nga'y kailangan ko nang masanay. Sa Collis Sierra ako mananatili buong bakasyon, kailangan kong makisama sa malayang kalikasan ng mga naririto.
Muli kong nilingon ang lugar na pinanggalingan namin kanina, wala na doon iyong lalaking nakausap ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang tila nasusunog kong pisngi. Hindi ko makakalimutan kung gaano kaaya-aya ang kaniyang hitsura. Napakalinis, manly, at hindi ko masisisi ang mga babaeng magkandarapa sa kaniya dahil iyon talaga ang isinisigaw ng kaniyang hitsura. Na magkakandarapa ang mga babae sa kaniya.
"So..." excited na saad ni Elliot at hinawakan ang mga kamay ko, "Ano'ng pinag-usapan niyo?"
Agad akong umiling, "Wa-wala, seryoso Elliot, wala,"
Elliot furrowed, "Bigla kang nawala sa tabi ko, pagkatapos nakita ko nalang lumalayo ka sa Torrero na iyon," aniya, "Seriously, lumalayo ka?"
"I wasn't even talking to him," depensa ko, "Nagkataon lang na magkalapit kami at naitulak ako, kaya napaatras ako," pagsisinungaling ko. Alam ko kasing hindi ako tatantanan ni Elliot hangga't hindi ako nagkekwento which is wala naman talaga akong ikukwento. We were not talking, he was just there... to piss me off.
Elliot rolled her eyes, "Akala ko pa naman nagkausap kayo," she sighed, "Alam mo bitawan mo muna pagiging probinsiyana mo. Magsaya ka dito, babalik ako sa dance floor. I'll see you here at 10,"
Akma na siyang aalis nang hapitin ko ang kaniyang braso, "Please, wag kang maglalasing,"
Elliot laughed, "Huwag mo akong alalahanin, better join me sa dance floor. Akala ko kasi nagchikahan kayo ng Torrero na iyon, umalis pa tuloy tayo,"
"No,"I swung my head, "Dito lang ako,"
"Sure?"
Tumango ako. Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang umalis at nakipagsayawan sa dance floor. Napakaingay ng paligid, sumasabay ang puso ko sa pagtibok ng dumadagundong na bass. Yumuko na lamang ako at pumikit, pilit na inaalis sa isip ang maingay na lugar. Tahimik akong napangiti nang maalala ang lalaking iyon.
"Whiskey..." I whispered. Hindi ko siya kilala, ngunit sabi ni Elliot ay isa siyang Torrero. Ibig sabihin ay matunog siya sa lugar na ito, sa Collis Sierra. Isa ang pamilyang Torrero sa pinakamayayaman na pamilya sa Collis Sierra, marami silang pag-aaring lupa, at mga gusali. "Oh shoot," I reacted when I remembered my upcoming work tomorrow. Kung maglaro nga naman ang pagkakataon, sa pagkakatanda ko'y sa mansion ng mga Torrero ako magtatrabaho bukas.
Tahimik na lamang akong nagdasal na sana'y huwag nang magtagpo pa ang aming mga landas. Siguro'y kapamilya niya ang Torrero na pagtatrabahuhan ko. Kung ganoon ay mapapalapit ang mundo naming kapag nagkataon. Pero siguro'y wala na rin akong dapat ipag-alala dahil nasisiguro kong hindi niya na ako matatandaan kapag nagkita kaming muli. He has lots of friends, lots of acquaintance, at wala nang lugar sa utak niya ang mga nobody na tulad ko. Siguro'y sapat na iyon upang huwag akong mag-alala.
"Miss, want to drink?"
Napalingon ako sa lalaking nagtanong. Napaatras ako at napapitlag dahil sa hiya at gulat, umiling-iling ako at ngumiti, "Hindi ako umiinom," pagtanggi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki, he looks like a noble man with his suit and tie, malinis ang kaniyang hitsura pati na rin ang kaniyang mukha. Wala akong dapat na ipangamba dahil mukha namang malinis ang instensyon niya, hindi ko lang maiwasang mag overthink. After all, I am different from them. They are wild and free, while I am still scared of going out of my comfort zone. At isa pa, mahina ako sa alak. Baka isang higop palang mahilo na kaagad ako, I have never tasted beer or alcohol before. Napaka inosente talaga ng buhay ko, palibhasa'y lumaki sa striktong pamilya.
