Chereads / CynderElla (Filipino) / Chapter 3 - Alec and Cynder

Chapter 3 - Alec and Cynder

Agad na hinatak ko si mama papuntang kusina. Thank God may dingding na nagseseparate ng kusina namin sa living room.

"Ma, akala ko ba mas bata sila sakin?" narinig ko ang pang-aakusa sa boses ko.

She turned to me and looked at me innocently, "oo nga mas bata sila sa'yo. Mga isang buwan ata?" napahilamos ako sa mukha ko ng di tuluyan. It's a complete misunderstanding on my part. Bumalik kami agad para asikasuhin silang kambal.

Pagdating namin sa pinag-iwanan namin sa kanila kanina, nag-uusap silang dalawa at gumagala-gala pa ang tingin ng isa. Napatingin tuloy ako sa isa pang kambal at agad na na-intimidate sa aura niya.

Hindi katulad ng kambal niya, itim na itim ang kulay ng buhok niya. Bukod siguro sa buhok at nunal parehong-pareho ang itsura nila. May kulay red na earphones ang nakasabit sa leeg nito at kung ngingiti man ito, hindi katulad ng kambal niyang puro goodvibes ang mararamdaman mo. Kung tutuusin, kabaliktaran pa nga. Nakakatakot ang ngiti nito, parang may masama siyang binabalak. Habang umiikot kasi ang paningin niya sa mga gamit namin sa bahay may ilang mga bagay ang nagpapangiti sa kaniya.

Biglang nagtama ang tingin naming dalawa at agad kong inilihis ang mga mata ko. But before I did that, I saw him smirk. Nakakapangilabot.

Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang ilahad muli ni Cynder ang kamay niya, "what's your name?" hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkindat niya saakin. Umakyat ang dugo ko sa mukha ko at napakagat labi ako. Hindi ako sanay sa mga ganito.

"E-Ella," lumapit siya saakin para marinig ako, "my name is Ella," iniabot ko ang kamay niya at umiwas ng tingin. Sinusubukan niyang makipag-eye contact saakin pero kahit anong mangyari hinding hindi ako titingin sa direksyon niya. Ang intense kasi ng mga titig niya.

"Mga iho, gutom na ba kayo? Baka may gusto kayong ipaluto saakin?" bumaling ang atensyon naming lahat kay mama na for some reason parang medyo ninenerbyos?

Ilang minutong katahimikan ang nanatili sa aming bahay bago ako balingan muli ni Cynder.

"Nice name. I like your name, Ella," ngumiti ako sa kaniya ng kaunti. Did they just both blatantly ignore my mother? No, maybe they just didn't hear her speak?

Nakita kong nilapitan ni mama ang isa pang kambal na ngayon ay at home na at home na sa bahay namin at nakahilata pa sa sofa, "ikaw iho, anong pangalan mo?"

"How old are you? I can't believe we'll be living together with a beautiful person like you!" tumango na lang ako sa kung ano mang sinabi niya. Wala kasi sa kaniya ang atensyon ko kundi kay mama. Hinintay kong sumagot ang isa pang kambal pero sinukbit lang niya ang headphones na kanina ay nasa leeg niya.

Now I'm sure they're doing it on purpose.

Napatingin ako kay Cynder at patay malisyang nakangiti lang siya sakin. I'm angry but for some reason it's hard for me to show it. Nilalamon ako ng pagkakaba ko sa mga taong ito at wala akong ibang gustong gawin kundi ang mapalayo sa kanilang dalawa. Naiiyak ako dahil hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili kong ina. Nabubwisit ako dahil kahit na gustung-gusto kong sumigaw ngayon, hinding hindi ako makakapagtaas ng boses.

Right now I'm feeling like a kettle boiling inside, wanting to burst out but I can't.

Bumaling si mama sa lalaking katabi ko, "Cynder iho, ikaw anong gusto mong kainin?" silence. He didn't even bother looking to my mom's direction.

Yet she still tried, "alam kong mahirap sa inyong tanggapin ako bilang bagong ina lalo nang two years pa lang mula ng yumao ang inyong tunay ina. Kahit kami ng anak ko mahihirapan ding mag-adjust dahil nasanay na kaming dalawa lang kami. Sana naman magkaroon kayo ng kaunting pakundangan," again, we were met by silence.

Umayos na si mama ng tayo, "kung kailangan ninyo ako nasa likod lang ako ng bahay. Naglalaba pa kasi ako," bumaling siya sa akin. "Anak, paki-tour naman sila rito sa buong bahay." Hindi na ako nakatanggi. Pagkatapos noon ay naglakad na siya palabas ng bahay.

