Chereads / CynderElla (Filipino) / Chapter 9 - Audition

Chapter 9 - Audition

After school, nag-stay kaming dalawa ni Alec sa classroom dahil sa kagustuhan ni sir Alvarez. Kami lang talagang dalawa ang naiwan at kahit na si sir Alvarez ang nagpapunta saamin dito, ilang minuto na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Ito namang taong nasa harapan ko, halatang iniiwasang makipag-usap sakin. Nakatingin siya sa labas ng bintana at umupo pa sa silyang two seats away from mine. Nasa harap ko siya so umupo pa siya sa mas malapit sa projector ng klase.

Tinitigan ko siya kahit na alam kong medyo nako-conscious na siya sa mga mata ko. Unlike his twin, hindi maskulado ang pangagatawan nito. Naconfirm kong wala siyang abs kahapon lang ng gabi. Wrong move! Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko nang pumasok sa isipan ko ang nakatopless niyang itsura kagabi. I bit my lip as I keep on shoo-ing the thoughts away. I didn't even notice he was now staring at me.

"B-Bakit?!" I didn't intend for my voice to rise so high.

Umiling-iling siya at bumalik muli ang tingin sa bintana, "you're so weird," nakita ko pa ang kamunting pag-ngiti niya.

Thump. Thump.

Nung una'y mabagal pa ang pagtibok ng puso ko pero unti-unti itong bumilis. It was his first time smiling. With his eyes. And so genuine.

He looks so angelic.

"You're mom's weird too," lalo akong napangiti nang tumingin siya saakin. He's starting to soften.

"I know. It's in her nature to love people all the time," I didn't break eye contact but he did. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para maupo sa isang upuang malapit sa kaniya. As I was about to sit down, muntikan na akong matumba kaya agad na kumapit ako sa isang desk na malapit saakin. Saktong nakapatong ang kamay ni Alec sa desk na iyon. Nagkadikit ang mga balat namin at naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente. Agad akong umayos ng tayo at napalunok pa ng ilang beses.

"By the way, you don't have your headphones with you. Is it broken?" umupo na ako ng maayos sa upuang katabi niya. He flinched for a moment but he relaxed afterwards.

"Yeah... naulanan kahapon. Akala ko gagana pa pero hindi na pala," tumangu-tango ako.

"Hindi naman kasi kailangang umuwi kang mag-isa eh. Kung nagmamadali ka makauwi, edi sana tinext mo si mama para mapasundo ka niya sa driver namin," hindi siya sumagot at napayuko na lang. Nakaupo kaming dalawa sa ibabaw ng table ng mga upuan at pinag-sway sway ko ang aking mga binti. Akala ko hindi na siya magsasalita pang muli pero narinig ko ang boses niya.

"How could I do that after weeks of treating her like nothing?"

"So aware ka sa mga pinaggagagawa mo."

"Why?" tanong ko pa, "why did you decide not to give her a chance to prove herself to you as a mother?" Tinignan niya ako ng makahulugan at naramdaman kong may alam siyang sikretong hindi ko alam.

"They do not love each other," napakunot ang noo ko, "Dad wanted someone to take care of us and your mom..." pinandilatan ko siya nang iwan niya sa ere ang mga salita niya.

"Your mom wanted someone to support her financially," a sudden realization hit me hard. Nung mamatay si papa, pati ang kumpanya naming gumagawa ng mga instrumento pinapalitan ni mama as a toy company. Natural lang na hindi niya makakayang panatilihin ang kumpanyang tulad ng gan'on gayong musika lang din ang alam niya. I stopped accepting jobs from concerts and televisions too.

Nakakainis. Nilihim saakin ni mama ang lahat ng ito? All this time she had been carrying this burden by herself!

Nanahimik lang kami hanggang sa dumating na si sir Alvarez.

"Sorry for being so late kids! " pumasok siya sa loob ng classroom. Umalis na rin ako sa tabi ni Alec.

"May inasikaso pa ako para sa future n'yo."

"What do you mean?" agad na sambit ni Alec.

