Chereads / CynderElla (Filipino) / Chapter 7 - Alec

Chapter 7 - Alec

"Are you satisfied now?" ngumiti siya sakin ng nang-aasar at hindi na ako makahulma, "though I don't think you can determine whether I was right or not," it was my time to smirk. This time, it was his words that failed. I'm not about done arguing with him.

"Really? Oh, I can hear plenty. Just because you have that gift doesn't mean your the only person in the world to have it," tumaas ang isang kilay niya. I knew he wouldn't believe me. "Test me," taas noong sambit ko. He was taken aback by my confidence but he couldn't give in for sure.

He had no choice but to sit in front of the piano and push in a key for me, "D4"

"B1"

"A2" he's trying to throw me off by pressing in notes that are next to each other. He pressed in notes again and I know this time it's a mix of three notes.

"D5 flat C5 A4 sharp all at the same time," lumingon siya sakin ng nakanganga at kinindatan ko siya. Ew. Ako? Ella Makahiya. Kumindat? Kahit pa nang-aasar ako ew lang. Nagagaya na ako kay Cynder. Nakarinig kami ng pagpalakpak at bumungad samin ang manghang ekspresyon ni sir Alvarez.

"That's enough, kids. Return to your seats," tahimik na naupo na si Alec sa upuan niya. Kanina'y tinapunan niya pa ako ng tingin na kakaiba. 'Yung tingin na parang gusto niyang makipag-usap sakin. I won't be surprised. Even I, after all that ordeal, wanted to talk to him. It's not everyday occurrence that you see someone like yourself you know?

*

I was watching TV inside our house when it started pouring outside. My mom peeked through our kitchen, "naku anak. May payong ba na dala 'yung dalawang 'yun?"

"Wala ma."

Nakarinig ako ng paglakad ay mamaya pa'y nasa harap ko na siya, "paano kung magkasakit sila? May number ka ba nila anak?" umiling-iling lang ako. Palagi namang late dumating sa bahay ang mga iyon eh. Si Cynder pa nga kadalasan nagdadala ng babae sa loob ng bahay. Ayoko lang isipin kung saan niya ginagawa ang kababalaghan niya dahil kahit saan man niya gawin iyon sa pamamahay namin, nakakadiri. Iisa lang ang kwarto nila ni Alec kaya kung doon siya gumagawa ng kababalaghan, either na nakikihalubilo si Alec sa kaniya o ayos lang sa kaniyang marinig ng kapatid niya ang ungol nila ng babae niya.

Kung sa labas naman ng kwarto nila siya gumagawa ng kababalaghan... nangilabot ako. Kung gan'on nga ang nangyari, ibig sabihin nakaupo ako ngayon sa place of action nila. Hinampas ko ang noo ko para hindi na makaisip pa ng malalaswang imahe.

"And it's not like they can already drive either," my mom paced back and forth in front of our TV screen. Hindi tuloy ako makapanood ng maayos.

"Ma." Tumigil siya sa pagpapaikot, "malalaki na sila, kaya na nila sarili nila," sila 'tong ayaw magpasundo sa driver namin eh. Kasalanan na nila 'yun kung mapahamak man sila.

Mom looked at me with disbelief in her eyes, "honey, since when did you not care about other people? And they're not just any other people, they are your step siblings!" I tried my best not to answer her question with: Since the moment they decided to not respect you. Pero hindi ko sinabi. Panigurdong pipilitin niya akong okay lang siya. Paano siyang magiging okay kung hanggang ngayon ni isang salita man lang wala siyang narinig na sinabi nila para tanggaping nag-eexist siya sa mundong ito?

I just shrugged and rationalized it for her, "hindi naman siguro sila magpapakabasa diba?"

Ding dong

My mom dashed to our front door, "Alec! Naku, basang-basa ka!" guess I was wrong. Tumakbo si mama sa taas para kumuha ng tuwalya at sinulyapan ko si Alec. Basang-basa nga siya. Pati 'yung headphones niya na nakasabit sa leeg niya basa na rin.

