Before going to class, I opened my locker to get my books. Pero imbes na libro ang unang makita ko, sangkatutak na mga bato ang umapaw sa locker ko.
"Is it him again?" tanong ni Red na nakakunot na rin ang noo. I am so close to exploding with anger at Alec's childish games. It's already been two weeks since they first moved to our house and they continued on disrespecting my mother. They wouldn't answer when she asks them questions, they would purposely make mess after eating and Cynder kept on inviting girls at our house. After a few days I couldn't take it anymore and I smacked both of their faces.
Yes, you read that right. I smacked them. I smacked them as tears roll down my face. Nakakabwisit kasi. Sinabihan ko pa silang 'wag silang aasta-astang amo sa bahay namin dahil nakikitira lang sila. Hindi natinag si Alec at ininsulto pa si mama. Nasabi ko tuloy na hindi siguro sila tinuruan ng ina nila ng maayos kaya ganoon ang ugali nila at kaya napalitan siya ng ama nila. After that, the twins went silent and Alec declared war against me.
Kaya ayun, simula pagtungtong nilang dalawa rito sa school namin, ako na palagi ang napapagtripan ni Alec. At ang bwisit ko namang mga schoolmates na mabilis pa sa ihip ng hanging maimpluwensyahan ng dalawang gwapong tao, sinapawan nila si Alec sa panunudyo sakin. I could've easily reported them to the principal but I didn't want them to get their way. I will not allow them to stop the marriage between my mom and uncle London.
Somebody snorted to my right and I instantly knew the terrible person, "why are you so childish? I don't get why you're so badly against your dad remarrying," tinanggal niya ang headphones niya at tumingin saakin ng diretsyo. I can find myself bursting any minute. Nakakainis na hindi siya makipag-usap ng maayos sa ama niya kung ayaw niya itong magpakasal muli. Nakakainis na hindi ko mailabas ang galit ko sa kaniya ng maayos dahil sa pagkakaba ko. Nakakainis na hindi ako makasigaw dahil hanggang ngayon pabulong na boses pa lang rin ang lumalabas mula sa bibig ko.
Itinaas niya ang isang kilay niya at ngumisi saakin, "hindi ako ang may gawa niyan," he then gestured towards a group of girls staring at us and my blood pressure went up a notch. Lalong sumama ang tingin ko kay Alec.
"You know they're doing it to suck up to you," ngumisi siya ng pang-asar na lalo kong kinainis. Lalong dumiin ang pagkakagat ko sa labi ko.
I felt a hand brushing against my chin and I looked up to see the other twin of my nightmare. His blond hair was shining brightly as usual. "'Wag mong kagatin ng todo labi mo baka magsugat 'yan," tumaas na lang ang kilay ko sa kaniya. Itong isang 'to, akala mo kung sinong mabait sa una pero katulad din pala ng kambal niya.
Sa mga araw na pinapahirapan ako ng kambal niya, nakatayo lang siya sa gilid namin at malamig na nakatingin saakin. N'ong isang araw pa ngang inakala kong tutulungan niya ako, sinabi niya saking, "sorry but I can't help you dearie. Right now you're starting to annoy me too," nakangiti pa ito habang sinabi ang mga katagang iyan.
Inilayo ko ang ulo ko sa pagkakahawak niya. Hindi ako makapaniwalang muntikan ko nang magustuhan ang lalaking ito two weeks ago. Mabuti na lang at mabilis nilang naipakita ang tunay na kulay nila.
"Don't act so concerned about me, playboy," I whispered-yelled. I tapped my foot impatiently when I didn't get the reaction I want from Cynder. My voice didn't have an ounce of strength to it at all. So I glared at him as hard as I can instead.
"Isa lang ang masasabi ko sa inyong dalawa. Hinding-hindi ninyo mapipigilan ang magpapakasal ng ama ninyo sa ina ko," kinuha ko na ang libro ko at sinarado ang locker ko.
"Ang galing!" pumalakpak pa si Red n'ong nasa classroom na kami. Napatingin ako sa kaniya, "nasasagot mo silang dalawa! Ako nga hindi makahuma sa kagwapuhan ng dalawang iyon e!" sinamaan ko siya ng tingin at dumiretsyo na sa upuan ko. Pero hinatak niya ang kamay ko.
"Joke!" tinignan ko siya para bitawan ang kamay ko pero hindi siya bumitiw. Sumeryoso ang mukha niya at sinabi saakin ng mahina, "pero seryoso, nag-improve ka mula nang makilala sila. Your emotions are coming back and I'm happy for you. Dati kasi puro lungkot ang nakikita ko sa mga mata mo," napailing ako. Hinatak niya ako para maupo sa silyang katabi ng upuan niya.
"Improvement ba ang tawag sa gustong pagpatay sa ibang tao?" sumikip na naman ang dibdib ko sa inis ng pagkakaalala sa kambal na iyon.
"See? You're answers are sounding livelier now! Maybe you can even learn how to sing again!" I pursed my lips and after a few seconds she realized she had opened up a taboo subject for me.