The man chuckled, "Come on, don't dump my whiskey. In front of these people? They'll surely remember how rude you were to dump such a polite offer," aniya habang nakangiti sa palakaibigan na tono. Bigla tuloy akong nilamon ng hiya at napalingon sa paligid, at tila mas gusto ko na namang lamunin ng lupa dahil sa hiya nang mapagtantong napapaligiran kami ng ilang grupo. Siguro'y kaibigan o kasama ang mga ito ng lalaking nag-approach sa akin.
Looks like they are after something, and that something is out of my idea. Mukha naman silang galanteng tao, at sa tingin ko'y inaabangan nila kung paano ako mapapayag uminom ng lalaking nasa harapan ko, iyon ang nakikita ko. It seemed like they dared him something.
"Come on,"
Akward akong ngumiti at umiling-iling, "Sorry, mahina ako sa alak," Muli akong umatras at lumayo. For heavens sake, Elli, nasaan ka na? Tahimik akong nagdasal na sana'y dumating si Elli upang saluhin ako sa ganitong sitwasyon, ngunit nakailang aya pa ang lalaki'y hindi pa rin dumarating si Elliot.
"Please, just this once," Muling saad ng lalaki at hinawakan ako sa braso habang ibinibigay sa akin ang isang baso ng alak. "Trust me, hindi ako masamang tao, you can get my full name at ipa-pulis ako kapag may nangyari sa'yo dahil sa akin," dugtong niya sa bumubulong na tinig.
Muli kong nilingon ang mga naroroon, ang lahat ay nag-aabang sa sunod kong gagawin. Pinagmasdan ko iyong lalaki, mukha naman siyang malinis na tao, pati na rin ang mga nag-aabang sa amin ay galante. Ako lang talaga ang nakasuot ng simpleng kasuotan. Ang kaso'y naniniwala akong looks can be deceiving, these wild people are up to something I don't fit in so I should be careful.
"You don't have to worry, walang lason iyan," ani pa ng lalaki at ininuman ang alak na hawak niya, bigla ay mas lalo akong nahiya at nawalan ng gana. Hindi mahinto sa pagkabog ang aking dibdib, bahagya na rin akong naghahabol ng hininga. Namomroblema na ako at hindi ko alam kung paano ito susulosyunan. Ang tanging paraan na lamang na nakikita ko upang huminto ang mga nakapalibot sa akin ay ang tanggapin ang alak na hawak niyong lalaki.
"Please, drink this and let's be friends..."
Lumikha ng ingay ang mga nanunod sa amin, some cheered for the guy and the others pushed me to drink the whiskey. Nang titigan ko ang lalaki'y wala akong nakitang bakas ng kasamaang balak, ang gusto niya na lang talaga ay mapainom ako nang matapos na ang kaunting kaguluhang nangyayari sa lugar naming.
I sighed and accepted his offer, mas lalong lumikha ng ingay ang mga naroroon. Ang iba'y niyugyog pa kami sa balikat. Pumikit muna ako bago tuluyang ininom ang alak na sana'y hindi ko nalang ginawa. Hindi ko nagustuhan ang lasa niyon, at talaga namang mabilis akong nahilo dahil umikot ang paningin ko matapos kong ibaba ang walang laman na baso. I emptied the alcohol, at dahil doon ay halos magsitalunan ang mga naroroon. Hindi ko nauunawaan ang nangyayari, ang gusto ko na lamang ay hanapin si Elliot upang umuwi.
"Oh goodness, thank you baby," sigaw ng lalaking nag offer sa akin at niyakap ako ng walang pasabi, "I won! You fuckers I won!" sigaw niya sa mga kasama niya na naglalabasan ng pera.
Hilong-hilo na ako at hindi na lubusang maunawaan ang nangyayari kaya naman mabilis akong kumalas at tumayo upang hanapin si Elliot. Hindi ko alam kung mahina talaga ako sa alak o may iba nang nakalagay sa nainom ko dahil hilong-hilo na talaga ako.
"Are you okay?" tanong ng lalaki sa akin nang bigla akong tumayo. He gripped my waist when I was about to fall, "Are you alright?"
"Oh my gee, she's dizzy already!"