Nakita kong papasok siya ng bahay habang tumutulo pa rin ang damit niya, "can you for once let my mom take care of you?" hindi ko na naitago ang inis sa boses ko, "she was so worried about you and your twin when you both do not even the slightest bit, deserve her worry."

He didn't make any noises, probably as tired as I was of all this conflict inside this house but he didn't move either. Bumaba na si mom na may bitbit nang tuwalya at nagkandarapa pang dumiretsyo kay Alec. Pinagmasdam ko kung paano sumunod ang mga mata niya sa mama ko habang pinupunasan ang ulo niya.

"Naku, baka magkasakit ka!" iniabot na ni mama ang tuwalya sa kaniya at pinunasan niya naman ang katawan niya bago pumasok sa bahay namin.

"Hala sige, magshower ka muna at ipagtitimpla kita ng mainit na tsokolate," mom nudged him towards our bathroom downstairs and he obeyed like a tamed puppy. I feel my heart lighten a little bit. Ang charms talaga ni Mom sobrang tindi! Bumaling ako muli sa panonood ko.

"Naubos na ni Cynder 'yung body wash sa banyo," nanigas ako at muntik nang mapatalon nang makalanghap ako ng preskong amoy ng shampoo mula sa likod ko. I didn't dare look back but I'm guessing he's leaning towards me since the water from his hair is dripping on my shoulder. Ow syet nararamdaman ko rin ang paghinga niya. And I didn't see him get clothes from their room earlier so I'm greatly sure he's half naked right now with the towel covering his lower part.

"T-teka lang kukuhanin ko!" I calculated my moves so that when I turned around, it wasn't him I'm looking at. Nang makita ko ang hagdan, dali-daling tumakbo ako paakyat.

"Arrgh," bumuntung hininga ako nang makatapak ako ng maayos sa itaas ng bahay namin. Hindi ko alam kung parte ba ng pang-aasar niya sakin 'yung nangyari kanina o hindi pero asar lang! Hindi ako sanay sa mga lalaki! Lalo na kapag kasing lapit katulad ng kanina.

Kumuha ako ng isang extrang body wash mula sa cabinet ng banyo namin sa taas at nagpanic nang pababa na ako.

WAIT. Wait. Wait.

Paano ko sa kaniya i-aabot 'tong body wash? Gusto kong pumikit pero ayokong magmukhang tanga sa harap niya. Baka bigla niya pang ipang-asar sakin 'yun at tuluyan ko na siyang mabura sa mundong ito.

Ay basta. Act cool nalang.

Act cool. Tumungtong na ang paa ko sa sahig. Nasa baba pa rin ang tingin ko. Act cool.

Huminga ako ng malalim at tumingin ng diretsyo sa mukha niya, "ito na 'yung... bodywash n'yo," NO! Biglang lumipat ang tingin ko sa katawan niya ng ilang segundo pero bumalik na agad sa mukha niya. I'm sure he noticed it! He's not going to let it go!

Pero mali pala ako ng hinala. Kinuha niya lang sakin ang bodywash at bumalik na ulit sa cr para magshower. He looked kinda distracted too. I shrugged it off and thanked God he didn't seem to make a big deal out of it.

*

8:30 pm ng Huwebes. Blackout. Saktong pagbalik ni Alec sa kwarto niya galing shower ang pagba-black out. Simula n'on hindi na siya lumabas pa ng kwarto niya.

Ngayon, nasa harap kami ni mama ng kwarto niya at hawak ni mama ang mainit na tsokolateng sinabi niyang gagawin niya para kay Alec. Ako naman, hawak ang isang kandila para ilawan kaming dalawa. Sa bahay na ito, isa lang ang kandila namin kaya bukod sa gusto naming ibigay 'yung hot chocolate ni Alec, balak din naming palabasin siya para hindi kaming lahat mahirapan makakita. I guess he have his phone so he should be fine but mom said his phone might be dead or it might be broken because of the water from the rain so we can't know for sure.

