Chereads / CynderElla (Filipino) / Chapter 2 - Cynder Brothers

Chapter 2 - Cynder Brothers

Nung matapos na ang lunch, bumaba na kami ni Red ng rooftop. As we were walking past the bulletin board, I couldn't stop myself from taking a peek, maybe even stare at the biggest poster posted on it. Sabi magpapa-audition daw sila para sa mga bagong member ng choir na kaya rin daw magsoloist.

Every three months nagpapaskil ang choir ng sarili nilang poster sa bulletin board about either audition para sa mga gustong sumali o kaya naman para sa mga concert nila inside at outside the school. Actually, our school's choir is the best in the whole region of Luzon. Talagang bigatin ito at hindi basta kung sino lang ang nakakapasok. Pati ang pagti-train nila at pagbu-build ng stamina ay intensive.

Do La La

Sol Mi Re Re

Do Fa Ti

From the 5th octave pitches of the wind chimes to the 1st octave pitch of a car engine passing by, I can put labels to their sound accurately. Nung malaman kong hindi lahat ng tao nakakarinig ng mga naririnig ko, bigla akong na-excite at simula noon palagi ko nang pinapangalanan ang mga random pitches na naririnig ko sa araw-araw. Pero hindi ko naman bawat oras ginagawa 'to. Minsan lang sa isang araw kapag medyo bored o lutang ako.

I let out a moan when I bumped into something hard and landed on my bottom. Gulat na tumakbo si Red papunta sakin, "Ella! Talaga nga naman." Inalalayan niya akong tumayo at saka ko lang nalaman na tao pala ang nakabanggaan ko. I looked up to the guy towering me.

It wasn't someone from this school. Naka denim shirt ito at white v-cut underneath. To match his top clothing, he wore black pants and black wristwatch.

Ngumiti siya sakin at nabato ako sa lugar ko, "s-sorry..." sinuklay niya ang blond niyang buhok at parang nagpacute (?) sakin.

"Ayos lang miss. Mabango ka naman e," kinindatan niya ako at pakiramdam ko nasilaw ako sa aurang ibinibigay niya. Kahit blond ang kulay ng buhok niya, asian na asian ang mukha niya with his milky white complexion and the cute mole under his lip. Sinubukan kong ngumiti sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Akala ko iyon lang ang gagawin niya pero bigla niya akong hinatak papunta sa maskulado niyang katawan at hinalikan sa pisngi, "I need to get going. See you, pretty lady!" Naiwan akong nakatulala hanggang sa maglaho na siya sa paningin namin.

"What the hell just happened," tinapik ako ni Red at ginabayang maglakad papuntang classroom namin.

"I have no idea," hindi pa rin ako makarecover sa lalaking iyon. "Red..." unti-unting nag sink in sakin ang lahat ng nangyari at bawat segundo papula ng papula ang mukha ko. "Did he just kiss my cheek?!"

Pumasok na kami sa classroom at eto ako ngayon hindi pa rin makarecover. Late na kami ng dahil sa lalaki kanina. Nakita kamng pumasok ng teacher at papagalitan na sana niya kami pero nakita niya ang pamumula ng mukha ko. "Ella ayos ka lang?"

"Opo. May nangyari lang po ng kaunti..." tumango ito ng marahan.

"Okay, take your seats you two. 'Wag na kayong mali-late sa susunod," tapos ay narinig namin ni Red ang pagprotesta ng mga estudyante. Kesyo may favoritism daw si Sir Alvarez at unfair daw ito. Nagkibit balikat na lang kami at umupo sa mga upuan namin. It's always like this.

"Ang lakas talaga ng hatak mo kay sir," sabi ng lalaking katabi ko. Halos kaming dalawa lang sa kanang bahagi ng likod dahil bakante ang dalawang upuang nasa harap namin. Ngumisi ako sa kan'ya.

"Class! Quiet down!" agad na natahimik kaming lahat nang magtaas ng boses si Sir Alvarez. Hindi man halata dahil sa trato niya sakin kanina, si Sir Alvarez ang isa sa mga terror na teacher sa school na ito. At first he treated me like all his other students too, but then he suddenly turned all soft on me. Siguro dahil ngiti ako ng ngiti sa kaniya kahit pa man naninigaw na siya.