"Sorry! Ano kasi... gusto kitang marinig na kumanta ulit..." napatakip siya sa bibig niya, "change topic..." malungkot niya pang saad bago masiglang nagkwento ng kakaibang naging umaga niya ngayong araw. Red used to be one of my die hard fans back in the days when I still did singing for a living. Siya nga lang ang tanging taong todo-effort na makipagkaibigan saakin. I used to get annoyed by her persistence but eventually I got used to her. She was there through the lowest of my lows. Now we're the best of friends and I will never trade her for someone else.
*
Nagising ako ng alas dos ng madaling araw nang may marinig akong tunog ng maingay na makina na parang isang malaking truck mula sa labas ng bahay namin. I'm sure my mom is not rude enough to bring a huge truck to our house during the dawn without telling us about it first so I'm pretty sure it's one of the twins. Marahas akong napabuga ng hangin at tumayo mula sa pagkakumportable sa kama ko.
I feel like I'm taking care of a bunch of kids.
Naiinis na naglakad ako papuntang labas ng bahay namin sa aking pantulog. Pero bago pa man ako makalabas, may isang bagay na nagpakabog ng dibdib ko.
Piano...
Matagal ko nang pilit binura sa isipan ko ang instrumentong ito kasama ng musika.
Anong ginagawa nito rito?
Nagmartsa ako palabas ng bahay at nakita kong nakikipag-usap si Alec sa dalawang mamang marahil ay nagdala ng piano sa loob ng bahay namin.
Nang makaalis na ang mga mama, nauupos na humarap ako kay Alec, "hindi ka ba talaga titigil sa pagpapahirap mo sa mama ko ha?!" pakiramdam ko lumabas ang lahat ng ugat ko sa leeg sa galit at pati ang boses ko ay nagkaroon ng kaunting taginting.
"Anong pinagsasasabi mo?" lalong sumiklab ang galit ko sa pagmamaang-maangan niya. Lumapit ako sa kaniya at kinwelyuhan siya.
"Get your piano away from my mom's house," diniinan ko ang bawat isang salita na binigkas ko para matatak sa utak niya.
The anger on my eyes reflected on his.
"Paano kung ayoko?" nakipagsukatan muna ako ng tingin sa kaniya bago maintindihang hindi madadaan ang lalaking ito sa santong dasalan. May kung anong takot ang nabuhay sa loob ko. Ayokong makita ni mama ang piano na ito at all costs.
"Then I'll just have to break it," dumiretsyo ako pabalik ng living room namin at kumuha ng martilyong nakatago sa toolbox namin sa ilalim ng center table ng living room. Itinaas ko ang martilyo para umamba.
Pagkatapos ay buong lakas kong hinampas ang martilyo sa kahoy na parte ng piano. Nabasag ito at makikita na ang mga string ng piano. "What the fuck are you doing?!" tinabig ako ni Alec sa isang tabi. Kahit na naririnig ko ang paulit-ulit na mura niya saakin, hindi ko pa ring mapigilan ang umaapaw na mga memorya ng masayang pamilya ko dalawang taon pa lamang na nakakalipas.
I stared in awe to my parents who seemed to be shinning together under the sun. Nasa garden kami ng bahay at pinalabas nila ang piano namin para magpatugtog sila katabi ang bawat isa.
Nakita ko ang pagmamaniobra ng mga magulang ko sa iisang piano at napapa-hum ako sa banayad na tunog na nililikha ng aking mga magulang ng sabay.
I was amazed at how they were able to synchronize themselves and produce a very enchanting sound. I've tried playing piano with my Dad before and the sound we made together is nowhere near as beautiful as the sound my mom and dad make together.
The wind blows as I watch my mom laugh and smile with her charming eyes as my dad swayed his head to the melody of the song.
By that time , I was trembling. I don't know if it was joy or inspiration or both I was feeling but I opened my mouth, and as natural as it can be, I started singing.
Bumalik ako sa realidad at sinalubong ng Alec na nandidilim ang mga mata. Nakakulong ako sa mga braso niya at nasa likod ko ay dingding, "I warned you once. I have no problems hurting you and I fucking will."
"You can't," tumitig ako sa mga mata niya, "you can't hurt me because you're a coward. You can't even tell your father you didn't want him to remarry another woman besides your mom again," I bit my lip to bite back tears.
"You do not have the guts to face your father. Such a shame," tinulak ko ang braso niya para makalaya mula sa kaniya at naglakad pabalik sa kwarto ko.
"I don't want to hear that from you. Someone who cannot speak for herself without trembling in fear," napatigil ako sa paglalakad at bumalik sa kinaroroonan niya.
"At least ako nag-iimprove," I said exactly what Red had said, "do you remember the me from when we first met to the me you're talking to right now? I've become more outspoken haven't I? Unlike you who cannot face your problems head on, at least I'm trying to improve." Pinagdiinan ko pa ang huli kong pangungusap.
Tumawa siya na lalong ikinakunot ng noo ko, "what makes you think I don't want my dad to remarry?"
"Pinalitan ni tito London ang Mom mo sa Mom ko dahil wala nang pag-asang magkabalikan sila. In short, Mas mahal na ngayon ni tito London si Mama," he flinched, "see? Isn't that proof enough?"
Pagkatapos noon ay tumalikod na ako ng tuluyan sa kaniya. Pero bago pa man ako makaakyat sa kwarto ko, narinig ko ang mahina niyang pagsalita, "he didn't replace my mom. My mom can't go back anymore. She's dead."