We knocked on his door but he didn't answer. We decided to go inside.

"Hindi kaya magalit siya?" bulong saakin ni mama.

"'Pag nagalit pa siya ngayong siya naman 'tong dinadalhan natin ng hot chocolate aba, mahiya naman siya," tumitig si mama saakin bigla at nanahimik.

"What?"

"You kinda changed Ella. You're going back to the old you and I'm happy about that," I didn't know how to react so I smiled back at her. Pagkatapos ay kinuha ko ang hot chocolate mula sa kaniya.

"Ako na ho papasok." Iniabot ko naman sa kaniya ang kandila at ginamit ang flashlight ng cellphone ko. I turned the knob and it was open. I nodded at my mom as I got in and closed the door.

Kamuntikan pa akong matapilok sa hanger na nagkalat at muntikan na ring matapon ang hot chocolate pero thankfully, hindi naman nangyari iyon. Ipinaikot ko ang aking flashlight at nakita siyang nakatalukbong ng kumot sa kamang nasa kanang parte ng room.

Ipinatong ko ang hot chocolate sa mesa na naghihiwalay sa dalawang kama at sinundot siya, "huy. Andito na hot chocolate mo," he didn't respond. Siguro natutulog. Paalis na ako nang kwarto niya nang biglang kumidlat ng malakas. Nakarinig ako ng impit na hiyaw na sigurado akong hindi saakin nanggaling.

Hindi rin kay mama.

Dumapo ang tingin ko sa kumot na nakaumbok na ngayon at parang nanginginig. Is he afraid of lightning? Tinext ko si mama at sinabing ako na ang bahala. Lumapit ako muli sa kama niya. This time hininaan ko ang paghakbang ko.

Marahas kong hinatak ang kumot mula sa kaniya at sinalubong ako ng mukha niyang puno ng takot. When he saw me, his facial expression hardened like his usual one but he wasn't about to fool me.

"What are you doing in my room?" I'm surprised his voice wasn't trembling. He could've fooled me if I didn't see his initial expression.

"Nothing," umupo ako sa gilid ng kama niya at tumitig sa kaniya. Even he have troubles to live with. Kaya siguro hindi magawang magalit sa kanila ni mama dahil alam niyang may pinagdaraanan din ang mga ito. But I still don't accept their attitude towards my mom.

"Can you leave?" naiinis niyang sambit saakin matapos ng ilang minutong katahimikan. Dumagundong muli ang kidlat at nakita ko kung paanong nagbago ang ekspresyon niya. No, I can't leave just yet.

Pasalamat siya tinuruan ako ng ina kong tumulong sa mga kapwang nangangailangan ng tulong. Inabot ko ang kamay niya at kinulong ito sa dalawang kamay ko. What he needs is support right now. I don't know what happened to him but he had this expression that I just couldn't leave.

The same thing happened to me a few days just after my father died. I shut off all the people from my life and stayed locked inside my room. I pushed people away but later on I realized I wanted someone beside me.

Tumawa pa siya, "ano bang ginagawa mo? Para kang tanga alam mo 'yun?" I silently looked into his eyes and he looked away. Naiintindihan ko na kung bakit siya lumusong sa ulan at hindi naghintay sa paghina nito bago umuwi. Naiintindihan ko na kung bakit sobrang tahimik niya kanina nung umuwi siya. Takot siyang kumidlat. Lalong takot siyang madatnan ang kidlat nang wala siyang ibang kasama.

"Again, please, for now, don't be the stubborn person you are," even if I didn't want to whisper, I ended up whispering my words. Nakipagtitigan muna siya sakin at kumidlat na naman kaya napisil niya ang kamay kong hawak niya.

Lumambot ang ekspresyon niya at tumango ng marahan saakin, "okay." Pagkatapos n'on ay humiga muli siya sa kama niya habang hawak k.o ang kamay niya at tuluyan na siyang nakatulog.