Narinig ko ang pagsinghap at bulungan ng ilan, ngunit ngumiti lang ako at kumaway, "Okay lang, hahanapin ko lang ang kaibigan ko," I tried everything not stutter ngunit gusto ko nang lumuha nang oras na iyon dahil sa kaba at takot. Paano kung may mangyari sa akin dito, paano na ako, ang trabaho ko kinabukasan, ang pamilya ko? Those thoughts made my eyes formed a liquid that watered my eyelashes.
Kumalas ako sa pagkakahawak sa akin niyong lalaki at nahihilong umalis sa lugar na iyon. I need to find Elliot, sisirain ko ang pagpapakasaya niya ngayong gabi lang dahil ako naman ang mapapahamak.
"Elli..." Akala ko'y naisasaintinig ko iyon ngunit pumipiyok na bulong lamang ang lumalabas sa aking tinig. Makailang beses pa akong tumawag habang humahakbang palayo ng isang pares ng kamay ang humablot sa akin.
"Are you really okay?" It was the man who offered me the whiskey, "If you want pwede kitang ihatid sa inyo,"
Mabilis akong umiling-iling at umatras. Napaluha ako ng tumunog ang tiyan ko, I heard the man chuckled and gripped my wrist ngunit inagaw ko ang aking kamay at nagpatuloy sa paglayo. Kinabahan akong lalo nang lumalala ang aking pakiramdam, lalo na ang pagpipigil sa ilalabas ng aking tiyan.
"Seriously, you can trust me..." pagpupumilit ng lalaki at muli akong hinigit sa aking braso.
"Elli!" sigaw ko at nagpigil ng hininga. Kaunting-kaunti na lamang... hindi ko na kaya.
Napasinghap ako nang higitin akong muli ng lalaki sa aking baywang, ngunit bago pa niya ako tuluyang makuha ay biglang lumitaw si Whiskey Guy sa aking harapan habang matalim na nakatingin sa akin. Tuluyang pumatak ang luha ko at nanlabo ang aking paningin, nagsimulang umikot ang paligid. Hindi ko na nagawang pagmasdan ang kanyang anyo nang tumagilid at tila nalusaw ang kaniyang mukha.
Mas lalong bumilis ang pagpatak ng aking mga luha nang hilahin niya ako patungo sa kaniya at itinulak ang lalaking humihigit sa akin kanina lang. Mas lalo lamang sumama ang pakiramdam ko at tingin ko'y anumang oras ay ilalabas ko na ang problema ko. Ang lahat ng naroroon ay nahinto at pinanuod kami, lalo na nang itulak ng Torrerong whiskey ang lalaking humigit sa akin.
"Back off," he warned. Nang lingunin ang pareho nilang nalulusaw na mukha ay nakita ko ang galit sa kanilang mga mata.
"Stay out of this mess, Torrero," sagot rin niyong nag-offer sa akin sa lalaking inagawan ako ng whiskey.
At dahil hindi ko na mapigilan ang problema ko'y umiiyak ko silang tinulak at humakbang palayo upang hanapin si Elliot. Halos mabaliw ako nang makarinig ng mura galing sa dalawang lalaki, at tuluyan na akong nabaliw nang hilahin nilang pareho ang magkabila kong braso. Ngunit mas lalo pa akong nawala sa aking sarili nang agawin ako ng binatang Torerro at bumagsak ako sa kaniyang dibdib, na isang napakalaking pagkakamali.
"What the fuck..."
Everyone gasped, and the men cursed hard when I exploded. Hindi na ako nakapag-isip pa nang magsilabasan ng camera ang mga naroroon. Flashing lights hit my wet face, at gusto ko na lamang himatayin nang oras na iyon dahil sa kahihiyan.
"Legendary night: A lost innocent drunk girl vomited on the one and only untamed, Ephraim Torrero. Good luck when you're sober, girl..."
Umatras ako at pinasadahan ang dibdib ng Torrero na aking sinukahan, at nang magtama an gaming paningin ay kulang na lamang malapa ako dahil sa talim niyon. I was about to hysterically apologize and offer to do everything for him to forgive me when Elliot arrived and took me out that messy unforgetabble place.
Ngunit bago pa sila tuluyang nawala sa aking paningin ay malinaw na malinaw sa akin ang ibinulong ng binatang Torrero na alam kong mananatiling bangungot sa aking pagtulog, "You will pay for this."