"I recommended you two for the upcoming solo recital."

"What?!" Akala ko kasabay kong magugulat si Alec pero nakangisi lang siya at nakaharap kay sir.

"Thanks for the boost, sir."

Ako naman nagpapanic na rito, "sir 'wag n'yo sabihing nilista n'yo na ang pangalan ko as auditionee?"

"I did," agad na lumabas ako ng classroom. Hindi pa man ako nakakalayo may humatak na sa kamay ko.

"You know very much as I do that you cannot ever cancel an audition request once it's set," napatigil ako at nagpahila sa kaniya pabalik ng classroom.

"I know both of you can do it. Sorry sa pagiging selfish ng teacher ninyo. Ngayon lang kasi ako nagkastudents na parehas pitch perfect."

"Besides," sumulyap siya sa kamay naming ngayo'y magkahawak pa rin. Biglang parang napaso ako kay Alec at kinalas ang kamay namin, "I think Alec can cure your voice, Ella."

A few seconds later...

"You sing?" baling sakin ni Alec sabay tingin sa leeg ko. Alam kong walang malisya ang pagtingin niya pero hindi ko pa rin mapigilang mamula. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

Sir Alvarez fake coughed.

"Yes she does. She was a famous young singer back in the days," ramdam ko ang pagtanim ng mga titig ni Alec saakin.

"Dati 'yon. Hindi na ngayon. Ni hindi nga ako makapagsalita ng maayos e. Parating pabulong."

Tumangu-tango si sir habang nakangiti, "yes. That's precisely why I think being together with Alec is good for you. Hindi ko alam kung napansin mo ba 'to pero kapag tuwing kasama mo si Alec, may mga sandaling bumabalik ang himig ng boses mo."

There's no getting out from this teacher, is there?

"Hindi ko ho alam. Pag-iisipan ko."

"There's no choice to think about this. You're already signed up for auditions. You can't back out," tinignan ko si Alec.

"Pwede namang hindi rin ako sumipot, hindi ba?"

"Ella, you can't do that!" Mabilis na tanggi naman ni sir, "you know what will happen if you didn't show up. Hindi ka na pwede pang mag-audition pa sa mga future activities ng choir."

"Yes... but I don't want to ruin my self esteem I've been trying so hard to build back up by auditioning for the solo recital and failing hard to get the spot."

Silence.

Hinatak ko ang kamay ni Alec kasama ang mga bag namin at lumabas na ng classroom, "see you tomorrow, sir Alvarez!"

*

I'm thankful that Alec didn't go against my will when I pulled him towards our car to go back home. Parehas kaming nasa back seat ng kotse.

Sumandal ako sa pinto ng kotse at nag-isip. Actually, walang kahit na anong pumasok sa utak ko. I just need time to process all that happened. I so badly want to audition for the solo but right now, I don't think I can do that.

"So... did something happen to your voice?" Dumiretsyo ako sa pag upo. Himala, siya ang nagsimulang magtanong ngayon.

"It's more psychological than physical. Sabihin na nating takot akong kumanta ulit."

He stared at me for a while and then he finally asked, "why?"

"Because music is my expression. Hindi man siguro halata pero medyo unstable pa ako. I think don't want people to see that."

"You think?"

"Oo. Hindi ko naman talaga alam kung bakit biglang hindi na ako makapagsalita ng maayos. Trying to rationalize what happened makes me feel in control of the situation."

He nodded and we let silence befall us. Ngayon ko lang narealize na kumportable na pala akong makipag-usap sa lalaking ito. Hindi na ako nakakaramdam ng kaba na baka husgahan niya ako.

"Why didn't you play other instruments? With your ears it should be pretty easy to learn how to play an instrument," I smiled at him.

"I can't do anything else besides singing," I tried playing various instruments but I didn't feel connected to any of them. Hindi ko na sinabi ang pagkakaroon ni mama ng trauma sa mga bagay na may kinalaman sa music. Baka kung ano pang gawin ng lalaking 'to mabuti na 'yung nakakasigurado.