"Okay students, I want you to take your instruments out and imitate the melody," may kung anong kinalikot ito sa laptop niya at ang mga estudyante naman ay nagsikuhaan ng instrumento nila- mula cello hanggang flute pati na rin vocal chords- 'yung mga kayang magproduce ng pitch.

Our section is a special section which as you can see is full of people who study music. May mga special subjects din na tungkol sa musika ang ipinalit sa mga subjects na katulad na lang ng MAPEH at Home Economics.

Pinagmasdan ko kung paano maghirap ang mga kaklase ko sa pagkokopya ng melodyang pinatunog ni Sir Alvarez ng isang beses lamang. Napahalumbaba ako sa kinauupuan ko, this task is pretty easy. Kung makakanta lang sana ulit ako...

'Di kalaunan ay dinagsa na ako ng tao para tanungin tungkol sa tamang pitch ng melodiyang pinarinig ng aming guro.

*

I knew something was up the moment my mom called me Ella and asked for me to stay downstairs in our living room with her.

"Bakit ma?" humarap siya sakin at nakita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya. Tinanggal ko ang shoulder bag na nakasabit sa akin at saka umupo sa puting sofa namin. Umupo naman si Mama sa tabi ko.

"Anak, pasensya na't ngayon lang ulit kita sasabihan ha. Medyo mabilis kasi ang pangyayari at kahit man kami ng tito London mo ay ngayon lang namin napagplanuhan ito," tumango ako.

"Kasi, 'yung kumpanya ng tito London mo, inoffer-an siya ng malaking halaga kung papayag siya na mag-opera ng isang pasyente sa US. Wala na kasi silang mahanap na doktor na makakagamot sa pasyente kaya kinontak nila si tito London mo. You might not know it, but he is an exceptional doctor," gumala ang mata ko papunta sa 80 inches flat screen tv ng bahay namin. Okay, I get that he's out of town right now due emergency, so...?

Then I remembered he had twins. Napailing ako sa naisip ko. Sana naman hindi, ayaw ko ng magulo sa bahay.

She continued speaking, "I urged him to take this once in a lifetime chance but he was concerned about his boys. Without him, no one's going to take care of them," yep. Right now I'm about 99 percent sure that uncle London's children are going to be staying here for a while.

I don't know why but I just can't get along well with kids.

I guess it's going to be okay if they don't bother me...

"He was planning to get a relative to watch over them but the boys wanted to stay at our house. They wanted to get to know their new sister and mom he said," something crawled up my skin when she said 'wanted to get to know'. Darn extroverts. Sila ang mga hadlang sa aking introverted na buhay!

"So, kelan po sila darating dito?"

She broke eye contact with me and looked a little bit nervous, "actually... now na," as if on cue, pagkatapos niyang sabihin iyon biglang may nagdoorbell sa labas ng bahay namin. Nagkatinginan kaming dalawa at nawala ang lahat ng dugo ko sa katawan.

"CR lang ho muna ako!" pinulot ko ang shoulder bag ko at dire-diretsyong pumunta sa CR sa baba ng bahay namin.

Pagkapasok ko ng CR sumandal ako sa pintuan. Hay kung pwede lang sanang magkulong na ako rito habang buhay.

I'm not very good at meeting new people. Lalo na kung unexpected ang pagmi-meet namin. Kahit pa bata sila medyo natatakot pa rin ako kasi baka pangit ang impression ang makuha nila sakin. Mahina pa naman akong magsalita.

"Ella andito na sila!" muntikan na akong mapatalon sa gulat ng pagtawag sakin ni Mama.

"And'yan na ho!" huminga ako ng malalim. Ifinlush ko ang inidoro at nagkunwaring naghugas ng kamay. Binilisan ko na ang pagkilos ko dahil baka kung anong maisip nilang ginagawa ko rito 'pag nagtagal pa ako.

Nagpunas ako ng kamay at sinalubong ng tatlong presensya sa harap ko.

"Anak, meet your would be brothers," I saw her gesture to them in my peripheral vision. My center focus isn't with my mother but the two guys not boys standing in front of me, especially the guy to my right. Nabato ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung tatakbo ba ako palayo sa kung ano mang nangyayari ngayon o kuhanin ang unan mula sa aming sofa at magtakip ng mukha at kahihiyan?

Blond hair, cute mole under his lip.

One of the two unknown people standing before me was the guy who flirted with me this morning.

"Hi, I'm Cynder." Ngumiti ito ng pagkalapad-lapad saakin na parang ineexpect na niyang makita ako.