Namayani muli ang katahimikan. Wala akong pakialam kung bigyan nila rin ako ng silent treatment dahil mas pabor pa nga iyon saakin. Nakatayo lang kami ng ilang mga minuto bago nagsalita ang isang kambal.

"So... what are we doing?" nagkrus pa ang mga binti nito at saka ko lang nakitang hindi pala ito naghubad ng sapatos. Nakapatong ang buong paa nito sa sofa naming kulay PUTI.

I wasn't aware that I was glaring at him until he glared back at me. Inaamin kong nahihirapan akong makipagsamaan ng tingin sa kaniya pero hinding hindi ako uurong, "little miss damsel in distress knows how to fight back, hm? Interesting," dahan-dahan pa ang pagbigkas niya sa mga salita.

Like what they both did to my mom, I completely disregarded his sentence, "so, what's your name badboy?" I said under my gritted teeth and cold hands. I feel like I'm putting on my almost crying face right now. Nagkandahalo-halo na ang kaba inis at pagkamahiyain ko kaya kahit na ako ramdam ko ang pagiging intense ng mga titig ko at pagcrack ng boses ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang ilihis niya ang tingin sakin. Pero hindi ko iyon pinakita sa kanila, " Alec. Now take us to our room, slave." What?!

Kahit mangiyak-ngiyak na ako sinamaan ko pa rin siya ng tingin. Pero tumawa lang siya bilang kapalit, "I was just kidding. Chill." Did he think it was time for making jokes?

Nakaramdam ako ng pag-akbay sakin, "yeah, he was just kidding, Ella. Don't be too intense," I slapped his hand away from my shoulder in frustration. I hate these twins.

Nakaramdam ulit ako ng pagkaakbay sakin kaya agad na tinampal ko agad iyon. Pero imbes na mahulog ay lalong dumiin ang pagkakahawak nito sa balikat ko. Napangiwi ako. Napatingala ako at nakitang hindi si Cynder ang nakaakbay ngayon sakin kundi si Alec. Magtataka pa ba ko? Siya lang naman talaga ang mukhang mananakit ng babae.

"I don't plan on doing something to you because you probably do not want your mother to remarry too, but keep this in mind woman," bumulong siya sakin na ikinapangilabot ko, "do something to annoy me and I won't hesitate hurting you," I subconsciously looked at Cynder for help but he just remained standing there. Bumalik ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. Oo, natatakot ako. Pero mas lumalamang ang pagkainis ko sa kanilang dalawa sa hindi nila pagrespeto sa mga may ari ng pamamahay na tinutungtungan nila.

Hindi kalaunan ay inalis na niya ang tingin saakin at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Itinuro ko sa kanila ang kwarto nila at agad na nagdial ng number ni Red nang makapasok sa kwarto ko.

[Heeelloo from the other sideeee!] napangiti ako ng kaunti sa kakulitan ng aking kaibigan. Nakakaaliw lang ang mga orihinal nitong paraan ng pagsagot sa isang tawag.

"Red."

Biglang natahimik ang kabilang linya. Ilang sandali pa'y nagsalita na siya, [May nangyari ba sa'yo?]

"Oo eh. Tungkol sa mga magiging step silblings ko..." ikinuwento ko sa kaniya lahat lahat pati na rin na step sibling ko 'yung nabunggo ko nung lunch. Nagulat at nagtititili pa siya nung una pero humupa ang pagwawala niya nang masabi ko na ang kabuuan ng storya ko. Nakahiga ako sa kama habang marahang nagpapaikot-ikot.

[Aba loko pala 'yung dalawang 'yun eh! Gusto mo banatan ko? May background ako sa pagba-blackbelt kaya kong depensahan sarili ko!] umiling-iling ako. Hindi siya nagsalita ng matagal at saka ko lang naalalang sa cellphone pala kami nag-uusap.

"Hindi, 'wag na. Masasama ka pa sa gulo namin. Family problems to," tumigil ako sa paggulong at nagmuni-muni.

[Oh, edi isumbong n'yo sa tatay nila.] I've thought about that option too but...

"Walang kaso sakin na isumbong sila kay tito London pero tingin ko hindi papayag si mama. Ayaw niya kasi ng gan'ong uri ng pangongontrol," I started playing with my hair.

"Isa pa, kapag nagsumbong kami sa papa nila, maipapakita lang naming hindi namin kayang makipagkasundo sa kanila. 'Yun 'yung gusto nilang mangyari para matigil ang kasalan nila mama at tito London at hindi ako papayag na mangyari iyon."